top of page
Writer's pictureDWWW 774 Admin 05

MALACAÑAN PUBLIC BRIEFING HIGHLIGHTS

March 22, 2021




Moderated by Sec. Harry Roque:

  • Ngayong araw, March 22 ang simula ng additional restrictions sa Metro Manila at mga kalapit-probinsya na Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal na ngayon ay naka-GCQ.

  • Tatagal po ito hanggang April 4.

  • Kaugnay nito, na-finalize na ng DTI ang mga negosyo at industriya pwede o hindi pupwede (buksan).

  • Isa pong paglinaw, tuloy po ang operasyon ng mga gym at fitness centers sa Metro Manila. Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal at 75% capacity, subject to safety protocols and minimum public health standards.

  • Pero ito ay nakadepende sa inyong LGU at kung sila ay maglalabas ng ordinansa na pinapasuspinde ito tulad ng Lungsod ng Quezon na walang gym...

  • Pinapayagan naman po ang outdoor dining. Hindi muna pupwedeng kumain o magkape sa loob ng mga mall. Mag-delivery o mag-take out muna sa mga indoor dine-in restaurants, cafes and establishments.

  • Ang outdoor or al fresco dining ay dapat mayroon acrylic o similar dividers, may dalawang tao kada mesa na may proper seating arrangements or one-seat apart.

  • Tandaan, nasa 50% lamang ang venue capacity ng mga outdoor dine-in restaurants, cafes at personal care services.

  • Kasama po ang mga spas sa personal care services.

  • Pero wala pa rin pong muna mga pag-aaral sa mga driving schools, bawal ang mga sinehan at video at interactive game arcades.

  • Suspendido rin po ang mga operasyon ng mga sabungan kasama ang mga MGCQ areas.

  • Isa pa pong paglilinaw, maari na pong bumili ng bakuna ang mga pribadong kompanya ayon sa amended IRR ng RA. 11525 o COVID-19 Vaccination Law. Subject pa rin sa tripartite agreement kasama ang pribadong sektor.

  • Hindi po mawala ang tripartite agreement e wala pa po tayong mga commercially used na bakuna bagama't sakop pa rin ng EUA kaya't kailangan pumasok ang gobyerno sa pagbili ng mga bakunang ito.

  • As of March 20, 2021, nakita po natin na nalampasan na natin ang peak noong Agosto at karamihan sa mga kasong ito ay nanggagaling sa Metro Manila at Region IV-A.

  • So, nakakapag-report po tayo ng 5,646 new cases per day; 3.5x higher ang bagong kaso ngayong Marso kumpara sa simula ng Enero.

  • Ang NCR ay mayroon na rin po na bagong peak sa weekly cases by date of onset of illness.

  • Ano po ba ang nagda-drive ng surge na ito? Unang-una 'yong ating r-naught na tinatawag o average number of persons po na makaka-infect.

  • Ano po ang mga dahilan kung bakit po tumaas ang r-naught natin? Unang-una 'yong mga bagong variant. Nandiyan na po sila.

  • Mayroon din po tayong datos na mababa ang ating masking compliance at nagkakaroon po tayo ng superspreader events, gatherings at poor ventilation.

  • Mayroon din po tayong reduced surveillance, reduced contact tracing at delayed testing.

  • Nasa critical po tayo ano (ICU utilization rate) pero wala pa po tayo sa red zone.

  • Nasa 336,656 na ang nabakunahan sa 1,623 vaccination sites sa buong bansa.

  • 98.2% na mga bakuna ang naipamahagi na.



Dr. Edsel Salvaña, UP-PGH:

  • 'Yong siyensa po sa ating mga measures ay we are trying to decrease na tinatawag na mobility ng mga tao.

  • Kasi 'yong virus naman po ay wala naman po itong paa at ang pag-increase sa infection rate ay kapag ang mga tao ay gumagalaw and going to different places.

  • Ang pinakadrastic na po na nagawa natin ay sa pag-prevent natin sa mobility ng tao ay 'yong pag-lockdown dati.

  • Itong (lockdown) talaga ang ang pinaka-effective to decrease case numbers, bagamat ang total lockdown is very devaasting sa ekonomiya natin. Mahirap po mag-total lockdown ulit.

  • Marami na po tayong natutunan since 1 year ago, alam po natin na ang (paggamit ng) face mask at face shield ay gumagana.

  • Ang temporary na ginagawa natin is really an attempt para magdecrease ang number of cases to a manageable level at para makahinga ang mga ospital.

  • Sa ngayon, okay naman po ang ating pag-alaga sa mga severe cases at pinak-importante po ay dapat may kama po tayo sa ospital para sila ay maalagaan sila ng maayos.

  • Since a year ago, may mga pag-aaral na po tayong nakikita kung ano 'yong mga gamot na gumagana.

  • Marami pong gamot ang pinag-aaralan ngayon bagama't may mga kumakalat na hindi naman po proven at dapat po sundin natin ang abiso ng FDA tungkol dito.

  • Well ito pong tinatawag na ivermectin na it's a well-known (drug) for bulate po pero sa virus hindi pa klaro at mixed po ang ating ebidensya.



Benhur Abalos Jr. - Chairman, MMDA:

  • Unang-una, nagpapasalamat kami pinasa ito ng IATF. Masusi itong pinag-aralan, siguro 4 oras ito ng pagdedebate at hindi lamang iyon pati sa mga alkalde ay 4 na oras din.

  • For the meantime, the (Metro Manila) mayors welcome this new IATF resolution, paiigtingin pa nila ang pag-implementa ng protocols at remedies.

  • Ganito po, noong nakaraang taon tama po si Dr. Edsel, nag-peak na po tayo ulit eh at noong last year ay napababa naman (ang kaso) dito sa Metro Manila using the same thing.

  • Pero ang importante po ay nanggaling na ang mga mayor doon e at ang nakapagtataka lang ay 'yong surge... napakabilis.

  • Kaya ito ang mga restrictions na ito ay nakikiisa kami na for the meantime ay baka pwede virtual na lang ang mga misa, pabasa.



Lt. General Guillermo Eleazar - Officer-In-Charge, PNP:

  • Hindi natin papayagan na nasa loob ng (NCR Plus) bubble ay makakalabas at dapat yung mga nasa labas ay hindi makapasok except mga APOR.

  • Even sa mga ibang lusutan, may direktiba tayo sa police chiefs para walang makakalusot.

  • Within the bubble, the movement is not restricted. It is only when crossing the border, iyon ang babantayan.

5 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page