September 16, 2021
President Rodrigo Duterte:
We are here again to make a report and to explain further regarding the circumstances of the accusations on procurement of medical supplies sa Pharmally.
Napipilitan ho kami... we are forced to come up with an explanation to the public simply because the innuendos and the outright accusations of Gordon regarding the how we got hold of the things that we needed to fight COVID.
I'm happy that the House Committee on Good Government and Public Accountability hearing of the House of Representatives initiated a congressional inquiry into the alleged misuse of funds of certain agencies for the government's COVID-19 response.
We could not get a complete and thorough answer from the Senate because it is presided over by a despot, Gordon, who does the talking.
He cannot help but talk and he interrupts the resource persons with questions and cutting them off and providing the answer.
So that the answer of the resource person could never have been complete. Hindi kumpleto kasi binabara niya to the point na the witness appears to be following his theory na may corruption.
I was informed that the House conducted a hearing and allowed the witnesses to talk.
Ang hinahanap ni Gordon ay ang theory that will suit him and it has become an inquest hearing, not a senate hearing.
It was an investigation that was not conclusive and based on facts as provided by the resource person.
I think the witnesses already called by the Senate might be called by the House to testify again. So that is good because in the House, they will be given every chance to talk.
It was fair, the witnesses were heard and allowed to explain. There was no badgering and bullying. No one argued with the resource person.
I'd like to address myself to the other senators, it might seem that we are egging for a fight with you, we are not.
Ang problema diyan, 'yong (chairman) ng Blue Ribbon is a despot. He does not allow anybody to answer and he cuts the testimony, even of the COA.
There was no overpricing which some senators are desperately trying to establish. Everything was delivered, there was no ghost deliveries as some senators are implying.
Nakinig naman kayo sa COA, wala naman silang sinabing overpricing, ghost deliveries.
Ito ngayon. Let us focus. Kung gusto n'yo ang story ay to be complete, makinig tayo sa discussion ni Atty. Warren Liong, siya ang makakapag-explain sa atin, ano ang protocol? Ano ang requirements?
Allow me to define further the persona of Gordon. Itong si Gordon, in 2017, he was... sa Senate Blue Ribbon Committee, he filed a resolution to investigate this P6.4 billion worth of shabu shipment from China wherein Eduardo Acierto was involved.
Then in 2018, the Senate Blue Ribbon Committee recommended for the DOJ and the Ombudsman further Eduardo Acierto for multiple law violations.
Ito sinasabi ko si Acierto, was connected in a unit that has something to do with drugs. Ito rin 'yong sinasabi ko na pinoprogram nila ang mga foreigners, karamihan diyan Chinese, tapos hulihin kunwari nila sasabihin in possession, connected with a syndicate in trafficking of drugs.
Ito ang style nila tapos hulihin, hihingian ng pera, irerelease.
Ulitin ko, 2017 pati 2018, inimbestigahan nila itong si Eduardo Acierto. Itong Senate Blue Ribbon Committee.
Ngayon, present time, fast forward tayo, ginagawa ni Gordon si Acierto na isang g*go rin. Diyan hindi ko maintindihan kung bakit gano'n si Gordon.
Senator Gordon, it is a crime when you present perjured witness in an official proceeding in Congress or in government. Alam mo 'yan. Abogado ka.
Ang corruption mo sa Red Cross, buhay ang nilalaro mo diyan. Ang kapital mo ay dugo. Hindi ka na nahiya.
So much about Gordon, itong si Acierto... nag-testify diyan sa ano... 'yan 'yong sa Youtube ba 'yon? Ang masakit sa akin... nag-smuggle ka ng 1,000 AK-47 at binigay mo doon sa NPA. So... it comes late pero okay lang.
'Yong audience nila sa Congress, hayaan n'yo 'yon mga tao doon. Ang aking audience ay ang mga Pilipino so makinig kayo kasi sinabi ko foremost na malaman n'yo kung saan napunta ang pera ng gobyerno at ano ang pinagkagastusan.
Kung maniwala kayo kay Gordon, e 'di bahala na.
Kapag nawala ang respeto ko sa tao, anak ng... bababuyin talaga kita hanggang mamatay ka o hanggang harapin mo ako tapos papiliin kita kung ano ang gusto mo. Ayan. Nawala na ang respeto ko sa'yo.
Sabi ko sa mga Pilipino, huwag n'yo iboto ang buang na 'yan. Umalis na 'yong mga Amerikano, naiwan na siya.
Sec. Francisco Duque III, DOH
Patungkol naman po sa ating healthcare worker benefits. Mayroon ng P15.1 billion benepisyo na naibahagi ang ating gobyerno sa ating mga healthcare workers simula noong September 2020 hanggang sa kasalukuyan.
