MALACAÑAN PUBLIC BRIEFING HIGHLIGHTS
- DWWW 774 Admin 05
- Dec 15, 2020
- 5 min read
December 15, 2020
Moderated by Sec. Harry Roque:
Simulan po natin sa IATF. Nagpulong po ang IATF kahapon, December 14 at ito po ang mga naaprubahan.
Una ang pag-escalate sa probinsya ng Isabela pero hindi po kasama ang Santiago City sa GCQ o General Community Quarantine galing sa MGCQ. Ito po ay epektibo hanggang sa katapusan ng buwan, December 31. Ang paglalagay sa Isabela sa GCQ ay nakabase sa moderate risk cross-tabulation ng average daily attack rate at 2-week daily growth rate at ito rin po sa hiling at nirecommend ni Gov. Albano.
Inapurbahan din po ang mga sumusunod. Una po ang pagpayag sa face-to-face Insurance Agents' Qualifying Examinations sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine or GCQ pero dapat po sumunod sa health and safety protocols ng Insurance Commission 'yong mga nag-aaspire po na maging ahente. Pwede na kayo mag-exam.
Pangalawa, ito po exciting. Ang pagpayag sa request ng Philippine Olympic Committee na magbalik training ang ating mga pambansang atleta na sasali sa Tokyo Olympics sa isang bubble-type setting. Ang pag-conduct ng bubble-type setting ay gagawin sa pakikipag-ugnayan sa Regional Task Force kung saan gagawin ang training at sa lokal na pamahalaan kung nasaan ang proposed venue.
Pangatlo, ang pagbabalik operasyon ng mga provincial buses pero sa point-to-point routes na inaprubahan ng LTFRB at LGU of destination kasama na rin po dito ang mga stop-over/transit terminals. Hintayin lang po natin ang ilalabas na guidelines ng DOTr at ng LTFRB ukol dito.
At dahil alam po natin na malapit na po ang Pasko at Bagong Taon, alam naman natin na dadami ang tao na lalabas ng tao at para mabawasan ang hawaan ng mga tao, ni-rerequire na ng inyong IATF ang pagsuot hindi lamang po ng face shields at face mask. Ngayon po kasi kinakailangan na palaging naka-face mask pero ang face shields ay required lamang para sa mga malls at enclosed areas. Pero ngayon po kinakailangan nang isuot kapareho ang face shield at ang face mask at kinakailangan po na full ang face mask... kasama nga po 'yong full 'yong face shield at face masks, earloop masks, indigenous, resuable, or do-it-yourself masks or other protective equipment.
Nagpulong din po ang miyembro ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kagabi para sa kanilang 49th Cabinet meeting at ito ang ilan sa kanilang mga napag-usapan at napagkasunduan.
Inapurbahan na po ng Pangulo at ng kanyang gabinete ang pilot implementation or dry-run ng face-to-face classes sa ilang piling paaralan na may mababang banta sa COVID o low COVID risk para sa buong buwan ng Enero ng susunod ng taon.
Mula December 14-18 magsusumite po ang mga Regional Directors kay Secretary Briones through the Undersecretary for Field Operations ng mga nominated schools for pilot implementation or dry-run.
Sa December 28, magkakaroon po ng pagpili ang ating Secretary kung saan gagawin itong mga pilot classes na ito.
Sa January 4 to 8 ay magkakaroon po ng orientation, mobilization and readiness confirmation of selected pilot schools.
Sa January 11-23, magkakaroon po ng implementation ng pilot activities, including joint monitoring by DepEd and the COVID-19 National Task Force.
At from January 25-29, magkakaroon po tayo ng submission of Regional reports on pilot implementation; evaluation for final recommendation to the President.
Now, matapos maaprubahan ng DepEd magsasagawa ng pilot implementation sa mga piling paaralan sa mga lugar na categorized bilang low risk.
Pangalawa, magsasagawa po ito kung may commitment for shared responsibility ang DepEd, mga lokal na pamahalaan at mga magulang. Kinakailangang pumayag 'yong tatlo.
Pangatlo, makikipag-ugnayan ang DepEd sa COVID-19 National Task Force para sa monitoring ng pilot implementation.
Pang-apat, ang pilot implementation ay kinakailangang ma-evaluate o matukoy ang mga lugar na kailangan ng improvement at para makapagbigay ng pinal na rekomendasyon para sa mapalawig ang implementasyon.
