April 6, 2021
Moderated by Sec. Harry Roque:
Nagbigay po ng direktiba ang ating Pangulo sa PhilHealth na isama sa health insurance converage ang RT-PCR test, isolation sa community accredited facility at hospitalization para sa mga mild at critical COVID-19 cases.
Kaugnay nito, kung ang tents at kasama sa in patient care, kailangan covered ito sa kasalukuyang in patient COVID-19 package.
Mamayang hapon, bubuksan sa Quezon Institute ang 110-bed moderate to serious bed capacity.
Kasama ito sa modular hospital na ating ipinapatayo para sa mga severe cases ng COVID-19.
Naroon ang ilang piling miyembre ng gabinete.
Asahan na nandoon din ang chairman ng Committee on Health and Demography na si Sen. Christopher "Bong" Go.
Magbubukas din po sa linggong ito ang mga sumusunod (isolation facilities): Subic Manila Times Colleges na may 300 beds; New Clark City na may additional 165 beds; Eva Macapagal Terminal Manila na may 200 beds, Orion Bataan Port Terminal na may 100 beds.
Samantala, nagpapatuloy ang libreng sakay ng DOTr para sa mga health workers at medical frontliners.
May 21 ruta ito ay may 2,239,716 na naka-avail nito sa buong bansa.
May ipinapatupad din ang DOTr at ang LTFRB na libreng sakay para sa mga APOR at essential workers na kung saan ay may 50 jeepney routes sa ilalim ng Service Contracting Program ang na-activate.
Para sa mga hindi nagsasabi na hindi sapat ang tulong pinansyal na P1,000 bawat indibidwal at P4,000 kada pamilya, mayroon pong nagpapatuloy na programa ang DSWD tulad ng AICS o Assistance to Individuals in Crisis Situation and 4Ps.
Sa parte naman po ng DOLE, tuloy naman po ang Tulong Panghanap Buhay sa Disadvantaged/Displaced Workers with or without COVID.
Number 30 pa rin po ang Pilipinas pagdating sa total cases habang number 19 naman po sa may active cases.
Ito po ay isang temporary facility na binuo ng DPWH at tio po ay para sa mga moderate at servere cases dahil ito po ay may oxygen line.
Ito po 'yong modular hospital sa grounds ng Quezon Institute.
Sec. Carlito Galvez Jr. – Chief Implementer, NTF Against COVID-19 / Vaccine Czar:
According to Bloomberg tracker, mayroon na po tayo na 673 million doses ng bakuna ang na-administer sa 155 countries.
Ang rate po nito ay approximately 16.2 million doses a day.
Ang Pilipinas po ay pang-50 out of 155 countries with a total of 854,063 doses administered.
Nakikita po natin sa Southeast Asia na pang-apat po tayo (sa vaccination rollout)
Sunod po tayo sa Indonesia, Singapore at Myanmar at na-ungusan na po natin an Malaysia (sa vaccination rollout sa ASEAN)
Sa ngayon po, sa first quarter po ay nakapagtala tayo ng 77,908.
754,762 ang naturukan na ng unang dose para sa A1 group habang may 4,104 sa second dose.
A2 priority vaccinated: 11,885;
A3 priority vaccinated: 7,157.
Kung titignan naman po natin sa 2nd quarter, nakapagtala na po tayo ng 76,155 doses (na nabakunahan)
Ngayon po inaasahan po natin na ngayon ay naka-full swing na ang deployment natin ay tataas po ang mga numero natin.
Sa tanong po na kung naong mga bakuna ang dadating ngayong April, darating din po ang 1.5 million doses ng Sinovac at 500,000 or more or less 2 million doses ng bakuna ng Gamaleya.
Sa next week po ay baka dumating na ang 500,000 na bakuna ng Sinovac.
So titignan din po natin na baka dumating na mga bakuna ng Gamaleya this April 12.
Sa May naman po, may 2 million po tayo from Gamaleya and Sinovac at baka may dumating na rin po from Moderna.
More or less 4,194,000 na bakuna ang matatanggap natin sa Mayo.
Diyan po ay magkakaroon po tayo ng more or less 10,500,000 million doses dahil sa mga delivery mula sa Novavax at AstraZeneca.
Sa July po ay baka tumaas sa 13,500,000 doses ng bakuna ang mayroon tayo.
Sa ngayon mayroon na po tayo more or less 854,063 na ang nabakunahan na kung saan 781,415 dito ay health workers.
Sec. Vince Dizon, Testing Czar:
Ang total test po natin kada 1 milyong populasyon kung ikukumpara natin sa mga bansa na may daan-daang populasyon tulad ng Pilipinas, tayo po sa Asya ay pumapangatlo sa India at China.
Lumagpas na po tayo sa target natin na 10 million test ngayong unang quarter at tayo sa ASEAN ay pumapangalawa sa Indonesia na nakapag-test na 12 million.
Kung titignan natin nitong mga nakaraang linggo ngayong panahon ng patuloy na pagtaas ng kaso, tayo po ay may average na 52,000 test per day.
March 22, umabot tayo sa 58,000 test.
Pero hindi pa rin tayo kuntento diyan.
Kailangan pa rin pataasin ang tests lalo na sa NCR Plus. Kailangang pabilisin ang turnaround time natin sa mga tests.
Kaya nga po nag-authorize ang IATF at DOH na bumili ng Antigen test kits na validated ng WHO at ng FDA natin para makapagdagdag tayo sa NCR Plus kasama na ang Pampanga at Batangas na 30,000 test per day.
Buong mundo, ang mga eksperto ay unanimous...ang broadscale testing beyond high priority testing makes no sense.
Dr. Edsel Salvana, UP-PGH:
'Yong strategy po kasi natin sa testing kasi ang problem is depending on where you are on your disease.
Naaapektuhan po kasi ang accuracy ng test natin so kung nahawa po kayo today, it will take about 3 days for you to even test positive on PCR.
Kapag nagkaroon na kayo ng sintomas which is on the 5th day, ang accuracy po ng ating PCR ay 62%.
On the third day of symptoms, about 80% ang sensitivity no'n and then it starts to go down.
Kapag po tayo nag-test ng isang tao na hindi natin iniisip 'yong timing ng kanyang pagkahawa at wala po talaga silang sintomas, you are endanger on clearing 1, no 2 out of 3 times na mayroon silang COVID pero negative sila sa RT-PCR test.
Kaya po ang test natin is not perfect and our time dependent, importante po talaga 'yong timing nung testing at kung sino po ang tinetest natin.
Comments