August 27, 2020
Moderated by Sec. Atty. Harry Roque:
SEC. ROQUE: Magandang tanghali, Pilipinas. Well, umpisahan po natin ang ating briefing ngayon sa pamamagitan po ng balik-tanaw doon sa huling mensahe ng ating Pangulo sa taumbayan noong nakalipas na Lunes.
Ito po ang mga mahahalagang punto na lumabas sa kaniyang mensahe: Una, siniguro ni Presidente sa taumbayan na ang lahat po ng pondong nilaan para sa laban kontra COVID-19 ay mabibilang. Everything will be accounted for; we must spend wisely and correctly. Pinag-utos niya sa National Task Force against COVID-19 na i-report kung magkano ang pondo at kung saan ginamit ito.
Sa PhilHealth, ipinangako ni Presidente na sa huling dalawang taon ng kaniyang panunungkulan ay maiimbestigahan ang mga opisyal na sangkot sa anomalya o katiwalian. Binigyan-diin niya na sila ay dapat na makasuhan at makulong. Ang pangako po ni Presidente, tatapusin po niya ang kaniyang termino at tututukan ang paglinis sa hanay ng PhilHealth.
Hinimok ni Presidente ang Kongreso na tulungan ang Ehekutibo na gumawa ng safety measures ukol sa utilization and accounting of COVID-19 funds. Sabi nga po ni Presidente, we must participate everything that will prevent corruption.
Sa Talk to the People Address din inihayag ni Presidente na wala silang kinalaman sa pagsulong ng revolutionary government. Uulitin ko po: Wala pong kinalaman ang Presidente diyan sa revgov na iyan.
Ibinahagi naman po ni Finance Secretary Carlos Dominguez ang kaniyang naging karanasan sa Small Business Wage Subsidy Program na nakapagbigay po ng apatnapu’t isang bilyong pisong ayuda. Ayon kay Secretary Dominguez, una, lahat ng subsidy programs ng pamahalaan sa hinaharap ay kailangang i-digitize. Pangalawa, ang pamamahagi ng ayuda ay kinakailangang ipadaan sa mga bangko or sa e-wallets.
Ini-report din ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang ginawa ng Task Force PhilHealth matapos itong mabuo. Una, ipinag-utos ng Task Force na bilisan ang ginagawang imbestigasyon or special audit para maresolba ang mga pending cases laban sa mga opisyal ng PhilHealth. Dahil dito, sinuspinde ng Office of the Ombudsman ang labintatlong key officials ng PhilHealth – first batch lang po ito. Nagsagawa ng hearings ang Task Force. Nakatutok sila sa centers of fraud tulad ng IT system, legal sector ng PhilHealth at iba pa. Tinitingnan din ng Task Force ang interim reimbursement mechanism at financial management ng PhilHealth.
On other matters, para maprotektahan ang publiko sa COVID-19, magiging cashless, contactless na transaction ang toll ways, no later than November 2, 2020 ayon sa DOTr. Ang contactless transactions ay ipatutupad sa South Luzon Expressway (SLEX), Manila-Cavite Toll Expressway (CAVITEX), North Luzon Expressway (NLEX), South Metro Manila Skyway, Southern Tagalog Arterial Roads (STAR Tollway), Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX), Cavite-Laguna Expressway (CALAX) at iba pang road networks.
COVID-19 naman po tayo ngayon. Makikita po natin sa ating screen na ang suma total na kaso sa buong mundo ay 24,085,646. Ang mga namatay po sa buong mundo ay 824,230. Ang top 5 countries po ay ang Estados Unidos na mayroong 5,821,195 cases. Ang suma total na namatay po sa Amerika ay 179,695 or mayroon po silang 3.1% case mortality rate. Susunod po ang Brazil, mayroong 3,717,156 na kaso; ang mga namatay po ay 117,665 or 3.2% case mortality rate. Ang India, mayroon pong 3,234,474 cases; mayroon po silang mga namatay 59,449, ang case fatality rate po ay 1.8%. Sa Russia, mayroon po silang 968,297 na kaso; ang mga namatay po ay 16,638 or case fatality rate of 1.7%. Sa South Africa po ay mayroon po silang 615,701 na kaso; mga namatay po ay 13,502, ang case fatality rate po nila ay 2.2%.
Sa Pilipinas po, ang suma total na kaso natin ay 202,361; mayroon pong mga namatay na 3,137 or a case fatality rate of 1.5%. Mayroon po tayong suma total na 2,245,872 na mga na-test na. Ang mga nag-test po ay 83 licensed RT-PCR laboratories at 27 licensed Gene-Xpert laboratories.
Sa numero po na na-test natin, ang mga positibo po ay 202,361 bagama’t ang mga kaso ng aktibo ay 65,764. Sa mga aktibong kaso po, ang asymptomatic ay 6.3%, ang mild ay 91.6%. ang severe po ay 0.9%, ang critical po ay 1.3%.
Dumadami rin po ang mga gumagaling. Mayroon po tayong recoveries na 133,460 at ang ating deaths nga po ay 3,137 – nakikiramay po kami sa inyo.
Now, ito po ang napakagandang comparison kung ano po ang mga naging case doubling rate natin at saka mortality doubling time dito sa Pilipinas. Noong Marso 15 po ng taong ito, ang ating case doubling rate po ay 1.55. Ibig sabihin, sa isang araw lamang ay dumudoble na ang kaso ng COVID. Noong June 1, 2020, matapos po tayong nagkaroon ng ECQ ay humaba po ang case doubling rate, halos isang linggo na po – at 6.26 days. Ngayon po, August 26, ang mabuting balita po ang ating case doubling rate ay halos sampung araw na po at 9.87 days.
Samantala, ang ating mortality doubling rate po noong March 15, ito po ay 0.96 days. Ibig sabihin, halos isang araw ay dumudoble ang mga namamatay. Noong June 1, 2020, dumudoble po ang namamatay every 8.29 days. Ngayon po, ang mabuting balita, dumudoble po ang numero ng mga namamatay after 14.46 days.
