April 12, 2021
Moderated by Sec. Harry Roque:
Makikita n'yo na po ang mabuting balita ay lumagpas na po tayo sa isang milyon (na nabakunahan) ng first dose at mayroon po tayo 132,288 na na-administer na second dose.
Ang total doses administered po ay 1,139,644.
Importanteng achievement po ito kasi lumagpas po tayo ng isang milyon sa mga nabakunahan.
Makikita po natin kung saan na-administer 'to no? Sa mga A1 Health Frontliners, mayroong 965,169. Ang first dose po ay 848,986 at ang second dose po ay 116,183.
Sa NCR, ang na-administer na bakuna ay nasa 280,569.
Ang first dose po ay 269,814 at ang second dose, 10,755.
Pinakamalaki po na na-administer ay sa Manila na sinundan ng Quezon City, Caloocan City, Pasig City, Taguig City, Marikina City...
Now, sa ASEAN, nakikita n'yo po na bagama't nahuli tayo sa pag-administer ng bakuna, tayo po ngayon ay pangatlo sa may pinakamaraming nabakunahan sa ASEAN. Nangunguna po dito ang Indonesia na may 14.7 na sinundan po ng Singapore with 1.7 million tapos tayo na po at 1.1 million.
Now ulitin po natin ang mga inaprubahan ng ating Pangulo na mga rekomendasyon ng IATF pagdating sa classification hanggang sa katapusan ng Abril.
Naka-MECQ po ang NCR, Bulacan, Rizal, Laguna at Cavite habang sa Region 2 po ay kasama ang lungsod ng Santiago, Quirino at Abra.
Explain lang po natin ang pinagkaiba ng ECQ at MECQ.
So lahat pa rin po tayo ay homeliners. Ang kailangan o pinapayagan lamang lumabas ay 'yong mga bibili ng mga essential goods and services, 'yong mga nagtatrabaho sa mga opisina o establisyimento at mga Authorized Persons Outside of Residence (APOR)
Now, sa MECQ po, gano'n p arin po ang age-based restrictions natin. Ang mga below 18 years old at over 65 years old with immunodeficiency, comorbidity at iba pang health risk at mga buntis ay kinakailangang manatili sa tahanan.
Pero, sa MECQ, ang mga LGUs ay pwedeng mag-relax ng minimum age range hanggang 15 years old.
Sa MECQ, allowed po ang mga individual outdoor exercises tulad ng outdooe walks, jogging, running or biking within the general area of their residence.
Now pagdating po sa transportasyon, ang lahat po ng road, rail, maritime at aviation sector ng public transportation ay allowed po na mag-operate at such capacity and protocols in accordance with guidelines issued by the DOTr.
'Yong paggamit po ng bisikleta is highly encouraged.
Suspended pa rin po ang ating face-to-face classes or in-person classes.
Sa mga gatherings po, bawal pa rin po ang mga gatherings outside of residences atsaka bawal pa rin ang mga gatherings at residences with any person outside of one's immediate household.
Pero, pinapayagan naman po sa MECQ ang mga religous gatherings hanggang 10% venue capacity pero po ang LGU ay pwede po itaas ito hanggang 30%.
Ang allowed po ay mga gathering for necrological services, wakes, inumment, funerals.
Allowed to move naman po ang mga immediate family members to attend the wake or interment of the deceased.
Ang mga establisyimento na allowed mag-operate ay ECQ ay allowed pa rin po sa ilalim ng MECQ.
For instance 'yong mga media establishments kasama 'yong kanilang total permanent staff, sa ECQ, 50% lang po ang allowed na capacity pero sa MECQ ay pwede na po hanggang 100%.
'Yong dental, rehabilitation, optometry and other medical clinics for the treatment of illness or injuries ay on-site skeleton workforce sa ECQ ay allowed na po sa MECQ.
Gano'n din po ang mga veterinary clinics, banks, money transfer services ay allowed na po to operate. Gano'n din po ang capital markets, water supply and janitorial/sanitation services and facilities at energy sector kasama po ang mga third-party contractors.
