top of page
Writer's pictureDWWW 774 Admin 05

LAGING HANDA PUBLIC BRIEFING HIGHLIGHTS

May 15, 2021





Moderated by Usec. Rocky Ignacio (PCOO):

  • Muling nagpaalala si Sen. Chistopher “Bong” Go sa mga otoridad na bukod sa bilisan ay planuhing mabuti ang vaccination rollout at siguruhing wala ni-isang bakuna ang masasayang.

  • Oras at panahon aniya ang kailangang habulin ngayon para hindi abutan ng expiration date ang ilang bakuna na dumating na sa bansa dahil pinaghirapan itong kunin ng gobyerno.

  • Unahin ang Metro Manila at mga karatig lalawigan na may mataas na bilang ng mga positibo sa COVID-19 pero kailangan ding walang mapag-iwanan kahit saanmang dako ng bansa sila nakatira.


Sec. Hermogenes Esperon, National Security Adviser:

  • Basehan sa paglalabas ng pangalan ng mga terorista:

    • Ang Anti-Terrorism Council (ATC) ay pinamumunuan ni Executive Secretary Salvador Medialdea; Vice Chairman Secretary Hermogenes Esperon Jr. with 7 members secretary kasama ang Money Laundering Council; Technical Adviser ang NICA, Armed Forces and PNP

    • Ibig sabihin ang ating proseso ay dumaan sa magkakasamang combine effort ng naturang miyembro ng Anti-Terrorism Council kaya nakakatiyak ang lahat na ang pagpapalabas ng listahan ng mga pangalan ng mga terorista ay dumaan sa masusing pananaliksik

    • Ang basehan ng pagdeklara ng terorismo, ang nakasaad sa United Nation Resolution 1343 kung saan sinabi ang mga terrorist organization kasama ang Communist Party of the Philippines (CPP) na isang designated organization sa European Union, United States, Australia (kasama pa rito ang pangalan ni Jose Maria Sison), Canada, New Zealand,

    • December 2017 ay nag-issue na si Pangulong Rodrigo Duterte ng Proclamation No. 374 na nagde-deklara sa CPP at New People’s Army (NPA) bilang terrorist organization in connection with terrorist financing- Republic Act 10168

    • Lahat ng mga impormasyon na ito ay pinagsama-sama upang sila ay ma-designate as terrorist, sa New Anti-Terrorism Act, na ang designation ay nagsasabi na sila ay mga miyembro ng terrorist organization at kung sila ay miyembro, kailangang ma-frozen ang kanilang assets


  • Isa sa kino-contest ng mga petitioner sa oral argument sa Anti-Terror Law ay ang pagiging ‘vague’ sa definition ng terorismo sa nasabing batas, ang naging hakbang umano ng ATC ay malinaw na halimbawa sa pagmamalabis sa sa Anti-Terror Law lalo’t hindi naglabas ng malinaw na ebidensiya kung bakit sila tawaging terorista:

    • Kailangan pa ba natin ng malinaw na ebidensiya? Ang 19 sa listahan ay malinaw na miyembro ng central committee members ng CPP na nagpapatakbo ng insurgency ng 52 years na

    • Napakalaki na ng kasalanan ng mga ito maliban pa sa sina Sison, top National Democratic Front (NDF) peace consultants Vicente Ladlad, Adelberto Silva, Rafael Baylosis, may mga warrant of arrest na rin ang mga ito bukod sa pagiging miyembro nila ng central committee, Tulad ng warrant of arrest ni Joma Sison sa “Inopacan massacre” noong 1985 na hanggang ngayon nga ay nililitis pa

    • No. 10 ang Pilipinas sa inilabas na Global Terrorism Index noong 2020 worldwide dahil sa NPA, 60% ang kanilang kontribusyon sa violent extremession sa Pilipinas kaya pananagutin natin ang central committee members ng CPP na siyang nagpapatakbo ng NPA

