top of page
  • Writer's pictureDWWW 774 Admin 05

MALACAÑAN PUBLIC BRIEFING HIGHLIGHTS

December 17, 2020




Moderated by Sec. Harry Roque:

  • Nagbigay ng kanyang Talk to the People Address kagabi si Presidente Rodrigo Duterte at ito ang kanyang mga tinalakay.

  • Muling nagpaalala po ang Pangulo na sundin ang health protocols ngayong Kapaskuhan dahil sabi nga niya, nandyan na 'yong bakuna. Sayang naman kung ngayon pa tayo magkakasakit.

  • Nagpahayag din ang Presidente ng kanyang banta na sisibakin ang mga opisyal ng Toll Regulatory Board dahil sa gulo sa RFID. Kaugnay nito, ito ang pitong kautusan sa mga operator na ibinigay ng DOTR: Una, i-convert ang mga emergency signages sa cash signages; Pangalawa, i-transfer/i-reposition ang RFID stickering at reloading sites sa mga gasoline stations o mga lugar na may malawak na espasyo na malayo sa toll plaza; Pangatlo, maglagay ng designated lane para sa RFID at Cash lanes; Pang-apat, papayagan ang mga ambulansya at mga sasakyang ginagamit sa pagpapatupad ng batas o law enforcement na magdaan sa anumang lane; Pang-lima, pag-aaralan ang pagtanggal ng barrier at kanina nga po nagkaroon na po ng kasunduan ang siyudad ng Valenzuela at operator na tatanggalin na ang barrier; Pang-anim, ang mga small town plaza ay kinakailangan may hiwalay na RFID At cash lanes at pang-huli na pang-pito po, taasan ang wattage specification ng RFID sensors.

  • Ito naman po 'yong tatlong kautusan sa TRB ni Sec. Tugade. Una, maglagay ng roving at stationed marshalls; pangalawa, magkaroon ng monthly audit na may daily reports galing sa mga toll marshalls. Napag-alaman ni Sec. Tugade na ang audit ay kada-dalawang taon; pangatlo, paigtingin ang pagpapatupad ng enforcement.

  • Sa usaping bakuna naman, nag-report po ang ating Vaccine Czar na si Sec. Galvez. Unang-una, ibinalita niya na nagkaroon ng Vaccine Logistics Summit na dinaluhan ng 575 participants na isinagawa kahapon, December 16. Pinag-usapan po diyan kung paano makakarating sa ating taumbayan ang bakuna. Pagdating po sa ating bansa o matapos siya mag-angkat kung saan siya manggaling, patunay lang po na tuloy-tuloy lang po ang pagpapatupad ng Philippine National Vaccine Roadmap.

  • Balikan po natin 'yong mga stages. May stages po tayo no... Scientific Evaluation and Selection; Access and Acquisition; Procurement, Process and Financing; Production, Shipment and Storage; Distribution and Deployment; Implementation and Nationawide Vaccination; Assessment, Evaluation and Monitoring.

  • Nasaan na ho ba tayo ngayon? Ngayon po ay nandito na po tayo sa 2021, so, nandito na po tayo na 'yong assessment, evaluation ang monitoring continuing naman po 'yan. Pero sa planning naman po ay hanggang nandyan pa rin po tayo hanggang 2021 atsaka nasa preparation na po tayo.

  • Inaasahan po na natin na pagdating ng first qurater ng 2021 ay mayroon na po tayong 4 na magagamit posible po sana... Sinovac, Gamelaya, Sinopharm, CanSino. Pagdating naman po ng second quarter, Sinovac, Gamaleya, AstraZeneca, Sinopharm at CanSino. Pagdating ng third quarter, Sinovac, Gamaleya, AstraZeneca, Pfizer, COVAX, J&J, Novavax, and Moderna at lahat naman po ng mga bakuna ay magagamit na pagkatapos ng third quarter.

  • Pero magsisimula po talaga tayo, ang target ay first quarter ng 2021.

  • Uulitin ko na po ang priority natin sa pagbabakuna ay 'yong na geographical at 'yong sektor. Ang geographical po ay 'yong mataas na mga lugar at 'yong sectoral po ay 'yong mahihirap, matatanda, frontliners at kapulisan.

  • Ito po ang pinaghahandaan ng mga LGU, DOH and NTF, 'yon priority listing ng mga mabakakunahan sa geographical area at sector, imbentaryo ng mga posibleng vaccination center pampubliko o pribadong ospital at vaccination areas, imbentaryo ng cold chain storage at available transportation, QR code at PIS/CIF ng lahat ng mga taong mababakunahan sa ilalim ng PhilSys, ang pag-mobilize ng required people, vaccinatior ng auxiliary cost kasama na po 'yong training, orientation at similation, ang paghikayat ng mga lokal na pamahalaan ng Tripartite Agreement sa pagitan ng pamahalaan, LGUs at mga kompanya ng mga bakuna, additional cost na kakailanganin sa preparasyon at implementasyon.

