August 29, 2020
Moderated by Usec. Rocky Ignacio, PCOO and Aljo Bendijo, PTV-4:
USEC. IGNACIO: Isang mapagpalang araw po sa lahat ng nakatutok ngayon sa ating programa, mapa-telebisyon man o sa online streaming. Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako po ang inyong lingkod, Undersecretary Rocky Ignacio mula sa PCOO. Magandang umaga sa iyo, ALJO.
BENDIJO: Good morning, Usec. Rocky. Maayong buntag Pilipinas. Ako naman po si ALJO Bendijo makakasama ninyo sa pagbabalita sa mga aksiyon ng ating pamahalaan upang mabigyan ng tugon o solusyon ang health crisis na patuloy nating nararanasan.
USEC. IGNACIO: Basta’t laging handa at sama-sama kaya natin ito. Simulan na natin ang Public Briefing #LagingHandaPH.
As of 4 P.M. kahapon po, August 28, 2020 ay nakapagtala ang Department of Health ng karagdagang 3,999 reported COVID-19 cases sa bansa na sa kabuuan po ay umabot na sa 209,544 na kaso; 71,745 po sa bilang na iyan ay nananatiling active cases. Nadagdagan naman ng 510 ang bilang ng mga recoveries o mga gumaling mula sa sakit na sa kabuuan ay umabot na sa 134,474 habang siyamnapu’t isa naman po ang dumagdag sa mga nasawi na sa kabuuan po ay nasa 3,325 na.
Sa atin naman pong line graph, mapapansin na taas-baba pa rin po ang bilang ng naitalang kaso mula sa 3,249 cases nitong Huwebes, kahapon po ay muli na naman itong tumaas at umabot sa 3,999. Tulad po ng ating mga naiulat sa mga nakalipas na araw, ang Metro Manila pa rin ang pinagmumulan ng mataas na kaso ng COVID-19 na nakapagtala kahapon ng 2,097 cases. Nagpalit naman ng puwesto ang Laguna at Cavite na may 178 cases at 138 cases, ayon po sa pagkakabanggit.
Pang-apat sa puwesto ang Batangas na may 132 cases samantalang panlima na po ang Cebu na nakapagtala ng 125 na bagong kaso. Tumaas naman ang bahagdan ng active cases mula sa 33.25% ng total cases na ating naiulat kahapon, ito po ay umangat sa 34.2% na may kabuuang bilang na 71,745 cases.
BENDIJO: Sa mga aktibong kaso naman, 91.2% ay mild cases lamang, samantalang 6.8% ang walang sintomas at nananatili sa 0.8% ang severe at 1.2% naman ang nasa kritikal na kondisyon.
Samantala, paalala pong muli, malaki ang magagawa natin para matuldukan itong COVID-19 pandemic. Wika nga, “BIDA solution to COVID-19”. Kung lalabas po kayo ng bahay, huwag na huwag kalimutang planuhin ang mga bibilhin, magsuot ng mask, magdala ng alcohol, iwasang humawak sa mga bagay. Dumistansiya ng isang metro sa ibang tao at agad na magpalit ng damit sa iyong pag-uwi. Mga simpleng paraan lang po pero malaki ang maitutulong para labanan ang COVID-19.
USEC. IGNACIO: Para po sa inyong katanungan at concerns tungkol sa COVID-19, maaari ninyo pong i-dial ang 02894-COVID o kaya ay 02894-26843. Para naman po sa mga PLDT, Smart, Sun at TNT subscribers, i-dial ang 1555. Patuloy rin kayong makibalita sa mga pinagkakatiwalaang sources ng impormasyon tungkol sa COVID-19, maaari ninyo pong bisitahin ang covid19.gov.ph.
BENDIJO: Para naman sa ating mga balita, dinamayan ni Senador Christopher ‘Bong’ Go ang mga apektado ng naganap na sunog sa Las Piñas noong nakaraang Martes. Tinatayang nasa isandaan at walumpung pamilya o 183 families at nasa mahigit na animnaraang indibidwal ang nabigyan ng kaniyang tanggapan ng food packs, gamot, alcohol at tulong pinansiyal. Namahagi rin siya sa ilang benepisyaryo ng bisikleta.
Samantala, nagkaloob din ng karagdagang tulong ang DSWD, DTI at National Housing Authority. Sa pamamagitan ng video call ay inihayag ni Senador Go na kapag mayroon nang bakuna, prayoridad ng pamahalaan ang mga mahihirap at iyong mga vulnerable.
Upang makaiwas sa disgrasya kagaya ng sunog ay pinaalalahanan niya ang lahat na magdoble ingat at sundin ang mga preventive measures. Kaugnay niyan upang mabawasan ang insidente ng sunog sa bansa ay ipinanukala niya ang Senate Bill No. 204 na naglalayong gawing mas modernisado ang fire prevention capacity ng Bureau of Fire Protection. Bilang panghuli ay sinabi ng senador na handa siyang tumulong sa kahit kanino dahil ito ay kaniyang tungkulin.