    • Hindi violation ang nilabas nating listahan ng grupo at pangalan ng mga indibidwal dahil may mga warrant of arrest sila at batay sa Section 25 ng Anti-Terrorism Act ay maaaring mag-designate dahil nasa listahan na ng United Nation Security Council at sa listahan na sila ng ibang bansa, at may proclamation na rin ang pangulo; Formalization na lamang ang ginawa ng ATC sa napakarami ng designation ng CPP at NPA

    • Ang sa mga local terrorist na mga taga-Mindanao tulad ng Abu Sayaf Group (na affiliated sa ISIS), BIFF, marami na silang cases filed in court kaya kung probable cause ang pag-uusapan ay sobra-sobra pa dahil may mga warrant of arrest na sila

    • Maaari silang mag-file ng delisting sa loob ng 15 araw ngunit ang mga Abu Sayyaf ay hindi na magfa-file ang mga ito pero sina Sison, mag-file sila, may warrant of arrest sila, pumunta sila dito at panagutan nila ang kanilang mga kasalanan

    • Maaari silang mag-file ng delisting pero ang central committee ba ay lalabas? Halimbawa si Benito Tiamzon at asawa niya (na mataas ang posison sa central committee), karamihan sa kanila ay mga dati ng nakulong, itong mag-asawa ay ginawang consultants noon sa peace talks ngunit tila ginawa lang nila itong paraan upang makaalpas sa kulungan, ngayong wala ng peace talks, hindi na sila bumalik, in other words, niloloko lang tayo ng mga ito

    • Kapag nagpi-peace talks, lahat ng mga nakakulong na kasama nila gagawin nilang consultants tapos hindi na babalik


  • Epekto ng ATC sa designation ng peace talk:

    • November 2017 ay tinerminate na ng pangulo ang usaping pangkapayapaan sa kadahilanang ang mga CPP-NPA ay hindi naman makasunod sa mga ceasefire, kung sumunod naman ay tuloy-tuloy ang kanilang panununog ng mga construction equipment, pagpatay ng mga tao, pag-harrass ng mga detachment at pagpatay sa mga taong hindi nila makumbinsing sumama sa kanila

    • Noong may peace talks, may prinesenta silang tinawag nilang comprehensive agreement on socioeconomic reforms, na naglalaman ng pamimigay ng lupa sa NPA, pagkakaroon ng 10 joint monitoring committee (5 sa kanila, 5 sa panig natin) upang ipatupad ang comprehensive socioeconomic reforms kasama ang pag-nationalize ng mga industriya, pagtanggal ng mga international treaties and commitments, na tila lumalabas na nanalo sila

    • Ayon sa pangulo tila gusto ng mga ito ay coalition gov’t na hindi maibibigay sa kanila dahil sa mandato na ibigay sa pangulo ng publiko, ibinoto nila ako bilang pangulo ng bansa

    • Ayon sa pangulo, dahil hindi nila marendahan ang kanilang mga miyembro, inuutusan pa nga na gumawa ng violence ay i-terminate na ang peace process

    • Sa ngayon ay may localized peace engagement, but nationally orchestrated by the what we called localized peace engagement cluster of NTF-ELCAC which is chaired by the office of presidential adviser on the peace process

    • May localized peace talks tayo, rito lumalabas ang mga agreements tulad ng sa RPA-ABB o yung Alex Boncayao Brigade dati na natapos natin ang agreement; May mga kausap din tayo sa labas na district units ng NPA at sila ay lumalabas kaya napakarami na nagyong luamlabas na napapasailalim sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program and Amnesty, marami na ang sumu-surrender na nabibigyan natin ng livelihood assistance, binabayaran ang kanilang mga baril at marami na sa kanila ang nakatanggap na ng housing assistance

    • Ang pangulo naman, laging sinasabi, alang-alang sa katahimikan ng ating bansa, kung kailangan ng makipag-peace talks sa kanila ay gagawin natin pero hindi pa ngayon, meron naman tayong localized peace engagement


