top of page
Writer's pictureDWWW 774 Admin 05

LAGING HANDA PUBLIC BRIEFING HIGHLIGHTS

September 10, 2020



Moderated by Sec. Martin Andanar and Usec. Rocky Ignacio (PCOO)


Sec. Fortunato Dela Peña - DOST:

  • On leading clinical trials for COVID-19 vaccines: Mayroon na kasing kompanya fromthe different countries na nagpakita ng interes separate pa ito sa WHO Solidarity Trials.

  • Although may possibility na mapasama ang mga ito sa WHO Solidarity Trials, at sa kalukuyan mayroon na po tayong pitong (7) kandidatong vaccines na nakipagpirmahan sa confidentiality data agreement. Ibig sabihin, willing nila ibigay ang lahat ng datos na may kinalaman sa ginawa nilang trials sa kanilang bansa. Kung alinman ang pinakamataas na level ang narating nila sakop 'yon, kung Phase 1 and Phase 2 o Phase 1, Phase 2 at phase 3 ang natapos nila.

  • Ang unang nakipagpirmahan ng data confidentiality agreement ay naganap with Gamaleya, 'yong tungkol sa Russian vaccine. Sumunod dito 'yong galing US.

  • Mayroon pang lima na nakipagpirmahan na. Ang isa ay galing sa Taiwan, 2 galing sa china, 1 pa ulit galing sa Russia at 1 galing Australia.

  • Ang ating sistema kasi ay kapag ibinigay nila ang datos, susuriin 'yan ng ating vaccine expert panel.

  • Kung maganda ang resulta ng pagsusuri, ipapasa ito sa ating FDA para maaral at mabigyan na ng go signal for clinical trial.

  • Sa pagkakaalam namin for WHO solidarity trials kailangan po nila ng around 1,000 volunteers. Mas kokonti ang kailangang volunteers kasi may ibang bansa na kasama na magsasagawa din ng trial.

  • Para naman sa mga independent clinical trials on COVID-19 vaccines, 6,000 participants ang sasali unless the research will be held in other countries.

  • Inaprubahan na rin ng IATF ang rekomendasyon natin sa zoning. 'Di pwedeng magkaroon ng 2 trials sa isang zone.

  • Na-enumerate na namin ang 8 zones. 6 doon ay sa Metro Manila, 1 sa CALABARZON at ang isa sa Cebu.

  • Hindi pwede madoble ang clinical trial sa isang zone.

  • Ang priority sa zoning ay sa WHO Solidarity Trials ngunit tinitiyak namin na ang mga independent trials ay magkakaroon din ng trial zones.

  • Ang pinipiling lugar ay mataas ang incidents ng COVID-19 kaya ang mga barangay na naroroon o malapit doon ay we see to it na we require from 5-10 barangays for clinical trials.

  • Mga guidelines na ipatutupad ng IATF para masiguardong ligtas ang gaganaping clinical trial: 'Yon nga po ay noon pang napag-usapan na kahit anong bakuna ay dapat dumaan sa evaluation ng vaccine expert panel natin. Kung okay naman sa ating panel, ieendorse ito sa ating FDA. Pero may pangtalong approval pa na magaganap at ito ay sa ating research ethics board. Kung sinumang ethics board ang nakakasakop sa kanila ay mag-aral don para masiguro na may adequate protection ang mga babakuna.

  • Ang protocol ng WHO ay protocol din ng DOH. Kailangan ma-monitor sila, pwedeng patulungin ang barangay health workers, o through cellphones o email, para sigurado tayong wala mangyayaring masama.

  • Safety, efficacy, transparency. Iyan ang prinsipyo na sinusunod natin.

  • Kung gaano katagal bago magkaroon ng resulta ang phase 3 ng clinical trials na gagawin based on historical facts o iba pang vaccine na dumaan sa third phase? Ang kaibihan lang ng phase 1, 2, 3 ay sa bilang ng samples. Una 'yan magsisimula sa maliit tapos kapag maganda ang resulta saka pa lang dadami hanggang sa umabot na sa libu-libong

  • Ang estimate nila ay between 3-6 months.

  • Kung halimbawa, let us say 'yong WHO ay magsisimula ng October. Marami pa namang preparations at pinakamaaga na ang November kung magsisimula.

  • Hindi naman mababago ang ating tantya na aabutin ito hanggang second quarter ng 2021.

  • We have allocated over Php 89 million para sa solidarity trials. Ngayon ang independent trials ay sila ang gagastos ng kanila.

  • On why we don't develop our own vaccineL Depede iyan. Noong araw naman ay may nagpo-produce ng bakuna sa RITM.

  • Iyong kasing mga sakit o diseases na dala ng mga bagong virus, katulad ng COVID-19 ay wala tayong kakayahan pa na gumawa ng bakuna para diyan.

  • Ang ating mga human resources ay hindi pa handa. Kailangang full time 'yong magreresearch diyan.

  • Kaya ating isinusulong ang pag-apruba sa aming proposal sa House of Representatives na magtatayo ng institute.

  • Ang BCDA naman ay mabilis na tumugon na mag-identify ng lugar kung saan itatayo itong facility na ito.

  • Kasi kailangan medyo malaki rin dahil marami tayong high-level of na kailangang i-construct.

  • Tandaan natin na itong virology institute ay hindi lang para sa mga virus na umaatake sa tao kundi para sa ating mga virus na umaatake sa ating mga hayop at crops.

Mayor Rex Gatchalian - Valenzuela City:

  • Ang total reported cases na natin as we speak is 5,549 pero ang active na lang po diyan ay 1,100 at lahat po sila ay nasa isolation facilities natin or sa mga hospitals natin kapag mayroon po silang sintomas.

  • Marami pa rin po ang matitigas ang ulo kaya patuloy pa rin kaming nanghuhuli.

  • We are currently running 13 isolation facilities at ang total na natin ay may 1,200 plus na kama.

  • Sa lungsod, ang mga ospital po natin ay medyo bumababa na ang operating capacity nila.

  • May buffer pa tayo na mga 200 beds. Anytime pwedeng mag-operate iyang mga iyan, pero sana huwag na nating magamit.

  • We have been focusing on contact tracing. Doon naming pinupush ang lahat ng efforts.

  • We have to push educating the minimal health standards. Kailangan part o lifestyle. Hindi man tayo perpekto pa don pero kailangan natin ito ituro 'yon.

12 views0 comments

Recent Posts

See All

Comentarios


bottom of page