Ano po ang ibig sabihin nito? Na kaya po ng ating mga ospital ang responsibilidad or pagalingin ang mga nagkakasakit dahil po sa COVID-19. Mas magaling na po ang ating healthcare workers ‘no, mas kilala na natin ang COVID-19 at dahil dito ay mabubuhay at magtatrabaho tayo kahit nandiyan po ang COVID-19 virus.
Dito po nagtatapos ang ating presentasyon. Mayroon po tayong dalawang panauhin. Unang-una po, dahil pasukan na po ng ating mga anak sa kolehiyo – ako po, dalawa ang aking anak sa UP – kasama po natin ngayon si CHED Chairman Popoy De Vera, kasamahan ko po ito sa UP, para pag-usapan natin kung paano po ang pagbubukas ng school year 2020-2021 sa kolehiyo.
Pangalawa po, kasama rin po natin ang NCCA Chair, ang aking matalik na kaibigan, si Nick Lizaso para ipalaam naman po ang halaga ng kultura at sining sa panahon ng pandemya – maiba naman po tayo ‘no.
So Chair De Vera, paano po natin gagawin ngayon ang mga pasok sa kolehiyo? At isa ko pang tanong, ang DepEd po ay pumayag na gamitin iyong 50% ng mga classrooms, papayagan din ho ba ng CHED na gamitin iyong mga state universities and colleges para maging isolation centers? Chair, the floor is yours.
CHAIRMAN DE VERA: Magandang hapon, Secretary Roque. Mayroon akong ilang PowerPoint na ipapakita para ipaliwanag iyong pagbubukas ng mga pamantasan. Puwede nating simulan ang PowerPoint?
SEC. ROQUE: Yes, Chair, simulan na natin ang PowerPoint ni Chair De Vera, please.
CHAIRMAN DE VERA: Okay, mayroon akong maiksing ulat sa kalagayan ng higher education partikular sa pagbubukas ng klase.
Noong idineklara ng Pangulo ang quarantine noong Marso, ang utos ng Komisyon sa lahat ng mga pamantasan ay mag-adopt ng flexible learning para sa kanilang pagtatapos ng semester at sa mga susunod sa semester. Tatlo iyong opsyon sa flexible learning sa higher education: Ang una ay iyong tinatawag na full online. Itong sistemang ito ay pinakaangkop sa mga lugar na malakas ang internet connection, may mga gadgets ang mga bata at ang mga titser ay may kakayanan na magturo online. Maraming mga pamantasan ang gumagamit na nito bago pa nang COVID at sila ay nagpatuloy na gamitin ito sa panahon ng pandemya.
Iyong pangalawang option ay iyong tinatawag na kombinasyon ng online at offline, ito iyong tinatawag ding blended. Ito ay pinaka-angkop sa mga lugar na mayroong kaunti na internet connection, ang mga bata ay may gadget at ang mga guro ay may kakayanang magturo. Ito ang ginagamit ng karamihan sa ating mga pamantasan.
At iyong ikatlo ay iyong pure offline, ito ang sistema na ipinapabaon sa bahay ang mga asignatura at mga requirements ng mga bata. Ito iyong paraan na tayo ay nag-a-adjust pa ngayon at marahil ay mangangailangan ito ng kaunting face-to-face at ito’y gagamitin simula sa January.
Next slide, please.
Kaya noong Mayo, ang in-approve ng IATF na opening ng classes para sa higher education ay tinatawag na ‘rolling’ opening of classes based sa delivery mode o flexible na in-adopt at compliance sa health protocols. Iyong mga pamantasan na kayang mag-full online ay maaaring magbukas simula June. Iyong mga pamantasan na gagamit ng kombinasyon ng offline at online o iyong blended learning ay puwedeng magbukas ng Agosto at iyong mga hindi kaya ay kailangang magbukas later.
Next please.
Kaya’t mula noong June, from June to July, dalawampung mga pamantasang pribado na ang nagbukas. Ang marami dito ay gumagamit ng pure online. Noong—so about twenty HEIs (higher education institution) opened from June to July.
Next slide, please.
Ngayong Agosto, ito ang pinakamaraming bilang ng mga universities na magbubukas ngayong Agosto at mayroong ding magbubukas—next slide—ng Oktubre—ay, ng Setyembre at mayroong hanggang…. next slide, please. Mayroong hanggang Oktubre.
So, depende doon sa kakayanan ng mga pamantasan magbukas. Iyong desisyon na ilipat iyong opening sa mga K to 12 hindi ito applicable sa higher ed sa dalawang dahilan. Unang-una, iba-iba kasi ang paraan ng semestre ng mga pamantasan. Mayroong mga pamantasan na nag-adopt na ng trimester tulad ng La Salle, St. Paul, PWU; ang Mapua ay quarterly na, apat na semestre sa isang taon.
Kaya’t hindi talagang puwedeng pagsabay-sabayin lahat ng mga semester kaya’t ang patakaran ng IATF ay payagan sila depende kung kailan sila handa. So, ito iyong pagbubukas ‘no. May mga iba na nag-adjust ng kanilang pagbubukas dahil hindi pa sila handa, mayroon hanggang Oktubre. Ang UP ay magbubukas sa September 10 dahil sa kanilang palagay, hindi pa sila handang magbukas ng Agosto.
Next slide, please.
So, sa mga public universities halimbawa, ang pinakamaraming bilang ng mga private universities ay magbubukas ng September. 45% ay magbubukas ng September, mayroong mga magbubukas ngayong Agosto pero mayroon hanggang Oktubre, mayroong magbubukas ng October pa.
So, ano pa ang mga ginagawa namin na preparasyon sa pagbubukas?
Next slide, please.
Gumawa ang Komisyon ng online portal, ito iyong tinatawag na PHL CHED Connect. Ito ay website kung saan puwedeng kumuha ang mga faculty at mga estudyante ng mga materyales na gagamitin sa kanilang pag-aaral. Sa ngayon, madami na ang gumagamit nito, madami nang laman. Ang mga pamantasan na nag-donate dito sa PHL CHED Connect ay mga universities dito at sa ibang bansa.