USEC. IGNACIO: Samantala ay agad din pong nabigyan ng tulong ang nasa 118 na apektadong pamilya sa naganap na sunog kahapon sa Davao City. Sa ilalim po ng strict protocols ay personal na binisita ni Senator Bong Go ang mga biktima kung saan nagkaloob siya ng food packs, cash assistance, gamot at face masks. Nagbigay din siya ng mga bisikleta sa dalawandaang residente roon.
Pinaalalahanan din ni Senator Bong Go ang lahat na ipagpatuloy ang bayanihan at pagtutulungan upang malampasan ang krisis na ating nararanasan. Maaari rin umano silang magtungo sa pinakamalapit na Malasakit Center para matulungan ang kanilang mga pangangailangan. Present din sa aktibidad ang DOH, PCSO, National Housing Authority, DOLE at PAGCOR kung saan namahagi rin sila ng tulong sa mga kababayan natin doon.
BENDIJO: Kamakailan lang din ay nagpaabot ng ayuda ang senador sa animnapung residente ng Camiguin Island sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation Program ng DSWD ay nabigyan ng tulong pinansiyal ang mga solo parent at iyong mga itinuturing na women in special difficult circumstance at family heads and other needy adults. Napagkalooban din ng cash assistance ang mga estudyante na labis na naapektuhan ng pandemya.
Patuloy naman ang senador sa pagpapanukala ng mga batas upang matulungan at mapangalagaan ang vulnerable sa ating lipunan kagaya ng mga kabataan at mga solo parent. Matatandaan na noong July 2019 ay ipinanukala ni Senador Bong Go ang Senate Bill No. 206 para sa karagdagang benepisyo ng mga solo parent sa bansa kagaya ng 20% na discount sa mga gamot at mga pangangailangan ng kanilang mga anak.
USEC. IGNACIO: ALJO, kasama nating magbabalita mamaya sina Aaron Bayato mula sa PBS-Radyo Pilipinas, si John Aroa mula sa PTV-Cebu at si Clodet Loreto mula sa PTV-Davao.
Samantala, makakausap naman natin sina Secretary Fortunato de la Peña ng Department of Science and technology at si Attorney Agnes Devanadera, ang Chairperson and CEO ng Energy Regulatory Commission.
BENDIJO: Kung may mga nais po kayong linawin sa ating mga resource persons, i-comment ninyo lang po iyan sa ating live stream at sisikapin nating maipaabot sa kanila ang inyo pong mga katanungan.
USEC. IGNACIO: Para sa ating unang panauhin, ALJO, makakasama na nating muli sa ating programa ang Ama ng Department of Science and Technology, walang iba kundi si Secretary Fortunato de la Peña. Good morning po Secretary and welcome back po.
DOST SEC. DE LA PEÑA: Good morning, Usec. Good morning, ALJO. Maraming salamat at good morning po sa mga tagasubaybay.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, magsisimula na po ang clinical trial ng Sputnik V sa Russia na may 40,000 volunteers mula po sa kanilang bansa, paano po ang gagawing close monitoring ng DOST sa trial na ito at sigurado po bang by October ay darating na ito sa Pilipinas?
DOST SEC. DE LA PEÑA: Iisa naman po ang ating sinusunod na procedure whether we are talking of the WHO solidarity trials or iyong ating mga independent trials. Iyon pong kung sakaling magta-trial po sa Pilipinas ang Sputnik, ito po ay malamang under the independent trials category kasi hindi ko po alam kung makakasama sila sa WHO solidarity trials, inaantay pa namin ang announcement ng WHO.
Magandang balita, kasi ang ating vaccine panel expert head, si Dr. Nina Gloriani, ay idinesignate ng WHO sa WHO panel na magrirekomenda kung ano ang mga bakunang gagamitin sa WHO solidarity trials.
SEC. DE LA PEÑA: Iyon pong sa Russia, iyong sa Sputnik na iyon, nagkaroon na po kami ng dokumento at ito po ay tungkol sa confidentiality data agreement kasi kung anuman ang resulta ng trials nila sa Russia ay kailangan mai-disclose sa atin para ma-analyze ng ating mga eksperto iyong resulta ng kanilang trials sa Russia. Kung ano ang kalalabasan ng ating pagsusuri ng ating panel, isa-submit iyan sa FDA kasi ang ating FDA po ang magbibigay ng go signal sa pag-conduct ng clinical trials.
So pinaghahandaan natin iyong ating WHO solidarity trials, at kung iyan po, iyang Sputnik ay mapupunta doon sa category ng independent trials, sila naman po ang gagastos doon.
USEC. IGNACIO: Bigyan-daan ko lang po iyong tanong ng ating kasamahan sa media, si Leila Salaverria po ng Inquirer tungkol po sa Russian vaccine: Has the DOST reviewed the phase one and phase two trials of the Russian vaccine; and if yes, what are its views on this? And when will the vaccine trials begin whether for Russia vaccine or other vaccines?
SEC. DE LA PEÑA: Wala pa pong ibinibigay na datos sa atin ang… tungkol sa Sputnik. So kung matapos na iyong ating pirmahan sa confidentiality data agreement at ipadala na po ng gumawa ng Sputnik, iyon pong Gamaleya, iyong kanilang datos at saka pa lang masusuri. Sa pagkakaalam ko po, as of today, wala pang datos na binibigay kasi ongoing pa nga iyong trials nila eh; hihintayin pa nating matapos iyong trials nila at saka lang natin ia-analyze. Lahat naman po ng bakuna ay ganoon ang pagdadaanan.
