top of page

LAGING HANDA PUBLIC BRIEFING HIGHLIGHTS

Writer: DWWW 774 Admin 05DWWW 774 Admin 05

May 26, 2021




Moderated by Usec. Rcoky Ignacio (PCOO):


Usec. Myrna Cabotaje - Chairperson, National Vaccination Operations Center:

  • Tinatansyang first week of June ay sisimulan natin ang A4. Pero it ay gagawin lang po natin sa NCR Plus 8. Buong NCR, Bulacan, Pampanga, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Cebu, and Davao lang muna.

  • Ang mga bansa katulad ng U.S., ang ginawa nilang priority (sa pagbabakuna) ay ang kanilang health workers tapos ang most vulnerable kagaya ng senior citizens at ang persons with comorbidity.

  • Ang estimate ng NEDA for A4 sa buong bansa ay 22.4 million, pero dito sa NCR Plus ay nasa 13 million.

  • Sa ating (basehan para sa A5) ay ang National Household Targeting System. Ang estimate ng NEDA (sa A5) ay 8.5 million.

  • As of today, wala na po tayong darating na bakuna (until) the end of May. Ine-expect po natin na 10 million doses in June.

  • We will leave it to the LGUs to strategize kung sino ang most at risk, most vulnerable sa A4, depende sa kanilang lokalidad.

  • Ang natanggap natin ay 2 million doses ng AstraZeneca. To date, we have already given 1 million doses administered out of the 2 million.

  • We are confident na by the end of June, na-i-jab na ang 500,000 (AstraZeneca doses) as first doses habang kinukumpleto natin ang pang-second dose ng first batch.

  • We are shifting to the term population protection through mass immunization kasi po ang ating herd immunity ay marami pong kaakibat na criteria.

  • We are considering the variant, we are considering the regular definition of herd immunity na magkakaroon ka ng full protection na tuloy-tuloy.

  • Kasi ngayon, hindi pa natin alam kung kailangan ng mga booster shots at ang ibang bakuna ay ina-address pa ang mga ibang variants.

  • So ang term ngayon is population protection. We prevent hospitalization, we prevent and minimize deaths by prioritizing, and the bigger the population that is vaccinated, we have population protection.

  • We are targeting (vaccination of) 70 million Filipinos by end of this year or early next year.

  • ero medyo ni-refocus natin ito at ang target natin ay 50 to 60 million but naka-concentrate ‘yan sa NCR Plus para mas mapabilis ang mass vaccination population protection in geographic setting.

  • Pinapa imbestigahan na po ‘yan sa pamumuno ng ating Metro Manila Development Authority Chair Benhur Abalos. Sa ngayon, wala pa naman natutukoy kung kanino galing at kung may totoo sa ating mga naririnig.

  • As of now, kahit mataas ang ating inventory, most of them are reserved for second doses.

  • Kapag dumating ang quantity (ng bakuna) that has been promised, mga 10 million, 15 million in the next coming months, we will indeed reach the 300,000 jabs per day na tinitingnan nating average.

  • We are aiming for 1 million to 2 million a week kapag stable na ang ating supply.

  • Ang current policy ay 10 days na quarantine when they arrive. There are suggestions to reduce the number of 10-14 days to 7 days na lang.

  • So we leave it up to the assessment of our surveillance officers.

  • Walang commercially available (na bakuna), especially in very small quantities.

  • Kung mas epektibo at mas convenient, we will support.

  • But in terms of the study, baka hindi natin kakayanin na pondohan. We may need to confirm and look at the data or any studies that are being done outside of the country.



Ret. Gen. Restituto Padilla, National Task Force Against COVID-19:

  • Mayroon pong karapatan ang bawat LGU na magpatupad ng kanilang ordinansa na naayon po sa kanilang COVID cases.

  • Meron tayong stratehiyang tawag na PDITR (Prevention, Detection, Isolation,Treatment, and Reintegration).

  • Sa prevention, ‘yan yung enforcement ng ating protocols. Sa contact tracing, ‘yan ang pagkatapos ng “detect”.

  • ‘Yong protocol din na home quarantine ay hindi na natin nirerekomenda kasi ang nangyayari ay nahahawa ‘yung lahat ng mga kasama nila sa pamilya.

  • Karamihan po ng mga bakuna ay mapupunta po sa mga surge areas kung saan matataas ang kaso.

  • May guarantee sa ating mga health workers at LGUs naman po na kayang ubusin ang mga bakunang dumating, lalo na po ‘yung mag-e-expire.



Rey Untal - President and CEO, IT And Business Process Association of the Philippines:

  • Noong tiningnan po namin ang statistics noong 2020, nakakagulat po at kami po ay lumaki pa rin kahit hindi ganoong kalakihan ang aming pag-grow, I think from a headcount standpoint, lumago po kami ng 1.8% and another 1.4% po sa revenue.

  • Nakipag-partner rin po kami sa ilang mga tripartite agreements para magkaroon ng early access sa bakuna

  • Base po sa procurement na nagawa na po ng ating mga miyembro, mahigit isang milyong doses na ang aming na-procure.

  • Some of those ay darating sa Q3 and Q4.

  • Mayroon po kaming mga agreements na inaayos ng mga healthcare service providers at nandiyan din po ang sila ang namamahala sa logistics. Meron din po kaming individual partnerships with LGUs.

  • Nung natapos po yung 2020, kung titignan po natin sa headcount, nag-grow po tayo ng 1.8%.

  • And kung titignan naman po natin sa revenue, nag-grow po tayo ng 1.4%. Napakalaking bagay po niyan dahil iilan lang po ‘yung mga industriyang lumago sa panahon ng pandemya.

Kommentare


Join our mailing list

Never miss an update

Thanks for submitting!

© 2023 by Artkom Creatives

Proudly created with Wix.com

bottom of page