  • Mabalik po tayo sa huling Cabinet meeting no? 'Yong 49th Cabinet Meeting nong Lunes, December 14. Napag-usapan tulad ng inilabas kong statement kahapon na ang PhilSys. Inaprubahan ni Presidente at ng kanyang gabinete ang 3.52 billion pesos na karagdagang budget para sa susunod na taon na gagamitin para sa pagpaparehsitro ng 20 milyong indibiwal on top of 50 million target ng PhilSys bago matapos ang 2021. Ang kabuuang budget para sa PhilSys sa 2021 ay nasa Php 8.1 billion. Ito ay para sa pagpaparehistro ng hindi bababa sa 50 million indibidwal sa susunod na taon.

  • Ang target po ng PSA na may mandato sa PhilSys ay matapos ang pagpaparehistro ng entire adult population bago matapos ang administrasyon ng Pangulo.

  • Inaprubahan ng Pangulo at ng kanyang gabinete ang mga plano ng Task Force Build Back Better na pinapangunahan po ng ating DENR Secretary with Secretary of Public Works and Highways as co-chairs po pagdating sa flood mitigation and management.

  • Ito po ang pag-mobilize at pag-sustain ng deployment ng government assets kasama po ang AFP at DPWH para sa widening ng Magapit Narrows at pagtanggal ng 19 sandbars sa Cagayan River.

  • Pagbalik sa Marikina River sa kanyang original state sa pamamagitan ng pagtanggal sa mga ilegal na istraktura.

  • Pag-fast track sa DPWH flood mitigation projects kasama ang Upper Marikina Dam at ang Paranaque Spillway.

  • Pang-huli, ang pag-rehabilitate ng existing flood gates at pumping stations at pag-construct ng 7 flood control projects sa Bicol River.

  • Inaprubahan din po ang mga may kinalaman sa forest protection at protected area management. Una ang pagpapatupad ng Whole-of-Society approach sa anti-illegal logging campaign sa Sierra Madre, Cordillera, Caraballo Mountain at Marikina River Basin na may aktibong partisipasyon ng mga LGUs.

  • Pangalawa, ang pag-intensify sa management ng mga protected areas sa Sierra Madre, Cordillera, Marikina at Bicol River Basins.

  • Pangatlo, ang request ni Presidente na i-certify bilang urgent ang House Bill 6973 at Senate Bill 1878: An Act Creating the Environmental Protection and Enforcement Bureau under the DENR.

  • Bumabagal na ang decreasing trend. Kaya sinasabi ng DOH, baka ito na ay simula ng pagtaas muli ng mga numero. Ito ay nagsisimula pa lamang, pwede pa natin itong ma-reverse.

  • Mayroon nang siyam na mga siyudad (sa NCR) ang unti-unti nang tumataas ang daily attack rate at ang two-week growth rate.

  • Gusto po natin merry ang ating Christmas at happy New Year, wag po natin i-celebrate ang Pasko sa ospital na baka naka-ventilator pa.

  • Bumaba ng halos kalahati ang mga Pilipinong nagugutom. Ito po ay sang-ayon sa huling survey na isinagawa ng SWS.

  • 'Yong November 2020 data ay 16% ang hunger rate.

  • Malungkot pa rin po 'yan dahil marami pa rin ang nagugutom pa, pero ito ay kalahati ng hunger rate noong nairehistro noong September 2020.

  • Itong 16% po na hunger rate ay doble na hunger rate noong bago po magkaroon ng pandemic.



Sec. Roy Cimatu, DENR:

  • I will add there some details about the approved recommendations during the Cabinet meeting. Before I ask for approval, I presented to the President the datas we are able to gather.

  • I told the President that I went personally to the (Cagayan) River, the 500km river coming from the forces There are different sources of the Cagayan River na nag-join na... sa dagat sa Aparri.

  • 'Yong dotted line, plano natin bawasan yan in both sides. This has be computed na if we do this, yung flooded areas noon ay mabawasan ng several meters.

  • Kausap ko DPWH kanina, they are already preparing the deployment of their assets. Sinabi ko, sana as soon as possible pero they requested, next month na lang.

  • I would like to aggressively implement the anti-illegal logging campaign in Cordillera, Sierra Madre, Caraballo Mountain in cooperation with LGUs.

13 views0 comments

Comments


bottom of page