Next slide, please.
Tuloy-tuloy pa rin ang Komisyon doon sa kaniyang ibang mga initiative, tuloy-tuloy ang training ng mga teachers either sa pamamagitan ng mga pamantasan na gumagawa ng kanilang sariling training. May mga pamantasan na pinondohan ng CHED para mag-train ng ibang pamantasan ang kanilang mga faculty. At mayroon ding magagaling, mayroong anim na top public and private universities na nakipagutulungan sa CHED na magbigay ng libreng training program.
So, tuloy-tuloy ito at ang training program sa teachers ay tuloy-tuloy kahit na nagsimula na iyong semestre at hanggang sa susunod na school year kaya ang susunod na iti-train natin iyong mga teacher ay paano gumawa ng content sa kanilang pagtuturo. Halimbawa, paano i-video ang kanilang mga lecture para imbes na mag-lecture sila via Zoom, puwede ng panoorin ng mga estudyante ang kanilang mga lecture sa kanilang sariling oras.
Next slide, please.
Tuloy-tuloy din iyong kaugnayan ng SUC (State Universities and Colleges) at saka LUC (Local Universities and Colleges) para sa mga quarantine areas. Ito iyong tinanong mo kanina, Secretary Roque. Mayroong 28 na mga State Universities and Colleges na ipinagamit ang kanilang facilities para sa mga local governments bilang quarantine center. At nakatulong na ito sa halos 20,000 mga taong nai-quarantine dito kasama ang mga locally stranded individuals, kasama iyong mga asymptomatic, kasama iyong mga PUI. Ito ay sinimulan natin noong June at tuloy-tuloy ito hanggang kailangan ng local governments iyong pasilidad na mga state universities.
Binigyan din natin ng pondo ang mga state universities na magpatuloy gumawa ng mga face mask, mga face shields, disinfectants, at magbigay ng psychological support para sa estudyante at faculty. So, marami tayong pinondohang mga state universities para gumawa nito. At patuloy ang ating kooperasyon with DICT para palakasin iyong connectivity doon sa mga lugar at mga campuses na mahina pa ang connectivity.
Next slide, please.
At para siguruhin ang kaligtasan ng ating mga estudyante, sinuspinde na ng Commission lahat ng foreign internship ngayong school year na ito dahil hindi tayo sigurado sa kalagayan ng ating mga estudyante kapag sila ay pinaalis natin. Hindi natin alam kung iyong kanilang pupuntahang mga lugar ay ligtas at kapag nagkaproblema sila, nahihirapan tayong ibalik sila sa Pilipinas. So, suspended lahat ng foreign internship.
Sa medical program, hindi na natin ire-require ang NMAT (National Medical Admission Test) para sa school year na ito para sa mga papasok na mga estudyante sa medical school dahil hindi naibigay ang NMAT ng sapat na oras.
At tuluy-tuloy ang ating konsultasyon sa mga SUCs, sa mga LUCs at private HEIs doon sa paggawa ng guidelines para sa limited face-to-face sa ating low risk MGCQ areas na pinaplano nating gawin kung kailan ligtas na. Malamang sa second semester or sa January ito puwedeng gawin pero inihahanda na natin iyong mga pamantasan pati pagpunta at pagtingin sa kanilang pag-retrofit ng kanilang mga klase.
At huli, sa Bayanihan II Act, gusto kong i-announce sa lahat na nagbigay ang ating Kongreso ng tatlong bilyon para sa Bayanihan 2 para sa pag-develop ng smart campuses para siguruhin ang ating mga universities ay mayroong connectivity. At nagpapasalamat din ang Komisyon na nagbigay ng three hundred million sa Bayanihan II para bigyan ng ayuda ang ating mga part-time teachers and non-teaching personnel na hindi naisama sa ayuda sa Bayanihan I.
So, iyan ang huling mga pangyayari sa higher education, Secretary Roque.
SEC. ROQUE: Maraming salamat, Chair Popoy De Vera. I hope you can join us for an open forum po, with the members of the Malacañang Press Corps.
Kasama naman po natin ngayon ang matalik kong kaibigan din, si NCCA Chair Nick Lizaso. Ang tanong: Mayroon ba hong kabuluhan ang kultura at sining sa panahon ng pandemya? Chair Lizaso, the floor is yours.
NCCA CHAIR LIZASO: Magandang tanghali po, Secretary Roque. Magandang tanghali sa mga nanunood sa inyong programa. Harinawa’y tayong lahat at sampu ng ating minamahal sa buhay ay nasa ligtas na kalagayan. Kahit po ngayon na nasa gitna tayo ng pandemya, kami po ay nagsusumikap at lalo pang—at ipinamamalas namin ang kahalagahan ng kultura. Hindi po kami tumitigil sa paggawa ng iba’t ibang paraan para makapagbigay ng inspirasyon, lakas ng loob at kahulugan sa ating mga mamamayan, sa ating mga kababayan sa kabila ng pagsubok na ating dinaranas ngayon.
Ano po ang layunin ng NCCA sa pagbibigay ng cash assistance? Dahil po sa pandemya, nararanasan po natin ngayon sa kabila na ang ating mga artist, mga cultural workers ay nawalan ng pagkakataong makapaghanapbuhay lalo na po iyong marami sa mga iyan, ang ‘ika nga tinatawag nating ‘freelancer’ – no work, no pay and no employee-employer relations kaya malaki po ang pagsubok talaga na naranas nila ngayon.
Bilang pangunahing ahensiya ng pamahalaan para sa kultura at mga sining, minabuti po ng NCCA na bumuo ng cash assistance program upang mag-abot ng tulong sa ating mga kasamahang artists at cultural workers. Sa kabuuan po, nagbigay tayo ng almost 69 million na nagsimula noong Abril at hanggang ngayon ay nagbibigay pa rin po tayo. At ang natulungan po natin ay mga nasa 9,600 cultural workers, cultural artists, opo, at mayroon pa po kaming tinutulungang mga 1,000. Ito po ay nationwide.
