September 13, 2021
Moderated by Sec. Harry Roque:
Balitang IATF po muna tayo. Inaprubahan ni Presidente Rodrigo Duterte ang travel restrictions sa mga bansa na nasa ilalim ng red list.
Kasama po rito ang Azerbaijan, Guadeloupe, Guam, Israel, Kosovo, Montenegro, North Macedonia, Saint Lucia, at Switzerland.
Lahat ng mga pasaherong manggagaling sa mga (bansa) na nasa red list... 14 na araw bago dumating ng bansa ay bawal makapasok sa bansa effective September 12, 2021 hanggang September 18, 2021.
Hindi kasama sa ban ang mga bumabalik na Pilipino via government iniatated or non-government repatriation programs at special commercial flights na pinapayagan sa existing IATF resolutions.
Kailangan ng RT-PCR testing sa ika-7 araw ng day of arrival. Kailangang makumpleto ang facility based quarantine kahit nag-negatibo pa sa swab test.
Kung inyong matatandaan, una kaming naglabas ng green list ng 33 countries.
Ang mga bansa na wala sa green at red list ay nasa yellow list.
Samantala, naglabas po ng pahayag si Executive Secretary Salvador Medialdea noong Sabado, September 11 sa nangyaring pagdinig sa Senado.
Nitong hearing ngayong Lunes ay kung hindi ako nagkakamali ay pang-anim na po.
Usaping bakuna naman po tayo, nasa 38 million o 38.746,501 na po ang total vaccine doses administered ayon sa September 12, 2021 National COVID-19 vaccination dashboard.
Sa bilang na ito, nasa 21,951,956 ang mga naka-first dose at 16,794,545 ang mga naka-second dose na.
Ibig sabihin, mayroon na po tayo na 28.46% na naka-first dose at 21.77% na naka-second dose.
Tumaas po ang ating daily jabs noong Linggo na 121,321. Noong Sabado, 356,363 at noong Biyernes, 540,793.
Sa Metro Manila naman po, 14,322,610 naman ang total doses administered.
Nasa 8,452,406 naman po ang nakatanggap ng first dose at 5,870,204 ang fully vaccinated as of September 12.
Ibig sabihin po nito, sa NCR ay 86.46% ang coverage rate sa first dose at ang ating mga naka-second dose ay 60.04%.
May pag-aaral naman ang CDC ng Amerika kung saan ipinapakita na 10 beses na mababa ang panganib na maospital o mamatay ang fully-vaccinated kumpara sa mga hindi vaccinated.
Sa ibang mga bagay, ngayon ang unang araw ng pagbubukas ng klase sa pampublikong paaralan.
Ang pagbubukas ng school year 2021-2022 ayon sa DepEd ay tanda ng ating pagbabayanihan para sa ligtas na balik-eskwela.
Sa iba pang mga bagay, nandito po tayo sa New York dahil po pipili po ng 34 na mga miyembro ng International Law Commission ang mga miyembro ng United Nations.
Dalawa po ang ating plataporma kumbaga. Unang-una, kinakailangan po na magkaroon ng isang trado kung saan kinikilala po ng lahat ng bansa ang tinatawag po natin na vaccine equality. Hindi po katanggap-tanggap na ang 85% ng mga bakuna ay napunta lang sa mga mayayamang bansa.
Ang isa o pangalawa pa po nating tratado na sinasabi sa ating plataporma ay isang tratado kung saan kikilanin ng buong daigdig na 'yong mga teritoryo po na mawawala dahil po doon sa pagtaas ng ating karagatan dahil sa global warming... dapat po 'yong teritoryo na lupa na nagbibigay... ay maging conclusive. Hindi na po dapat mabago maski lumubog pa 'yan sa tubig.
Hindi ito full time job, wala itong sweldo. Mayroon lang pagpupulong ng ilang linggo kada taon...
Bagama't ako po ay nominado ng Pilipinas, 'yong paghalal sa akin ay sa aking indibiwal na kapasidad bilang eksperto sa international law.
Hahayaan ko na ang estado na magdesisyon kung karapat-dapat akong mahalal sa International Law Commission pero ang qualification ay dapat eksperto sa international law.
OPEN FORUM
On President Duterte spending time digging up dirt on senators: Unang-una, wala pong hupa ang ating COVID reponse. Nakikita n'yo naman po. Pero importante naman po na panindigan ng Presidente ang mga taong gobyerno lalong-lalo na kung sa tingin niya po ay wala namang pagkasala na nagawa. Kung mayroon po talagang korapsyon dito, sampahan na lang po natin ng kaso at hayaan na lang po natin ang Ombudsman ang magdesisyon.
On attacking senators and ongoing probe regarding Pharmally Corp: 'Yong mga dumadalo sa pagpupulong, kasama ang DOH secretary, vaccine czar, testing czar, 'yong oras na nauubos sa pag-ubos sa pagpupulong ay dapat ginugugol sa COVID. Kaya natatanggal ang oras at attention na nakatutok sa COVID dahil sa pagpupulong na ito.
Now, mapipigil ba ng President? Hindi... Wala po 'yan sa control ng pandemic, ang pakiusap lang ay hayaan natin ang mga taong talagang silang nakatutok sa COVID ay magawa ang kanilang tungkulin.
Mayroon pong Talk to the People mamaya pero po 8:30 ang simula so hindi ko lang po alam kung kailan mabobroadcast.
Comments