top of page
Writer's pictureDWWW 774 Admin 05

LAGING HANDA PUBLIC BRIEFING HIGHLIGHTS

April 7, 2021




Moderated by Usec. Rocky Ignacio (PCOO):

Dr. Nina Gloriani - Head, Vaccine Development Expert Panel:

  • Actually, na-evaluate na namin siya before. If we look at the safety profile, ito we just talking the senior citizens), maganda ang kanyang safety profile.

  • Mild to moderate ang kanyang symptoms. Ito ay base sa pag-aaral sa Brazil.

  • Although kaunti ang mga napasama na senior do'n sa study, around 400, sa China mayroon din na gano'n study, mga 422 din.

  • Siguro ang pinaka naging issue noon ay 'yong efficacy nga na medyo mababa kasi nga kulang pa po ang tao na nag-participate doon sa trial pero ang maganda sa datos na nakita namin, nakakaprotekta rin siya sa mga matatanda ha? na hindi sila nagkaroon ng severe COVID.

  • Kagaya ng sinasabi natin sa ibang bakuna, pwede magkaroon ng mild pero hindi sila nagkaroon ng severe COVID.

  • They're still considering trying to analyze more data as we go along.

  • Sa China po ay nagsimula na nitong March, and mag-uumpisa na nang mas malawakan nitong April, ang pagbakuna sa kanilang more than 60 years-old na age group.

  • Sa Indonesia nagstart na ng vaccination for elderly gamit ang CoronaVac ng Sinovac noon pang February.

  • Kailangan po sana na makaabot na rin tayo at hindi po natin pwede antayin nang matagal ang AstraZeneca.

  • You know, I'm 67 years old and I had my Sinovac vaccine one month ago so nakadalawang doses na po ako.

  • So may waiver lang po ang ating mga senior citizens. I do not know if the FDA may remove that kasi po nasa pandemya tayo ngayon.

  • Hindi po tayo pwedeng mag-delay nang mag-delay dahil 'yong bakunang hinihintay natin ay hindi pa dumarating.

  • Kung ano po ang mayroon tayo ay sana magamit na natin.

  • So kakulangan lang po 'yon sa datos. Pwede naman pong ma-extrapolate natin ang data sa 18-59 years old, actually na-extrapolate na po, doon sa antibodies na na-produce ng 18-59 ay halos pareho sa na-produce na antibodies ng elderly.

  • 'Yong first dose, pain lang talaga (ang naranasan kong side effect) sa left side which after a few hours nakalimutan ko na.

  • 'Yong sa second dose, medyo may pain of course mabigat, pero ganoon din, after 2-3 hours nawala na rin.

  • Maganda ang kaniyang vaccine efficacy, nasa 92%. May datos sila sa elderly at sa mga may comorbidities, so pwede po siya.

  • Ang may mga datos sa variants, ibig sabihin 'yong mga antibodies generated against the original vaccines 'yong strain, ay medyo bumaba kunyari sa Moderna, Pfizer, AstraZeneca, Novavax, Janssen.

  • Pero hindi natin tinitingnan 'yan as deterrent to the vaccination program. If ever, ang mas kailangan pang gawin ay mas paigtingin pa ngayon ang pagbabakuna.

  • Pero sa ngayon, may mga ginagawa ang mga vaccine companies na ito na siyang mag-a-update sa bakuna, but they may be available by next year.



Dr. Minette Claire Rosario, NITAG for COVID-19 Vaccines/Infectious Disease Expert:

  • So prioritization list po natin ay A1, nag-A2 na rin po tayo at nasa A3 na rin tayo.

  • So sa ilalim po nitong A3, nakita po sa halos lahat ng pag-aaral na kung sino ang mga may sakit sa puso, kondisyon sa baga or may kidney conditions pati 'yong mga kondisyon sa liver, 'yan po 'yong mga magiging kasama sa priority list po ng A3.

  • Ang gusto nating mangyari is mabigyan ng bakuna ang mga pasyenteng nasa priority list as long as supply is adequate.

  • So, kung pwede, even 'yong outside ng NCR is magandang mabakunahan ang mga may comorbidities din.

  • Hindi pwedeng mag-walk in lang. Kailangan na-discuss po ng pasyente at ng doktor niya kung ano man ang makukuha nilang benefit mula doon sa bakuna at ano ang pwedeng maging side effects.

  • Kailangan sa certification na galing sa kanilang doktor, nakalagay kung ano na ang estado ng karamdaman ng pasyente. Nakalagay rin kung ano ang mga kasalukuyang gamot.

  • Pwedeng namang maiba ang aming stand regarding Ivermectin. Pero sa ngayon, hindi talaga nakikita na mayroon siyang bisa.

  • Pareho lang din ang naging dahilan nagpawalang bisa na roon sa minimum public health standards na sinasabi natin.

  • 'Yong sinasabi na gagamit ng ibang bakuna ibang vaccine platform type na sinasabi, pwede 'yan in theory. Pero ang epekto o bisa ng paggamit ng magkaibang klase ng bakuna, hindi pa 'yan tapos sa pagsusuri.



Comm. Johannes Bernabe, Philippine Competition Commission:

  • Ito po ang ahensya na itinayo noong 2016 ng ating pamahalaan para bantayan ang mga nagtatangkang abusuhin ang kanilang pagiging malaki sa merkado.

  • Para habulin ang mga gumagawa ng cartel at para pong bantayan ang malalaking transaction na maaaring magresulta sa mga maliliit na kumpanya na hindi makakapasok sa merkado.

  • Tayo po ay independent na ahensya.

  • 'Yan ay ating iniimbestigahan. Hindi natin pwedeng sabihin na mayroon or wala sa panahon ngayon.

  • Sa ating initial investigation, ang ating tinitingnan ay mayroon bang mga reglamentong naglilimita sa pag-angkat ng mga karne mula sa ibang bansa.

  • Atin ding tinitingnan mayroon bang mga hindi naman nagkakaugnay o nagka-cartel, pero sa sarili nilang practice mayroon po bang nagho-hoard? Mayroon bang hindi naglalabas ng kanilang imbentaryo?

  • Hindi naman kumikilos ang PCC ng pansarili lamang. Tayo ay parte ng task force na nagko-coordinate sa mga bagay na ito.

  • Nahihirapan din po ang ating mga imbestigador na umikot sa iba't-ibang parte ng Pilipinas para usisain kung mayroon ngang ganitong cartel na nangyayari.

  • Ito pong sinasabing cartel ay isa lamang sa posibleng angulo kung bakit tumataas ang presyo ng baboy.

  • Ang ating rekomendasyon sa task force ay iba't-ibang policy measures katulad ng pag-increase sa minimum access volume (MAV), pagbantay kung mayroong kailangang baguhin sa pag-isyu ng mga permits sa pag-angkat.

2 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page