top of page
  • Writer's pictureDWWW 774 Admin 05

MALACAÑAN PUBLIC BRIEFING HIGHLIGHTS

July 12, 2021





Moderated by Sec. Harry Roque:

  • Nandito po tayo ngayon sa San Juan para personal na masaksihan ang magandang balita na 100% na po ng target population ng San Juan ang nabakunahan na.

  • Katumbas ito ng 70% ng city total population inoculated with the first dose.

  • Usaping bakuna po muna tayo. Sunod-sunod na dumating nitong mga nakaraang araw ang mga bakuna.

  • Dumating noong Huwebes ng gabi, July 8 ang 1,124,100 doses ng AstraZeneca (COVID-19) vaccines na donasyon ng Japanese government. Personal itong winelcome ni Presidente (Rodrigo Roa Duterte) sa Villamor Airbase at nagpasalamat ang Pangulo sa Japanese government.

  • Samantala, dumating naman noong Biyernes ng hapon, July 9 ang 2,028,000 doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccines na galing pa sa COVAX facility.

  • Dumating din noong July 9, Biyernes ang nasa 132,200 doses ng Sputnik V vaccines na binili ng pamahalaan. Sa shipment na ito, 82,000 na ang magsisilbi bilang Component 1 at natitira pang 50,000 ay para sa Component 2.

  • Nasa 37,800 doses ng Sputnik V (Component 1) vaccines ang dumating noong Sabado ng gabi, July 10.

  • Ito naman po ang ipinag-utos na equitable allocation ng iba't ibang bakuna sa mga rehiyon ng Pilipinas. Ito po ay sang-ayon sa ipinag-utos ng ating Presidente.

  • A total of 10,410,020 (vaccine doses) ang naipamahagi na.

  • Pinayagan ng IATF na lumabas sa outdoor areas ang mga bata na may edad limang taon at pataas sa ilalim ng MGCQ at GCQ, maliban sa mga may heightened restrictions.

  • Kung inyong matatandaan, sa IATF Resolution No. 124, ang Cavite at Laguna ay nasa GCQ with heightened restictions hanggang sa Huwebes, July 15 kaya sa Cavite at Laguna, home-liners pa rin ang mga bata.

  • Ano po ba ang mga outdoor areas kung saan pinapayagan ang mga bata? Parks, playgrounds, beaches, biking and hiking trails, outdoor tourist sites and attractions as may be defined by DOT (Department of Tourism), outdoor non-contact sports courts and venues and al fresco dining establishments.

  • Hindi pa ring pinapayagan (ang mga bata) na pumasok ng mall at mixed-use indoor/outdoor buildings/facilities.

  • Pinayagan din ng IATF ang special commercial flights para makauwi ang mga stranded Filipinos sa Oman, Dubai, Abu Dhabi, at iba pang mga bansa na mayroon tayong travel restrictions.

  • Ang special commercial flights ng mga ito ay subject sa mga guidelines tulad ng pagkakaroon ng special working group (SWG) para matukoy ang implementing protocols sa mga special commercial flights in coordination with the concerned airlines.

  • Ang SWG ay binubuo ng DOH, BOQ (Bureau of Quarantine), OWWA, DFA, DOTr at ang One-Stop-Shop, PCG at DOT.

  • Eksklusibo ang mga special commercial flights para sa mga Pilipino na kinakailangan ng prior approval mula sa SWG.

  • Patuloy na pinapayagan ang intrazonal movement ng fully vaccinated senior citizens sa mga lugar na nasa GCQ at MGCQ.

  • Kinakailangan din sundin ang implementasyon ng mga exemption para sa Philippine government at non-government repatriation.

  • Sa pagpupulong din ng IATF, nilinaw po ang allowed momevent ng fully vaccinated individuals sa Resolution No. 124-B.

  • Patuloy na pinapayagan ang intrazonal movement ng fully vaccinated senior citizens sa mga lugar na nasa GCQ at MGCQ.

  • Kailangan lang nila magpakita ng COVID-19 vaccination card na iniisue ng lehitimong vaccination establishment/authority whether local o foreign o certificate of quarantine completion na nagpapakita ng vaccination status na na-issue ng Bureau of Quarantine, whichever is applicable.

  • Samantala, para sa interzonal movement na pinapayagan sa ilalim ng resolution ng IATF at ng Omnibus Guidelines as amended, maaaring tanggapin ng mga LGU ang COVID vaccination card na in-issue ng lehitimong vaccinating establishment or authority, wheter local o foreign o certificate of quarantine completion na nagpapakita ng vaccination status na inissue ng Bureau of Quarantine, whichever is applicable bilang alternative sa RT-PCR testing requirement ng LGU.

  • Pinuri ni WHO Representative to the Philippines Dr. Rabindra Abeyasinghe ang ating naging tugon sa COVID kahit na limitado ang ating resources.

  • Nagsimula na ng training ang Israeli Olympic Team sa New Clark City bubble bago pumunta sa Tokyo.



Francis Zamora - Mayor, San Juan City:

  • January 4 nang maglunsad po kami ng aming online registration at bagama't noon ay wala pa tayong hawak na bakuna, ito ay ginawa naming paghahanda sa pagdating ng mga ito (COVID-19 vaccines)

  • So from January 4 until about March 6 when we had our first day of vaccination, we were registering our constituents. Wala ho tayong ginagawang walk-ins kaya lahat ng nagpalista sa ating online registration ay kina-categorize natin – A1, A2, A3, A4, at A5.

  • As of today, we have 100,000 registrants pero syempre 'yong mga hindi pa qualified hindi pa sila nate-text.

  • AS you open the other categories from A2, A3, A4 and A5, ang ginawa po namin ay lahat ng mga nagpapalista base sa database namin, tinetext po namin sila nang tinetext.

  • People need confirmatory text before they go the venue.

  • We started with just 600 to 800 vaccinees a day noong kaunti pa lang ang supply.

  • Today, we will formally launch our third site... which will now allow us to vaccinate up to 5,000 a day.

  • 'Yong mga venues na aming ginagamit ay libreng ibinibigay sa amin.

  • Base sa datos na nakuha natin ngayon, tayo ay lumagpas na ng 100% (ng target population).



Sec. Mon Lopez, DTI:

  • Itong effort na ipinapakita talaga na ang mga workers o trabahador sa tindahan ko na ito ay 100% vaccinated ay malaking show of confidence, pagbigay din ng consumer confidence.

  • Hindi sila matatakot lumabas ng kanilang mga bahay at pumunta sa mga establishment na ito kung alam nila na 'yong mga workers ay 100% vaccinated.



Sec. Vince Dizon, Testing Czar:

  • As of yesterday, 13.2 million doses na ang ating na-administer at kampante tayo na sa loob ng linggong ito ay aabot na tayo ng 14 million.

  • Sa unang dalawang linggo ng July ay aabot ng mahigit 4 million ang total doses na nabakuna natin sa buong Pilipinas.

  • Ito ang pinakamarami at pinakamabilis na dalawang linggo na pagbakuna natin simula nang tayo ay nag-launch ng program natin noong March 1.

  • Tuloy-tuloy po, paparating na ang bakuna. Makakaasa mga kababayan nating puspusan nating bibilisan para marami ang makatanggap ng bakuna sa mga susunod na linggo't buwan.

6 views0 comments
Join our mailing list

Never miss an update

Thanks for submitting!

© 2023 by Artkom Creatives

Proudly created with Wix.com

bottom of page