top of page
  • Writer's pictureDWWW 774 Admin 05

LAGING HANDA PUBLIC BRIEFING HIGHLIGHTS

September 11, 2020




Moderated by Sec. Martin Andanar and Usec. Rocky Ignacio (PCOO):


Jail Chief Inspector Xavier Solda - Spokesperson, BJMP:

  • 175 ang active cases ng COVID-19 sa jail facilities mula sa dating 1,151 na kaso. Mataas ang recovery rate na naitatala sa 80% kaya patuloy ang pagsisipag ng mga doktor at nurses para mapababa ang kaso ng sakit;

  • Pinalawig ang E-dalaw na paraan para maibsan ang hawahan sa loob ng mga kulungan, habang natitiyak pa rin na nakakadalaw ang mga kaanak ng mga preso sa pamamagitan ng online;

  • kaagad na ina-isolate ang mga preso na nakikitaan ng COVID-19 symptoms;

  • may health monitoring sa lahat ng PDL o persons deprived of liberty lalo na sa mga vulnerable o may pre-existing medical conditions at mga senior citizens;

  • mayroong itinayong anim na Ligtas COVID-19 Centers sa mga lugar na may mataas na kaso ng infection. Sa mga center na ito dinadala ang mga may sintomas ng sakit. Pero para sa mga severe cases, nakikipagcoordinate sila sa korte para madala sa mga ospital ang mga pasyente;

  • Reg Congestion sa Kulungan: ginagawa ang minimum health standards, bagamat aminadong malaking hamon ang pag-obserba sa social distancing; may access sa media ang mga PDL tulad ng radio at TV para maging “aware” sila kung paano mapapangalagaan ang kanilang sarili sa sakit; nakatutok din ang BJMP sa paralegal services para ma-fastrack ang mga kaso ng mga bilanggo;

  • Prioridad ng BJMP sa pagtatayo ng infrastructure ang mga kulungan na congested; nakatanggap sa nakalipas na tatlong taon ng P7-billion para sa pagpapatayo ng karagdagang pasilidad

  • National project monitoring team: para mapadali ang pagtapos ng mga proyekto

  • Reg hygiene materials ng mga PDL: nakipag-ugnayan sa DOH at partner agencies para sa mga pangangailangan ng mga bilanggo;

  • may nakalaan din na pondo para sa pagbili ng disinfectants;

  • nakatanggap ng halos P1-milyong donasyon para matiyak na protektado ang mga PDL; mismong mga bilanggo ang nanahi ng face mask para makatulong sa kanilang komunidad;

  • Reg epekto ng COVID-19 sa quarantine observation: as early as March 20, ipinatupad na ang lockdown o sinuspinde ang face-to-face visit;

  • Malaki ang naitulong ng tamang impormasyon mula sa ibang ahensya ng gobyerno para matiyak ang kaligtasan sa loob ng kulungan;

  • tuluy-tuloy ang pakikipagtulungan sa LGUs;

  • Reg BJMP officers and personnel para maingatan sila sa COVID-19: mayroon silang advisories para manguna ang mga BJMP officials para maibsan ang pagdadala ng virus sa kulungan

19 views0 comments

Comments


bottom of page