Sinu-sino po at ilan ang beneficiary ng NCCA cash assistance? Mayroon tayong cash assistance program sa NCCA, una ay ang Arts Program o Quick Response for Natural and Human Induced Disaster; NCCA assistance program in response to call for Bayanihan to Heal as One. Ito po ang mga binabanggit ko po na mga 9,600 and natutulungan po natin ang mga mahigit sampung libo. Nagbigay tayo ng mga application form po sa artists at cultural workers na ipinasa po ng NCCA upang suriin ng subcommittee, ang sub-commission upang malaman natin kung talagang sila ay ‘ika nga, ay mga nangangailangan ng tulong. At saka sinusuri din po iyan baka sakaling ‘ika nga, may duplication.
Iyan po ay, ‘ika nga ay hiningi namin ng permiso sa DBM dahil iyan po, kinuha po namin ang halagang iyan sa mga programang hindi namin magagamit na because of the pandemya. Kaya po iyan pinagsama-sama namin, nilikom namin at bago namin ibinigay sa ating mga kasamang artista, mga kasamang cultural workers, hiningan po namin ito ng permiso sa DBM, kasi ito po ay galing sa National Endowment Fund at inaprubahan po naman ito ng Malacañang.
Mayroon po tayong apat na sub-committees. Ito po’y sub-committee on arts, heritage, cultural community and traditional arts cultural education. Bukod po diyan, mayroon po silang mga 19 sectors na tumutulong sa kanila: sectors on music, on dramatic arts, on visual arts, on archives, gallery, historical research, libraries, monuments and sites at museum po, and the cultural communities from the northern, central and southern cultural education, language and translation and communication, cultural workers and artists displaced and in dire need because of the pandemic.
Ano po ba ang, ‘ika nga, sabi nga ang mga proyekto na ginagawa namin ngayon? Ang lahat po ng aming proyekto ngayon ay tinatawag nating digital, nasa digital platform na. Kami po ay mayroon po kaming apat na sub-committee na sa kasalukuyan ay nagpaplano ng iba’t ibang—at bumubuo ng iba’t ibang programa na makakatulong sa tao na nasa new normal. Mayroon po tayong mga webinar, mga online contest, mga makabuluhang leksiyon na ginagamit po sa elementary, mga online show na ‘Padayon’ na ibig sabihin ay ‘moving on’, the NCCA Hour.
At ano po ang puwede nilang makita sa Padayon? Dito po namin binubuo itong Padayon upang may abangan araw-araw tuwing alas tres ng hapon. Pinapanood po ito ng mga bata, mayroon po itong mga educational and informative. At pangalawa ay mayroon po kaming mga ika nga iyong tinatawag naming ‘Sining Saya’. Ito po naman ay iyong entertainment part at mayroon po namang ‘ika nga, mga interview ng ating mga national artists at mga guro sa pagtuturo ng kultura.
Iyon po, Secretary. Iyan lang.
SEC. ROQUE: Maraming salamat, Chair Lizaso. Simulan na po natin ang ating open forum. Chair, if you can also join us just in case mayroon pong tanong ang ating mga kasama dito sa Malacañang Press Corps.
Usec. Rocky, please, for the first questions, please.
USEC. IGNACIO: Okay. Good afternoon, Secretary at sa ating mga bisita po. Secretary, unang tanong galing po kay Francis Wakefield ng Daily Tribune. Ito po ang tanong niya: May we get a comment from the Palace regarding daw po the statement made by Joma Sison that based on the expert opinion from a doctor who knows the current medical problem of President Duterte. He said the President’s Barrett’s esophagus has worsened and is close to esophageal cancer stage 1.
SEC. ROQUE: Ah, hindi ko po kinukomentuhan ang mga salita ng terorista.
USEC. IGNACIO: Second question po niya: May action na ba ang President sa paghahain ni PhilHealth President and CEO Ricardo Morales ng resignation? Ano rin ang reaction dito? May pangalan na ba siyang binigay kung sino daw po ang papalit?
SEC. ROQUE: Tinanggap na po ang resignation ni Gen. Morales. Wala pa pong kapalit.
Joyce Balancio of DZMM, please.
JOYCE BALANCIO/DZMM: Yes. Good afternoon po, Secretary Roque. Additional question lang po doon sa PhilHealth po ‘no, on resignation ni Gen. Morales. So, how does the President feel about the resignation of PhilHealth President Morales and I believe may OIC na nga po na pinili in the meantime, mayroon po bang timeline si President Duterte when is he going to name the next PhilHealth chief?
SEC. ROQUE: Well, the President has always been of the opinion that health should come first. Kaya nga po he is hoping that the resignation of Gen. Morales will lead to the recovery of Gen. Morales from his current ailment ‘no. Kinakailangan magpagaling po si Gen. Morales at ang sa tingin naman ng Presidente makakabuti naman sa kaniya itong desisyon na mag-resign na muna nang makapag-concentrate siya sa kaniyang kalusugan ‘no.
Wala naman pong timeline kung kailan po magtatalaga ng kapalit si Presidente. Pero kinakailangan po ang talagang iuupo diyan ay walang bahid ng korapsyon, mayroon pong managerial skills, mayroon pong kakayahan sa larangan ng mismo ng insurance at saka ng health service ‘no. Dahil ang ating PhilHealth naman po hindi lang iyan insurance company, iyan po ay magpapatupad ng Universal Healthcare. So kinakailangan po mayroon din siyang background sa community health and public health.
JOYCE BALANCIO/DZMM: Yes po. My next question, would you confirm po, nabigyan po ng bagong assignment si Environment Secretary Roy Cimatu para tutukan naman po ang Bacolod City? This is after his assignment sa Cebu City, ano po ang specific instructions of the President kay Secretary Cimatu?
SEC. ROQUE: I’ll have to clarify if it is an official assignment given to Secretary Cimatu by the President. Ang alam ko po, he will help in Bacolod but let me clarify if this was a presidential directive.