  • Hinihimo ng mga petitioners ang Supreme Court na pagbawalan kayong lumahok sa isasagawang oral arguments at pinapa-strike out ang inyong appearance noong May 12 at gawing invalid ang inyong testimonya:

    • Ako ay tinawag ng mga Assiociate Justices at may mga tanong sila sakin, kaya nag-appear ako sa SC hearings, isa sa mga katanungan dito ay ang pagre-red tagging, dito ipinakita ko na mayroon video tape itong si Joma Sison nitong April 24, 2021, ito yung 48th anniversary ng NDF, na sinasabi niya kung sino yung affiliate organization na underground mass organization nila;

    • Sinabi niya (Jose Maria Sison) ang CPP, NPA, Rebolutionary Council of Trade Unions, Katipunan ng mga Samahang Manggagawa, Pambansang Kilusan ng mga Magbubukid, Malayang Kilusang Bagong Kababaihan (ito yung nag-i-infiltrate sa Gabriela) Kabataang Makabayaan (ito yung gumagawa ng asosasyon tulad ng AnakBayan, LFS Kabataan na nag-i-infiltrate sa mga unibersidad o paaraalan), Katipunan ng Gurong Makabayan, (ito yungnag-i-infiltrate sa Alliance of Concern Teachers)

    • Ang mga underground mass organization na ito ay binuo ng CPP upang mag-infiltrate o mag-kontrol ng sectoral organization

    • Mga organisayon na maraming mga concerns, na nilalapitan nila upang kumontra sa gobyerno

    • Maaaring ang mga nagpe-petisyon na ito ay kasama sa mga grupo na ito, ichi-check natin


  • Isyu sa West Philippine Sea:

    • Ang polisiya sa pagpa-patrolya sa West Philippine Sea ay hindi ginampanan mula pa noong simula

    • Ako (Secretary Hermogenes Esperon Jr.) ang chairman ng Nat’l Task Force on West Philippine Sea, ito ang aming tinitingnan; The Task Force was created to harmonized the action of gov’t in WPS maging ang deployment ng ating mga forces ng militar, PCG, Bureau of Fisheries, PNP atbp ahensiya

    • Kasama rin sa Nat’l Task Force na ito ang ating diplomatic group, legal group, information group, intelligence fusion working group kaya masasabi ko na ang pag pag-deploy ng Phl Navy, Coast Guard, Bureau of Fisheries at ngayon ay PNP ay dati na itong ginagawa, mas pina-igting lang ngayon dahil nakikita natin na kailangan nating bantayan ang ating 9 na pwesto dyan (WPS)

    • Nadito sa WPS ang Kalayaan Island, may tinatawag tayong exclusive economic zone (EEZ) at 9 ang ating station dito pero may 21 ding posisyon ang Vietnam, at 7 sa China, gumawa sila ng 7 artificial island noong nakaraang administrasyon at tinutuloy pa rin nilang i-improve ngayon at mahirap na itong tanggalin ngayon

    • Gusto nila Carpio at del Rosario na bawiin ang mga ito, mga nagawa nilang (Carpio at del Rosario) kasalanan ay gusto nilang bigyan natin ng lunas, yung mga nawala tulad ng Scarborough gusto nilang bawiin natin na akala mo atin talaga yung buong 300 nautical miles pero hindi, nadyan ang posisyon ng China at Vietnam

    • Mahirap bawiin ang mga isla na ito tulad ng Mischief Reef na dalawang beses ang laki sa Bonifacio Global, ginawan ng China ng 3km na runway

    • Hindi lang sa instrument of national power, gagamitin din natin lahat para maprotektahan ang ating 9 na detachment dyan sa area ng EEZ, kung gagamitan ng diplomatic action,military action, informational, economic, legal, political, intelligence at financial, hindi lang puro military gagamitin dyan

