January 28, 2021
Moderated by Sec. Harry Roque:
Balitang IATF po ngayon. Inaprubahan po ngayong IATF Resolution No. 96 na nakasaad ang bagong testing protocols na epektibo na sa Feb. 1
Lahat po, regardless of their origin ay require po na sumailalim sa facility-based quarantine upon arrival.
Matapos ang limang araw, 'yong pang-anim na araw kumabaga, lahat po sila ay kailangang kumuha ng RT-PCR test. Kapag negatibo ang resulta, sila po ay ieendorso sa kanilang LGU kung saan sila papunta at do'n nila ipagpapatuloy ang kanilang natitira sa 14-day quarantine.
Makakalabas na po sila sa 7th day. Pitong araw po sila naka-quarantine sumatotal sa pasilidad.
Kasama rin sa inaprubahan ng IATF ay ang pagpapaliban sa relaxation ng age-based restrictions sa mga lugar na nasa ilalim ng MGCQ bilang pagsunod sa utos ng Pangulo.
Inauthorize ng IATF ang DICT na magsagawa ng kinakailangang action para sa pag-procure ng services ng qualified third-party service provider para sa design approval, IT project implementation at service management ng PH COVID-19 Vaccine Information Management System (VIMS).
Ang DICT ay binibigyango otoridad na gumawa ng standards para malaman ang qualification ng third-service provider para sa sa pagasagawa ng required services sa VIMS.
Philippine COVID-19 VIMS Functions: Citizen Vaccination Capture and Automation, Provider Management and Automation, Supply Chain Management at VIMS Dashboarding, Reporting and Analysis.
Isinama na po ang Czech Republic na subject to travel restrictions dahil sa banta ng bagong variant ng COVID-19. Epekto po ito ngayong araw hanggang January 31.
Gaya nga po ng inanunsyo natin kahapon, pinili po ni Presidente si Army Commanding General Lt. Gen. Cirilito Sobejana bilang susunod na Chief of Staff ng Armed Forces of the Philppines sa nakatakdang pagreretiro ni Gen. Gapay sa Feb. 4.
Sa infographic po na ito, ipinapakita po na hindi tayo kulelat bagama't hindi pa tayo nagsisimula magbakuna at sa katunayan, kakaunti pa lang mga bansa ang nagbabakuna (laban sa COVID-19).
Sa katunayan dito sa Asya, ang India pa lang ang may naadminister na 806,484 at napakaliit pa lang po na porsyento ng kanilang populasyon ang nabakunahan na.
Mas mataas pa po ang Israel kahit maliit ang kanilang popoulasyon na may 3,208,195 o 35.45% na ang nabakunahan habang ang UAE ang may 2,246,069 o 20.90%.
Otherwise po, halos lahat bukod sa dalawang bansa na ito, ang pinakamataas po ay 5% which is US with 18,449,288 ngunit sila rin ang naantala rin dahil by now, kung hindi po ako nagkakamali e dapat 50 million ang kanilang nabakunahan.
Inaasahan na magsisimula pa rin ang pagbabakuna sa bansa sa February.
Ang pinaka-used brand po ng bakuna (laban sa COVID-19) ay Pfizer dahil nag-administer na sila ng 35,148,000 doses. Meron po siyang 63.8% market share. Ito po ay sa Israel USA, UK, Canada at EU.
Pero kung mapapansin ninyo po, tatlong Chinese vaccines ang sumunod... Sinopharm, Sinovac at Cansino and cumulatively po ang market share nila ay nasa 33% ng lahat ng mga nabakunahan sa buong mundo.
Ang AstraZeneca po ay 806 pa lamang o 1.5% habang ang Gamaleya ay 800,000 or 1.5%
Huwag po kayo mag-alala at naiinip na kayo. Hindi po tayo maiiwanan sa daigdig. Pangako po 'yan ng ating Presidente.
Kaninang umaga, nagbigay ng briefing ang ating mga economic manager para sa ating mga economic performance para sa 4th quarter ng 2020.
Dahil po sa pagbubukas ng ating ekonomiya, ayon nga po sa ating mga economic managers, "In the 4th quarter of 2020, our economy performed better with the small GDP of -8.3%. This brings in the full GDP to -9.5%.
Ngayong araw din ang inagural run ng PNR Diesel Hydraulic Locomotives and Passenger Coaches. Tumakbo ang mga tren mula sa Dela Rosa station hanggang Tutuban Station. Ang mga bagong tren ay binubuo ng 3 locomotives at 15 passenger coaches. Kaya ng mga bagong tren na magsakay ng 1,215 na mga pasahero per set per trip.
Prof. Dr. Charles Yu, De La Salle Medical and Health Sciences Institute:
Ang lahat ng mga bakuna na currently available at malapit na mai-release ay dumaan sa mas strict na criteria para makalusot.
Hindi alam ng tao na sa isang bakuna na nadedevelop ay may 100 ang narereject. Dumaan 'yan sa very strict process, animal studies hanggang maging phase 1 para ma-check 'yong dose hanggang phase 3, bago dumaan ang isang vaccine bago ma-release at mag-apply ng authorization, marami po itong pinagdadaanan so dapat magtiwala ang taongbayan na lahat ng bakunang naririnig nila ngayon ay safe and effective.
Ang bansa noon ay napakataas ng confidence sa vaccine. Noong 2015, gumawa ng pag-aaral ang London School of Tropical Medicine at tinanong nila kung gusto nila magpabakuna 93% at nang mangyari ang sa controversy sa Dengvaxia ay bumagsak ito sa 32%.
Ang personal right natin na huwag magpabakuna, okay lang iyon kung hindi ka manghahawa ng mga nasa paligid mo, mga loved ones, mga community mo so that personal right is trumped by the greater good.
All the available vaccines are safe. Mabibilang po sa daliri ang may side effects.
Ang importante, hindi mamatay ang pasyente. Let's not look at numbers.
Comentarios