JOYCE BALANCIO/DZMM: Opo. Last na lang po from me, Secretary. You said in an interview yesterday that the President is considering imposition of martial law in Sulu after po nitong twin blast sa Jolo, Sulu. Some senators are saying that it’s no longer needed because we already have the Anti-Terrorism Law. But si SFA, si Foreign Affairs Secretary Locsin said in his tweet that it’s needed to prevent another attack. So, what are the President’s thoughts on this and mayroon din po ba siyang timeline as to when he will decide if imposition of martial law is still needed?
SEC. ROQUE: Kagaya ng sinabi ko po kahapon ‘no, lahat naman po ng rekomendasyon ay kinukonsidera ng ating Pangulo. Nagbigay po ng rekomendasyon ang hepe ng Army na magdeklara ng martial law at ganito rin po ang rekomendasyon ng PNP ‘no, na si Gen. Gamboa, so kinukonsidera po iyan ng Presidente.
Pero iba naman po ang rekomendasyon ni Defense Secretary Lorenzana. Ang sabi ni Secretary Lorenzana, kagaya ng sinabi ng mga senador eh sapat na iyon Anti-Terror Law natin ngayon ‘no para gamitin diyan sa Sulu.
So abangan na lang po natin kung ano ang desisyon pero dalawang pong alternatibo—o tatlo ‘no: As is, martial law or iyong Anti-Terror Law. At wala naman pong ibang dapat gawin pa kung Anti-Terror Law dahil iyon naman po ay naging batas na at pinatutupad na po natin.
JOYCE BALANCIO/DZMM: Thank you, Secretary.
SEC. ROQUE: Thank you, Joyce. Back to Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Secretary, tanong mula kay Celerina Monte of Manila Shimbun. Ito po tanong niya: US State Secretary Pompeo said, US has begun imposing visa restrictions on China. Individuals responsible for or complicit in either the large scale reclamation, construction or militarization of disputed outposts in the South China Sea or the PRC’s use of coercion against Southeast Asian claimants to inhibit their access to offshore resources. He said, the US will act until it sees Beijing discontinue its coercive behavior in the South China Sea and will continue to stand with allies and partners in resisting China’s destabilizing activity. How does the Palace view this? Does the Philippines, being one of the claimant countries in the South China Sea, welcome this action of the US against China?
SEC. ROQUE: Alam ninyo po iyang desisyon kung sinong papapasukin sa teritoryo ng isang bansa ay desisyon po iyan ng isang soberenyang bansa. So nirirespeto po natin iyang desisyon na iyan at hindi na po kinakailangang komentuhan.
Punta naman tayo kay Trish Terada of CNN Philippines, please.
TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Hi, Secretary. Magandang tanghali po. Sir, balik po ako doon sa PhilHealth ‘no. I understand na wala pa pong napipili si Pangulo pero ngayon po ba mayroon na po ba tayong set of possible candidates to replace former PhilHealth President Ricardo Morales? And kung wala pa pong replacement sir, kinukonsidera rin po ba ni Pangulo na iyong advice nitong Task Force PhilHealth to allow the GOCCs in making recommendations about restructuring PhilHealth po?
SEC. ROQUE: Well, alam ninyo, hindi naman po nagkukulang ang mga tao na mayroon talagang kakayahan para mamuno at manilbihan sa gobyerno dahil karangalan naman talagang manilbihan sa gobyerno.
So, ang masasabi ko lang po, wala pong kakulangan pagdating doon sa mga nais magsilbi pero siyempre pinipili po ni Pangulo kung sino iyong mayroon talagang kuwalipikasyon para maibangon muli ang PhilHealth kumbaga. Dahil inaamin naman ni Presidente na talagang PhilHealth needs his personal attention. Ang sabi nga niya, iyong natitirang dalawang taon niya igugugol niya diyan sa paglilinis ng PhilHealth. So kinakailangan ang maa-appoint niya diyan magiging kabalikat niya sa pagbabalik-tiwala ng taumbayan sa PhilHealth, paglilinis ng PhilHealth nang magkaroon po ng katuparan iyong ating isinulong na Universal Healthcare at magkaroon po ng katuparan ang libreng pagamot at gamot para sa lahat ng Pilipino.
TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Pero, sir, ngayon po, wala pa pong mga candidates?
SEC. ROQUE: Well, there are already names being considered pero nag-iingat po ang Presidente sa pagpili.
TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Sir, regarding naman po sa address recently ni President Duterte and Vice President Leni Robredo. Many have been comparing, sir, iyong content ng naging talumpati ng Pangulo at ng Bise Presidente. Some of the things that we read online say iyong speech daw po ni Vice President Robredo just 20 minutes tackling all the important aspects in COVID response, some say or some see this better and complete as a no nonsense. In stark comparison daw po sa address ng Pangulo na wala raw pong makitang plano iyong iba and the others describe it as ‘usapang lasing’. What’s your reaction to this? And do you think, sir, na ito pong estilo ng Pangulo still working especially in this time that we’re facing a crisis?
SEC. ROQUE: Trish, napakahirap magkomento sa bagay na nakita lang natin sa social media. Kasi hindi po basehan talaga iyan kung sino talaga ang pinaniwalaan ng taumbayan lalung-lalo na random comments lang naman iyan sa internet ‘no. Pero sa akin po, ang plano po ng Pangulo sa COVID-19, ilang buwan na po tayo sa COVID-19, pinatutupad lang po natin iyong plano ng Pangulo. Kaya nga po ngayon pinapakita natin kung nasaan ang Pilipinas relative to the whole world. Iyong iniidolo ng napakadaming Pilipino – Estados Unidos – pinakamaraming kaso na COVID, pinakamaraming mga namamatay.
So sa tingin ko po, dahil 1.5 lang ang ating mortality rate kung wala tayong plano, napakadami po sigurong namatay na sa ating bayan ‘no. Pero dahil nga po nagkakaroon ngayon ng implementasyon ng plano sa mula’t mula eh nalilimita po natin ang mga nababawian ng buhay.
