top of page
Writer's pictureDWWW 774 Admin 05

LAGING HANDA PUBLIC BRIEFING HIGHLIGHTS

March 26, 2021




Moderated by PCOO Sec. Martin Andanar and Usec. Rocky Ignacio:


Usec. Ruth Castelo, DTI:

  • Kaya pa rin naman ng ekonomiya natin. Kaunti lang naman ang sectors na isinara natin ngayon.

  • Ito 'yong mga (sectors) na people intensive, 'yong talagang mga hindi maiiwasan na magdikit-dikit sila but all other industries like manufacturing are still working.

  • Tuloy-tuloy pa rin ang pag-andar ng ekonomiya natin.

  • 'Yong FDI natin in 2019, ayon po 'yong 8.7 then bumaba tayo last year, 2020.

  • Naiintidihan natin dahil buong mundo naman ang economic recession.

  • So 'yong mga investors natin medyo kumaunti lang o nabawasan ang kanilang mga investments sa bansa.

  • Pero hopefully, after this pandemic, lalaki ulit ang investments nila sa atin.

  • 'Yong NEDA report ni Sec. Karl Chua last year December, ang sabi niya ay around 700 million ang wages a day ang nawawala pero maraming GCQ areas last year.

  • Itong panibagong restrictions naman natin ay temporary lang hanggang April 4 kaya that's why we appeal to everyone na mapababa natin ang surge para matuloy-tuloy na ang pagbubukas on April 5.

  • Alam n'yo naman ang DTI kasi ay balancing economy and health o buong economic development cluster ay nagkakaisa na hindi naman natin siguro kailangan totally isara ang mga negosyo o paggalaw ng mga tao kasi kung susundin lang natin 'yong mandatory protocols, magagawa natin 'to.

  • Gusto na natin mai-open sa April 5 ang ekonomiya.



Sec. Harry Roque, Presidential Spokesperson:

  • Mabuting lahat po para sa mga gustong magsimba ngayong Semana Santa. Pinayagan na po ng inyong IATF ang once a day religous gathering mula April 1 hanggang April 4.

  • Dahil dito, kinakailangang sundin ng religous dominations ang mga sumusunod na karagdagang controls bukod pa sa dating mga ginagawa nilang hakbang bilang pag-iingat sa kumakalat na COVID-19.

  • Una, kinakailangang sundin ang maximum indoor seating capacity na 10% sa lahat ng oras.

  • Hinihikayat din na sa pagpasok ng simbahan o venues ay sa pamamagitan po ng reservation para matiyak na masusunod ang 10% capacity.

  • Bawal po ang pagtitipon-tipon o pagsasagawa ng religous activities sa labas ng simbahan o venue.

  • Pangatlo, upang maiwasan ang pagtitipon-tipon sa labas ng simbahan, ipinagbabawal ang paggamit ng audio-video system sa labas ng simabahan o venue habang may mayroong misa o worship service.

  • Pang-apat, ang live singing ay lilimitahan at hinihikayat ang recorded singing.

  • Panghuli, hinihikayat na ang pag-attend sa iba't ibang religous activities sa pamamagitan ng mga online platforms.

  • Inatasan ang mga local barangay units at ng PNP na ipatupad ang mga protocols.

  • Inaprubahan din po ng IATF ang request na Professional Regulation Commission na magsagawa ng licensure examinations sa Mayo at Hunyo ngayong taon habang istriktong ipinapatupad ang health protocols ng DOH.

  • Ang mga kukuha ng exam at magbubuhat sa mga lugar na nasa General Community Quarantine (GCQ) ay hindi hinihikayat na bumiyahe sa mga lugar na nasa MGCQ para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

  • Maglalabas ng kailangang certifications ang DICT para ifacilitate ang turnover of rights ng StaySafe.ph sa Pilipinas bilang kinakatawan ng DILG.

  • Nagdesisyon na po ang NITAG na ang pinakahuling 400,000 donated Sinovac doses, karamihan nito ay ibibigay sa pinaka-apektadong ng new variants. Kasama na dito ang NCR Plus, Cebu at Davao.

  • 'Di pumayag ang IATF nung una sa 10% capacity dahil pumipila ang mga gustong makapasok sa susunod na misa. Ngayong once a day na lang po, sana masunod ang reservation at maintindihan ng lahat, wag na pumila sa labas dahil isang beses lang po isang araw 'yan.


Atty. Doming Coyosa, IBP:

  • 57 legal practitioners have been killed in the past 4 1/2 years at since Martial Law, over 100 na.

  • Ang alam natin mga 5 pa lang umabot sa korte. Medyo mabagal ang pag-identify, pagtugis at pagcharge sa mga suspek. 'Yong iba, wala pang suspek. Marami sa mga incident na 'to, cold case na. Walang lumalantad na testigo, teorya.

  • There's so much unease, fear on the part of the judges, fiscals, lawyers... Kami namang mga abogado, trained to be courageous because we take sides. Pero ngayong well-publicized, sunod-sunod ang mga ito, 'di maiiwasang nangangamba sila for their safety.

1 view0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page