    • Naka-deploy tayo dyan at ready ang ating mga military, kapulisan at coast guard


  • Opinion regarding on retired Justice Carpio begun a signature campaign demanding Pres. Rodrigo Duterte’s widrawal of his statement of the West Philippine Sea that is allegedly decremental to the country’s interest:

    • Kung gustong sumang-ayon ang mga kababayan natin sa gusto ni retired Justice Carpio; itong si Justice Carpio ang adviser nila (dating admin) sa kaso ng arbitral rulling, at mukhang kahit nanalo tayo sa arbitral award ay wala namang enforcement mechanism

    • Hindi naman sinabi ng arbitral award na pinapaalis nila ang China, hindi naman sinabi ng arbitral award kung kanino yung mga isla dyan kaya nandito pa rin ang dispute o sigalot

    • Gusto ni Carpio ayusin ang sigalot na problema na noon pang 1960’s o mas maaga pa, Ang Kalayaan Municipality ay prinoklama pa ni Pres. Marcos noong 1978 at gumawa rin ng airport dito noong taong yun, mabuti at mayroon pa tayong nakuhang 9 a pwesto rito, dahil may mga marka na dyan noon ng ibat’ ibang nasyon, nag-agawan dyan

    • Hindi pag-resolba ang nais ni Carpio dito kundi magkaroon ng pagkilala sa kaniya, baka may balak itong iba, ang alam ko, siya ang nagunguna sa tinatawag nilang Sambayan na parang coalition ng mga lalahok sa eleksyon, kaya dapat tingnan natin ang motibo

    • Ang mga naging pagkukulang nila ay hindi nila magawa, gusto nilang ipagawa ngayon sa ating pangulo samantalang noong panahon nila nawala nila ang Scarborough ngayon tayo, wala namang nawawalang isla na naagaw sa atin

    • Kaya kung gusto ng mga kababayan natin na sumang-ayon kay Justice Carpio ay sige lang, freedom of expression iyan, pabayaan natin, subaybayan natin


  • Isyu sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC):

    • Nais kong ibalita na ang 822 barangays na bibigyan natin ng development, 780 na ang naaprubahan na malalabasan ng pondo ₱20-M per barangay, pina-proces pa yung 40 at palagay ko within May ay ma-release na ng DBM

    • Gusto ko ding sabihin na ang NTF-ELCAC ay coordination at harmonizer na nagdadala ng mga proyekto tulad ng farm t market roads, eskwelahan, health station, sanitation, livelihood ect, kami ang coordinator nito ngunit ang tagapagpatupad nyan ay ang provincial gov’t at ang pondo ay naka-release sa provincial gov’t

    • Ang 822 barangays na ito na dating guerilla based ng mga NPA, ay gusto nating ipakita na kaya nating i-develop ang mga ito at maipakita na tayo ay maasahan nila at matupad ang kung ano ang napagkasunduan ay makakarating

    • May isang senior senator ang nagsasabi na bakit daw minamadali ang pag-release eh ang pondo ito ay kailangang gastusin ngayong 2021 kailan pa ito ire-release? Sa September, October, hindi na matatapos ang proyekto kung gayon

    • Sinabi ni Sen. Drillon, “something is fishy, bakit minamadali ang pag-release”—hindi po fishy iyun, that is a sign of efficiency dahil itong Mayo mai-rerelease na lahat yung pondo para mai-bid out at masimulan na ang mga projects at hopefully matapos ang lahat bago matapos ang taon na ito

    • Sana matingnan ninyo ang mga projects na ito at mabigyan din kami ng advice na gagawin sa mga guerilla based ng mga NPA na ito.



Roberto Valera - Law Enforcement Service Deputy Director, LTO:

  • Dahil sa mahigpit na pagbabantay, maraming na-intercept ang LTO na mga kolorum na mga sasakyan habang ipinatutupad ang travel restriction sa bansa, hindi ba mahirap tuntunin ang mga ito?