Trish, let’s talk again kapag nagkaroon po ng survey na kinukumpara ang Presidente at ang VP natin, si VP Robredo dahil sa ngayon po wala pang survey na naunahan na ni VP Robredo ang ating Pangulo. Tingin ko po, mas mabuting batayan iyan kaysa iyong kakaunti na nakasulat po sa internet, lalung-lalo na alam natin marami naman ang trolls.
TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Secretary, doon po sa naging talumpati ni Vice President Leni Robredo, isa sa mga most quoted at nabanggit niya iyong—let me just quote that part din: “Nasa atin ang sisi ‘pag namamatay. Para bang iniwan na lang tayo intindihin ang isa’t isa at parang walang namumuno.” Sir, may we know Malacañang’s reaction to this? And at the same time i-segue ko na rin, sir: We’re nearing August 31, wow would you assess the implementation of the recent GCQ following po itong ating MECQ noong nakaraan?
SEC. ROQUE: Unang-una po, I beg to disagree, seriously disagree with the Vice President. Tingnan po natin nang napakababang mortality na sinasabi ko na, tingnan po natin iyong mga karagdagang capacity na binuo natin para nga po mabigyan ng kinakaulang atensiyon iyong mga magkakasakit. Nakikita naman po natin na karamihan ng mga nagkakasakit ay asymptomatic o din naman kaya ay mild. So, ang pinaghahandaan po natin iyong mga magkakasakit ng severe at critical at kaya nga po noong kailan lang nag-inaugurate tayo ng karagdagang 250 exclusive COVID beds sa East Avenue, magkakaroon pa po tayo ng additional beds sa Qurino, sa Quezon Institute at saka sa PGH at mayroon na po tayo sa linggong ito additional 250 isolation beds na binigay po ng Razon Group diyan po sa Nayong Pilipino.
So, hindi po totoo na hindi sapat ang ating response. Siguro madali pong magpula dahil hindi tayo ang nasa gitna ng pandemya at hindi tayo ang inaasahang gumalaw. So napakadali talaga na ikaw ay magpula; pero ang Presidente, hindi naman po pinupulaan si VP Leni. Kinikilala niya, kinilala niya iyong mga tulong na ginawa ni VP Leni. Ang pakiusap lang ni Presidente, magkaisa po sa panahon ng pandemya; isantabi muna ang pulitika. Matagal-tagal pa po iyan, marami pang mangyayari mula ngayon hanggang 2022. Tulungan muna natin ang ating taumbayan.
USEC. IGNACIO: Secretary, tanong mula kay Kris Jose ng Remate/Remate Online. Sinabi po ni DILG Undersecretary Epimaco Densing na kilala ni Pangulong Duterte ang ilang mga miyembro ng Mayor Rodrigo Roa Duterte National Executive Coordinating Committee ang Pro-Duterte Group na nagsusulong para sa revolutionary government or RevGov. Ang chairman umano ng grupo ay si dating TESDA Chief Gene Mamondiong na kilala umano ni Pangulong Duterte, habang ang ibang miyembro po ng MRRDNECC ay nasa Gabinete daw. Possible ba na magkaroon ng dayalogo ang nasabing grupo at si Pangulong Duterte para personal na sabihin ng Pangulo sa mga ito na tigilan na ang pagsusulong RevGov?
SEC. ROQUE: Nagawa na po iyan ni Presidente. Inanunsiyo na niya sa buong bayan, wala siyang pakialam sa RevGov at nakatutok siya ngayon sa problema ng COVID. So hindi na po kinakailangan sabihin kahit na sino pa. At ako naman po kahapon sa aking mga interviews din, sinabi ko naman po ang MRRD, kinikilala po talaga iyan ni Presidente na tumulong sa kanyang kampanya at mayroon talaga siyang mga kakilala diyan sa MRRD. Pero iyong mga lumulutang na mga tao behind RevGov na iyon ay iba po iyan doon sa mga taong tinutukoy ninyo ngayon sa inyong tanong. So, malinaw na malinaw po ang sinabi ng Presidente, wala siyang kinalaman diyan sa RevGov. Sapat na po iyan, kung mayroon mga miyembro ng Gabinete na nagsusulong ng RevGov, narinig na po nila ang sinabi ng Presidente, hindi niya gusto iyang RevGov, wala siyang pakialam diyan, sapat na po iyan para malaman ng mga miyembro ng Gabinete at mga supporters niya kung ano ang paninindigan ng ating Presidente.
USEC. IGNACIO: Ang second question niya: Kung si DFA Secretary Locsin ay inilarawan ang panawagan ng grupo ng mga tagasuporta ni Pangulong Duterte para sa RevGov bilang insanity, sa panig ng Malacañang, ano ang paglalarawan ninyo sa kanilang hakbang?
SEC. ROQUE: Ay, malinaw na po ang sinabi ni Presidente, hindi siya naniniwala na kinakailangan ang RevGov dahil nga po siya ay isang constitutional government. Pananaw naman po ni Secretary Locsin, iyong nasabi niya at dapat respetuhin din ng taumbayan.
MELO ACUÑA/ASIA NEWS DAILY: Ang tanong ko muna ay para kay Chairperson De Vera ng CHED. Sapagka’t magsisimula na ang klase sa mga kolehiyo, ano po kaya ang impormasyon ng Commission on Higher Education sa mga paaralang napipintong magsara? Papaano po kaya ang mga estudyante, matatanggap po kaya ng state universities and colleges ang mga ito? Chair De Vera, please.
CHAIRPERSON DE VERA: Iyong mga pamantasan o iyong mga universities na lumapit sa regional office ng CHED at nagtatanong kung ano ang mangyayari kapag sila ay magsasara. Continuous ang ating usapan dahil sisiguruhin muna ng Komisyon na dapat siguruhin ng university na iyong kanilang mga estudyante makakalipat – iyon ang unang requirement. Dahil iyan ay responsibilidad ng isang pamantasan, ibig sabihin iyong kanilang semestrals ay kailangang maibigay at sila ay makalipat sa public or private universities.
