April 8, 2021
Moderated by Usec. Rocky Ignacio (PCOO):
Pangulong Rodrigo Duterte napanatili ang mataas na approval at trust ratings batay sa isang survey.
Usec. Eric Domingo - Director General, FDA:
'Yong Sinovac, noong una po ay ni-limit natin sa 59 and below pero actually, mayroon pong mahigit 700 na mga healthcare workers na 60 and above na nagpabakuna po ng Sinovac by signing a waiver sa kanilang mga ospital.
At noong tiningnan po natin ang kanilang datos, ay ang kanilang adverse events naman, ay within the usual limits po ng adverse events na makikita sa ating bakuna.
At the same time, ni-request po sa atin ng DOH na rebisahin ang paggamit nito sa senior citizens, kasi nga nangangailangan tayo ngayon ng bakuna dahil wala naman pong ibang available na bakuna sa Pilipinas, at medyo mataas ang transmission rate ngayon lalo na po dito sa NCR Bubble.
Kaya noong tinignan po natin lahat 'yon, nakita po natin 'yong Phase 1 and 2 data ng safety naman po ay maganda... 'yong tinatawag na zero conversion rate ng senior citizens ay mataas bagama't hindi natin makuha pa eksakto ang efficacy rate.
Nakita po natin sa early reports na baka po it is around mga 51-52% at the least.
Binigyan na po ng go signal ng FDA ang DOH na gamitin po ang bakunang ito sa mga senior citizen knowing the benefits outweigh the risks.
During the actual vaccination, ang DOH po ay gagawa ng guidelines kung paano po ang screening ng mababakunahan.
Talagang malaki ang risk for senior citizens dahil talagang sa ngayon, alam natin na ang senior citizens, 60 and above, ay napakalaki po ang percentage na namamatay sa kanila kapag sila ay nagkaroon ng COVID-19.
Pero at the same time, nakita naman po natin na ang adverse effects following immunization sa mga senior citizens ng Sinovac ay mababa lamang at within acceptable levels.
Wala po tayong numerong maibibigay, pero masasabi natin na 'yon pong benefit outweighs the risk, dahil sa COVID-19 po maraming namamatay na senior citizens, pero doon sa vaccine po ay walang namamatay at napo-protektahan po sila.
Ang pagbabakuna will only be done kung mayroon pong full informed consent ng taong babakunahan.
Kasama po lahat ng COVID-19 vaccines sa indemnification po na nakalagay sa ating batas.
Ang nakita po ng European Medicines Agency ay mayroong very very rare, kasi out of 200 million na mga nabakunahan ng AstraZeneca, ay mayroon pong parang mga 16 cases na tinitingnan nila na possible connected po sa blood clotting at pagbaba po ng platelet.
Chineck ko po sa ating National Adverse Events Following Immunization Committee, wala naman daw po tayong kaso na na-report na ganito sa pagbaba ng platelets at thrombosis dito sa atin.
Nakikita ito usually daw sa mga kababaihan na less than 60 years old. So, we ask DOH na kung may natitira pa pong AstraZeneca vaccine, siguro ay huwag muna natin gamitin sa mga people below 60 years old until magkaroon ng clearer evidence at guidance from WHO atsaka sa atin pong mga experts.
Actually, wala na po tayong AstraZeneca vaccine at this time, dahil talagang naubos na po natin ito, kaya paila-ilan na lamang at baka within one month pa...
On Johnson & Johnson: Nag-submit na sila ng requirements nila. Ang ating VEP ay magmi-meet kung hindi ako nagkakamali na ngayon o bukas to discuss 'yong kanilang findings sa sinubmit nila at hopefully, next week ay magbibigay na sila ng rekomendasyon.
'Yong pong applicants ng Sinopharm, as of now, may dalawa pong sumulat, hiningan din po natin sila ng requirements. Pero hindi pa po sila sumasagot at hindi nagsa-submit ng requirements.
So technically, wala pong Sinopharm na application na under evaluation dito po sa FDA.
Ako naman po ay sumusunod lang sa mga proseso ng FDA. Siguro may mga iba na hindi sila natutuwa sa ating mga desisyon, pero based naman po tayo sa processes and scientific evidence.
Ginagawa lang po natin ang ating trabaho.
Mayroon na po kaming na-grant dahil nga po ang Ivermectin ay isang investigational product.
Sa pagkakaalam ko po, may isang hospital sa amin ang nag-apply ng compassionate special permit at ito po ay na-grant na ngayong araw na ito.
Mayroon na rin po kaming 2 application for certificate of product registration.
Hindi naman po kami kontra sa Ivermectin pero kailangang irehistro ang produkto at dumaan lamang po sa pagsiguro sa quality ng gamot na dumarating sa tao.
Joy Belmonte - Mayor, Quezon City:
Ako po ay i-re-release na today. Discharge day ko na po ngayong hapon na ito.
Noong una kong sakit ay wala akong sintomas at all kung kaya't hindi rin ako nakapagdevelop ng antibodies which is the reason, sa tingin ko, kung bakit ako nagkasakit ulit.
Ito namang second time, mayroon na akong symptoms kaya umaasa ako na sana may antibodies na kaakibat ito and sa awa naman ng Diyos ay sandali lang ang symptoms.
Less than 2 weeks, I think this is only my 12th day, ay dineclare na akong recovered ng ating mga doktor.
Siguro po sa lalong madaling panahon ako magpapabakuna, kung tayo ay bigyan ng clearance ng ating doktor. Papakinggan ko na lang po ang payo at abiso ng aking mga doktor, pero siyempre nais ko rin po magpabakuna.
Malaking tulong po iyan sapagkat marami sa senior citizens natin ang interesadong magpabakuna.
We welcome very much ang announcement na pwede nang magpabakuna ang ating senior citizens ng Sinovac.
We have already documented 67,286 na mga taga-QC na nagpabakuna na.
Kapag bumisita po tayo sa ating mga vaccination sites, na dumoble na po from 6 to 12 na po, at ready na po tayo mag-rollout in more vaccination sites by the weekend.
Ang QC po ang pinakamaraming natanggap na pondo mula sa national government. This is P2.48 billion which is good for 2.48 million beneficiaries. Siguro 800,000 families ang minimum na makakatanggap ng ayuda.
Ang sinusundan po namin ay ang DSWD list. Iyon po ang utos sa amin.
Comments