  • Sa datos namin (LTO), sa NCR, Region 3, 4A,4B at sa Region 5, as of April 20, 2021, mayroon kaming 119 na na-impound na kolorum at patuloy itong ating operation at sa pagkaka-alam ko ay nasa 200 plus na ito as of now.

  • Meron sila (mga kolorum, operators) na mga initiative na aming tinutugunan, tulad ng sa online appointment nila na parang gumagawa sila na door-to-door o nagsi-set up sila ng isang area kung saan pwedeng pumunta yung gustong sumakay, may mga enforcers tayo na nagpapanggap na pasahero na sumasakay sa kanila, dun natin sila nahuhuli, yung iba naman sa mga checkpoints natin nahuhuli.

  • Alam ng mga tao naming kung ano yung mga sasakyan na pwedeng gawing kolorum ng mga nagba-violate sa batas na ito.

  • Madalas na dahilan ng mga nahuhuling driver: (₱200K pag van) Ang sinasabi ng mga karamihan sa mga nahuhuli, relatives nila ang mga nakasakay, we have a way confirming/validating this, ini-interview ng mga enforces naming ang mga pasahero at dun nahuhuli ang driver, dahil yung iba hindi siya kilala, yung iba mali-mali ang mga sinasabi ng pasahero, hindi nagtutugma sa sinasabi ng driver.

  • Ngayong araw sa pagpapatupad ng GCQ with heightened restrictions sa NCR plus, ganon pa rin naman ang ating deployment strategy, ang atin kasi, pag sinabing enforcement, hindi lang ito panghuhuli, meron din tayong pro-active approach enforcement tulad ng pag-distribute ng IEC materials lalo ang mga special laws na inimplemet ni LTO, yung bagong batas ngayon na Republic Act No. 11229, o yung Child Safety in Motor Vehicles Act, yung paggamit ng CRS.

  • Gumagamit din tayo ngayon ng teknolohiya tulad ng pag-gamit ng dash cam, body cam, may ini-introduce din tayong Improvement Initiative using technologies, meron din tayong e-handle device na doon mave-verify ang status ng driver’s license na mahuhuli namin at yung ibang technology advancement para maayos ang ating paghuli sa mga naba-violate ng batas.

  • Sa dash cam, body cam, nababawasan ang temptation sa corruption at the same time nagbibigay ng proteksyon para sating mga enforcers against harassment sa mga hinuhuli nila.

  • Operasyon sa pagbabalik serbisyo ng LTO sa Metro Manila at karatig lalawigan: Ang ibang district office naming, may mga online appointment sila para hindi na maghintay yung tao at pag-punta dun ay mas mabilis at mabawasan ang pagka-crowd sa area at the same time, extended na ang registration month dahil sa ECQ at MECQ, ang plate number ending 3 ay extended upto June 30, plate number ending 4 ay extended upto July 31.

  • Maging sa mga driver’s license ay may initiative tayo upang maiwasan ang pagdagsa ng mga tao dahil sap ag-lift ng ECQ/MECQ.

  • PAALALA: Sa mga nag-expired ng rehistro ng mga sasakyan at lisensya, nag-extend ang deadline of registration plate number ending 3 at 4, pero may mga penalty tayo sa pagre-register, pag-nahuli ang sasakyan na minamaneho unregistered, may penalty ito sa driving unregistered vehicle at reckless driving, iwasan natin itong gawin. Pag-nagmaneho ng expired ang driver’s license, may parusa rin ito.



Usec. Maria Rosario Vergeire - Spokesperson, DOH:

  • Contract tracing ng DOH sa 41 close contacts ng 2 returning OFW na nagpositibo sa COVID-19 Indian variant: Nakita na naming ang manifesto ng flight details ng 2 OFW na ito.

