August 27, 2020
Moderated by Usec. Rocky Ignacio, PCOO and Aljo Bendijo, PTV:
As of 4pm kahapon, nagdagdagan ng 5,277 bagong kaso na ngayon ay may kabuuang bilang na 202,361. Ang bilang naman ng mga gumaling ay nasa 133,460 at ang death toll ay nasa 3,137.
Sa NCR naitala ang karamihan ng mga bagong kaso na 3,157; 403 naman sa Laguna; 304 mula sa Negros Occidental; 237 mula sa Rizal; at 228 mula sa Cavite.
DR. MINGUITA PADILLA - MEDICAL TEAM LEADER, PROJECT ARK:
Naging parang concern ito especially sa nangyari kay Dr. Senen. Marami kaming natanggap na mga report ng mga doctors na nadapuan muli ng sakit.
Hong Kong reported a person who was reinfected with the virus, but the virus was different from the one he had previously. It has been documented and it can happen.
Itong second infection was not as bad as the first (reported second infection of a 33-year old person in Hong Kong)
There is evidence of reinfection, but we don't know if it is less or more severe. Does it like dormant? Are all the reinfections new viruses or reactivations?
Sa ngayon may natuklasan na 6 strains of SARS-CoV2 na maaring maging sanhi ng COVID-19.
Ang kagandahan din nito ay lahat ng virus na nagko-cause ng COVID ay pare-pareho ng behavior.
Ang pinakaimportanteng mensahe dito sa reinfection. Kung nagkaroon ka na ng COVID, you don't need to be feel that you are invisible or hindi ka na pwede magkaroon. You have to protect yourself more.
You can never let your guard down. The vigilance has to go on.
Itong documented reinfection sa Hong Kong ay hindi kasing tindi. Mild lang siya so we cannot say what it will be like.
At least we have one documented (of reinfection) sa Hong Kong.
Marami pang hindi alam at marami pang tanong.
The more we know too, the more we discover that there is still much to learn.
Ayon din sa mga theories nila na iyong immune system ng pasyente ay nakalaban din doon sa bagong COVID infection.
When the individuals na may compromised immune system have a reinfection, I think it is possible na sila ay baka hindi kasing-swerte. Baka maging mas matindi. Pero hindi pa natin alam.
Tayo ay very social beings. Physically distant man tayo but we should strive not to be socially distant.
On high rates of suicides: depression and stress affects the immune system.
Doing activities to keep your mind busy is part of keeping yourself healthy.
Isa pang initiative na tinitingnan namin ngayon is rapid antigen testing.
Sa antigen ay tine-test 'yong presence ng virus sa pamamagitan ng protein ng virus.
Ngayon ang meron tayo ngayon...sa Pilipinas na FDA approved at pinag-aaralan na sa gobyerno at ginagamit na sa maraming laboratoryo ay yung swab test na rin ng antigen.
Ito ay very, very specific kaya pag positive siya, positive siya. Less sensitive lang sa PCR, but sinasabi ng maraming eksperto kahit less sensitive siya, nakukuha niya yung virus dun sa period of time kung kailan ka infectious.
ASEC. TERESITA CUCUECO, DOLE:
Mula noong nagsimula itong COVID pandemic, inatasan po ang DOLE na gumawa ng guidelines para sa ating mga workers kung paano mapapanatili na ligtas ang kanilang lugar ng paggawa.
Naglabas na po ang DTI-DOLE ng interim guidelines na naka-align sa minimum health standards and strategies ng DOH.
Hindi po itinuturing na frequent ang dalawang beses lang na disinfection.
Kailangan po na lahat ng mga nahahawakan ay hinuhugasan. Hindi po dapat tinatanggal ang mask at face shield para magkwentuhan o ano pa man.
Kung may nararamdaman po, tumawag na po sa mga tele-medicine at ipagbigay alam na sa kanilang trabaho maging sa mga barangay hall para malaman nila ang dapat gawing hakbangin.
May mga nagrereport bagama't probable pa lang ang mga ito at marami na rin pong naitatalang kaso sa workplace lalo na nagsagawa na po sila ng testing.
ATTY. JEREMIAH BELGICA - DIRECTOR GENERAL, ANTI-RED TAPE AUTHORITY:
Hindi pong issue sa telco tower ay naayos na.
Ang lahat po ng aplikasyon na may kinalaman sa telco ay hindi dapat lumagpas sa pitong araw. Dapat po ay bayad na at automatically approved na.
Ipinapaalala po natin sa mga LGU na ang mga ito ay automatically approved na at okay na ito once na maconfirm na kumpleto ang kanilang requirements.
Nanghingi na rin po tayo sa mga telco companies ang listahan ng mga pending application.
Comments