September 3, 2020
Moderated by Usec. Rocky Ignacio (PCOO) and Aljo Bendijo (PTV):
Atty. Dante Gierran - President, PhilHealth:
Una sa lahat mayroon akong mandato na imbestigahan silang lahat at alamin natin kung sino ang source ng corruption.
Maliban sa pag-file ng kaso, kailangan natin pagandahin ang serbisyo natin sa tao.
We have to rule with transparency.
Kapag nakita ng mga tao na sincere kami, maaring manumbalik ang tiwala ng taong bayan.
Kakayanin po natin ito. Why? Firstly, we have the suppport of our President. I have the support of Sen. Bong Go. I also have the support of NBI.
Saka ako mismo. I see myself lalo na ako ay senior citizen na. Wala na akong ibang gagawin pa kundi ibalik sa komunidad ang whatever benefits that I have right now.
Kaya nating i-reogranize ang PhilHealth. Kapag po na-reorganize natin ito, maayos po natin ang PHilHealth at mawawala na po ang mga sindikato sa loob.
Pagagandahin at iuupgrade po natin ang IT. Aayusin din po natin ang legal office ng PhilHealth.
Hindi lang po pag-iimbestiga, hindi lang po pagsisilip ng ating mga financial statements. Titignan din po natin kung ilang pera na lang po ang mayroon tayo.
May mga collectibles naman ang PhilHealth at sisilipin po natin 'yon.
Kung sakaling kulangin, hihingi po tayo ng karagdagan sa kongreso.
I am a person who will not settle for less when given a mission.
Basta ang pinakamahalaga po sa akin ang tao. Maraming tao sa loob ang matitino. Suportahan po natin sila.
As a leader, I want people that will not be afraid to communicate with them.
With that, we will encourage also the people of PhilHealth to do their job.
As for my leadership, I want to set an example of myself.
On comments about his lack of knowledge on Public Health and people who criticize him: Hayaan ninyo sila mag-comment. It is their right. I admit ano bang alam ko sa public health. Malamang aaralin ko 'yan.
On orders of the President on reshuffling PhilHealth officers: I don't still have the appointment papers at the time but I will be preparing myself for the job.
On filing cases against officers involved: It is important to look at the evidence and not the person.
Ang utos sa sa akin ni Senator Go, suggestion lang naman ito, you have to strike a balance between identifying the source of corruption and improving the services of PhilHealth.
Bigyan niyo ako ng chance. Let us not prejudge anybody. Magtulungan tayo.
Stella Zipagan-Banawis - Executive Director, Employees' Compensation Commision:
Ang Employees' Compensation Commission po ay isang ahensya under ng DOLE at ang mandato po namin ay magbigay ng package of benefits sa mga empleyado sa public at private sector na nagkaroon ng sakit o namatay sa aksidente na work-related po.
Ang mga covered po namin na mga members ay may employee-employer relationship at member po ng SSS/GSIS
Both po public and private sectors po ay covered po ng program natin at meron pong iba't ibang benepisyo na ibinibigay under the program.
Itong benefits under employees compensation program are over and above the benefits that can be claimed from SSS for non-work related incidents or diseases.
Maari rin pong makatanggap ng skills training at starter kits for livelihood programs.
Available rin po ang mga physical and occupational therapy.
Kasama po ang ating mga fronline workers both from public and private sa program na 'to.
Amb. Hjayceelyn Quitana - Philippine Ambassador in Abu Dhabi:
Ayon po ang medyo malungkot na nangyari. Dalawang Pilipino po ang nasawi sa gas explosion sa Abu Dhabi at halos lahat ng sugatan ay nakalabas na po sa ospital.
Importante po sa mga ganitong pangyayari ang tulong ng embahada. Nagbibigay po kami ng emotional support. Inaalam po natin kung sino ang mga sugatan o binawian ng buha. Hindi rin po natin agad-agad malalaman ang bilang dahil po may isinasagawa po na imbestigasyon.
Ako na mismo po ang tumawag sa mga kaanak ng mga nasawi sa pagsabog.
Tinututukan po namin ngayon kung kailan po maiiuwi ang mga labi ng kanilang mga kaanak na nasawi.
Nakikipag-usap din po ang pamahalaan ng Abu Dhabi sa mga pamilya at kami po ang nagiging tulay.
Comments