Gano'n din po sa mga telecommunications companies, internet service providers, cable television providers, airline and aircraft maintenance, pilots and crew.
Full (operations) na po ang mga funeral and embalming services at mga security personnel, priting establishments.
Ang mga abogado po ngayon ay pupwede na rin po mag-full operations at gano'n din po ang mga buying and selling of consumer goods or services via the internet.
Ipinagbabawal pa rin po sa ilalim ng MECQ ang mga establishments with live performances, mga karaoke bar, clubs, concert halls at mga recreational venues tilad ng mga internet cafes, amusement parks or theme parks, 'yong outdor sports courts or venues for contact sports, fitness studios, gyms, spas, casinos, horse racing, cockfighting and operation of cockpits at saka mga outdoor tourist attractions.
'Yong indoor dining ay bawal pa rin po bagama't pwede po ang al fresco or outdoor at hindi naman po natigil ang take-out ang mga deliveries.
All establishmens, persons or activities not permitted to operate, work or e undertaken during ECQ shall be allowed to operate at 50% on-site capacity.
Sa curfew po, nag-usap usap po ang mga mayors ng Metro Manila at binago na po ito sa 8pm to 5am.
Benhur Abalos - Chairman, MMDA:
Unang-una po talagang sumusuporta ang mga Metro Manila mayors sa naging desisyon ng IATF at ng Pangulo.
Napagkasunduan po nila na ang curfew ay mula 8 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga.
Bukod po dito, nakausap din po namin si DOH Sec. Duque at siya po ay humuhingi ng tulong na kung posible, maliban sa mga private na ospital na maglaan pa ng mga kama pa at lalo na sa ICU.
Ang Quezon City General Hospital ay 10 kama, ang Bautista Hospital ay 10 rin, Novaliches District ay 10 rin, ang HOPE Community Care ay 1,000 beds.
Pagdating naman sa contact tracing, ay gusto ko po pasalamatan ang national government lalo na kay Sec. Bello dahil siya ay nag-commit ng higit kumulang P230 million. This is about 14,000 contact tracers and good for 10 days at imbes na 10 araw, ginawa na lang namin itong 3 buwan.
Usec. Leopoldo Vega, Treatment Czar:
Itong 2 weeks na binigay sa amin, itong break ng ECQ, nagkaroon kami ng pagpulong-pulong sa hospital chiefs and implementers of health capacity systems.
Napansin namin ang malaki nilang problema ay pagbayad ng PhilHealth.
Pumayag yung PhilHealth through a credit-debit payment mechanism na babayaran yung ospital ng valid claims up to 60%. Very significant ito kasi itong financial resources na 'to, pwede magbigay ng mas maraming beds sa hospitals, pag-increase ng human resources.
Nakakuha kami ng 1,042 beds allocated from public and private hospitals. Malaki po 'yan, makaka-increase po ito sa beds na allocated for COVID patients.
Kaya po mag-accomodate ng National Center for Mental Health hanggang 960 COVID cases (mild and moderate)
Bababa by 75% at yung totality ng HCUR nasa 58% under low-risk category.
Dr. Alethea De Guzman - Director, DOH Epidemiology Bureau:
Ang naiiwan pong top regions na may bagong kaso ay NCR, Calabarzon at CAR.
Bahagya pong tumaas ang ating recovery rate at 81% at ang ating case fatality rate po ay naiiwan at less than 2% or 1.73%.
Nitong nakaraang linggo, nakitaan po natin ng pagbaba sa laboratory output.
Para sa NCR Plus, from critical risk ay nasa high risk tayo. Ibig sabihin nito, tumataas pa ang kaso pero hindi na siya kasingbilis sa nakikita natin nung nakaraang mga linggo.
So we have set the highest number of cases noong ikatlong linggo po ng Marso.
Sa ngayon, ang ating average deaths per day noong Marso po ay nasa 46, sa April 1-6 naman po ay nasa 41.
Comments