  • Sa case 1 who is a 37-year-old male from Oman, mayroon siyang 6 na close contacts sa eroplano, 3 sa kanila ay nakita na namin sa data based na RT-PCR negative, yung 3 pang iba hinahanap pa natin sa data based naming dahil hindi nagma-match ang mga pangalan sa manifesto.

  • Sa case 2 who is a 58-year-old male from UAE, we have verified 32 close contacts sa eroplano, 3 sa kanila ay positibo, pina-submit na natin sa whole genome sequencing yung 1 sample, yung sa 2 pa ay nilo-locate pa natin yung specific individuals, 28 sa 32 close contacts ay negative, yung 1 data ay bini-verify pa natin dahil wala pa sila sa COVID KIA data based natin.

  • Lagay ng bakuna na tumaob na service boat sa Real Quezon: Nangyari ang insidenteng ito noon isang araw, naimbestigahan na natin ito, apparently ang mga bakuna ay naka-double plastic kaya hindi sila nagalaw at chinek din natin ang potency at maari pa silang gamitin.

  • Bilang ng COVID-19 vaccine na waste stage: Ang sa waste stage ay nandun pa rin tayo sa target for waste stage which is less than 5% sa ngayon at nakikita natin na ang mga probable lang tulad nung isang beses may brown out sa isang area natin at nasira ang mga bakuna, pangalawa yung pag binuksan, makikita na may contaminants na ang mga bakuna, isa rin ito sa nakikita natin, para maiwasan ito, we advised the local gov’t unit, ang implementing units natin na to make sure na meron tayong naka-stand by na generators if ever, especially to those areas na madalas nagba-brown out para masiguro natin ang potency ng mga bakuna.

  • May mga mananagot ba sa mga masisirang bakuna, tulad sa Cotabato City na hindi napansin na nakapatay ang freezer: Iniimbestigahan natin ito ngayon. We already coordinated with the regional office there to conduct the initial investigation at titingnan natin kung may kailangang managot, let’s wait for the final report sa investigation bago tayo makapagbigay ng impormasyon ukol dito.

  • Wala bang mas safe na delivery ng vaccine sa Polilio Island at paano masisiguro na hindi na ito mauulit? (tumaob na service boat): We are taking all the necessary precautions, pero alam naman natin na may mga lugar tayo sa ating bansa na talagang devided by waters, group of islands ito na kailangan ding maparating ang mga bakuna. Sinisuguro natin na nakikipag-coordinate tayo sa ibang ahensiya para masiguro na safe ang pag-travel ng mga bakuna na ito pati yung mga healthcare workers natin na nagdadala nito.

  • Expiry date ng mga COVID-19 na binigay sating bansa: Ang pag-aalala ng ating mga kababayan ay ukol sa napabalitang AstraZeneca na dumating galing sa COVAX facility, ang aming ibinigay na expiration ay sa June, July, tulad ng ating sinasabi, madali naman nating mako-consume ang mga vaccine dahil ibibigay natin ito as a first dose at yung 100 plus na ito ay ibibigay natin as a second dose initially given with AstraZeneca.

  • As for the Sputnik V vaccine, 6 months ang expiration life na naibigay sa atin.

  • For Pfizer, ang naibigay naman na expiration life ay August 31, 2021 kaya walang dapat ipangamba ang ating mga kababayan.

  • Ang mga tinatanggap nating mga bakuna ay ligtas at within the expiry date at hindi tayo tatanggap ng mga expired vaccine at hindi rin natin ipapagamit sa ating mga kababayan kung expired na ang bakuna.

  • Ayon sa iang article sa New York Times na ang Delta Airlines ay ire-require muna ang pagbabakuna bago ang pagpasok ng 1 empleyado sa trabaho, paano rito sa ating bansa? Napag-usapan na ito with experts at sa ating mga officials ang ating pagbabakuna ay voluntary, hindi natin pwedeng gawing requirement ito para sa pagta-trabaho dahil vaccination is voluntary although kailangan din maintindihan ng ating mga kababayan na importante to, na kahit boluntaryo ito, kailangan ito dahil ito ang makakapag-protekta sa inyo but we cannot make it a requirement for work.

