LAGING HANDA PUBLIC BRIEFING HIGHLIGHTS
- DWWW 774 Admin 05
- Jul 20, 2021
- 4 min read
July 20, 2021
Moderated by Sec. Martin Andanar and Usec. Rocky Ignacio (PCOO):
Local COMELEC Offices sa NCR, bukas para sa mga transaksyon ngayong araw.
Usec. Epimaco Densing III, DILG:
Bibigyan tugon po namin ang suggestion na 'yan. Magkakaroon po tayo ng IATF meeting ngayong Huwebes at maisasama po 'yan sa ating agenda para pag-usapan at para makita na rin natin ang mga preventive measures sa ating mga lokal na gobyerno.
In fact noong Biyernes, ang Iloilo City at Iloilo Province na isinailalim sa MECQ dahil may nakitang Delta variant sa rehiyon, as a preventive measure, nagdeklara po ang ating IATF na ilagay po sa ECQ ang Iloilo province at Iloilo City, kasama na po ang Cagayan de Oro City at Gingoog City.
Medyo sigurado po na magkakaroon ng higpitan (sa interzonal travels) ngayon at base po ito sa direktiba ng ating Pangulo kagabi.
Pero bago natin gawin ito, magkakaroon po tayo ng pag-uusap sa mga lokal na opisyales.
Ang ating panuntunan po, as much as possible, ay hindi po tayo magla-lockdown ng isang probinsya o isang siyudad.
Ang paiigtingin natin ay ang pagla-lockdown ng mga maliliit na kalye, mga barangay, o ang tinatawag natin na granular lockdowns. Ito pa rin ang ating ipatutupad na polisiya at kasama na rito ang pagbabalanse ng ating ekonomiya.
As much as possible, ayaw na po nating mag-lockdown ng isang malaking lokal na gobyerno kasi makakaapekto ito sa ekonomiya.
Itong nakuha nating mga 16 na bagong Delta variant (cases) are just part of the samples we are getting from the LGUs at medyo kailangan pa nating paigtingin at palawakin ang operations ng ating Philippine Genome Center.
Dahil sample lamang ito, may posibilidad po na mas marami pa ngang mga Delta variant at (ibang COVID-19) variants gaya ng Alpha o UK variant at Beta o South African variant na naging sanhi kung bakit nagkaroon ng surge dito sa NCR.
Ito ay isang area ng surveillance capacity na medyo hindi maganda ang performance ng ating mga LGUs.
Kailangan kasi ng pisikal na tao na kailangan gumawa ng contact tracing activities bukod sa contact tracing app.
Nakikiusap po tayo sa DBM, baka pwede po tayong mabigyan ng budget mula sa 2021 budget na ma-allocate sa karagdagang contact tracers.
Importante rin 'yong mapasa ang Bayanihan 3 bill, dahil dito nakasaad ang isang malaking budget para madagdagan ang contact tracers sa buong bansa.
As of today po, nasusunod na po ang polisiya ng pagpapalabas ng ating mga kabataan. Nakikita po natin na sila ay may kasamang guardians at nakakasigurado po tayo na (sumusunod) sa minimum health standards ang mga bata.
Dahil sa banta ng Delta variant, ito ay isa sa mga polisiya na maaaring pag-aralan at pag-usapan muli kung patuloy pa natin itong i-implement.
Magkakaroon po tayo ng immediate advisory and briefing sa lahat ng mga lokal na opisyales para sila ay maging aware na may banta na ng Delta variant.
Magiging mahigpit po tayo sa mass gatherings... Sana po ang ating mga politiko ay magdalawang isip muna at huwag muna ituloy ang pa-meeting nila dahil mass gathering din po ito.
Tandaan po natin may 3 kaso na po sa Maynila at hindi po natin alam kung ilan ang mayroong Delta variant pa dito sa kalakhang Maynila.
