April 14, 2021
Moderated by Usec. Rocky Ignacio (PCOO):
Nakipag-usap sa pamamagitan ng tawag si Pangulong Rodrigo Duterte kay Russian President Vladimir Putin kahapon, Abril 13 para pag-usapan ang mga COVID-19 response ng bawat bansa.
Ipinatigil pansamantala ng Estados Unidos ang rollout ng COVID-19 vaccine ng Johnson & Johnson matapos ang ilang insidente ng blood clot matapos bakunahan.
Dr. Orly Bugarin - President/Cardiologist, Philippine Heart Association:
Sa ngayon, wala pang matibay na ebidensya na nagsasabing ang pagpapabakuna laban sa COVID-19 ay may masamang epekto sa mga pasyente o ating mga kababayan na mga may high blood.
Talagang ine-encourage pa rin namin ang ating mga kababayan na pwede kayong magpabakuna kahit kayo ay may hypertension o may mga tinatawag na cardiovascular diseases.
Syempre, dapat lang po tayo ay controlled kung tawagain o umiinom ng ating mga maintenance.
Mayroon din po tayong mga cut-off na blood pressure kapag tayo ay nasa area ng vaccination at ayan po ay naipamahagi natin sa DOH base sa pag-aaral ng mga eksperto at mga kasamahang cardiologist.
Ang possible is 'yong nerbyos nila, kinakabahan po sila bago magpabakuna o hindi sila compliant, hindi sila umiinom ng kanilang gamot kaya tumataas po ang kanilang blood pressure habang nag-aantay o bago mabakunahan.
Sa ating mga kababayan na may sakit sa puso, wala pa pong datos na nagpapakita na may direktang epekto ang bakuna sa mga komplikasyon para sa mga may cardiovascular disease.
Iyon ang pinaka common na nangyayari 'yong nerbyos, mainit, 'yong paghihintay nila. Pwede itong makaapekto sa pagtaas ng kanilang blood pressure.
Bago bakunahan, 2 weeks before, make sure na kayo ay nakapaghanda rin. 'Yong mga gamot ninyo, 'yong maintenance medication niyo kapag kayo ay may high blood ay sana ay naiinom ninyo.
Kapag kayo ay nandoon na sa site, 'yan ay hindi pag-inom ng kape, huwag manigarilyo, 'yong pagkain ng marami, o kaya ang pagpunta muna sa CR.
Hindi namin ine-encourage na bago magpabakuna ay uminom (ng pain relievers)
Dr. Alejando Diaz, Neurologist:
Kaya ina-advise namin na on the day na naka-schedule na sa pagbakuna ay nakahanda talaga sila... na ready sila.
Usually, mga 2 hanggang 4 linggo, siguraduhing i-take nila ang mga medications nila.
See to it na ang kanilang blood pressure ay nasa 130/80 and below para kontrolado.
On the day din sana ay may baon din silang gamot nila.
Kung mataas ang blood pressure, ina-advise namin na huwag paalisin sa pila, kung hindi ay gawin ang simple relaxation.
Kapag ang blood pressure is 180/120 and above, teka muna. Hindi ka muna lalagyan (ng bakuna), painumin ka ng gamot, relax ka muna. Pero hindi ka dapat pauwiin.
Kung alam mong hypertensive ka, siguraduhin mo na iniinom mo ang gamot mo on time at very regularly.
Ang hypertension is not a contraindication para hindi bigyan ng COVID-19 vaccine.
Pero on that very rare occasion na talagang hindi bumababa, siguro 'yan ang pwedeng i-reschedule.
Iwasan uminom ng para sa sipon, mga cold remedies. Kasi yung cold remedies, pwedeng magpataas ng blood pressure. Iwasang magkape during that morning na magpapabakuna kayo.
Siguraduhin niyong bago kayo magpakuha ng bood pressure before your vaccination, naka-jingle na kayo o nakapag-CR muna kayo.
We still recommend na 3 months or 90 days after noong COVID infection (ang pagbabakuna), regardless naman sa hypertension niya basta controlled ang blood pressure niya at tine-take ang maintenance na gamot.
Usec. Eric Domingo - Director General, FDA:
Kasalukuyan ay pinagmi-meetingan ng vaccine experts and I hope to get their recommendation baka po bukas para po tuloy-tuloy na po 'yong evaluation.
'Yong din po isa na galing sa India, 'yong Covaxin, mayroon na lang silang kulang na kaunting requirements para matapos ang evaluation no'n.
Kailangan kasi mai-prove nila na ang kanilang factory ay sumusunod sa mga good manufacturing practice 'yong certification. Mukhang naantala yata ang pagkuha nila ng certification.
Pumasa rin naman siya sa US at sa WHO. Ibig sabihin, the benefit of the vaccine definitely ay mas matimbang, it outweighs the harm.
Baka daw 'yong bakuna ay may parte sa kanya na nagko-cause na mag-produce ng antibody kontra sa mga platelet, kaya bumababa ang platelet count ng mga pasyente. Ito ay isang mechanism na pinag-aaralan ngayon.
Sa ibang countries, wala pa naman tayong nakikitang signals or mga red flag. Kapag dumating dito 'yan, magiging strict din naman ang ating monitoring.
Ang approval niya (Sputnik V) is 18 and above. Ibinibigay ito ng 2 doses, one month apart. Ibang component 'yung nasa first dose, ibang component 'yong nasa second dose.
Wala pa ring matibay na ebidensya to show that it will benefit 'yung mga pasyente na mayroong COVID-19. It is still an investigational drug.
Tinatapos na natin 'yan ngayon para mailabas natin this week. So far, nagbigay na ng input sa atin ang WHO, vaccine experts, pati ang ating NAEFIC.
Kailangang tandaan natin na 98% naman kasi talaga ng magkaka-COVID ay gagaling kahit wala namang gamot.
Ang isang pasyente na nag-take ng gamot, kapag gumaling siya, hindi natin mako-conclude kasi na dahil doon sa ininom niya kaya siya gumaling.
Comentários