March 23, 2021
Moderated by Sec. Harry Roque:
Lumalakas na naman po ang ingay sa pulitika. May ilan pa na nananawagan na buwagin ang IATF on COVID-19.
Ito ay sa gitna ng pagtaas ng mga aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ang lahat po ng desisyon ng IATF ay nakabase po sa siyensa.
Well, si Dr. Edsel Salvana at Usec. Vergeire na po ang nagsabi na isa sa napakalaking dahilan sa pagtaas ng mga kaso ay dahil sa mga bagong variant.
Tanggapin natin o hindi, nag-mutate ang mga virus at hindi naman po siguro kasalanan ng IATF na nag-mutate ang mga virus sa paraan na mas nakakahawa sila.
Hindi lang naman po ang Pilipinas ang nagkakaroon ng ganitong spike ng mga kaso.
Ang new variants din po ang dahilan kung bakit nag-lockdown sa France at sa Poland. Mahigpit din po sa Hungary, Bulgaria at Bosnia. Samantala, pinag-iisipan po ng kanilang Alemanya (Germany) ang paghihigpit muli.
Dahil dito, direktang hinarap ng inyong IATF ang variants sa pamamagitan ng pagpapatupad ng additional restrictions simula kahapon.
Mararamdaman po natin ang epekto hindi sa ngayon, hindi po bukas kundi sa pagkatapos ng incubation period ng virus sa loob ng dalawang linggo.
Now, kilala naman po natin na ang anyo ng ating kalaban na COVID-19. May higit isang taon tayo na naririyan ang virus kaya pinag-igting po natin ang ating testing.
Mula sa isang lab noong February 2020, nagkaroon na tayo ng 229 labs as of March 19, 2021.
Mula 3,000 daily test noong Abril 2020 ay naging 50,294 test na ang naisagawa natin kada araw ngayong Marso. Hindi po 'yan incompetence.
Dito sa Metro Manila, mayroon tayong bed capacity na mahigit 6,595 habang ang ating temporary treatment and monitoring facility (TTMF) ay nasa 83.
Patuloy po ang pagbaba ng ating case fatality rate. Ayon po sa DOH case bulletin kahapon, nasa 1.93 o 2% ang ating case fatality rate.
Kung ikukumpara po, mas mataas po ang CFR ng ibang bansa tulad ng Brazil, Russia at France kaysa Pilipinas.
Nananatili po ang bansa na nasa ika-30 pwesto sa buong daigdig.
Bago po ang March 2021 na nangyari po ang spike, nasa ika-31 po tayo.
Sa active cases talagang dumadami po. Bago po ang spike, tayo po ay pang-41 worldwide ngayon po ay nasa 26.
'Yong cases po per 1 million population, nanatili po tayo sa ika-135 in the world.
Sa Case Fatality Rate naman po tayo ay bumaba tayo to 70 from 65th place.
Ito po ang patunay na nagagawa ng IATF ang kanilang trabaho.
Huwag naman po natin sanang maliitin ang sakripisyo ng mga doktor at government workers na bumubuo ng IATF.
Ang IATF ay whole-of-government approach, bawat ahensya kasama ang ating mga lokal na pamahalaan ay may kinalaman sa mga desisyon, aksyon nito. Maging patas at objective tayo.
Nagbigay ng kanyang regular talk to the people address kagabi si Pangulong Rodrigo duterte.
Ipinaliwanag po ng Pangulo na bagama't mabilis ang pagtaas ng mga kaso ng COVId-19 sa bansa ay hindi po maaring muling isara ng pamahalaan ang ekonomiya.
Kinakailangan po na ibalanse ang kaligtasan ng mamamayan at ang hanapbuhay.
Binigyang-diin ng Pangulo kagabi na wala sa pamahalaan ang COVID funds na pambili ng bakuna.
Wala pong hawak na cold cash ang gobyerno.
Ang pondong inutang po ng pamahalaan ay nanatili sa poder ng mga nagpapautang na bangko.
Kung mayroon po tayong ibababayad, diretsong ibabayad ito ng bangko doon sa mga vaccine manufacturers.
Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez III, nasa 82.5 billion pesos ang perang inilaan para sa COVID-19 vaccination program.
