August 28, 2020
Moderated by Usec. Rocky Ignacio, PCOO and Aljo Bendijo, PTV:
Dr. Alejandro Diaz - Consultant Neurologist and Psychiatrist, UST Medical Hospital and St. Lukes Medical Center:
Importante ang “bio psychosocial framework” para ma-address ang depression, anxiety ng mga Pinoy na dulot ng COVID-19. Ito ay tumutukoy sa biological, psychological at social environment na may kinalaman sa stress ng tao.
Panukala ito ng isang internist-psychologist na si George Engel na inadapt ng WHO noong 2002.
Ang framework ay interactions ng biological, psychological, at social factors para madetermina ang sanhi, nararanasan at resulta ng sakit at paggaling sa sakit.
Sa framework na ito, importante na alagaan ang komunidad para makatulong sa healing o nararanasan ng isang tao.
2003 nuong SARS epidemic ay hindi ito naranasan dahil tulad ng hong kong ay napaghandaan ang epekto ng sakit
Ginamit ng Hong Kong ang natutunan sa SARS para makapagready sa susunod na epidemya
Sa Pilipinas, hindi naging handa ang mga Pinoy kaya sumobra ang anxiety at stress nila nang ma-experience ang Coronavirus 2019 Disease
Mainam at epektibo ang ginagawa sa ngayon ng gobyerno na nag-delegate sa mga LGUs kung paano kikilos para malabanan ang pagkalat ng virus. Nakatulong din ang pagiging resilient ng mga Pinoy na marunong mag-adapt sa sitwasyon. Kabilang na rito ang paggamit sa social media para kumita.
Sa mga taong nakakaranas ng post COVID-19 infection, ang ilan sa mga solusyon ay ang: gradual o dahan-dahan na pagbalik sa dati nilang ginagawa, pagkain ng healthy foods, at proper breathing exercises.
Kumokonti na ang tele-health consultation ilang buwan matapos magsimula ang pandemya dahil sa impormasyon na binibigay ng gobyerno. Kaalaman ang susi para malabanan ang stress, panic at anxiety.
Sex differences sa depression - karaniwang lalake ang nakakaranas ng depression kaysa babae dahil sa biological genes –matagal ang buhay ng babae; health aspect – mas mahina ang lalake dahil mas prone sila sa stress dahil sila ang karaniwang naghahanapbuhay. Malakas din ang denial sa nararamdaman kaya ayaw magpakunsulta; at sila ang palaging may bisyo.
Mas maraming lalake din ang may sakit na hypertension at diabetes
댓글