LAGING HANDA PUBLIC BRIEFING HIGHLIGHTS
- DWWW 774 Admin 05
- Jun 2, 2021
- 4 min read
June 2, 2021
Moderated by Usec. Rocky Ignacio (PCOO):
Bagyong Dante tinatahak ang Romblon at Batangas; inaasahang lalabas ng bansa sa Sabado ang bagyo
Dr. Ted Herbosa, Special Adviser, IATF:
Nakita namin ay mabagal ang response of some of the areas sa tinuro natin na Prevent, Detect, Isolate, Treat, and Reintegrate.
Nahirapan din sila sa hospital capacity nila, napupuno agad. So, we decided to help them na ma-develop 'yong mga ibang isolation facility na para sa mild and asymptomatic para ma-unload ang kanilang health care system.
Walang secret science dito. Talagang test, trace, treat at tsaka dapat mabilis lang dapat 'yong contact tracing.
Hopefully itong MECQ, pag ginawa natin ito — ngunit hindi naman ito ang maghihinto ng transmission.
'Yong active na paghanap nila ng mga kaso by testing; 'yong active na pag-isolate nila ng mga may sintomas, at 'yong pag treat ng mga may sakit--ito 'yong mga importanteng gawin habang nasa MECQ sila at ma-contain agad ang mabilis na pag dami ng mga kaso.
Na-request nila 'yan na dagdagan ang kanilang mga allocation o quota ng bakuna at pumayag naman ang national government.
In fact, mayroon talaga tayong tinatawag na buffer stock para sa mga lugar na ito.
Medyo naubos nga ang buffer stock natin. Luckily, may darating pa tayong 1 million doses ng Sinovac. 'Yon ang magandang magagamit natin para sa pag-distribute dito sa mga hotspots sa Visayas at Mindanao.
Malaking bagay 'yan...Ka-kategorya na siya ng Pfizer, AstraZeneca, Moderna, J&J, at ang naunang Sinopharm. Dalawang Chinese brands na po ang nasa EUL.
Very quickly identify all the contacts para ma-isolate mo sila kaagad. Sa lugar na 'yan, mag-train pa ng mas marami at mag-hire pa ng mas maraming contact tracers 'yong local government.
Ang mga vaccine hesitant na medyo namimili ng bakuna base sa (pinanggalingang) bansa ay medyo mawawala 'yan.
Maraming report sa ibang bansa na gumagamit (ng Sinovac) na very effective sa pag-decrease ng deaths at new cases.
Importante 'yong segmentation para walang gulo, para walang naguunahan.
The scientific reason kung bakit inuuna mo 'yong mga may edad ay sila din 'yong may comorbidity or may chance na mas maging serious kapag na-infect sila ng COVID-19.
Importante 'yong protection ng populasyon… 'Wag kayo magalala. Lahat nung mga naiinip, mababakunahan din tayo.
Tandaan niyo tatlong buwan palang tayo nagpapabakuna at naka-five million na tayo, so very fast ang ating progression.
Usec. Felix Fuentabella, DOE:
Nakakalungkot na ibalita natin na hindi lang siya manipis kundi negative na. Ibig sabihin mas marami na ang nangangailangan ng kuryente at konti na 'yong pwede magbigay ng generators.
Ito ay dahilan sa mga nasisira at hindi umaandar na biglaang tumitirik na mga powerplant. So makikita natin na negative na po tayo.
Para mabalanse pa rin 'yong sistema at mabigyan pa rin ng kuryente 'yong mga iba, lalong-lalo na 'yong mga ospital at 'yong mga priority areas, may mga area pong magkakaroon ng load drop o brownout dahil sa kakulangan ng ating capacity or generators.
Ang Department of Energy ay tinututukan 'yong mga generators isa-isa kung ano ang dahilan ng pagtirik na 'yan.
Dahil panahon ng COVID-19 ngayon, kailangan po nating bantayan ‘yung refrigeration, ‘yung pagpapalamig ng ating bakuna. Kung saan 'yong mga vaccines ay dapat meron tayong sariling generator.
May inaasahan din tayong planta na babalik this afternoon para madagdagan ang supply pero at the end of the day, it's an enforcement matter.
'Yong sabwatan ay maiiwasan na po 'yon kasi wala silang kikitain. May dineclare tayong market intervention. Hindi tataas ang presyo, hanggang P6.25 kWh lang 'yan.
Pangalawa, may nagpaalam pero sinasabi na bawal ang preventive maintenance sa panahon ng April, May, at June dahil marami ang demand.
May nilabas na memorandum circular ang DOE diyan at dapat sumunod ang lahat.
Our lawyers in the Department of Energy are exploring that. We are in the process of gathering pieces of evidence.
The rules given out by the DOE make it simpler para makita natin kung may nag-violate o hindi.
Rule #1, bawal mag preventive maintenance. 'Yong mga hydroelectric power plants, pwede kayo mag maintenance. Kayo lang. All the rest, hindi pwede.
Rule #2, i-susubmit niyo lahat sa NGCP ang inyong preventive maintenance schedule, at i-susubmit ng NGCP sa DOE sa October 31 'yong grid operating maintenance schedule ng mga planta.
Whether all these were violated or complied with, we are gathering the pieces of evidence. Ang gusto ng DOE compliance.
Pero kung patuloy ang hindi pag-comply, wala tayong magagawa kundi to impose the discipline that is necessary because, at the end of the day, consumers are suffering.
We also want to send a signal to the international community that we are serious in rebooting the economy so we have to have a reliable system.
Ang intindi ng iba sa energy efficiency ay magbawas kayo ng activity, hindi po, ang sinasabi ng energy-efficiency as a way of life is huwag masayang ang kuryente.
Marcy Teodoro - Mayor, Marikina City:
Nasa 61,700 city residents na po ang nabakunhan laban sa COVID-19 kabilang ang nasa 19,300 na nakatanggap na ng kanilang ikalawang dose.
Ang average po ng ating LGU (sa pagbabakuna kada araw) ay nasa 3,000 hanggang 4,000 na residente.
Wala naman tayong pinapayagan na mamili (ng vaccine brand). Ang ginagawa lang natin meron tayong mga listahan ng magpapabukana, kaya 'yong nakaschedule kung sino 'yong nais 'yong ganitong bakuna, ay naibabakuna sa kanila.
Maghihintay ako ng rekomendasyon ng mga eksperto. Mahalagang makinig tayo sa mga marurunong.
留言