Now, kung saan napunta 'yong mga iba pa nating inutang na pera, well, 250 billion po ang ginastos natin sa Social Amelioration Program o SAP.
Gumastos po tayo ng 3.8 trillion pesos hanggang 4.23 trillion pesos para sa ating mga health workers at iba pang programa na nakatutok po sa COVID-19.
Ipinag-utos din ng Pangulo na tugunan ang napababalitang 3 araw na delay sa pag-release ng swab test results ng returning OFW.
Ipinaliwanag po ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na ang delay ay dahul sa naantalang processing sa Philippine Red Cross na sa ngayon po ay natugunan na.
Inireport naman po ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr na nasa kalahating milyon hanggang isang milyon kada linggo ang mababakunahan simula sa susunod na buwan, Abril dahil sa pagdating ng mga bakuna.
Regarding RA 11525 or COVID-19 Vaccination Program Act of 2021:Meron na pong batas na nagsasabing gobyerno ang magbabayad sa side effects ng bakuna. Ito ang dahilan kung bakit kahit pinapayagan natin bumili ang private sector ng bakuna, kailangan dumaan pa rin sa tripartite agreement. Bakit po? Wala pa pong commercial use na bakuna. Mayroon lang po silang EUA.
Hindi pwedeng walang pananagutan ang pribadong sektor dahil nakasaad sa Saligang Batas, may exemptions: Ito ang willful neglect at gross negligence.
Ang DTI po ay nagsabi kahapon na bagama't hindi po kasama sa mga ipinagbabawal na negosyo (na mag-operate) ang mga gyms, spas at internet cafes, mayroon po silang colatilla. Sarado po sa susunod na dalawang linggo ang mga gyms, spas at internet cafes.
Alinsunod po ito sa guidelines ng DTI na nagbibigay ng kapangyarihan sa mga LGU ang mga gyms, spa at internet cafes.
Nagbotohan na po dito ang mga Metro Manila Mayors.
Sec. Karl Chua, NEDA:
May nagsasabing di base sa siyensya at sa mga datos ang desisyon ng IATF. Di po 'yan totoo.
Lahat po ng mga recommendation ng IATF lalo na po 'yong galing sa NEDA ay nagbabase po sa data.
Una po, we need to continue managing risk as COVID cases rise. We do this by focusing on localized quarantines and addressing the sources of highest risk so that the jobs/ livelihood of the far majority will not be affected.
When we opened the economu last October 2020, the cases did not spike nor did cases spike during the year-end holidays and the first two months of 2021. It was even on a generally downward trend. This was due to strict compliance with health standards and a gradual and careful approach to reopening of the economy.
Third, the issue we face now is not economy vs. health. It is the total health of the people, whether drom COVID, non-COVID sickness or hunger.
Number 4. We have been in lockdown for a year. As a result, 1.2 million people or 23% of NCR people are hungry according to the SWS survey. There are also 506,000 jobless in NCR.
Every day of GCQ costs the NCR and adjacent provinces people 700 million pesos in wages.
The issue we face now is not economy vs health but the total health of the people.
We've been experiencing one of the longest lockdowns or quarantines.
Sec. Carlito Galvez Jr. - Chief Implementer, NTF Against COVID-19 / Vaccine Czar:
Sa staus po ng roll out, nakapagtala na po tayo ng 408,995 health workers na nabakunahan. Ito po ay mayroong tinatawag na 53.3% na over targeted 1st dose natin.
Ang remaining po na vaccine delivery po natin ngayon ay aabot po sa 2,379,200 doses. Ito po ay magmumula sa 400,000 doses na delivery ng Sinovac at mayroon po tayo na inaasahan from COVAX na 979,200 na maari pong i-deliver sa March 24-26.
Ang vaccination sites na nagagamit po natin ay 1,523 na equivalent to 771 cities and municipalities.
Sa April po may inaasahan tayo na 5,500,000 na bakunang dadating habang sa Mayo ay may 8,974,000.
Ang mga doses na matatanggap mula April to June will come from Sinovac, Gamaleya, Novavax, AstraZeneca, Moderna along with Philippines' COVAX allocation.
Pirmado na po ang mga supply agreements sa Sinovac, AstraZeneca, Moderna at Novavax.
Comments