USEC. IGNACIO: Opo. Iyong second question po ni Leila Salaverria pa rin ng Inquirer: The IATF earlier said there should be a standard rate of compensation for participants in COVID-19 vaccine trials. Has the DOST decided on the compensation rate? If yes, what are the rates?
SEC. DE LA PEÑA: Hindi pa po. Kaya naman kasi tayo nag-recommend na magkaroon ng standard rate, unang-una, ang mga pinaaprubahan namin sa IATF, number one, ay kung anu-anong pagdadaanang proseso ng kahit anong bakuna na ita-trial dito. Nabanggit ko kanina, iyong sa WHO solidarity trial for vaccine ay ang DOST po ang magsu-shoulder ng gastos sa clinical trial. Iyong mga independent trials na hindi kasama sa WHO, kung sino po ang producer noon or developer, sila po ang magsu-shoulder ng trials dito sa Pilipinas, ng clinical trials.
Ngayon po, iyong tanong tungkol doon sa compensation, ang isa pa rin kasi nating nirekumenda ay magkaroon ng zoning doon sa vaccine trials. So halimbawa po sa WHO, na-designate na namin kung aling mga ospital ang magko-conduct ng clinical trials doon sa solidarity trials. Ito ay sa PGH, RITM, sa Manila Doctors dahil nandiyan po ang ating mga experts na mga vaccine trialists. Pero iyong ibang ospital, puwede rin pero ipapa-affiliate sila diyan sa mga ospital na iyan.
Ngayon, iyon naman pong zoning na iyon ay ni-recommend namin para hindi mag-agawan sa volunteers. So sa isang lugar, dapat isang vaccine lang ang susubukan. At ganoon din naman iyong aming rekumendasyon na magkaroon ng standard compensation. Alam po ninyo, ang magbo-volunteer as vaccine trials, hindi naman po suweldo iyon; iyon po ay to compensate para sa araw na mawawala sa kanila. Kung sila ay babakunahan, mawawala na iyong araw na iyon, hindi na sila makakatrabaho, kung ano man ang kita nila ay wala na at saka po ang pamasahe nila ay sasagutin, at saka po iyong meals nila for that day. Iyon lang naman po ang dahilan kung bakit may compensation.
Ngayon, ayaw nating mangyari na ang ibang magku-conduct ng vaccine trial ay mag-o-offer nang mas malaki para sa kanila pumunta volunteers; kaya ang gagawin natin ay magkakaroon tayo ng standard or harmonized way of compensating iyong mga volunteers. Pero iyon po ay hinihintay pa natin at irirekumenda po sa atin ng Philippine Health Research Ethics Board. Iyan pong Ethics Board na iyan ang nagbibigay ng go signal sa lahat ng mga eksperimento involving human beings.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, kayo rin po sa DOST ay nagsasagawa rin ng iba’t ibang clinical trials para po mahanapan ng lunas itong COVID-19, at isa na po dito ang Lagundi at Tawa-Tawa. So ano na po ang update dito? At nasa pang-ilang phase na po ang trial na ito?
SEC. DE LA PEÑA: Iyon pong sa Lagundi, ang good news po ay naaprubahan na ng FDA ang clinical trials. So ito lang early this week po naaprubahan, so hopefully – hindi ko pa natsi-check ngayong araw na ito – ay nagsimula na, at ito ay sa PGH gagawin.
Ngayon, iyon pong trials sa Tawa-Tawa, hindi pa lumalabas iyong FDA approval, at iyan po ay pangangasiwaan naman ng isang … ito po ay pangangasiwaan ng ating doktor doon naman sa UP Visayas iyong Tawa-Tawa trial.
Ngayon, mayroon din tayong mga bagong Inaprubahang proyekto para sa inyong kaalaman. Ito po naman iyong—well, anyway, doon sa Lagundi, babalikan ko lang, mayroon na po tayong mga areas kung saan siya isasagawa. Hindi pala sa PGH iyong Lagundi, kung hindi mga tiga-PGH ang gagawa pero ito ay gagawin sa tatlong quarantine centers. Ito po kasi para sa mga mild cases ano. Ito ay gagawin sa Quezon Institute quarantine center, sa Sta. Ana Hospital at sa Philippine National Police NCR community quarantine center.
Gaya nga ng nasabi ko noong una, ang hangad natin diyan ay ma-address iyong mga symptoms katulad ng ubo, lagnat at iyang mga sore throat kasi malaking bagay kung giginhawa ang ating pasyente na mild cases diyan sa mga symptoms na iyan. At titingnan din natin kung ano ba ang probability na sila ay bababa ba iyong probability na magpo-progress sila into moderate and severe cases kung bibigyan iyang mga gamot na iyan – Lagundi at Tawa-Tawa.
