top of page
  • Writer's pictureDWWW 774 Admin 05

TALK TO THE PEOPLE OF PRES. DUTERTE ON COVID-19 HIGHLIGHTS

September 14, 2021




President Rodrigo Duterte:

  • ...Maybe in this forum to explain some baseless accusations, misconceptions, and all... to remove our focus on the fundamental need now sa bayanihan because of the COVID.

  • Pero una sa lahat, I'd like to introduce to you the workers of the government who are here tonight/this morning.

  • Sa ano... unahin ko na lang muna a few statements... I'd like the people (audio inaudible) ...studying the possibility of vaccinating the general adult population as early as October if there is a stable vaccine supply.

  • Kung mayroon na magdagdag ho at kung kaya na po ma-absorb ng gobyerno ang lahat ng tao na mapabakunahan, we will start... maski sino na... general public.

  • Ang amin dito is always to have equity in mind na dapat unahin na natin ang walang-wala, mga mahirap.

  • Alam mo kasi 'yong mga iba, in the far-flung areas of the country, aside Metro Manila, mayroong mga Filipinos waiting to be vaccinated.

  • I would suggest that (in vaccination) na unahin n'yo muna 'yong mga mahihirap.

  • Itong senate hearing, we do not question the authority and the power of the Senate to investigate in aid of legislation.

  • Ayan ang sinasabi nila. But alam mo kasi, nakita ko na pinapatawag n'yo almost so many persons and yet you are only able to put the resource person for... 5,6,7 hours at 'yong iba naghihintay na wala namang silbi.

  • And yet the subpoenas are repeated every hearing at pinapatawag sila (audio inaudible) ...most of the DOH officials in this morning hearing were all

  • there doing nothing.

  • Alam mo, well, with due respect to the Senate this time, ilang beses n'yo pinapatawag 'yong mga cabinet members and umabot na kayo from the purchase, the procurement then down to itong Pharmally now you are branching out to COVID-drugs issues.

  • Mahirap 'yong gano'n. Pinapatawag n'yo, pabalik-balik tapos hindi n'yo naman na-utilize 'yong testimony so ganito ang proposal ko. I will require the Cabinet members invited to your hearings... I will require ever Cabinet member to clear with me any invitation, and if I think, if walang silbi except to harass and be berated in front of the public, hintuin ko na 'yan at pagbawalan ko na.

  • Kung tignan ko na pabalik-balik na lang with no other purpose except to ramble on, to stretch the hearings because that is good for elections until maybe the election itself, okay naman 'yan kasi you are entitled to your own strategy.

  • Pero ako na magsabi na ako ang may utos na hindi mag-attend. So that is... well I think I can do as President if there is an abuse of authority there.

  • I would say, kapag nakita kong resonable go...

  • I would suggest you will do... diretso-diretso...

  • 'Yong Pharmally pwede n'yo na watak-watakin 'yan... you do what you want kasi kami dito tapos na. I used the Bayanihan I. Sa Bayanihan 1 kayo ang nagbigay ng authority ng executive department even to disregard the procurement law.

  • Sabi nyo, you can take whatever measures for the fastest delivery of the things that we need. So 'yun ang ginagawa namin, tapos ngayon you are dwelling on the procurement law and asking the officials to explain of their actuations.

  • There is a law somewhere about an exemption sa procurement law.

  • Nandiyan sa batas mismo, 'yon ang ginamit namin. Ngayon, nag-order kami, delivered, inspected if it was really the things we ordered according to the specifications and then we paid. We did not sell out anything before delivery.

  • 'Yang Pharmally ninyo pati droga, bahala kayo. You can crumple Pharmally, wala kaming pakialam diyan. Ang pakialam namin nag-order kami, dumating, ang presyo negotiated.

  • On Senator Richard Gordon: I would just like to remind Sen. Gordon na I will campaign against you for being unfit to be a senator of this Republic.

  • Others are trying to be a Chinese, when they are not, and ikaw naman, you are trying to be an American na hindi ka naman totoong Amerikano.

  • Every time that there is a committee hearing, you subpoena more than a hundred resource persons and witnesses. And in more than half of that number comes from the government, instead of working, they are stuck at hearings that last for more than 5 hours.

  • I am surprised that one of the resource person, ang tragedy, is that you're listening to him. I do not understand why the Senate is listening to the witness or the person of Acierto.

  • Acierto was dismissed by the Ombudsman twice.

  • Siya 'yong -one of the responsible for the importation at napunta sa NPA.

  • Inagaw mo sa mga tao ng PDEA ng Davao 'yong credit. Talagang... nag-manufacture... may falsified documents...

  • Kasi sinira mo 'yong bayan ko. You produce so many arms to kill my soldiers. Mainit talaga ako sa'yo sa totoo lang.

  • Ano ba talaga 'yong gusto mo mag-? Ito namang Senate. Ito na 'yong totoo.

  • I plead for fairness sa mga taong tinatawag n'yo. Pag ganoon style n'yo, lahat ng taga-gobyerno sabihin ko wag na magpunta.

  • Nagduda ako dito, kasi taga Davao ito (Yang), 20 years na itong may negosyo.

  • There's only one thing I can say, itong si Acierto at Fajardo, wala talaga credibility. Gordon now is in a bind; paano siya lalabas nito?



