top of page
Writer's pictureDWWW 774 Admin 05

LAGING HANDA PUBLIC BRIEFING HIGHLIGHTS

August 31, 2020





Moderated by Usec. Rocky Ignacio, PCOO and Aljo Bendijo, PTV:


Atty. Aileen Lizada - Commissioner, CSC:

  • Pinaninindigan na totoo ang kanyang mga alegasyon laban kay Civil Service Commission Chair Alicia dela Rosa –Bala kaugnay ng umanoy pagpigil nito na makiisa ang komisyon sa imbestigasyon ng Philhealth;

  • “Motive is personal to one.” Hindi alam kung anong motibo ni Bala sa pagpigil na magsalita si Lizada sa isyu. Kamakailan lamang niyang nalaman na dating ex-officio ng Philhealth si Bala;

  • Nais lamang anyang malaman ni Lizada ang pattern ng kaso mula 2010 hanggang sa kasalukuyan; anong disposition ng mga kaso; may nakikita kasi siyang pattern na kung ang kaso ay nasa hurisdiksyon ng regional ay itinataas pa ito sa central office at kabaliktaran, nagtataka rin siya bakit may mga kaso na matagal gumulong ang imbestigasyon na base sa case summary na hawak niya;

  • May isyu rin ng “propriety” mismong respondent ang nag-isyu ng kanyang medical certificate; kung di babasahin ang case records ay puwedeng-puwedeng malusutan ang CSC dahil karaniwang “draft resolution” ang ginagamit sa pagreview ng records

  • Ayaw niyang malusutan sa kaso; kaya inatasan ang kanyang legal na magkaroon ng “thorough investigation” sa Philhealth

  • May “need” na magreach-out sa regional offices ng Philhealth para maiwasan nang maulit ang ganitong anomalya;

  • COVID-19 assistance sa mga kawani ng gobyerno– internal sa ahensya kung puwedeng magbigay ng tulong sa mga nagkasakit ng Covid-19. Pero may guidelines ukol dito ang CSC;

  • May ilalabas na bagong memorandum circular ang CSC para sa point system ng mga nagtatrabaho sa bahay ngayong may pandemya;

  • Digital o electronic governance – sang-ayon ang CSC na panahon nang magshift ang serbisyo-publiko sa “digital” o “electronic governance.”

  • Sa ganitong paraan, di magiging “reactive” ang CSC sa ilalabas na guidelines

  • Mayroong 729 job vacancies sa 76 government agencies na maaaring iavail ng mga naghahanap ng trabaho

  • Sept 10 ang deadline sa mga ahensya ng gobyerno para makapagregister sa CSC at maipost ang job vacancies sa kanilang ahensya


Sec. Ramon Lopez - DTI:

  • Posibleng isang buwan na ang duration ng ilalabas na community quarantine sa mga lugar, di-tulad nang nakalipas na 14-na araw lamang ang implementasyon;

  • MGCQ appeal sa mga negosyo – hindi mangangahulugan na luluwag na ang restrictions at patuloy na gagawin ang minimum health standards;

  • Update sa coordination ng PPE procurement – ang mga local producers ay sumasali sa bidding ng Dept. of Budget and Management – Procurement Service. Nuong una, nagkaroon lang ng isyu sa certification na pasado sa standards.Viable at eligible sila na sumali dahil medical grade rin ang kanilang PPE items;

  • Wala pang commitment sa ngayon ang DTI sa mga local PPE producers;

  • Apela na i-lift ng ban sa pag-angkat ng mechanically- debone meat mula Brazil dahil sa Covid-19 – suportado ito ng DTI dahil walang scientific basis na nakukuha ang virus sa chicken products o meat processed products para maiwasan ang shortage. Planong magpadala ng sulat sa Department of Agriculture para sa paglift ng ban;

  • Sa Brazil may murang “raw supplies” ng canned items;

  • P1-billion assistance program ng DTI – 700-million ang naaprubahan ng loan application sa MSME sa pinakahuling datos nila;

  • Pakikipag-usap ni Lopez kay Mandaluyong City para sa Covid-19 response – maraming ginagawa si Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos na best practices para maaddress ang sakit; Pinuntahan ang populated barangay na Addition Hills para mabigyang-payo sa dapat gawin ng mga residente para makaiwas sa Covid-19; may efforts din sa contact tracing at treatment; Nakita ang mababang insidente ng Covid-19 sa lungsod;ust 31, 2020



3 views0 comments

Recent Posts

See All

Comentários


bottom of page