Ngayon, mayroon po tayong bagong balita, ito naman po iyong ating invitro trials na isinagawa sa abroad tungkol naman sa lauric acid at sa mga derivatives niya katulad ng monolaurin. Ito po ay mga galing din sa coconut oil kaya related din iyong mga clinical trials natin sa VCO at saka itong invitro trials na isinagawa abroad dahil wala naman tayong koleksyon ng SARS-CoV-2 at laboratoryo na gagawa noon.
So far po ang finding ay mayroong modest… shall we say, reduction noong infectivity ng ating SARS-CoV-2 with the use of lauric acid and monolaurin. At dahil po doon, kahit na modest lang iyong reduction, it still justifies our experiments in our clinical trials involving VCO against COVID-19. Kasi kahit na modest ay nakaka-reduce pa rin sila ng infectivity, pero kailangan pa rin iyong ating clinical trials.
Mayroon din tayo ngayong inumpisahan na trial naman, well, project. Ito naman iyong ating pag-test ng saliva, paggamit ng saliva as a sample, as specimen para doon sa ating PCR-based diagnostic testing ng COVID-19. Ito po naman ay ganoon pa rin ang proseso kaya lang imbes na ang gagamitin ay iyong nakukuhang swab sa ilong at saka sa throat na medyo masakit kapag kinukunan ka, ito pong saliva ay napaka-convenient at saka ika nga ay hindi masyadong mai-expose iyong ating health worker doon sa … kung siya man ay infected.
At ito po naman ay isasagawa na nga itong ating … taga-RITM naman po. Kami po ay nagpondo lang, taga-RITM ang mga gagawa ng testing or trials para diyan sa paggamit ng saliva. Babanggitin ko lang, iba po ito doon sa mga nadidinig natin na saliva testing na ‘pag kumuha ng saliva ay mabilis na mabilis makukuha iyong resulta at dahil ito ay ginagamitan ng artificial intelligence.
So pag-uusapan pa lamang po namin noong mga proponents iyong tungkol doon sa technology na iyon na ang pagkakaalam ko ay galing sa Israel.
Ngayon sa VCO bukod doon sa aming Sta. Rosa trial ay balak naming mag-expand sa Valenzuela. Nakausap namin ang LGU ng Valenzuela at willing silang magsagawa din ng VCO trail sa kanilang emergency hospital at nang sa ganoon ay mas mabilis dumami iyong ating volunteers.
USEC. IGNACIO: Secretary, kung sakali pong makitaan ng magandang potential itong Lagundi at Tawa-Tawa, kasama na po iyong VCO na ilan po sa mga binanggit ninyo na posibleng gamot. How soon po ito maaaring gamitin o i-administer sa publiko at anu-ano po iyong mga proseso na pagdadaanan po nito?
SEC. DE LA PENA: Oo, kasi katulad po ng VCO nakikita ko po na malapit na. Kasi doon sa Sta. Rosa almost 40 na po iyong aming volunteers ang kailangan lang namin is around 56. So malapit-lapit na po tayo sa finish line at nalalaman na natin ang kondisyon. In fact, ¾ po ng ating mga pasyente doon eh nakauwi na, so ibig sabihin ay lumakas na sila. Pero kailangan pa po ng talagang analysis at formal at report.
Pagkaraan po niyan ay ihihingi lamang po ng permiso sa FDA bilang health supplement ang VCO, para puwede ng gamitin na mayroon na tayong basehan. Although marami nga ang nagsasabi na kahit naman na wala iyang study na iyan ay nagtetestimonya iyong iba na maganda ng epekto ng VCO, dahil may anti-viral properties siya. So, sa tingin ko po baka within two months po mayroon na tayong madiskubre.
USEC. IGNACIO: Secretary nabanggit po ninyo kanina iyong saliva test na pinag-aaralan with RITM. Iba ito doon sa atin saliva test na nabanggit po ni Dra. Minguita Padilla ng Project ARK na ginagamit po sa Amerika at sa Israel, na mura po kasi ito, sinabi na one dollar. Ito pong pinag-aaralan ng RITM ay magiging affordable din po ba at ito po ba ay magiging posibleng mas magiging kasing-bilis po ng paglabas din ng resulta?
SEC. DE LA PENA: Sa pagkakaintindi ko po eh hindi siya gaanong bababa ang presyo, kasi iyon din ang pagdadaanan niyang laboratory test pagkakuha ng sample. At kung sa tagal naman po, actually iyong tagal po ng ating pagre-release ay base sa capacity ng ating molecular laboratories. Kaya kung pareho pa rin ang bilang ng molecular laboratories, hindi masyadong bababa ang paghihintay. Pero ang development naman kasi ngayon ay padami ng padami po ang binubuksang molecular laboratories para mag-analyse nitong mga PCR test.
Iba naman po iyong binanggit ninyo na test na iyong saliva, iyong sinabi ni Dra. Minguita. Iyong sinasabi ni Joey Concepcion at ito nga po ay ilo-launch nila sa September 7. Actually pagmi-meeting-an din namin sa September 7. Ito po kasi naman ay iyong sample, kaya mabilis ay dadaan sa isang, ‘ika nga, sa isang analyser na it’s more of a computer na makikita doon kung base po sa mga data, sa data analytics iyan eh, na nagamit sa mga iba’t ibang sample ay magkakaroon sila ng konklusyon na, iyon ang pagkakaintindi ko, kung ito bang klase ng laway na ito ay may COVID-19 o wala. So, it is not based on the Genome-RMA testing actually, but it is actually on the basis of data analytics that have been done before.
