top of page
Writer's pictureDWWW 774 Admin 05

LAGING HANDA PUBLIC BRIEFING HIGHLIGHTS

August 13, 2021


Moderated by Sec. Martin Andanar and Usec. Rocky Ignacio (PCOO):

  • 231,000 jabs a day, naabot ng National Capital Region (NCR) kahapon.



Sec. Vince Dizon, Testing Czar:

  • As of August 12, tayo po ay nasa 26.7 million doses / halos 27 million doses na po ang ating na-administer sa buong bansa.

  • Ibig sabihin nito ay 6.7 million ang nabakunahan natin sa unang 12 araw ng Agosto. Ang average po natin ngayon ay sumipa na po ng mahigit 550,000 a day.

  • Kung ikukumpara po natin ito doon sa July, tayo lang po ay nakaka-average ng mga 320,000.

  • Sa NCR naman po, ganoon din po ang istorya. Napakalaki na po ng itinaas. Noong nakaraang buwan po, mahigit 100,000 na lang po kada araw ang nababakunahan ng NCR pero kahapon po ay umabot po ng 231,000.

  • Malapit na po nating maabit 'yong ating target pero marami pa ring mga hamon.

  • Ang target po natin sa katapusan ng Agosto ay maka-50% po tayo na bakunado sa NCR fully vaccinated. Siguro pagkatapos ng isa pang linggo ng ECQ almost 50% pero puspusan po tayo.

  • Ngayon po ay napakahirap po talaga nitong ginagawa natin at ng ating mga LGUs.

  • Sabay-sabay po ang pagbabakuna, pagte-test, pagte-trace, pag-a-isolate, pag-aalaga sa mga may sakit, at ang pamimigay ng ayuda.

  • Ang pinakamalaking paghamon natin ay ang mga personnel. Ang ating mga kawani ng national government, local government. Talagang iba-iba na po ang kanilang ginagawa.

  • Perfect timing po ang pagbukas ng Nayong Pilipino Mega Vaccination Facility. Ito po ay simbolo ng kooperasyon at pagtutulungan ng private sector, LGU, at ng national government.

  • Magsisimula na po ngayong araw ang deployment ng mga dumating na Sinovac kagabi at iba pang mga bakuna kasama na ang donation ng UAE.

  • Ngayon po ay may dumating na mahigit 500,000 AstraZeneca na procured ng ating private sector at ng ating mga LGUs. Lahat po 'yan ay ide-deploy ng mabilis.

  • Ang priority natin ay ang lahat ng areas na nasa ECQ at mga areas na mataas ang surge ng mga kaso o ang tinatawag ng DOH na Alert Level 4 areas.

  • Masyado pang maaga para maramdaman natin (ang epekto ng ECQ). Sabi ng mga eksperto, ang period talaga ay 2 linggo kaya mahirap sabihin sa ngayon.



Dr. Shirley Domingo - Vice President for Corporate Affairs, PhilHealth:

  • At any given day sa PhilHealth, we are processing hundreds of thousands of claims... Hindi po lahat ng 'yon ay utang na nasabi. In other words, delayed.

  • As of now, we paid a total of P106 billion na since last year.

  • 'Yong nade-delay po tayo ay sa COVID claim which is comprising around 15% of the total claim by PhilHealth.

  • Sa COVID claims, nakapagbayad na po tayo ng P12 billion in claims po.

  • Ang aming president, si Atty. Gierran, na mismo ang tumututok dito sa issues na ito at mini-meet po natin ang mga regional vice presidents who are managing the claims processing.

  • Nag-usap kami with the hospitals and the regions on strategies how to fast-track claims.

  • Nag-meet tayo with different officers of the Philippine Hospital Association and Private Hospitals Association of the Philippines.

  • Hinihimay po natin isa-isa lahat ng policies na 'yan, lahat ng bottlenecks at hinahanapan natin ng solusyon lahat 'yon para mapabilis ang pagsunod namin sa direktiba to release funds kaagad na kailangan ng ating mga ospital.



Dr. Marylaine Padlan - Medical Officer III, One Hospital Command Center:

  • So ang One Hospital Command Center po, ang layunin niya po ay maging main national navigation and referral center ng bansa.

  • Kami po ang naghahanap ng health facility na naayon sa pangangailangang medical ng callers namin o clients namin at kami na po ang magre-refer sa kanila.

  • Kahit sino pwedeng tumawag sa amin basta may pangangailangangang medikal.

  • Dito po sa One Hospital Command Center, mayroon po kaming 4 na hotlines po ngayon.

  • One is DOH COVID Hotline which is 1555.

  • Mayroon din po kaming cellphone hotlines which are 0919-977-333 and 0915-777-7777

  • Mayroon din po kaming handline na 8650-5000.



Usec. Raul De Rosario, DOTr:

  • Yes may mga pagbabago tulad sa organisasyon dahil nga naitatag ang ating NTF ang crisis management plan.

  • Alinsunod dito, pinaigting ang ating border control sa ating mga sea ports at airports kung saan ay may mga pinatupad tayo na bagong protocols lalo na sa mga pasaherong dumadating mula sa restricted countries.

  • Ang naidagdag na protocol dito ay dapat mayroon silang RT-PCT test result 48 hours prior to boarding.

  • Dapat sila ay magmamandatory quarantine ng 14 days at isaswab sila sa 7th day.

  • Nakikita na natin ang kanilang health status at travel history. Nababantayan na natin kung may suspected carriers. Pagdating, dumadaan ulit sila sa stringent inspection.



Dr. Norberto Francisco, Lung Center of the Philippines:

  • Ang Lung Center ay tumutugon sa mga severe, critical COVID cases.

  • Pinakamaigi na po naming kalagayan ay 'yong moderate.

  • Nandito po kasi 'yong mga equipments para sa mga complicated lung cases ng COVID.

  • Ngayon, kumpara po sa last year, sa ngayon nasa 76% na po kami na dedicated sa COVID, this is about the highest.

  • Sa ngayon po nagdadagdag po kami ng mga tinatawag na hospitainers ito po 'yong mga modular hospitals.

  • What we are hoping to do is to be able to increase the operational bed capacity of the hospital.

  • Sa ngayon, wala kaming pediatric COVID cases

5 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page