September 15, 2021
Moderated by Sec. Martin Andanar and Usec Rocky Ignacio (PCOO):
Edwin Olivarez - Chairman, Metro Manila Council / Mayor, Parañaque City:
Based doon sa guidelines na binigay ng IATF, handang-handa na po ang ating local government units sa Metro Manila para sa ating pilot implementation nitong ating alert level.
Ang NCR ay nasa Alert Level 4.
Actually doon naman sa guidelines na binigay sa atin ay halos the same naman po 'yan doon sa ating quarantine protocols mula po noong ating (audio inaudible)
Dito po sa guidelines na ito, ay maliwanag po dito na iyon pong Alert Level 4 ay magco-concentrate lang tayo sa mga three Cs na may prohibition.
Ito pong three Cs, ito po iyong ating closed (or indoor places), crowded spaces, at iyong ating mga close contact. Dito po tayo may prohibition na hindi papayagan na... (audio inaudible)
Pero maganda po rito, mayroong pagbubukas ng ekonomiya rito at bibigyan po ng mga exemption iyong ating mga dine-in sa mga restaurant na ito po ay papayagang mabuksan na 30% kapag outdoor at kapag indoor 10% po 'yong operational capacity pero kailangan pong vaccinated 'yong papasok na kliyente at importante rin na 'yong mga personnel ay vaccinated din po.
Sa pag-uusap po namin doon, humingi po kami ng authority sa IATF sa pamamagitan ng ating DILG. 'yong pagdedeclare po ng ating mga granular lockdown.
Sa pamamagitan ng micro granular lockdown, na magkakaroon po ng interpretation ang bawat LGU rito, immediately po tayo magkakaroon ng proactive implementation.
Na-inform na natin na lahat ng ating business establishments, na-inform na natin ang mga barangay natin, pati lahat ng ating parishes, pati ang mga non-Catholic churches, at nagbigay na tayo ng infographic communication for proper implementation come tomorrow.
Katulad po sa isang floor ng condominium, basta magkaroon ng isang case po doon, ay pwede na nating i-lockdown po iyan.
Isang bahay, pwede natin i-lockdown basta magkaroon ng isang case sa isang bahay.
Yes doon po sa binigay na guidelines ng ating DOH, may basehan po 'yong pagbibigay ng Alert Level 4, 3, 2 and 1.
Ang ating national government ay tutulong sa pagbibigay po ng food packs. Wala pong financial. Food packs po ang itutulong ng ating gobyerno.
Doon po sa arrangement na ginawa po sa meeting namin ng MMC, iyon pong 14 days na granular lockdown, iyong seven days, ang magbibigay ng food packs ay iyong LGU. Iyong remaining na seven days ay tutulong at magbibigay po ang ating DSWD.
Wala pong financial assistance.
Magkakaroon po iyan ng inspection po talaga.
Asec. Rose Bautista, PSA:
Umpisahan ko po muna ha? Kasi may tatlong step ang ating PhilSys.
Sa Step 1, ito 'yong collection ng demographic data. Nagsimula kami dito na nag-house to house kami pero ngayon ang ginagawa na lang para makapag-step 1 ay mag-oonline (registration) ka.
Pagdating sa pangalawa / Step 2, ito 'yong collection ng biometric information sa mga registration centers.
At ang pangatlo, ito 'yong tinatawag na delivery ng cards.
So nasaan na ba tayo? Kasi nagsimula kami nito last year, October 2020 sa Step 1 lang ang aming ginagawa.
As of September 10, 2021, nakapagparehistro na kami sa Step 1 ng 42 million na Pilipino at ito ang natapos sa step 1 nationwide.
Pagdating naman sa Step 2, kami ay nakapagparehistro na ng 30 million as of September 10.
At pagdating naman sa Step 3 ay nakapagdistribute na ang PhilSys / PHLPost ng mahigit 1.7 million.
Gusto ko rin sana banggitin na isa mga objective ng PhilSys ay ang financial inclusion kaya kung mapapansin nila sa mga registration centers, nandoon ang Landbank na aming katuwang... pwede rin sila magbukas ng bank account.
Nakapag-open na ang mahigit 5 million na individuals ng Landbank accounts.
Sa aming Step 1, gusto naming makapaglista about 70 million at sa Step 2, ito 'yong nakakumpleto na ng biometrics, ang minimum na dapat o target namin ay 50 million sa katapusan ng December 2021.
Malaki challenge talaga sa PhilSys registration itong pandemya so hindi lang 'yong sa vaccination ang nahihirapan.
Hindi kami tumitigil, ang mga registration teams doon sa mga lugar na pwede silang mag-conduct ng registration.
We are advocating for the acceptance (of national ID) in fact, PSA has issued advisory and several government agencies actually issued memorandum and orders na i-honor ang ating ID.
Michael Rama - Acting Mayor, Cebu City:
The inclusion 'yong dine in (audio inaudible) ...ay galing po mismo sa business sector... 'yong purpose po ay mabalanse natin ang ekonomiya at health. At the end of the day, we will continue to have our massive vaccination.
On showing or presenting vaccination cards: Definitely, may dinedemanda na kami diyan... huwag sila magtangka because that will get them into trouble po.
I want to be empathic. Hindi lang ako pero lahat kami, we are consulting each other to put an executive order...
Sana hindi na... In Cebu City, there was time (na may naitatala na )200-400 cases a day. Ngayon po two digits na lang.
I'm sorry to tell, hindi na inaadopt ang granular lockdown. Ang ginagawa namin ay freedom with responsibility. Ibig sabihin, pag walang ginagawa, stay at home. Kung hindi kayo nagpabakuna pa, wag kayong alis nang alis, except for essential purposes.
Comments