August 30, 2021
Moderated by Sec. Martin Andanar and Usec. Rocky Ignacio (PCOO):
Pangulong Rodrigo Duterte binigyang pugay ang mga 'modern day heroes' partikular ang front liners.
Dr. Guido David, OCTA Research:
Base sa mga nakaraan na lockdown natin, kapag nagkaroon tayo ng lockdown, hindi naman agad-agad bumababa ang bilang ng kaso.
Usually, mga 3 to 4 weeks bago natin nakikita ang pagbaba ng bilang kaso, pero nakikita natin na bumababa ang reproduction number.
Ngayon, nakita naman natin sa Metro Manila na bumababa ang hawaan.
Ibig sabihin, nasa 1.47 na, dati nasa 1.0. Malaki ang ibinababa niya at nakikita natin na maaring umabot na siya sa less than pagdating ng kalagitnaan ng September.
Sa ngayon, dahil hindi pa siya bumababa less than 1, mataas pa rin ang bilang ng kaso, pero bumagal na ang growth rate.
Sa ngayon, dahil umabot tayo ng 19,000 (cases per day), maaring lumagpas pa 'yan ng 20,000 cases per day sa buong bansa.
'Yong sa Cebu City, nakita natin na bumaba na to less than 1 ang reproduction number as of yesterday at in line siya with our projections 2 to 3 weeks ago.
May mga ibang rehiyon na mayroong pagtaas ng bilang ng kaso, kasama diyan ang Cagayan, Tuguegarao, at ibang regions sa Ilocos region, sa Pangasinan.
Mabilis rin ang pagtaas ng bilang ng kaso sa Cavite, Laguna, Rizal, at Bulacan.
'Yong bilang ng kaso ay maaaring humigit siya sa 20,000 cases per day lalo na greater than 1 pa 'yong reproduction number sa buong bansa.
Kung magkakaroon na ng downward trend sa Metro Manila ay magpi-peak na rin ang bilang ng kaso natin below 25,000.
'Yong hospital utilization natin ngayon na nakita natin sa Metro Manila at 'yung level ng hospital bed occupancy ay pareho na noong last March at April.
Ibig sabihin, we have the same number of occupied beds kumpara noong April. 'Yong ICUs naman natin, nalampasan na natin ang ICU occupancy noong April by 200 ICUs.
Prof. Ranjit Rye, OCTA Research:
Malaking bagay talaga ang Delta variant. Highly contagious po siya at ang nakita natin from other countries, mahirap talaga i-manage lalo na kung walang strict compliance with minimum health standards. Malaking bagay po 'yong ECQ natin.
Ang suggestion nga namin kung hindi naman kailangan lumabas, huwag na lumabas.
Ang importante kung kailangan lumabas dahil sa hanapbuhay ay siguraduhin natin na sundin natin ang minimum public health standards.
Doon po sa bagong survey na ginanap noong July, ang nakita namin nag-decline po talaga ang frequency ng practice ng minimum public health standards.
Pangalawa po, 'yong ating MECQ ay medyo maluwag... kailangan nating higpitan ng kaunti lalo na ang pag-enforce ng minimum public health standards.
Importante po talaga na 'yong ating hospital capacitylalo na sa NCR, CALABARZON, Central Luzon, places like Rizal ay augmented. Tulungan natin sila.
'Yan 'yong nakikita namin na kailangang tutukan ng pansin aside from pagpapaigting ng testing and isolation sa mga local government natin.
Ang key problem po kasi ay ang vaccination po ay hinge line instrument natin sa pag-control ng isang surge.
It's really prospective. Kapag nagpa-vaccinate ka, it takes 6 weeks po bago mag-full effect po 'yan.
While maganda ang drive natin sa vaccination, lubhang mas mabilis ang pagkalat ng Delta kaysa sa vaccination drive natin.
Ang talagang sandata natin laban sa surge ay ang pagsunod sa minimum public health standards.
Ang sandata natin para kaagad bumaba (ang mga kaso) ay ang testing and isolation at healthcare system natin, lalo na if kept at normal levels at makakapagprovide ng healthcare lalo na doon sa nagkakasakit ng medium and severe.
'Yong interventions, largely, 'yung successful pag-i-implement ng quarantine nila was very good. Sinabayan nila ng testing, tracing, and isolation.
Malaking bagay ho ang hospital management and hospital capacity upgrade sa Cebu.
Nandiyan rin ang cooperation ng kababayan natin sa Cebu na sumunod sa public health standards.
Dr. Roberto Salvador, Jr. - Director, Bureau of Quarantine:
Malaking tulong po ito sa mga kababayan natin na uuwi po dito sa Pilipinas.
Ang purpose po talaga nito ay ma-decrease 'yong inconvenience ng mga kababayan nating uuwi dito.
Ang One Health Pass ay ini-automate po lahat ng proseso, ang gusto sana ay paperless na from the point of origin po ay mag-register na sila sa electronic health declaration checklist and sa pamamagitan po ng pag-register, dire-diretso na po ito na maipapasa sa lahat ng mga ahensya na tumutulong po sa pag-aasikaso po sa mga kababayan nating umuuwi sa Pilipinas.
Maganda ang turn out ng pilot natin na more than 2 weeks po tayo nag-trial. Ngayon umaakyat na sa 80% na nagcocomply na magregister sa point of origin para sa One Health Pass.
Madali po.User-friendly po ang One Health Pass. More on information lang po talaga ang ilalagay n'yo. Personal details, flight details... dire-diretso na po ang registration.
Kapag may QR code na, iche-check kayo ng Bureau of Quarantine. Then punta na po sa orientation area kung saan andun ang OWWA, Marina para sa OFWs, at ang DOT for non-OFWs.
Dapat po within 3 days po bago kayo mag-travel sa Pilipinas, mag-log in na po, mag-fill up na po sa www.onehealthpass.com.ph para makakuha kayo ng transaction number.
Nakikiusap kami sa mga gustong kumuha, kung maaari ay ang kukuha lang ang mga paalis na.
Baka dumating ang time na ma-integrate ang VaxCert sa yellow card.
Kung mapapasa ng DOH na mabigyan kami ng allotment, mas maganda po.
Comments