Tulad po ng sinabi ko sa statement kagabi, ang face-to-face classes sa mga lugar na pinapayagan ay hindi po compulsary. Voluntary ito sa parte ng mga magulang, mag-aaral at mga lokal na pamahalaan ngunit kailangan po mag-submit ng parent's permit ang estudyante para makasali sa face-to-face classes.
Kasama sa permit ang mga ginawa para mag-observe ng health standards sa bahay, habang nasa biyahe, sa paaralan at immediate disclosure ng sintomas ng COVID-19 o exposure kung sinumang miyembro ng household.
Napag-usapan din po sa huling pagpupulong ng gabinete ang tungkol sa PhilHealth. Ang issue po ay sa delayed payments sa mga ospital na naeexperience natin.So pinatawag ko sila at pina-explain kung bakit delayed ang payment nila sa mga ospital.
Pagdating po sa filing of claims, binibigyan ng PhilHealth ng 60 araw sa pagproseso ng mga dokumento pero bagama't mahaba ang eksplanasyon ng PhilHealth, ipinag-utos po ng Presidente ang pagpapaikli o pagrereconfigure at pagsisismply ng mga requirements para sa claims kasama ang pag-stretch ng limit ng late filing.
Ayon po kay Sec. Guevarra kagabi ay magfa-file po ang expanded task force ng ilang complaints sa Ombudsman laban sa ilang opisyal ng PhilHealth pati ilang medical practitioners na kasabwat sa anomalya.
Eric Domingo - Director General, FDA:
Kung based on the totality of evidence including data from clinical trials, it is reasonable to believe that the drug or vaccine maybe effective to prevent diagnosed COVID-19.
The known potentials of the drugs and the known potential benefits of the drug outweigh the known and potential risks.
There is no adequate and available alternative drug or vaccine for diagnosing, preventing, or treating COVID-19
At 'yong EUA binibigyan din po tayo ng karapatan ng gumamit ng relliance at pwede kaming mag-rely o mag-recognize sa mga evaluation and decisions ng mga mature regulatory agency and the WHO
Bilang tugon po don naglabas po kami ng guidelines na mga irerequire natin sa mga kompanya kung sakaling mag-apply sila ng EUA dito sa Pilipinas.
So po 'yong EUA to remind everybody that hindi siya "certificate of product registration" nor a "marketing authorization". Hindi ibig sabihin na maari nang ibenta ang produkto kapag may EUA kasi it is still a product under development
So 'yong E.O 121 na ni-sign ng ating Presidente noong December 1 grants the director general of FDA the authority to issue EUA for COVID-19 vaccines and drugs.
Aside from those two cases, wala po pwedeng pumasok dito na unregistered drug.
Ito po ay iniisue ng FDA kahit hindi pa registered ang drug kapag may public health emergency.
Ang kapalit po non dahil emergency use sya at hindi pa siya completely registered, kapag ginamit po siya ng Pilipinas ay dapat very strict po ang ating monitoring.
Ang mga pwede po mag-apply ng EUA ay unang-una 'yong pharmaceutical industry at maari rin po mag-apply ang pamahalaan o gobyerno.
We only accept if it has already been granted an EUA by the national regulatory authority or parang FDA counterpart natin ng kaniyang country of origin or any mature regulatory agency.
Mayroong madi-disapprove kung hindi masa-satisfy ang conditions set natin in the EO and guidelines, if there is failure to demonstrate safety, efficacy, and quality
Wala pa po, pero may mga nagtatanong na.
Hindi pa po. Ang China, India, o ang Pilipinas ay hindi pa mga mature regulatory agencies.
Usec. Lloyd Christopher Lao, DBM:
We prefer to give leeway to suppliers to apply to the PH Government through the FDA para at least wala tayong favoritism because we just buy whatever is authorized by the FDA. Ang FDA kasi talaga sets the standards which is crucial.
The FDA is the best agency to take a look at that so we trust FDA for its capacity
Parallel-wise, simultaneously, Sec. Galvez, Sec. Dizon together with USec. Borje, our respective embassies and consulate offices abroad, we are all coordinating with each other to discuss ang mga local manufacturers and activities by different countries.
Kasi ngayon we have 5 famous vaccines that are in the forefront but there are a lot of other vaccines that are being developed.
Comments