Iyong isa pang tinitingnan namin ay kung gaano sila katagal na titigil. Kasi ang isang problema diyan, kapag sila ay nag-retrench ng kanilang faculty halimbawa, kung sila ay kukuha ng bagong faculty, ang unang tanong diyan, ang kanilang mga degree programs ba ay kailangang i-authorize muli ng CHED? Dahil ang isang private university kapag magbubukas ng isang degree program, ini-evaluate muna ng Komisyon iyan at ang isang ini-evaluate ay iyong kakayanan ng mga faculty. Ano iyong credentials ng faculty na magtuturo? So kung existing iyong degree program mo pero nag-retrench ka ng faculty at magha-hire ka ng mga bago, ang tanong: Ikaw ba ay papayagan ng Komisyon na magbukas muli dahil iba na ang makapagtuturo?
So, maglalabas ang Komisyon ng isang memorandum circular diyan sa susunod na linggo. Sa aming konsultasyon, ang lumalabas na consensus, kung magsasara naman ng isang taon lang at magri-retain ng lagpas 50% halimbawa ng faculty, baka hindi na kailangang i-authorize ulit ng CHED iyong pag-offer ng degree program; baka payagan na. So naghahanap tayo ng common ground na hindi bababa o masisiguro natin iyong kalidad ng edukasyon, at the same time gusto din nating tulungan iyong mga private universities na nagigipit ngayong panahon ng pandemya.
MELO ACUÑA/ASIA NEWS DAILY: Mayroon po kayang nakalaang programa ang CHED para mabigyan ng alalay o matulungan ang mga private institutions na financially incapable of continuing their operations?
CHAIRPERSON DE VERA: Wala kasing mandato ang Komisyon na gawin iyan. Under the CHED Law, hindi mandato o hindi kapangyarihan ng CHED na asistihan iyong mga universities kapag ang pinag-uusapan iyong kanilang operations. Ang tulong na maibibigay namin sa mga private schools ay tulungan halimbawa ang kanilang mga guro sa kanilang scholarship program, sa graduate school, tulungan ang kanilang mga estudyante. Pero iyong operations ng isang private university, hindi pupuwedeng gawin ng Komisyon iyan dahil hindi siya legally mandated to do that.
So ang isang gagawin ng Komisyon, iyong aming mga existing scholarship program sa graduate school ang puwedeng gawin ay i-prioritize iyong mga mawawalan ng trabaho na mga faculty para kung magkaka-rehiring after sometime at least mas maganda ang kanilang credentials. Iyan ay puwede naming tulungan iyong displaced faculty ng mga private universities.
MELO ACUÑA/ASIA NEWS DAILY: Salamat po, Chair. Secretary Harry Roque, para po sa inyo ang aking pangatlong tanong. Mainitan po ang palitan ng mga pananalita ng Estados Unidos at ang Tsina. Mayroon po tayong independent foreign policy, paano po natin babalensihin iyong interest ng Pilipinas sa nag-uumpugang bato ng mga ito? Salamat po.
SEC. ROQUE: Malinaw po ang posisyon ng ating Presidente. Ang itataguyod po niya ay ang pang-national na interest ng Pilipinas sa gitna po ng banggaan ng dalawang dambuhalang mga bansa.
USEC. IGNACIO: Secretary, tanong po mula kay Aileen Taliping ng Abante Tonite. May dapat bang panagutan ang isang ospital na naglabas ng maling resulta ng swab test sa isang namatay na pasyente? Negative ang result, subalit pagkatapos daw po ng 12 hours, sinabing positive pala ang result at sinabing typo error. Na-expose na po ang pamilya at ilang mga kamag-anak sa nasawing pasyente at nag-sorry lang daw po ang hospital staff sa inilabas na maling resulta.
SEC. ROQUE: Naku, napakahirap pong magbigay ng legal advice sa isang presidential briefing. Pero mayroon po tayong batas, Law on Torts and Damages, kapag mayroon pong danyos na nangyari sa isang gawain ng isang tao o institusyon at mayroong danyos ay kinakailangan magbayad ng danyos. Iyon lang po.
USEC. IGNACIO: Question po mula kay Joseph Ramos of Manila Times para po kay Chairman De Vera. What are the possible sanctions of UST if its men basketball team will be proven guilty of violating IATF quarantine protocols for putting up the students into training in Sorsogon since June?
CHAIRMAN DE VERA: Ibigay ko muna siguro iyong konteksto kung ano na ang latest dito ‘no. Iyong unang imbestigasyon kasi ay sinimulan ng Philippine Sports Commission, ng Games and Amusement Board at ng Department of Health dahil sa paglabag sa joint administrative order doon sa conduct ng sports activities, kaya ito iyong sinimulang imbestigasyon. Ngayon, kahapon, isinama na ang CHED doon sa usapan dahil iyong unang imbestigasyon ay iyong violation ng protocols sa sports activities. Pero kailangang tandaan natin itong mga athletes na ito ay estudyante rin kaya sumama na ang CHED doon sa imbestigasyon dahil iyong unang imbestigasyon ay iyong athlete part, ngayon iyong student part iyan ay under ng Komisyon.
At ang usapan namin kahapon ay hihintayin ang official report ng UST, at kami ay magmi-meeting ulit sa isang linggo para tingnan kung ano iyong report. Kasi sa bahagi ng CHED, ang aming concern ay pag-violate ng IATF regulations doon sa dahil mga bata ito at age group-wise ay hindi sila dapat lumalabas ng bahay, at iyong advisories na inisyu namin simula Marso. Dahil malinaw doon sa CHED advisories na nakabatay din sa IATF decisions na ang dapat siguruhin ng mga pamantasan ay ligtas ang kanilang mga estudyante at kung maaari ay sila ay nasa bahay. Kaya inutusan na natin ang mga pamantasan na pabalikin na, halimbawa, as early as March iyong mga nag-o-OJT, iyong mga nag-i-internship, bawiin na. Iyong mga internship abroad, pauwiin na. Lahat ito ay para sa safety ng mga bata. At sinasabihan natin ang mga pamantasan na huwag ipapadala ang mga bata sa mga lugar na hindi ligtas.