Kabilang po dito ang higit P13 billion na SRA. Halos P1 billion sa meals and accomodation... Nakapagbigay na rin tayo ng aabot sa P500 million na sickness and death benefits na nagkaroon ng COVID infection.
Ang atin po mga pagbubuod. Patuloy na tumataas ang mga kaso sa bansa kung saan nanatili na nasa high risk level ang 92% ng ating mga lokalidad.
Sa unang dalawang linggo ng Setyembre, tayo ay nakapagtala ng 83 COVID-19 deaths kada araw on the average.
Amin po paulit-ulit na hinihikayat ang mga ospital at mga LGU na maglaan ng sapat na COVID-19 beds, ICU at mechanical ventilators para magkaroon ng sapat na kapasidad...
Sec. Carlito Galvez, Vaccine Czar:
Nagkaroon na po ng official announcement ang WHO para sa additional delivery of 10 million doses ng Pfizer.
Natutuwa po kami dahil naging maganda po ang pagbisita ni Sec. Delfin Lorenzana atsaka po ni Sec. Locsin doon po sa US at doon po nakapag-usap po sila ng state department at nagkaroon po sila ng... nagpasalamat sila sa pagdating ng 6 million vaccines nung nagbigay po ang US.
Nag-usap po kami ni Ambassador Romualdez... nangako po ang Moderna na 1.8 million last month ay pupunuan pa po nila ng 5 million ang idedeliver this month.
Magandang balita rin po, baka ma-achieve na po natin ang 40 million (total doses) administered this week. Baka kung lalabas po ang resulta ng ating vaccination bukas e baka naka-40 million na po tayo.
Ang isa pa pong magandang balita, assured po tayo na more than 30 million doses ang dadating na bakuna this September.
57.5 million vaccines that are arrived (in the country)
Naka-39 million na total vaccines administered.
22 million na po ang nakatanggap na ng first dose then 17.3 million ang second dose/fully vaccinated.
Nasa 15% na po ng target populasyon ng bansa ang fully vaccinated na.
Lahat ng ospital ang kanilang dinadaing po ay kulang po ang kanilang mga doktor, nurses...
Face shields will provide an added premium of prevention. It might not really be a big of a percentage but even if it is just 5%... mas maganda na 'yan.
Sec. Eduardo Año, DILG:
Sisimulan ko po ang aking report sa pagbabahagi ng updates sa pamamahagi ng ayuda sa National Capital Region (NCR), sa Laguna at sa Bataan.
Tapos na po ang pamamahagi ng ayuda sa National Capital Region (NCR). Ang kabuuang halagang naipamahagi ay umabot sa P11.22 billion kung saan mahigit 11 million benepisyaryo ng NCR ang nakatanggap na ng ayuda mula sa pamahalaan.
Mapapansin natin na may natitirang 29.4 million sa alokasyon ng Makati na hindi pa naibibigay. Ayon sa Makati LGU, nabigyan na nila ang lahat ng mga benepisyaryo na nakatala sa kanilang initial na listahan pati ang mga kwalipikadong aplikante at dahil wala na natitirang claimants, ibabalik na nila ang pera sa Bureau of Treasury.
Sa probinsya naman po ng Laguna, nasa 87.02% naman po ang pamamahagi ng ayuda sa 2.363 million na residente na siyang nakatanggap ng tulong pinansyal mula sa pamahalaan na may kabuuang halaga na P2,362,576,000.00 na halaga.
Out of 30 municipalities, 19 na po ang nakapagdistribute ng 100% ng ayuda.
Sa probinsya naman po ng Bataan, 431,054 na po ang nakatanggap ng financial assistance. Sa kabuuan, nasa 61.73% o P431,054,000.00 ang naipamahagi sa mga LGUs.
Sa loob po ng 10 araw, may 18 na sumurrender at nakapagconduct po ang PNP, PDEA, etc ng 1,119 (drug) operations kung saan 1,659 ang naaresto at ikinasawi ng 9 na tao.
Ang atin pong nalalapit na pilot implementation para sa alert level system sa Metro Manila ay magsisimula na po bukas, September 16 at masasabi po natin na handa na ang DILG, ang LGUs ng NCR at ang PNP sa implementasyon.
Malina at pulido na rin po ang mga guidelines sa ngayon at natapos na rin ang mga coordination sa iba't ibang ahensya sa pagpapatupad nito.
Ang NCR ay isasailalim sa Alert Level 4.
