top of page
Writer's pictureDWWW 774 Admin 05

MALACAÑAN PUBLIC BRIEFING HIGHLIGHTS

March 30, 2021





Moderated by Sec. Harry Roque:

  • Nagbigay ng kanyang regular talk to the people address kagabi ang ating Presidente.

  • Inaprubahan na po kagabi ang isang libong pisong financial assistance kada individual sa NCR, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.

  • Ang kada pamilya po ay maaring kumuha ng apat na recipient.

  • So isang libo kada indibidwal, maximum of P4,000 kada pamilya.

  • Nasa 22.9 million low-income population ang inaasahang mabibigyan.

  • Direktang ibibigay sa mga LGU para maipamahagi ito agad sa mga beneficiaries.

  • Nagsabi rin ang DSWD na maglalagay sila ng grievance mechanism para mapabilis ang pamamahagi ng tulong sa mga benepisyaryo sa mga lugar na nasa ECQ.

  • Mananatili sa ECQ ang NCR, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal hanggang April 4.

  • Samantalang nasa MECQ ang Santiago City, Isabela mula April 1 hanggang 30.

  • Nasa MECQ rin po ang probinsya ng Quirino Province mula April 1 hanggang 15.

  • Ang buong CAR, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Batangas, Tacloban City, Iligan City, Davao City at Lanao Del Sur ay nasa GCQ mula April 1 hanggang 30.

  • Lahat ng mga hindi nabanggit na lugar ay mananatili sa MGCQ mula April 1 hanggang 30.

  • Pinayagan din po ng Presidente na makapag-import ang mga pribadong sektor ng mga COVID-19 vaccines.

  • Nagpaalala din siya sa mga pribadong sektor na huwag magpakalat ng pekeng COVID-19 vaccines.

  • Lilinawin ko lang po, ang pag-angkat ay sa pamamagitan pa rin ng tripartite agreement. Bakit po? Dahil ito ay covered pa lang for EUA at wala pang nag-iisyu nito for commercial use.

  • Importante pa rin po ang lagda ng gobyerno dahil pa rin doon sa indemnity provision ng ating batas na kailan lang ay naisabatas ng ating Kongreso.

  • Ang nagbago lang po ay 'yong mga pribadong sektor kung nais talaga mag-angkat ay ipagbigay alam lang sa atin at sa vaccine czar.

  • Sa mga nagtatanong po kung maieextend ang ECQ, pinag-iisipan pa itong mabuti ng IATF.

  • Sa Black Saturday po ay may pulong kami para maisapinal na ang mga susunod na desisyon.

  • Pero sinabi ko na po ito, another week or 2 weeks of MECQ, 'yan po ay magiging absolute last resort.

  • Inaasahan po natin dito sa isang linggong ECQ, kasama po ng mga maigting health protocols at testing, ay umaasa po tayo na hindi na kinakailangan pa ay mag-ECQ.

  • Pinapayagang pumasok ang mga foreign seafarers sa ilalim ng "Green Lanes" program for crew change. Ito po ay 'yong mga sasakay ng barko. Kinakailangan lang po na may hawak sila na 9 (c) crew list visa sa oras ng pagpasok sa bansa.

  • Usaping bakuna naman po, nasa 668,018 na ang nabakunahan na medical frontliners sa 2,497 na vaccination sites.

  • Ang total vaccine deployed po ay 1,233,500 out of 1,525,600

  • Ang coverage po ay 771 cities and municipalities.

  • Sa Quarter 2, inaasahan natin ang delivery ng mga bakuna na 2,600,000 sa buwan ng Abril.

  • Sa Mayo po inaasahan natin (na may dadating na) 7,974,000.

  • Sa Hunyo naman po ay inaasahan na may 11,500,000.

  • Sa Quarter 3 po sa July, inaasahan natin (na may dadating o matatanggap) na 13,500,000.

  • Sa August hanggang December ang hanggang 20 million doses.



Sec. Vince Dizon, Testing Czar:

  • Nasabi na po ng ating IATF na magraramp up tayo ng testing and detection sa NCR, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal lalong-lalo na ngayong panahon ng ECQ.

  • Simula noong 1 year ago, nasa 24,000 lang po ang na-test natin at sa ngayon ay nasa 10 million na.

  • Naabot po natin ang target natin na ma-test sa unang quarter ng 2021.

  • Nagdesisyon po ang ating IATF na magdagdag ng Antigen test ng 30,000 per day pero limitado lang po ito sa NCR Plus area kung saan tayo ay naka-ECQ.

  • Tayo po ay pumapangatlo sa India at China at mas mataas po tayo ng test per milliom population sa Japan at Indonesia.

  • Ito po 'yong mga bansa na kagaya natin may 100 milyon ang populasyon.



Sec. Carlito Galvez Jr Chief Implementer, NTF Against COVID-19 / Vaccine Czar:

  • Ang direktiba po ng ating Pangulo ay dapat walang delay — ito ay para pabilisin ang proseso.

  • Ang ating vaccine ay nasa EUA pa po at iyon po ang limitation but they should not have a profit on this and the same time no commercialization.

  • We will still respect the WHO priority. The private sector will present to the NITAG the deployment of the private sector. It should still follow the DOH criteria.

  • Magkakaroon ng slight delay. Nagkakaroon ng massive vaccination sa ibang countries... Magkakaroon ng restrictions on the exports of these vaccines. We’re trying our best to facilitate the remaining commitment of COVAX.

  • Magkakaroon po kami ng meeting (Johnson & Johnson) bukas and hopefully po we can finalize for the supply agreement.

  • For as long as meron tayong pre-screening at listing, para ma-validate na taga-doon siya. Ang office ID, pwede rin 'yon.

7 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page