top of page

LAGING HANDA PUBLIC BRIEFING HIGHLIGHTS

Writer: DWWW 774 Admin 05DWWW 774 Admin 05

July 10, 2021




Moderated by Usec. Rocky Ignacio (PCOO):

  • Higit 2M dose ng AstraZeenca vaccine mula sa COVAX facility ang dumating kahapon sa bansa



Sen. Bong Go:

  • patuloy ang panghihikayat sa publiko na magpabakuna na; Unti-unting bubuksan ang quarantine protocols; Huwag magalit sa gobyerno kung paulit-ulit ang mga protocols dahil para naman ito sa bayan

  • Pinayagan na ng IATF ang mga nasa edad 5 pataas na makalabas sa kanilang tahanan sa mga lugar na nasa ilalim ng GCQ at MGCQ



LTCOL. Maynard Mariano - Spokesperson, PAF:

  • Pag-crash ng C-130 sa Patikul, Sulu:

  • As of the moment, mayroon tayong about 20 na ang na-identified na mga labi ng mga nasawi sa insidente

  • All accounted na ang mga sakay ng C-130 at na-inform na ang kanilang pamilya

  • Ang mga respective branches of gov’t ang nagpapaalam sa mga pamilya ng nasawi

  • Tiniyak na huwag mangamba at ginagawa ng PAF na ang mga records ay sinusuri upang mkatiyak na ang mga yumao na hinahatid sa pamilya ay mga kamag-anak talaga nila

  • Na-recover na black box ay papunta ngayon sa Amerika upang doon i-analyze at hihintayin natin ang pagbabalik nito

  • Maaga pa upang sabihin kung ano talaga ang tunay na naganap sa insidente

  • Nasa 1 buwan ang hihintayin natin sa pag-aanalyze sa black box

  • Sa ngayon ang lahat ng anggulo ay tinitingnan natin

  • 100% nang tapos ang recovery sa lugar ng insidente

  • Ibabalik natin sa Mactan ang eroplano upang i-reconstruct at makatulong sa pag-iimbestiga

  • Whole rehabilitation ang ginawa sa aircraft, lahat brand new ang ipinalit na mga gamit nang dumating sa atin

  • Utos ni Chief-of-staff Gen. Cirilito Sobejana na assessment sa mga eroplano: lahat ay ginagawa natin sa mga equipment upang matiyak na maayos ang mga eroplano

  • Walang dapat ikabahala ang taumbayan dahil tinitiyak natin na magagawa ng AFP ang kanilang trabaho upang mapunan ang kinakailangan na serbisyo sa taumbayan

  • May mga programa tayo upang ma-replace ang mga equipment upang makatulong sa taumbayan

  • Nitong July 1 ang ating anniversary ngunit we are commemorating ang mga nasawi sa insidenteng ito.



Usec. Manny Caintic, DICT:

  • Mas maluwag na panuntunan sa paglalakbay sa bansa; Maaari nang gamitin ang vaccine card sa pag-travel batay sa utos ng IATF:

  • Nagpulong ang mga alkalde na ipagpaliban ang full implementation ng unified issued vaccination card

  • Unified issuance of vaccine card ang lahat ng LGUs

  • Security features ng unified issued vaccination card: hindi basta-basta mapepeke ng kung sinu-sino; Hindi ito basta-basta mapo-produce

  • Magkakaroon tayo ng app para maging ang tao mismo ay kaya niyang ma-access ang kaniyang sariling QR code

  • Relaying on signal or mobile data: mamimigay tayo ng public key na gagamitin para magamit at mabasa ang QR code, hindi kailangan ng online

  • Kalian ito masasakatuparan? Ang hinihintay natin ay magkaroon ng sapat na datos na ibibigy sa atin ng mga LGUs, tinitulungan tayo ng DILG dito at nagbigay tayo hanggang July 31 para maibigay satin ang mga datos. Maaaring early August ay ma-launch na natin ng vaccination certificate

  • Ang mga binakunahan ng private sectors ay kailangang isumite sa LGU kung nasaan sila, ang mga datos ng mga empleyado nila na ipapasa naman sa DICT upang mapabilang sa line district

  • Batay sa napag-usapan sa IATF ay mas maganda na marami nang nakapag-submit ng datos

  • Naumpisahan na natin itong i-develop at recognize ito sa buong mundo at makatitiyak ang lahat na ang vaccination certificate ay napaka-convenient sa kahit saang bansa na nagpapapasa ng kanilang vaccination certificate

  • Target na mabakunahan ay nasa 70M: Ang data based system na inilaan ng DICT ay napakalaki maliban pa sa magagamit ang vaccination certificate kahit offline

  • Lahat ng LGUs sa buong bansa ay may access sa vaccination certificate na ito

  • Hinihikayat natin ang mga LGUs na habaulin ang pagpapasa ng mga datos sa atin

  • Mula naman Hunyo ay araw-araw na nagpapasa ang mga LGUs ng mga datos at hinahabol din nila ang mga backlog.