USEC. IGNACIO: Secretary, kunin ko na lang po ang inyong mensahe sa taumbayan especially po doon sa mga taong umaasa po sa inyong kagawaran at inyong kakayahan para po makahinga naman po tayo doon sa banta pa rin ng COVID-19.
SEC. DE LA PENA: Opo, lahat ng ito ay nagbibigay sa atin ng pag-asa, pero katulad po noong mga aming tina-try na mga gamot, ito ay gamot lang kung nandiyan na iyong sakit, hindi po ito bakuna. Iba naman po iyong bakuna at kaya naman po namin inaasikaso din iyong bakuna, para mas maaga tayong makakuha at saka makasiguro tayo ng supply. Ang mangyayari po diyan kasi, malamang iyang bakuna hindi naman manggagaling sa iisang stores, lahat namang po ng gumagawa ng bakuna ay may limitasyon din sa pag-produce.
So malamang iyan ay multiple sourcing din. Ngayon kung ang bakuna po ay oorderin ng gobyerno, dadaan po iyan sa Department of Health ang procurement niyan. Kung ang bakuna naman ay ibebenta ng private sector ay sila na po iyan, hindi na po iyan dadaan sa procurement system ng gobyerno. At ang bibili noon ay iyong makaka-afford.
Ang nakikita po kasi natin, bahagi ng ating population na kailangang ang gobyerno ang gumastos sa bakuna, kasi marami po tayong below poverty level.
USEC IGNACIO: Secretary may pahabol lang po pasensiya na po. So Leila Salaverria po ng Inquirer. Ito po iyong pahabol niyang tanong: Ilang participants sa Lagundi trial po and for how long po ang magiging trial?
SEC. DE LA PENA: Ang pagkakatanda ko po ay around 200, opo. So, iyon ay mabilis lang. Halimbawa dito nga sa mga nabanggit kong lugar na marami namang naka-quarantine dito sa QI, sa Sta. Ana, sa PNP ay mas mapapabilis siguro ang pagtapos natin niyang Lagundi trials. At inaasahan ko naman na iyong mga affected o iyong mga may mga symptoms ay marami diyan palagay ko ay magbo-volunteer.
Ang importante lang kasi po, iyong mga magbo-volunteer, tsini-check din iyong kanilang overall physical condition. Kasi halimbawa sa VCO kapag nakitang mayroong problema sa liver o kaya mataas ang cholesterol, hindi po namin isinasama iyan sa mga volunteers, so, may screening din ang mga volunteers.
Pero ito pong ating mga testing sa mga natural products, mas mabilis po ito, kasi either iyan ay irirekomenda na health supplement, puwedeng irekomenda din siyang gamot, pero mas madali na tayo dahil nandito na iyong ating—may datos na tayo dito mismo sa Pilipinas.
USEC IGNACIO: Okay, maraming salamat po sa inyong panahon, mabuhay po kayo, Secretary Fortunato Dela Peña ng Department of Science and Technology.
ALJO: Usec, ngayon naman ay makakapanayam natin sa kabilang linya si Atty. Agnes Devanadera, ang Chairperson at Chief Executive Officer ng ERC – Energy Regulatory Commission. Magandang umaga po, Chairman Agnes.
Marami tayong mga tanong tungkol sa mga paglabag ng ilang mga panuntunan o kaya ay itong paglabag sa mga advisories ng Energy Regulatory Commission noong panahon po ng Enhanced Community Quarantine at Modified Enhanced Community Quarantine ng mga power distributors at mga kooperatiba. And kung mayroon man, ilan ding mga kooperatiba, kung mayroon po, ikukumpirma natin iyan sa ERC magkano po ang kanilang mga multa. Chairman, good morning
ATTY. DEVANADERA: Good morning at magandang umaga rin sa iba nating mga tagapakinig.
ALJO: Chairman Agnes sa inyo pong pinirmahang desisyon noon pong August 20 ay pinagmumulta ninyo ang Meralco – 19 million pesos – dahil po sa napatunayang lumabag ang telco company, anu-ano po ang mga ikinokonsidera ninyo sa paglalabas po ng desisyong ito at ano daw ang naging tugon ng Meralco dito, Chairperson Agnes?
ATTY. DEVANADERA: Well, una iyong background at bakit nagkaroon ng ganitong penalty. Noong ibaba ang kautusan na magkakaroon tayo ng ECQ, lalo na dito sa NCR at iba’t-ibang lugar at iyan ay mga franchise area. Ang malaki diyan franchise area ng Meralco.
Alam ng ERC na ang kapag hindi nagkaroon ng meter reading ay estimate ang gagamitin pero batay din sa rules na iyon, iyong meter reading ay iyong estimate na iyon, nire-require na ilalagay sa bill na klarong-klaro na iyon ay estimate lang. iyon ay hindi nagawa ng Meralco at ng iba pang distribution utilities.