Dr. Eric Domingo - Director General, FDA:
Nabanggit n'yo po na kahit sa mga bata ay nagkakaroon na rin ng COVID, kapag dumating na po ang panahon na enough na po ang supply natin saka po mayroon na po tayong regular supply at magbabakuna na po tayo ng mga bata, mayroon naman po tayong mga option na mga bakuna na maaring gamitin.
Unang-una po 'yong Pfizer na vaccine. Nabigyan na po natin 'yan ng EUA para sa mga bata na may edad 12 to 17. Ito po 'yong first option natin. Nakita po na may mga pinakarare na cases ng inflammation ng puso na napakadali lang pong gamutin.
Second option po natin 'yong Moderna vaccine. 'Yan po 'yong second na bakuna na tinignan ng mga vaccine expert at binigyan na po natin 'yan ng EUA for 12 to 17 years old po na mga bata.
Doon naman po sa ating other vaccines, 'yong Sinopharm po ay may dalawang EUA dahil dalawa po ang factory niyan, sa Wuhan at Beijing.
Ito po ang bago nating inapprove ay ang EUA ng Sputnik Light. Single dose po ito kagaya ng Janssen.
Ang mortality po ng COVID ay mas mababa po kahit marami na ang kaso kaysa doon sa early part of the year.
Benhur Abalos - Chairman, MMDA:
Handang-handa na po sila. Kasama po namin sa pagpupulong ang mga pulis para bukas po ay talagang huhulihin ang mga hindi sumsunod po sa protocols.
Gusto ko rin po sabihin na nagpasa po ng resolusyon para sa pag-addjust ng curfew. Gagawin na pong 10pm-4am.
Habang may pilot implementation po ay tuloy-tuloy po ang pagbabakuna.
Sec. Delfin Lorenzana, DND:
Narito ang mga nagawa ng response cluster sa ika-7 sa ating crisis action plan against COVID-19.
Ito po ang status ng mga returning Filipinos...
Nagpatupad ng granular lockdown sa ilang lugar sa NCR, CALABARZON at MIMAROPA. Tinitiyak din na ang bilang ng mga contact tracers sa bansa ay umabot na sa 128,000 katao.
Sec. Salvador Panelo, Chief Presidential Legal Counsel:
Gusto ko lang po magbigay ng pagsusuri at magbigay ng aking analysis sa nagaganap na kontrobersya kung saan napaloob sa inyong pahayag kung saan ay sinabihan n'yo po si Sec. Duque for that matter na bago pumunta sa hearing sa Senado ngayon e kailangan muna pumunta sa inyo at kunin ang inyong pahintulot.
Ang mga kritiko ay nagsimula na naman pong punahin ang iyong direktiba at sina-cite po nila ang isang kaso.
'Yong mga kritiko, sinasabi nila na 'yong direktiba n'yo na humingi muna ng pahintulot sa inyo ang isang cabinet member bago dumating sa Senate hearing e hindi sang-ayon sa desisyon ng Senate vs. Ermita.
Ang nakikita po natin, 'yong mga kritiko, kasama na po 'yong ibang mga senador diyan, e mukhang hindi po nila fully appreciated o naunawaan 'yong sinasabi ng Korte Suprema.
Ang kinukuwestiyon, yung pamamaraan ng pag-conduct nila ng imbestigasyon.
Walang maayos, maliwanag na sinasabi ang komite na kaya nila ginagawa 'yon eh may gusto silang panukalang batas na gustong isulong sa imbestigasyon.
Sa tingin natin, ang ginagawa nila ngayon ay hindi in aid of legislation. This will fall under Sec. 22 na question hour na sinasabi ng Korte Suprema na mayroong karapatan ang Presidente na 'wag pahintulutan ang isang miyembro ng isang gabinete na umattend ng Senate hearing.
Salvador Medialdea, Executive Secretary:
Ang pinagtataka ko lang po e pinapahalagahan nila ang ebidensya na si Acierto na walang credibility na tao na nag-smuggle ng mga baril, nasa droga pa, ayon 'yong pinaniniwalaan kaysa Pharmally na nakatulong na sa bansa.
Carlo Nogarles, Cabinet Secretary:
As of July 15, positive po 'yong growth ng SBMA kahit na may kinakaharap tayo na pandemya at P1.66 billion operating revenue.
Ipinapakita lang po nito na kahit na may pandemya tayong kinakaharap e patuloy pa rin ang mga economic activities in other parts of the country.
And most importantly po ay 'yong freeport workforce na from a total of 134,000 in 2019, tumaas po kahit na may pandemya sa 138,110 in 2020 at 138,964 sa first half pa lang ng 2021.
Commentaires