top of page
Writer's pictureDWWW 774 Admin 05

LAGING HANDA PUBLIC BRIEFING HIGHLIGHTS

September 2, 2020



Usec. Jonathan Malaya, DILG:

  • gobyerno na ang maglalabas ng certificate of compliance para sa mga telco na nag-apply ng permits sa LGUs pero dapat napatunayang inupuan ito ng city government;

  • target sa mga susunod na araw na mailabas ang listahan ng mga permits na naaprubahan na ng LGUs;

  • DOH pa rin ang lead agency na makakapagsabi kung saan nagmula ang initial COVID-19 cases sa bansa at 'di ang DILG na tumutulong lamang sa contact tracing;

  • Walang magbabago sa inter-zonal movement requirements na magsecure ng travel authority at medical clearances na mula sa city health office at kapulisan;

  • Patuloy na inaaral ng IATF ang apela ng mga transport groups na ibalik ang operasyon ng mga provincial buses sa NCR. Napatunayan kasi anya na ang pinakamabilis na paraan ng pagkalat ng sakit ay sa pamamagitan ng public transportation;

  • Nirevoke ang dapat sana'y reassignment sa Biñan-BFP ni Fire Marshall Elaine Evangelista kasunod ng umano'y paglabag sa IATF ruling dahil sa isinagawang despedida party para sa opisyal, kung saan hindi nasunod ang social distancing at pagsusuot ng face masks at face shields ng mga tao sa party;

  • May show cause order din ang lahat ng BFP personnel na sangkot sa despedida party at lahat sila'y narelieve sa kanilang assignments;

  • Humingi ng sorry sa publiko kung 'di muna matawagan sa ngayon ang 9-1-1 Dispatched Emergency Call Center dahil ilang tauhan nito ang nagpositibo sa COVID-19;

  • Puwedeng alternatibong tawagan ang mga local call centers o mga himpilan ng pulisya para sa tulong;

  • Pinayuhan ang mga LGU na wag basta-basta maniwala kung makatanggap ng tawag sa telepono mula sa umano'y senior officials ng DILG Central Office dahil nagkalat ngayon ang mga scammer na gumagamit ng mga pangalan ng DILG officials;

  • Umaasa ang DILG na ipagpapatuloy ni bagong PNP Chief Camilo Cascolan ang internal cleansing sa PNP;

  • Suportado ng LGUs ang bike lanes project.



Usec Leopoldo Vega - Treatment Czar / DOH:

  • Bilang bahagi ng treatment strategies, pinapalakas ang hospital capacity na kayang maggamot ng COVID-19 at mas pinalawak ang systems capacity ng mga ospital;

  • Ang treatment ay nangangahulugang pagpapabuti sa hospital at bed services para sa mga maysakit ng COVID-19;

  • Nagawa ang One Hospital Care Command;

  • Reg. Senate recommendation para kasuhan si Health Sec Francisco Duque tungkol sa kontrobersya sa PhilHealth- prerogative ito ng Senado;

  • Ang mortality rate sa bansa ay 1.6%. Bagamat may nadiskubreng iba't-ibang strain ng COVID-19 na present sa Pilipinas ay di naman ito nagpapalala sa kundisyon ng taong tatamaan; gayunman, mataas ang transmission rate ng mga strain;

  • Bilang tulong sa mga medical frontliners, mayroong hotel accommodation, prioridad sa hiring ang mga ospital na kulang na sa medical staff at libreng COVID-19 test.

20 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page