Usec. Maria Rosario Vergerie - Spokesperson, DOH:

  • Sa pagpayag ng IATF sa paglabas ng mga batang nasa edad 5 taong gulang pataas

  • May mga regions pa rin sa bansa na may mataas na kaso ng COVID-19

  • Dapat maipakita ng mga LGUs na ligtas ang kanilang lugar para sa paglabas ng mga kabataan

  • Bagama’t pinapayagan na silang lumabas ay dapat supervise sila ng kanilang mga magulang at nakasuot ng mask at sundin ang mga safety protocols, outdoors lamang ang kanilang pupuntahan

  • Hindi pa rin nabababgo ang ating omnibus guidelines kahit pinayagan na silang lumabas

  • Hindi pwedeng outside sa family bubble

  • May mga flag areas pa rin sa iba’t ibang lugar sa bansa. Ang Region 11 remains in high risk

  • Mataas na utilization rate sa 6 Caraga, 12 at 5

  • May pagtaas sa paggamit ng mga kama sa Region 12 at 5

  • 12.9M Filipinos already vaccinated

  • 4.8% naka-2nd dose na

  • NCR 115K jabs, 200K plus sa buong bansa o 4.47%

  • May pagbagal ng konti dahil sa delay delivery ng mga bakuna ngunit sa mga susunod na linggo ay makakahabol tayo

  • Sa report ng Reuters, maaaring nakatagao ang testing rate sa Pilipinas: Kahit bumaba ang ating testing rate, tayo pa rin ang naga-average ng 40K plus testing rate per day although may pagbaba dito sa NCR dahil bumabagal ang taas ng kaso sa rehiyon

  • Tumataas naman ang pagti-test natin ng RT-PCR sa mga surges areas

  • Natututo tayo sa mga experiences across the globe and we do our precautions

  • Ang ginagawa natin sa ngayon ay we are intensifying our border control

  • Lagi tayong handa, aware dahil very fragile ang ating sitwasyon

  • Lambda variant: it is still a variant of interest, nakikita na highly transmittable ito tulad ng Indian variant; nagpapatupad tayo ng paghihigpit sa ating border control upang hindi ito makapasok sa atin

  • Mahigit 30 countries na ang merong Lambda variant

  • We are having challenges in BARMM, sila may challenge sa pag-istore ng mga bakuna, peace and order situation; Medyo mabagal ang pagdi-deploy ng bakuna sa lugar dahil sinisiguro natin na hindi masasayang ang mga bakuna

  • Paglalagay ng mga stickers sa mga bahay na fully vaccinated na: Ang mga LGUs gumagagwa ng mga paraan para sa pagpapatupad ng pagbabakuna sa kanilang mga nasasakupan

  • Booster shot ay wala pang surficial evidence na lumalabas: Kailangan nating maging maingat sa pag-adopt ng ganitong practices; Ang ating mga eksperto ay hindi pa ito nire-recommend

  • Pag naglagay ng booster shot, ibig sabihin ay ise-set aside ang mga taong hindi pa nababakunahan

  • Kapag may lumabas nang sufficial evidence ay maglalabas tayo ng rekomendasyon ukol dito

  • Sa Davao City for the past 1 to 2 weeks; daily attack rates ay nasa 10.7%

  • Sa NCR -18% for the past 2 weeks

  • Ang ICU ay nasa as of July 9, 2021

  • Sa mga may Myocarditis ang mga bakuna sa Pfizer; nagpalabas na sa US na malakihang ginagamit ang Pfizer at Moderna ay naglagay sila ng advisory ukol dito, maliit lang ang porsyento na naitatalang ganitong adverse effect

  • We’ll wait for the advise of the manufacturer, pero sa ngayon ay mas mataas ang benepisyo nito

  • Pinag-uusapan sa ngayon ang mga allocations ng mga bagong dating na bakuna; hintayin natin na makapagpa-labas ng vaccine status.

Comments


Join our mailing list

Never miss an update

Thanks for submitting!

© 2023 by Artkom Creatives

Proudly created with Wix.com

bottom of page