top of page
Writer's pictureDWWW 774 Admin 05

LAGING HANDA PUBLIC BRIEFING HIGHLIGHTS

September 8, 2020



Moderated by Sec. Martin Andanar and Usec. Rocky Ignacio (PCOO):

  • As of September 7, 2020, mayroon ng 238,727 total COVID-19 cases sa bansa habang may 184,906 recoveries at 3,980 deaths.

  • Sa NCR nanggaling ang pinakamaraming naitalang kaso na sinundan ng Laguna, Batangas, Negros Occidental at Cavite.

Sec. Carlito Galvez - Chief Implementer, Task Force COVID-19:

  • Regarding mga health workers na pinaalis sa mga kanilang tinitirhan: May mga lumapit po sa atin at sinabing makipag-ugnayan sa sa ating mga incident center.

  • Ito pong pondo na inilaan natin sa Bayanihan 2 ay gagamitin po natin sa mga libreng pasakay at accomodation ng mga healthcare workers.

  • 'Yong 117 accredited laboratories ay kaya na po na hanggang 41,000 ang testing capacity simula noong August 25.

  • Mula September 1 hanggang today, ang testing capacity ay pumapalo na ng 30,000-31,000 everyday. Ibig sabihin nakuha na po natin 'yong target natin at moving forward tayo na madami pa pong laboratory ang mag-apply.

  • Ang pagtaas ng numero ng mga taong naitest ay nangangahulugan na nakikita na natin ang mga unseen carriers.

  • Dahil dito, mas napapadali ang contact tracing at madaling nailalagay sa isolation ang mga indibidwal.

  • The variance between apparent COVID-19 positive and the true positive numbers have grown smaller.

  • Ang inanusyo po ng UP-OCTA na ang curve ay na-flattened ay nagpapakita lang ng mga efforts ng mga IATF, LGUs at mga private sectors ay nagbinga na.

  • Almost 30% sa buong Metro Manila ay bumaba ang kanilang active cases.

  • Kailangan talaga na ang isolation natin is very aggressive and absolute na lahat ng positive ay kailangan i-isolate.

  • Nakikita rin po natin na maging ang mga mayayaman na naka-home quarantine ay nagkakahawaan sa kanilang mga kamag-anak.

  • Ang suhestyon po ni Sec. Año na magkaroon ng IATF resolution na talaga pong i-discourage ang home quarantine.

  • On recommendation to escalate quarantine type for Lanao del Sur and Bacolod: Gumawa po tayo ng presentation kahapon sa IATF at isa po sa mga napag-usapan namin ni Sec. Año na iangat sa MECQ ang Bacolod dahil ang critical care capacity nila ay naging critical talaga.

  • Nag-usap din po kami ni Bacolod Mayor at nakita po natin na mataas ang kanilang rate of increase sa mga cases.

  • Once na ma-control na rin natin ang Iligan, pwede na ito mag-spread sa Lanao del Norte at ma-extend sa Ozamiz at pwedeng tamaan din po ang Cagayan de Oro.

  • Nakatakdang bumisita rin po kami sa Bacolod sa Miyerkules upang tulungan sila sa pagbubuo ng kanilang quarantine facilities.

  • 'Yon po ang nakikita natin na once na nagkakaisa po 'yong mga leaders at health workers ay makikita po natin na very collective po at mataas ang participation ng mga tao laban sa COVID.


Usec. Orlando Ravanera - Chairman, Cooperative Development Authority:

  • Sa dulot ng pandemya, mahalaga ang spirit of compassion and service.

  • Ibig ko pong ipaalam sa inyo na ang mga kooperatiba ay tumulong po lalo na sa ng mga pagkain, PPEs at mga libreng sasakyan.

  • Nag-benepisyo po nito ay mga 790,000 coop members and about 653 non-members sa buong bansa

  • A total po na about 433,615,000 worth of donation in kind, relief goods, food packs, and PPEs ay ibinigay po sa coops across the country

  • Kung mayroon pong kooperatiba doon po maunlad ang kabuhayan ng komunidad ayon sa study.

  • Ang prinsipyo po talaga ng kooperatiba ay serbisyo at iyon po ang ipinakita ng kooperatiba during this crisis

15 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page