Nasabi na po ni Sec. Galvez na may inaasahan po tayong between 11 to 16 million doses ng bakuna na iba't-ibang brand na darating ngayong Hulyo.
The expectation is itong supply ng mga bakuna will last until August 17.
In order of priority po, malaking allocation ang ibibigay muna natin sa mga rehiyon kung saan mayroon hong mataas na bilang ng COVID-19.
We are expecting 15 million more doses in the months of August, September, and October.
Ang ginawa natin sa unang 822 na barangays nitong 2021 ang ating binigyan ng alokasyon ng support to the barangay development program ng gobyerno.
More than 99% na po ng budget na P16.44 billion ang nakalap na po sa 813 of the 822 barangays all over the country na identified na bibigyan po ng karagdagang programa ng ating gobyerno.
Dr. Rontgene Solante, Infectious Disease and Vaccine Expert:
Sa 4 na variants of concern, ang Delta ang itinuturing na pinakamataas ang transmissibility. 60% higher than the Alpha variant.
Meaning, ang isang tao ay pwedeng carrier ng Delta variant, it can infect, the most is 6 persons in 1 interaction.
We are still confident that this variant will not significantly affect all the efficacy of the vaccines that are currently being used in our vaccination rollout in the Philippines.
On need for a third booster shot: Sa ngayon, wala pa tayong gano'n na recommendation. Doon tayo kukuha ng datos sa mga breakthrough infections, kung talagang mataas ang breakthrough infections maski nabakunahan ka, then we need to study, evaluate kung kailangan ng booster.
Pangalawa, itong mga bakuna ngayon, base doon sa mga pag-aaral o tested data nila, are still effective even up to 9 months of the vaccination.
Sa ngayon, we'll just have to wait for the data, we have to monitor. Hindi pa natin kailangan ng booster shots sa mga fully vaccinated individuals.
Sa ngayon, hindi pa ito major factor para ibahin natin ang target nating 70%. So gano'n pa rin ang target natin and hopefully by the end of the year, we can vaccinate 70% of the total population especially those who are at risk.
I fully agree with that recommendation na huwag muna palabasin ang mga bata. Unang-una, ang mga bata, although mababa ang kaso sa mga bata, that doesn't exempt them from getting the infection.
Usec. Felix William Fuentabella, DOE:
Sa pandaigdigang merkado, nagkakaroon ng pagtaas ng demand sa petrolyo at dahil tumataas ang demand, tumataas ang presyo.
Ang rason sa pandaigdigang merkado ay nagkakaroon ng 2 restrictions. 'Yong 2 restrictions na 'yan ay nagre-restrict ang organisasyon ng petroleum-exporting countries, nag-re-restrict sila na damihan ang production nila.
Dahil diyan, bumababa ang supply at ang pangalawang restriction ay mayroon tayong economic sanctions na pinapataw 'yong U.S. sa dalawang bansa na pwede rin magdagdag ng supply ng petrolyo.
Dahil nagkakaroon ng pagtaas sa world market prices ay tinatamaan ang mga nagtitinda dito sa local market natin.
Mayroon tayong pagtaas ng demand sa buong mundo. Ang pagtaas po niyan ay 5.6 million barrels per day ng petrolyo at ang sasagot po niyan ay ang non-OPEC ng 1.1 million barrels per day at OPEC members, 4.5 million barrels per day.
Ang DOE at ang Angkas riders ay magkakaroon ng kasunduan. Pwede nating ma-track ang real-time prices na ibabangga natin sa Google maps kung saan ang mga tindahan na may mura na maasahan natin ang presyo.
Ang stockpiling po kasi ay ginagamit for emergency purposes.
Ang stockpiling is a security measure na kapag nagkaroon ng gulo sa labas ng bansa (at hindi umaabot ang oil sa atin), that's the reason for stockpiling.
Ang una pong accomplishment ng Duterte administration ay ang pagtulak sa renewable energy.
Comments