top of page

LAGING HANDA PUBLIC BRIEFING HIGHLIGHTS

  • Writer: DWWW 774 Admin 05
    DWWW 774 Admin 05
  • Jun 9, 2021
  • 3 min read

June 9, 2021





Moderated by Usec. Rocky Ignacio (PCOO):


Dr. Napoleon Arevalo - Director IV, DOH:

  • Mayroon na po tayong mahigit sa anim na milyong doses (6,314,548) na na-administer natin sa ating mga kababayan.

  • Mahigit 1,412,187 ang nakatanggap na po ng unang dose sa A1 category o mga health workers; 1.6 million o 1,622,613 naman po sa ating mga senior citizens; 1.5 million o 1,568,809 naman po sa ating mga tao na may comorbidities at dahil kakasimula pa lang po kaya maliit pa lang, 29,217 ang mga nakatanggap sa ating mga manggagawa.

  • Ang total po natin ngayon (sa vaccines administered) ay 4.6 million para sa first dose at 1.6 million para sa second dose.

  • Total of 6,314,548 na po ang nabakunahan natin.

  • Patuloy po ang pagpapa-register ng ating A4 population kasi ito po ang pinakamarami.

  • Tinatayang nasa 13 million ang A4 population ayon sa datos ng NEDA... May 29,000 na tayong nabakunahan sa hanay nila.

  • Ang ating mga dine-deliver sa ating vaccination sites lalo na rito sa NCR Plus ay based on their masterlist at eligible population.

  • 'Pag mabilis kayong magbakuna, talagang mabilis din po ang pag-allocate. Importante din po na ang ating A1, A2, and A3 are still our priority.

  • Siguro sa mga susunod na araw ay mabibigay natin 'yong allocation. Pero ang ating prioridad ngayon ay NCR Plus 8 dahil nakita nga natin na 'yong surge ay nandito.

  • The best vaccine that we are considering ay 'yong mga bakuna na andito na sa Pilipinas.

  • Tuloy po ang Sinovac delivery tomorrow. 'Yong Sputnik V and others ay kailangan pa nating masiguro kung ano ang indicative date o final date ng pagdating.

  • Tinatayang 10 million ang inaasahan nating doses by the end of June.

  • Opo, meron na po nitong advisory ang WHO na maaari nang magbakuna sa 12 years old and above. Wine-welcome natin ang development na ito. Pero (dahil po sa) limitadong bakuna, sinusunod pa po nating ang prioritization framework.



Joel Bolano - OIC Executive Director, LTFRB:

  • Sa ngayon po ay tuloy-tuloy pa rin po ito at hindi po natin masabi na naabot natin ang target sa ngayon pero pinipilit po ng LTFRB at DOTr na maabot po ang dapat na maibigay sa ating mga beneficiaries.

  • Dalawa po ang service contracting natin. 'Yong sinasabi nating net contracting at gross contracting.

  • Ito po 'yong traditional PUJ natin na binabayaran po on a weekly basis per kilometer ng kanilang biyahe pero mayroon pa rin po silang fare box.

  • Ito po ang free rides na binabayaran po natin ang mga operators at drivers natin para magbigay ng libreng sakay sa ating mga pasahero.

  • Magkaiba po ang kanilang rates. Sa free rides, binabayaran po natin sila ng P82 per kilometer. Aside from this, mayroon po silang initial na payout ng P4,000 kapag nagpirma ng contract.

  • 'Yon pong konduktor ay nakarating na po sa atin. In fact, nagkaroon tayo ng presscon together with our chairman last Monday para po i-address ito.

  • 'Yon pong mga konduktor natin ay responsibilidad po na bayaran sila ng kanilang serbisyo. At sakaling may displacement sila sa kanilang kumpanya, pwede po natin silang i-refer sa DOLE.

  • As far as the LTFRB is concerned, pwede po naming makuha ang mga pangalan nila at i-refer sa operator dahil kailangan pong mabayaran sila.



Dr. Guido David, OCTA Research:

  • What we're seeing right now, 'yong trend sa NCR ay nasa downward trend and we're happy about that.

  • Ngayon, lumuluwag na ang mga hospital natin. We're in the safe level. Our positivity rate is improving.

  • 'Yong increase ng cases ay nakikita natin sa Mindanao.

  • 'Yong increase dito ay very concerning. In some LGUs in Mindanao, mataas na ang hospital occupancy at ICU occupancy nila.



Prof. Ranjit Rye, OCTA Research:

  • Ginagawa na ng Davao City, Zamboanga City ang makakaya nila to slow down the surge, to reverse the surge.

  • Ang panawagan namin sa national government (ay) magpadala na tayo ng tao diyan, magpadala na tayo ng equipment, magpadala tayo ng suporta natin sa mga lugar na ito, lalo na ang mga lugar na there’s a possibility of the hospital system being overwhelmed.

  • What will win the day is the cooperation between communities and the local government. Kailangan po talaga tulungan.

Comments


Join our mailing list

Never miss an update

Thanks for submitting!

© 2023 by Artkom Creatives

Proudly created with Wix.com

bottom of page