August 18, 2021
Moderated by Sec. Martin Andanar and Usec. Rocky Ignacio (PCOO):
COVID-19 response, prayoridad pa rin sa panukalang 2022 National Budget
Pangulong Rodrigo Duterte, ipinag-utos na iprayoridad ang benepisyo para sa mga health worker
Rep. Stella Luz Quimbo - 2nd District Representative, Marikina City:
Yesterday po (August 17), nag-report ang COA ng kanilang 12 audit findings at ang ginawa naman po ng DOH ay nagbigay sila ng sagot sa bawat isa.
Lumalabas naman po kahit paano of the 12, may 4 doon na naresolba na, may 3 na partially resolved, may 1 na mostly resolved, at may 4 na ongoing compliance.
Kahit papaano naman po ay may progress sa pagtugon.
Sa amin naman, ako particularly, ang naging importante naman na tingnan ay mayroon pa bang natitirang pera? Kasi siyempre, maraming healthcare workers na umaasa pa sa kanilang benefit.
Number 2 is kung mayroong mga audit observations man, kailangang ma-address immediately, kasi kung hindi, magreresulta ito sa mga disallowances at ang magiging kawawa diyan ay mismong mga empleyado.
Nag-release ng press statement ang COA na ibig sabihin ang COA report is not necessarily finding of corruption. So, at least, maliwanag 'yon.
Doon mismo sa hearing, ang COA chair ang mismong nagsabi na kung mayroong mga problema...ang sabi ng COA chair ay pwede namang pag-usapan para nang sa ganoon ay mas maging maluwag nga.
I think bukas nga ang COA sa ganyang possible solution especially now na may pandemic.
'Yong karamihan ng P13.5 billion ay naibayad na sa 387,000 workers. Ang problema, marami pang hindi nakakatanggap (ng SRA).
'Yong P368 million na natitira under Bayanihan 2, gawan natin ng paraan para maibayad na.
Noong nag-submit sila (DOH) sa bicam ng Bayanihan 2, mayroon naman silang inasam na 20 or 25% of the salary na tingin ko, that should be a reasonable amount of SRA.
Kaya nga lang, dahil P13.5 billion ang nilaan lamang, I think, they are asking for P18 billion, kailangan na lang nila na pagkasyahin 'yon.
Dr. Ted Herbosa, Special Adviser to the NTF:
Noong nag-ECQ tayo last year at nitong Abril, inabot ng 10 araw bago bumaba 'yong kaso.
Tayo ngayon ay nagtala ng 10,000 from many days na over 14,000 tapos kahapon, bumaba na. Tapat naman siya sa 11th na araw natin.
Mukha namang may tulong ang ating ginawang ECQ, sana tuloy-tuloy ito at hindi dumami.
Sana tuloy-tuloy na ang pagbaba at madalian ang desisyon ng IATF na luwagan ang ating quarantine.
Base sa huling report ng Philippine Genome Center, almost 800 plus na ang nag-positive sa Delta variant sa full genome sequencing.
At umaabot na ng almost 40% plus ang mga bagong samples na dini-detect nila na mukhang driven na talaga ang pagdami ng kaso natin dahil sa Delta variant.
Totoong 'yong Delta ay nakadagdag kaya ang tataas ang numero natin ng new cases at nagkasabay-sabay.
Ngayon, nakita natin na mayroon sa Northern Luzon, Southern Luzon, Visayas at Mindanao na pagdami ng mga kaso kaya parang nagsabay-sabay.
'Yong pangalawa, nakapag-expand na tayo ng ating mga health facilities, handa na nga ang mga doctor. In fact, ang tawag nila sa approach dito is the accordion principle.
Ibaba mo ang COVID wards tapos dadami na naman, babawasan nila ang ibang serbisyo para lang maka-adapt ng services sa hospital.
Ang mga critical cases kasi kapag na-admit 'yan sa ICU, hindi naman 'yan nakakauwi in a few days. Nakakauwi 'yan after 2 or 3 weeks.
Kagaya namin sa PGH, nasa 279 na ang COVID cases natin doon whereas ang allocated naming kama ay 140, 150 lang.
In return, hinihinto namin ang ibang serbisyo sa hospital.
Kung ako ang namumuno sa IATF, bababa ako sa MECQ at paiigtingin ko ang mga LGUs'yong localized lockdown, testing, at tracing sa mga lugar.
Mayroon na kaming datos, kinakausap ko ang mga direktor ng mga ospital, parang 80% ng nako-confine ngayon ay mga unvaccinated.
Mayroong remainder na mga about 10 to 15%, 1 dose pa lang ang natanggap. At may maliit na porsyento na naka-2 doses na na-admit pa rin sa ICU.
During the ECQ, parang medyo bumagal ang National Vaccine Operations Center (NVOC) kasi dati nakaka-700 plus na tayo per day, bumaba sa 500.
At noong inaaral namin kung ano ang sanhi, usually talaga, manpower at steady supply.
Maganda ang suhestyon (ni former Health Sec. Dayrit) kaninang umaga sa aming meeting na gamitin na rin ang medical students na graduating (for manpower).
Parang mag-a-allocate pa nga yata ng kaunting allowance para sa mga medical students na magvo-volunteer at tutulong sa vaccination centers.
uloy-tuloy ang dating ng bakuna. This morning, may dumaitng na 300,000 plus doses of Pfizer. Parang bukas may 2 million, day after, another 2 million of Sinovac, tapos may 1 million pa na Sinopharm.
Walfredo "Arman" Dimaguila, Jr. - Mayor, Biñan City:
Lahat ng ospital dito, pati po ang mga private hospitals ay talagang punuan na.
At 'yong sa ospital sa Biñan, sa parking lot po ay ginawa po talaga naming extension. Diyan na rin po tayo na mga may sintomas na hindi severe ay diyan na po ginagamot.
Ang active cases ay pinakamataas po kahapon, nakadagdag po kami ng 78 cases ito po ay kumpara sa mga nakakaraang linggo at ang total active cases ay 413.
Hindi naman talaga natetest kung Delta yung mga cases na ito, pero kakaiba ang COVID na naandito sa Laguna. Mas mabilis siyang makahawa at pag tumama sa mga may comorbidity, medyo alanganin po, marami pong namamatay.
Umaasa po kami na madadagdagan ang mga bakunang binibigay dito sa Biñan.
Comments