top of page
Writer's pictureDWWW 774 Admin 05

LAGING HANDA PUBLIC BRIEFING HIGHLIGHTS

April 9, 2021





Moderated by Usec. Rocky Ignacio (PCOO):

  • Pangulong Rodrigo Duterte nagpa-abot ng mensahe para sa pagdiriwang ng Araw ng Kagitingan.

  • Dalawang milyong COVID-19 vaccines inaasahang darating sa bansa ngayong Abril.

  • Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang 1.5 million sa mga ito ay mula sa mga biniling bakuna ng pamahalaan sa Sinovac habang inaasikaso na nila ang 500,000 doses mula sa Gamaleya.

  • Maliban dito, ibinahagi rin ni Roque na magpupulong bukas ang Inter-aGency Task Force para pag-usapan kung itutuloy pa o hindi na ang Enhanced Community Quarantie sa NCR Plus.

  • Hinggil naman sa mga healthcare workers, tiniyak din ng Palasyo na inaasikaso na ang hazard pay para sa kanila.

  • Ayon kay Roque, ito lang ang ilan sa mga napagkasunduan sa naging pulong kahapon kasama ang ilang miyembro ng gabinete.



Sec. William Dar, DA:

  • Ang ating mga iba't-ibang measures po na ipinapatupad ay simula ngayon, ang SRP sa imported na pork products at ang kasim po ay nasa P270, at ang liempo ay P350.

  • Minabuti po namin na huwag lagyan ng SRP (ang locally produced pork products) para ang titingnan natin lang ay ang mga imported pork products.

  • Ang kinalabasan po ng aming pag-aaral, ang presyuhan sa locally produced meat ay nasa P320 kada kilo ng kasim at P350 kada kilo ng liempo.

  • Alam po ninyo na temporary lang ang price cap. Good for 60 days. Ngayon ay may iba't-ibang measures, hindi lang naman ang price cap ang isang measure na pwedeng hatakin pababa ang presyo.

  • Tamang-tama naman noong April 7 ay inaprubahan na ng ating Pangulo ang rekomendasyon ng NEDA board tungkol doon sa pagbaba ng taripa sa pork products na galing MAV in-quota at MAV out-of-quota.

  • Itong tariff rates includes 'yung in-quota ay 5%, out-quota ay 15%, good for 3 months.

  • The whole lowering of tariff is good only for 1 year. So, the next 9 months after these first 3 months ay itinaas ang taripa. Ang taripa in-quota ay 10% at ang out-quota ay 20%

  • Ang pinapa-approve po nating MAV class ay doon lang sa deficiency natin ngayong taon gawa ng ASF.

  • Mayroon nang backyard and semi-commercial na repopulation na P500 million po, doon ang ACPC loan 0 interest. So payable in 5 years.

  • Another part of the repopulation program, mas lalo na doon sa apektado ng ASF earlier, ay mayroon tayong backyard clustering following a sentinel approach at mayroon tayong nakalaan doon na P600 million.

  • Pangatlong part ng repopulation ay mayroon tayong concessional loans. Doon sa Landbank ay nakalaan na ang P15B at sa DBP P12B. So, a total of P27B na pwedeng i-access ng mga commercial hog raisers.

  • Ang committee ay humingi ng another 10 working days. So, within next week ay mayroon na silang report at we might give update, kung may update na sa Lunes, doon sa senate hearing.

  • Itong existing inspection [on imported products] ay regularly ginagawa, pero mayroon tayong iko-construct dito sa MCIP, 'yung ACEA (Agricultural Commodity Evaluation Area).

  • So, P521M po ang budget.



Atty. Mar Karina Perida-Trayvilla - Director IV, Bureau of Workers with Special Concerns, DOLE:

  • Mayroon po tayong program na ino-offer, 'yong atin pong tulong panghanapbuhay sa ating disadvantaged or displaced workers.

  • But this time po, dahil mayroon po tayong health crisis na hinaharap, itong Emergency Employment program ng DOLE ay gagamitin po natin para sa contact tracing.

  • Inaasahan po natin na maumpisahan ang pagha-hire ng contact tracers natin hopefully by next week po.

  • 'Yong ibibigay pong pasahod ng DOLE ay base rin sa regional wage rate sa NCR at doon sa bubble area sa Region 4A.

  • Nagkaroon na po ng initial na pag-uusap sa pagitan po ng MMDA at DOLE, pati na rin po sa Metro Manila mayors. Na-mention na po nila sa amin ang mga requirements ng LGUs para sa contact tracers.

  • Naipaalam na rin po sa DOLE kung ano ang qualifications na kailangan bilang isang contact tracer.

  • Ang sinasabi po ng DILG ay kailangan ang isang contact tracer para sa 800 na indibidwal. 'Yan po ang pinaka-ideal na number.

  • Ang gusto po sana nating ma-hire dito ay ang mga nasa impormal na sektor at ang mga na-displace po sa trabaho. Kung maaari po ay kahit ang qualification na high school graduate ay tanggapin bilang isang contact tracer.

  • Ang binigay po sa amin na number ni Secretary Bello is initially 12,000 for 30 days po, and then in-increase po ito yesterday. Dinagdagan pa ng 2,000.

  • But the thing is 30 days ang nasa idea niya. Ang requirement po ng mga LGUs ay medyo mahaba-haba at gawing 90 days.

  • So with the budget of 14,000 workers, i-istretch na lang po namin sa 90 days, kaya siguro mga roughly 5,000 po ang ma-accommodate para magkaroon sila ng mahaba-habang duration ng trabaho.

  • Much better po na (ang ma-hire ay) mga residente po ng lokalidad kung saan po gaganapin ang contact tracing activities.

  • It will only take them 1 to 2 days to learn the modules.

  • Inaasahan na may dalawang milyong doses ng COVID-19 vaccine ang darating sa bansa ngayong Abril.

5 views0 comments

Recent Posts

See All

Bình luận


bottom of page