  • Hindi pabor ang DOH sa vaccine pass kung saan allowed ang mga bakunadong tao na gumala sa iba't ibang lugar pero sinabi ni Presidential Adviser Joey Concepcion na ito lang ang sasalba sa ekonomiya ng bansa: Para sa DOH naman, lagi tayong nagba-balanse between the health and the economy pero ngayon ang siyensiya at ebidensiya ay hindi pa sapat para makapagbigay tayo ng ganitong rekomendasyon galing sa kagawaran ng kalusugan para magtanggal ng mask o kaya makapunta na sa mga lugar ang mga bakunado ng walang mask dahil hanggang sa ngayon ang pinanghahawakan nating kumpletong ebidensiya ay ang isang bakunadong indibidwal ay maari pa rin mahawa at makahawa ng virus kaya we retain our position, hindi pa rin kami magre-rekomenda ng ganitong pagta-tanggal ng mask kung kayo ay bakunado na.

  • Hindi pa ba sapat para satin ang pag-aaral ng US-CDC na maaari nang magtanggal ng mask ang mga tao dahil sa dami na nang nabakunahan sa Amerika: Marami tayong dapat na i-consider sa ganitong polisiya, hindi rin tama na kinukompara natin ang sarili natin tulad sa Amerika kung saan napakalaki ng porsyento sa kanilang populasyon ang kanilang nabakunahan kumpara rito sa atin na we are just nearing 3 million people who were vaccinated, malaki ang kaibahan noon.

  • We stick to what evidence ewe have, hindi natin mairer-ekomenda ang ganito pero kapag dumating ang time na may enough evidence na, gagawin natin ito.

  • Paglalagay ng mga vaccines sa food storage?: Hindi part ng protocols ng DOH and even the nat’l gov’t na ilagay sa food storage ang mga COVID vaccine. It should be not leaks with the foods on the refrigerator. Dapat separate ang ating storage facility or storage equipment para sa mga bakuna.

  • Ayon sa OCTA, 4 LGUs in NCR are now moderate risk, average risk decrease by 30%, reproduction # decrease to 0.57: Tama itong datos. Nakita natin mostly sa NCR na bumaba ang mga kaso ng virus, bumaba rin ang kanilang average daily attack rate, bumaba rin ang kanilang transmission rate maging ang 2 week growth rate nila ay negative na. Ito kasama sa naging desisyon natin kaya tayo ay medyo nagluwag ng ating mga community quarantine classification pero kailangan pa rin natin ihabilin sating mga kababyan na bagama’t nag-lift tayo ng restrictions, kailngan maintindihan nila na kasabay nito ay umakto tayo ng intensive para sa local gov’t response, ayon sa ating rekomendasyon, we will go to GCQ with heightened restrictions but the local gov’t should be able to shortened the period na nadi-detect natin ang mga taong may sakit haggang sa ma-isolate natin sila, ayun ang target ngayon. Dapat ma-shorten natin upto 5.5 days lang kasi ang average natin ngayon is ranging to hanggang 11 days bago ma-isolate ang isang taong may sakit kaya kailangan mapababa natin ito and this will be done through the efforts of local gov’t.

  • Bilang unang araw ng pagpapatupad ng GCQ with heightened restrictions, mga projections ng DOH sa expected daily case hanggang sa katapusan ng buwan at epekto sa amga ospital: The local gov’t will intensify their efforts. Target natin na ma-reduce ang time sa isolation to 5.5 days, at ang ating estima, kung magagawa ito ay mapapababa natin ang mga kaso as much as 2/3. It doesn’t matter kung naka GCQ o ECQ tayo basta ma-shortened natin ang period ng detection and isolation.

12 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page