So, iyon naman ay pare-pareho tayong consumer, nakita natin iyong bill at noong lumabas nga iyong bill ng Mayo eh hindi ba nagulat tayo bakit ganoon kalaki. Kasi nga hindi na rin naisaad doon na mayroon doong estimate amount at hindi rin naging partikular alin doon ang estimate. Kasi iyong estimate hindi dapat in-add lahat dahil nagkaroon na nga ng meter reading. So, isa iyon na napakahalaga hindi dahil gusto natin nandoon pero ang tao bakit nagkaganoon. At iyan na nga ang pakay ng advisory ng ERC na hindi maguluhan ang tao kapag lumabas ang electric bill.
Ngayon, ang pangalawa, dahil—para maibsan nang kaunti, ang sinabi ng ERC sa isa pang advisory, ang ating bill na ang coverage ay noong mayroon tayong ECQ, MECQ iyan ay babayaran in four installments at iyong apat na installments na iyon ay mag-uumpisa pa lang ngayong June. At ang sabi rin natin, dapat iyan ay nasasaad nang malinaw na malinaw doon sa ating electric bill. At iyong iba nga na ang konsumo naman ay two hundred and below, iyan ay anim na buwan ang installments.
Lahat iyan ay hindi nasunod at kaya nagkaroon ng parang kaguluhan ang tao. Iyong iba na hindi naman dapat pumunta pa sa Bayad Center or sa opisina ng Meralco nagpilit pumunta eh ang sabi naman ng ating Pangulo stay home.
So, ito iyong mga considerations, so dalawa: Una, ang installment na ang estimate kung alin iyong amount na estimated dapat inilagay, hindi inilagay, hindi napalagay sa electric bills, hindi piniho o hindi pinartikular alin doon ang estimate; pangalawa, hindi inilagay magkano ang installments. At ito ang mga bagay na sa pananaw ng ERC bilang regulator ay dapat magkaroon ng karampatang kaparusahan.
At ang computation, iyon iyong isa mong tanong. Paano naman umabot ng nineteen million? Mayroon talagang guidelines for penalties sa ERC na 100,000. Ang aming naging batayan sa computation ay hanggang kailan ba hindi na correct ng Meralco itong pagkakamaling ito. So, umabot, batay rin sa sulat ng Meralco, na mga July 9 na nila na-correct; noong sumulat sila individually at pinartikular alin ang nabayaran mo, alin pa iyong babayaran mo at magkano ang installment.
BENDIJO: Opo. Chairperson, may ilang grupo po na nagsasabi na imbes na pagmultahin ang Meralco ay pagtuunan ng pansin ang ire-refund ng Meralco sa mga apektadong mga consumers. Ano po ang masasabi ng ERC dito, Chairperson?
ATTY. DEVANADERA: Wala pa man ang desisyon na ito, ang Meralco ay nagsabi na doon sa mga nakolektahan nila nang buong-buo na bill ay kanilang ire-refund, makipag-ugnayan lang nang diretso sa kanila. Sinabi rin ng Meralco na doon naman sa nakapagbayad nang buo ay kanila namang iki-credit sa future iyong dapat ay installment.
Pero may kakambal itong desisyon na ito hindi lamang penalty, kasi iyong penalty nineteen million, pupunta iyan sa gobyerno. Mayroon din tayo na kakambal nito doon din sa desisyon na iyon na ang sinasabi natin iyon namang lifeliners na tinatawag o 100 kilowatt hours per month and below, ito naman ay bigyan ng discount ng Meralco. At I’m sure tatalima ang Meralco diyan.
At iyan ay bilang pagtugon sa panawagan ng ating Pangulo, ni Pangulong Duterte, na iyong pinakamaliliit sa ating lipunan ay bigyan natin ng karampatang tulong.
BENDIJO: Opo. Attorney Agnes, may tanong lang si Ted Cordero ng GMA News Online. Ang tanong niya po ay: Maliban sa Meralco, mayroon bang ibang mga power distributors at mga kooperatiba na pagmumultahin dahil sa paglabag sa ECQ, MECQ advisories ng ERC? Kung mayroon po, ilang mga power cooperatives o mga distributors ang nakitaan ng mga paglabag at magkano ang kanilang babayarang multa o penalties?
ATTY. DEVANADERA: Napakaganda ng tanong. Mayroon tayong—maraming nagsumbong, maraming—nag-review kami ng mga reports at nakita natin na maraming lumabag. Iyong ibang paglabag nila, kasi sabi natin huwag ng sisingilin iyong ‘Fit-All’; huwag ng sisingilin iyong universal charge at environmental charge pero naningil pa rin sila. Iyon, mga paglabag iyon. So, ang ginawa ng ERC sinulatan itong mga ito at pinagpapaliwanag natin.
Hindi ko masasabi kung magkano ang ating magiging multa dahil naghihintay pa tayo ng kasagutan sa ating order, sa order ng ERC na sila ay magpaliwanag bakit sa aming initial evaluation eh may paglabag na sila sa ating advisories.
BENDIJO: Opo. Upang mas mapagsilbihan po ang ating mga kababayan, Attorney Agnes, ay nagkaroon ng email system upgrade ang ERC simula kahapon na magtatagal hanggang September 2. So, sa mga nais pong magpaabot ng kanilang mga concerns at mga hinaing, saan po sila puwedeng mag-email?