Wilkins Villanueva - Director General, PDEA:

  • I'm here to talk about initially the clandestine laboratory operations we conducted some time on December 31, 2004.

  • Ito ang unang-unang laboratory sa kasaysayan ng drug law enforcement na nadismantle habang gumagalaw ang lahat ng makina.

  • Ito lang 'yong laboratory na actual na napasok natin habang nagmamanufacture ang chemist... in the act of manufacturing dangerous drugs.

  • The case study started some time in 2002 when we came across with an infomation that a certain fugitive named Henry Tan. Tan escaped from PDEA custody in 2002.

  • Henry Tan is at large. Alex Co is at large, Joey Co is dead and Allan Sy is missing.

  • So sometime in October 26, 2004, tinawagan po kami ng US Drug Enforcement Administration na may parating na dalawang foreign national sa Davao City para magmanufacture ng dangerous drugs, escorted by 2 Filipinos.

  • Ayaw tanggapin ng PNP na PDEA is the lead agency. 'Yong mga nasa PDEA, panay pulis din so yung capability niya that time, talagang mahina.

  • Kahit saan mo hagilapin 'yan Sir, walang Michael Yang.



Sec. Gringo Honasan, DICT:

  • On the issue of Acierto: Sino ang handler ni Acierto or is he a free agent? Kung hindi natin matumbok 'yong Wilkins... grabe na ang damage sa public interest kung kukunsintihin si Acierto.

  • On connectivity of DICT: Ito pong connectivity, access to data and information is now classified as a right. Parang food, clothing, shelter, education, health services.

  • Noong inassign n'yo kami, napakaliwanag naman Sir na hindi n'yo ako inassign kasi techie ako.

  • Connect our government to other governments, domestic and global. Government to business para 'yong balancing natin...

  • Ngayon po, gusto naming sabihin na ibahagi ang programa ng DICT para makamit itong connectivity at digital transformation ng bansa.

  • Ang pagpapataas ng internet speed ay isa sa mga kasama dito sa connectivity. Alinsunod sa panawagan ng ating Pangulo sa industriya ng telecommunications na pagandahin ang serbisyo para papunta na tayo sa new normal.

  • Nagtaguyod tayo ng mga reporma para mas bumuti ang serbisyo at isa rito 'yong pagpasok ng DICT Circular 008 series of 2020 na nagpapahintulot sa mga telco na mag-locate.

  • Dati-rati kasi bawat telco may kanya-kanyang tower e sabi n'yo Sir ay gawing mabilis kaya tayo naglagay ng common tower policy.

  • P15 million ang pagpapatayo ng isang tore.

  • Sabi namin, lahat ng telco magsama-sama sa isang tore pero 'wag singilin ang mga subscribers. Sumusunod na sila, Sir.

  • Naglabas din ang DICT kasama ang ibang ahensya ng joint memorandum circular para mapabilis ang pagtatayo ng tore.

  • Akala natin 3 ang telco, 40 'yan.

  • Nilagay din natin ang telecom watch para mabantayan ang pagsunod sa mga bagong regulasyon para sa pagtayo ng mga tore.

  • Ayon sa datos mula sa NTC, noong July 2021, nakapaglatag na tayo Sir ng 980,000 km ng Fibr.

  • Mayroon na rin tayo na 25,313 na tower ngayon kumpara sa 16,051 noong December 2017.

  • Sa kasalukuyan, 16 days na lang. Nagsimula tayo, 214 days.

  • Noong August 2021, 800% ang increase natin sa average speed ng hindi gumagalaw na internet speed.

  • Ayon sa datos ng isang international na nagrrate sa telco services, we made some improvements. Hindi naman tayo zero.

  • Isa sa mga proyekto ay ang Government Network Project. 892 na ahensya ang kasama dito. Konektado na sa pamamagitan ng fiber optic cable at layunin namin na i-konekta ang dagdag na 200 na ahensya bago matapos ang 2021.

  • Ang Free WiFi Program for all ng DICT ay nakakamit ng may 500% increase sa roll out nitong 2020... ang DICT ngayon ay nakapagtayo na ng 4,305 na sites.

  • Pinalakas din ng DICT ang pagpapatupad ng mga programa sa pagpapaunlad ng kakayahan ng mga Pilipino.

  • Pinalakas ang kakayahan ng mga lungsod na mapalago ang IT-BPM industry.

  • Nagbibigay ng e-learning para sa ating mga kababayan na nasa marginzalized sectors. NGayon nasa 4,745 Tech4ED Centers ang naitayo at tayo rin ay nakapagbigay ng 341 na Tech4ED webinars na dinaluhan ng 128,408 na katao.

  • Sa taong 2020, ang DICT ay nakapagsanay ng 183,699 na katao sa pamamagitan ng capacity training.

  • Ang DICT ay nakipagtulungan sa UP Technology Management Center para sa Government Chief Information Officer (CIO) Development Program.

  • Ang DICT ay naglunsad ng VaxCertPH.

  • Isa tayo sa mga bansa na unang nagpatupad ng vaccine certificate. 'Yong Japan at New Zealand pinaplano pa lang.

1 view0 comments
Join our mailing list

Never miss an update

Thanks for submitting!

© 2023 by Artkom Creatives

Proudly created with Wix.com

bottom of page