April 5, 2021
Moderated by Sec. Harry Roque:
Mahigit isang taon na po ang nakakalipas nang itinalaga ang inyong lingkod ng ating Presidente na ipakulong ang mga opisyales at iba pang mga partido na pumasok sa tinawag niya na mga anomalyang concession tungkol sa tubig na ipinapasok ng gobyerno sa Manila Water at sa Maynilad Water.
Well matapos ang isang taon, kinukumpirma po natin na natapos na ang renegotiation ng 1997 MWS Concession Agreement kasama ang Manila Water Corporation at susunod naman po ang Maynilad.
Isang Revised Concession Agreement ang nabuo na magbibigay ng magandang serbisyo ng tubig sa Metro Manila at advantageous sa National Government at sa consumer.
Patunay nito na ang interes ng mga Pilipino ang nasa isip ng ating Presidente.
Nagsilbi sa renegotiation na ito ang kontrata ng New Clark City Joint Venture Agreement ng BCDA as advised by the Asian Development Bank.
Ito po ang ilan sa mga mahahalagang probisyon. Una, para maprotektahan ang interes ng National Government sa pagtanggal ng government non-interference clauses.
Pangalawa, pagkilala sa Manila Water bilang public utility which makes it more accountable sa pamahalaan at publiko.
Pagtanggal sa mga probisyon na nag-cocompromise sa medium at long term government liabilities (contingent liabilities) tulad ng pagtanggal ng National Government's Performance Undertaking for future debt at lahat ng utang at mga expenditures ng concessionaire ay kinakailangang ma-review at aprubahan ng Regulatory Office ng MWSS.
Lahat po ng fully recovered assest ay kinakailangang mailipat agad sa pamahalaan para matiyak na walang double payment at the end of the contract.
Nalimitahan na rin po ang Material Government Adverse Action (MAGA).
Kampante kami na dahil dito sa bagong concession agreement sa Manila Water ay protektado ang gobyerno at ang mga consumers.
Tulad po ng aking anunsyo noong Sabado, inaprubahan po ng Pangulo ang i-extend hanggang April 11 ang ECQ sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.
Sa panahon ng ECQ, papaigtingin natin ang Prevent, Detect, Isolate, Treat, Reintegrate (PDITR) strategy.
Magkakaroon ng daily monitoring at report ang NTF kasama ang implementers ukol dito.
Tataasan din natin ang bilang ng COVID-19 dedicated beds sa isolation, quarantine at health facilities.
Bubuksan bukas ang 110-bed facility sa Quezon Institute for COVID-19 patients.
Dadagdagan natin ang contract tracers para ma-improve ang ating efficiency.
Kukuha tayo ng mga tao mula sa DND, sa DILG, at DOLE para sa ating contact tracing efforts.
Palalakasin din po natin ang mga pagpapatupad ng kasalukuyang protocols sa local level sa pamamagitan ng pag-review sa mga local ordinances at executive orders.
Kinakailangan mapatawan ng parusa ang mga hindi sumusunod. Pero ang ating panawagan, community service.
Maaari namang ma-relax ang kasalukuyang community quarantine classification, nakasalalay ito sa mga indicators.
Kaya naman tinitiyak ng DILG, DOLE at NTF Group for the Management of Returing OFW na maisusumite ang kinakailangang tamang datos.
Tungkol naman po sa rapid antigen test, inaprubahan po ng IATF ang pagbili ng Office of the Civil Defense gamit ang kanilang Quick Response Fund ng paunang 500,000 pieces ng Rapid Antigen Test Kits na awtorisado ng FDA.
Samantala, inadapt ang joint recommmendations ng DOLE at DTI sa mga workplaces.
Una pagpapalakas ng pagpapatupad at monitoring sa mga minimum public health standars sa mga workplace.
Pangalawa, pag-roll out sa Safety Seal Certification Program.
Pangatlo, panghihikayat sa publiko na isumbong ang mga hindi sumusunod na establisyimento.
Inaprubahan din ng IATF ang request ng Region VI na isuspinde ang inbound passenger travel mula Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal, Cebu City at Davao hanggang April 10.
Naglabas din ang IATF ng Amended Omnibus Guidelines on the Implementation of Community Quarantine in the Philippines as of April 3.
Mababa pa ang ating mga kaso in relation to the rest of the world kung ikukumpara sa India, Brazil, Estados Unidos, France, Italy, at Germany.
As of April 3, 2021, mayroon na pong nabakunahan na 795,320 at 2,669 vaccination sites sa bansa.
Sa bilang na ito, 765,871 ang mga frontline healthcare workers.
Nagsimula na rin po ang pagbabakuna sa mga senior citizen at mga indibidwal na may comorbidities.
16,121 na mga lolo at lola sa NCR at Region IV-A ang nabakunahan habang 13,288 ang nabakunahan sa mga individuals na may comorbodity.
Kinukumpirma po ng Palasyo ang appointment ni Alexander G. Gesmundo bilang bagong Chief Justice of the Supreme Court.
Dr. Rabindra Abeyasinghe - Country Representative, WHO:
We are seeing a week-on-week increase in the number of cases worldwide, not just here in the Philippines, in the last four weeks.
There are 3 factors contributing to it's increase.
If I may name them, first, the possible circulation or co-circulation of multiple variants which are attributed to increase transmissibility.
Second the gradual the reduction in compliance of health standards in every border.
Finally, the optimism on arrival of vaccines which led to reduction of compliance of health standards by the citizens.
Philippines is not unique (in seeing an increase in cases) and this increase is not attributed in anyway to incompetence, but related to the factors I mentioned. But this doesn't take away the fact we need to keep strengthening our on-ground preparedness, response capacities.
This increase is not attributed in any way to incompetence.
Usec. Maria Rosario Vergeire, DOH:
Noong Abril 4, mayroon tayong 795,051 total cases kahapon kung saan 135,526 ang aktibong kaso.
Kahapon po ay nakapagtala tayo ng 11,028 bagong kaso kahapon kung saan 5,586 ng mga ito ay mula sa NCR.
Bagama't mababa nag ating case fatality rate ay nanawagan po kami sa ating mga kababayan na agad magpatingin o magpa-isolate.
Kailangang maintindihan ng ating kababayan na noong huling tumaas ang kaso natin noong June 2020, we saw the decline after 10 days of ECQ.
Ang ECQ ay naglalayong pabagalin ang pagtaas ng mga kaso, bigyan ang ating healthcare system ng panahong makapagpahinga, at maprotektahan pa ang mas maraming buhay.
Nirekomenda po ng DOH ang extension ng ECQ para i-monitor natin ang progress ng PDITR input.
In the interim na agad-agad ma-decongest ang mga ospital para makahinga ang mga ito.
Sec. Menardo Guevarra, DOJ:
When this was executed, meron din kasabay na deed of settlement and release signed by both sides. But this only pertains to claims arising from the contract itself.
The renegotiations will start immediately. We will propose similar terms stated in the deal with Manila Water.
Comments