ATTY. DEVANADERA: Mayroon kaming inilagay na mga email addresses na alternative emails namin dahil tamang-tama naman na mayroon tayong three-day holiday, three-day weekend, so parang Tuesday lang—Tuesday up na kami actually, Tuesday ng midnight up na kami.
So, doon muna sa temporary email natin pinapupunta ang ating mga taong nagrereklamo. At alam ninyo, ang dami talagang nagreklamo, kaya para sa ERC ito na talaga iyong nararapat naming hakbang para matugunan ang taumbayan.
BENDIJO: Opo. Chairperson Agnes, mensahe na lang po sa ating mga manonood.
ATTY. DEVANADERA: Sa ating mga kababayan, ang Energy Regulatory Commission po or ERC, ang regulator na tinatawag, at ang amin pong panawagan sa inyo at iyan naman ay pahayag na rin ang Meralco, ang inyong babayaran ay iyon lang aktuwal na nakonsumo kaya mayroon na pong—nasulatan na po kayo individually at na-compute na. Tingnan po ninyo kung iyan sa tingin ninyo ay tama.
Ngayon, hindi rin po naman natin nais na hindi na tayo magbabayad ng ating mga kuryente dahil kapag hindi po tayo nagbayad, ang mangyayari po niyan ay baka magsara na itong ating mga distribution utilities. At alam natin na kapag hindi tayo nagbayad nang tama rin, kapag nagsarado itong mga distribution utilities na ito, ang pinakamahal na kuryente po ay iyong walang kuryente.
So, sa mga dapat magbayad, magbayad po naman tayo.
Doon naman sa may kaunting kuwestiyon, bayaran natin iyong sa tingin natin ay hindi na questionable at habang inuusisa pa ninyo sa Meralco, at kami naman po ay tumutulong, iyong sa tingin ninyo ay hindi karapat-dapat na inyong bayaran. Maraming salamat po.
ALJO: Maraming salamat din sa inyong panahon, Atty. Agnes at ingat po. Si Chairperson Agnes Devanadera ng Energy Regulatory Commission.
USEC. IGNACIO: Okay, ALJO nasa kabilang linya rin natin ang tagapagsalita naman po ng Department of Health, si Usec. Ma. Rosario Vergeire. Magandang umaga po, Usec?
USEC. VERGEIRE: Good morning po, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo, Ma’am kumusta na po iyong ating latest efforts laban sa COVID-19? Ang balita po namin ay maglo-launch kayo ng isang bagong programa na mamamahagi po ng 30 million na locally made washable face mask para po ito sa mahihirap?
USEC. VERGEIRE: Yes, Ma’am. Ang efforts po ngayon ng ating government para po mahikayat natin na mag-comply sa minimum health standards, lalung-lalo na po iyong ating mga kababayan na they cannot afford to have this kind of mask. So magpapamigay po ng ating national government nitong cloth mask na locally produced, local manufacturers, dito po sa mga kababayan nating nasa mga sector na ito.
USEC. IGNACIO: Opo. Ito po ay nagsisimula na Usec, ano po?
USEC. VERGEIRE: Yes, Ma’am, iyong pagpapamigay ng mask po ay nakapag-umpisa na po, nabigyan na po ang ibang population natin, ibang sektor ng society natin at patuloy po itong ibibigay hanggang makuha po natin iyong target number po natin na recipients.
USEC. IGNACIO: Opo, Usec, ito daw po ay talagang makakatulong rin sa mga small and medium enterprises sa bansa – so, sa paanong paraan po?
USEC. VERGEIRE: Yes, Ma’am, because hinihikayat natin ngayon ang local manufacturers natin na sila po ay makapag-produce ng ganitong certain amount and in this manner, matutulungan po natin iyong local industry. Atin pong matatandaan naisama po doon sa Bayanihan 2 na batas na sinasabi na dapat may preferential treatment po tayo or may preference tayo for procuring locally manufactured logistics para po dito sa response na ito.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., recently rin po ay pumirma ang Department of Health, kasama po ang iba pang ahensiya ng joint order para po sa pag-promote ng active transport during at pagkatapos po ng COVID-19. Ito pong active transportation ang ibig sabihin ay biking at walking. Ano pa po iyong nilalaman ng joint order na ito?
USEC. VERGEIRE: Ito po naman ay isa po sa mga ginagawa natin ngayon to promote this healthy setting na component po ng ating mga programa, ito po iyong puwede pong gumamit ang mga tao ng alternative modes of transportation, like biking. This is going to be improving their health also. When they do this, ang kasama po diyan, of course iyong provision ng mga lanes for bicycle at saka po iyon pong ating mga kailangang minimum health standards pa rin, kapag po sila ay nakasakay sa bisikleta.
USEC. IGNACIO: Ma’am, although, hindi po maipagkakaila na malaki talaga ang maitutulong sa kalusugan ng paglalakad at pamimisikleta. Pero paano naman po natin masisiguro na safe po ito? Recently po kasi nabalitaan natin na isang frontliner naman nahagip ng sasakyan habang nagbibisikleta. So paano po iyong magiging koordinasyon ninyo dito?
USEC. VERGEIRE: Yes, Ma’am. Kaya nga po ito ay isang administrative order or joint memorandum po galing po sa iba’t ibang ahensiya. Kailangan pong magtulungan ang mga ahensiya ng gobyerno katulad po ng DILG, ng DOTr para masiguro na ligtas po iyong ating mga cyclers kapag gumamit po sila nitong mga lanes na ito. And of course, this should be a whole of society approach kung saan iyong atin pong mga motorist din sana, bigyang respeto nila itong mga bicycles lanes na ito para po naman ma-insure natin iyong safety ng mga gagamit ng mga lanes na ito.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec, malaki kasi iyong gagampanan rin ng LGU sa pagpapatupad po ng joint order na ito, sila po iyong magiging gabay ng DOH sa pamamagitan po ng isang health promotion na rin?
USEC. VERGEIRE: Yes Ma’am, ang local government talaga ay talagang lead sa implementation o pagpapatupad nitong iba’t iba nating programa na pinapatupad katulad nga po nitong mga bicycle lanes na ito. Local government can insure that all mga local officials nila, pati na rin po mga uniformed personnel ay para po masiguro nga po itong safety nitong mga bicycle lanes at mapapaalalahanan din po nila ang kanilang mga constituents kung paano gumamit nito at kung paano sila magiging ligtas.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec. Sa Lunes po ay baka muling magpahayag po muli si Pangulong Duterte ng panibagong community quarantine. Tayo po ay na-adjust na sa GCQ at nakikita naman po natin iyong datos ng Department of Health na mukhang kahapon po yata ay tumaas. So, papaano po kaya ito, iyong nag-MECQ, nag-GCQ. Sa pag-aaral po ng DOH, tumaas po ba talaga iyong kaso na naman noong tayo po ay isailalim sa GCQ?
–
USEC. VERGEIRE: Gusto ko lang pong ipaliwanag, Usec. Rocky. Noon pong tayo ay nagkaroon ng MECQ, we did not expect that we can bring down the cases immediately. That is a long term. Ang atin pong ginawa during this MECQ stage, recalibrate our strategy at atin pong ipinapatupad ngayon iyan na mga CODE strategy, iyon pong ating One Hospital command, iyong Oplan Kalinga.
So these past weeks po nakikita natin na may naobserbahan tayo na hindi naman po siya talaga tumaas pa ng husto although nandoon pa rin po tayo doon sa average natin per week na nangyayari sa mga kaso, titingnan po natin sa mga darating na araw kung ito ay mapapababa natin, dahil po sa mga strategies na ating ipinapatupad.
USEC. IGNACIO: Usec, may nais po ba kayong ipahabol pa na mensahe o update para po sa ating mga kababayan?
USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Galing sa Kagawaran ng Kalusugan, tayo po lahat ay may responsibilidad dito sa response na ito. Sana po isapuso at isa-isip po natin ang mga kailangan nating gawin. Let us be responsible, not just for ourselves, but for our family and the community. Gusto nating maging BIDA tayo. The solution to all of these issues that we have right now for this pandemic situation. So sana po ipatupad natin ang BIDA: Bawal po ang walang mask, I – I-sanitized po ang mga kamay, iwas hawak sa mga bagay, D – Dumistansiya po tayo ng isang metro, at alamin po natin lagi ang impormasyon.
USEC. IGNACIO: Okay, maraming salamat po sa inyong panahon, Usec. Ma. Rosario Vergeire ng Department of Health. Mabuhay po kayo, Usec.
USEC. VERGEIRE: Maraming salamat po, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Samantala ALJO, puntahan natin ang mga balitang nakalap ng ating mga kasamahan mula sa Philippine Broadcasting Service, ihahatid iyan ni Aaron Bayato ng Radyo Pilipinas
[NEWS REPORTING]
USEC. IGNACIO: Okay, maraming salamat sa iyo, Aaron Bayato ng PBS Radyo Pilipinas.
ALJO BENDIJO: Puntahan naman natin ang mga kaganapan sa Cebu kasama si John Aroa. John, maayong buntag.
[NEWS REPORTING]
ALJO BENDIJO: Daghang salamat, John Aroa ng PTV Cebu.
USEC. IGNACIO: Kasama naman natin, ALJO, na magbabalita sa Davao City si Clodet Loreto. Go ahead, Clodet.
[NEWS REPORTING]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Clodet Loreto ng PTV Davao.
ALJO BENDIJO: Samantala, balikan natin ang pagsisimula ng Hatid Tulong Program ng pamahalaan, panoorin natin ito:
[AVP]
ALJO BENDIJO: Pasalamatan din natin ang mga partner agencies para sa kanilang mga suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas. Salamat din po sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19 – mabuhay po kayo!
USEC. IGNACIO: At diyan po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Muli’t muli po ang aming paalala: Be the part of the solution – wear mask, wash hands, keep distance, stay at home.
Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako po si Usec. Rocky Ignacio.
ALJO BENDIJO: Ako naman po si ALJO Bendijo. Daghang salamat, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Salamat, ALJO. Samahan ninyo kami muli sa Lunes dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.
###
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)
Comments