So ang gustong makita ng Komisyon dito ay kaninong desisyon ba ito. Kasi ang accountable officials as far as the CHED is concerned ay iyong mga namumuno ng pamantasan. Kaya hihintayin namin ang report ng UST at titingnan namin sa imbestigasyon ng UST, sino ba ang nag-authorize nito. Ito ba ay sanction ng pamantasan? Ito ba ay ginawa ng isang opisyal ng pamantasan? Ito ba ay ginawa nang walang pahintulot ang pamantasan? Iyan ang mga unang kailangang tingnan.
At siguro next week, magmi-meeting kami, kung hindi ako nagkakamali, Miyerkules yata next—or Martes yata next week. Iyong susunod na hakbang ay depende doon sa laman ng internal investigation ng UST.
USEC. IGNACIO: Opo. Ang second question niya, Chair: Will still CHED hand-out a different/separate sanction even if UST administration sanctions the people involved?
CHAIRMAN DE VERA: Depende din kung saan ba ang pagkakamali. Kasi kung ang pagkakamali ay sanctioned ng eskuwelahan, ang responsible official na puwedeng parusahan ng Komisyon ay iyong mga namumuno ng eskuwelahan. Pero kung ang pagkakamali diyan ay internal doon sa eskuwelahan, ang puwedeng mag-sanction na diyan ay iyong eskuwelahan mismo. So depende talaga kung ano ang totoong nangyari. Hindi pa natin alam iyan ngayon kaya’t mahirap magsabi kung sino at kung anong sanction ang puwedeng ibigay.
Pero mayroon tayong mga batas, tulad ng Batas Pambansa 232, mayroong penal sanction sa mga pamantasan na ang kanilang mga opisyal ay hindi sumusunod sa mga dapat gawin. Iyan ay pag-aaralan natin kung applicable sa UST.
USEC. IGNACIO: Salamat po, sir.
SEC. ROQUE: Okay. Thank you, Chair. Thank you, Usec. Pia Rañada, please.
PIA RAÑADA/RAPPLER: Hi, Sec. Sec., first question: What does the President think of Vice President Robredo’s suggestion that 10 million poor families be given 5,000 every month for four months? So that’s 200 billion pesos and more than the entire budget for Bayanihan II.
SEC. ROQUE: Kung pupuwede po, bibigyan lahat ‘no pero wala nga po tayong sapat na pondo para diyan. Pati po iyong ating Bayanihan II ay limited to 165, mayroon din pong probisyon na ayuda doon ‘no pero kakaunti lang po iyon compared doon sa binigay natin noong nauna under Bayanihan I.
Iyong Bayanihan I po was a historic funding program. It was the biggest funding program that we have ever implemented as a republic.
PIA RAÑADA/RAPPLER: So, sir, to clarify: You’re rejecting this proposal? You’re saying it’s not feasible?
SEC. ROQUE: Hindi po sapat ‘no dahil alam ninyo naman po in public finance, hindi ka pupuwedeng gumastos nang wala kang source of the possible expenditure.
PIA RAÑADA/RAPPLER: Pero, sir, puwede namang mag-loan ‘di ba, sir? But anyway, sir, next question: When you’re asked to disclose the real state of the President’s health, you always say, it should be enough for the public that we can see the President’s weekly speeches. But these are all edited and not live. The public hasn’t seen the President live for a month or since his SONA. So will the President be willing to hold a live press briefing just to dispel all rumors about his health?
SEC. ROQUE: We’re talking about it ‘no. We’re talking about it. But you know—
PIA RAÑADA/RAPPLER: Sir, what are the considerations in the discussions, sir?
SEC. ROQUE: You know, again, Pia ‘no, he is a lawyer; he knows his obligation. He took an oath as a lawyer and as president to uphold the laws of the land and the Constitution. And the Constitution only says, if there is a serious illness, there is an obligation to reveal to the public the details of his health condition. So susundin po iyan ng Presidente. So hindi po totoo na ang palaging sinasabi ko ay nakikita ninyo siya linggu-linggo. Sinasabi ko rin po, alam niya ang responsibilidad niya bilang isang abogado at bilang isang presidente.
PIA RAÑADA/RAPPLER: Sir, last question. Sir, who made the call for the President’s speeches to be edited? Was it the President himself? Because before naman the pandemic, sir, he would speak live and without edit. So what prompted the change in the messaging strategy?
SEC. ROQUE: The President is always consulted because, Pia, we are editing it because it’s not just an address to the nation; it’s also a meeting with select members of the Cabinet. And we edit out the portions which are not for public consumption because as I said, you cannot make good policy just on the basis that they are popular policies. So that is why there is executive privilege, so that is why we edit the airing of his messages because it’s intertwined with the meeting with some of his Cabinet members.
PIA RAÑADA/RAPPLER: Pero, sir, iyong July 13 speech niya in Jolo, it was a message that was usually aired—
SEC. ROQUE: I’m sorry, Pia, three questions only; that was your third question. Three question lang po tayo ‘no. Usec. Rocky, please.
USEC. IGNACIO: Secretary Roque, tanong from Maricel Halili of TV 5: PhilHealth President Ricardo Morales said, Secretary Roque may now take over the agency. In a text message to a reporter, he even cursed. What’s your reaction to this? Are you willing to take a post in PhilHealth? What do you want to say to him?
SEC. ROQUE: Well, General Morales, I’m praying for your good health. May you recover and may you live long.
USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary. I think si Joseph Morong na po.
SEC. ROQUE: Joseph Morong, please.
JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, may hindi ka sinagot doon sa second part ng question ni Mace: Are you willing to take over PhilHealth?
SEC. ROQUE: I’m Presidential Spokesperson po, I’m busy with my job right now.
JOSEPH MORONG/GMA7: All right, sir. Sir, with regard—in addition kay General Morales. Iyon po bang act of resignation and also doon sa ibang mga officials, does it absolve them of criminal or administrative liabilities?
SEC. ROQUE: No. The law is very clear: If there is a criminal liability incurred when you are in office, it subsists; and public officers can be held liable for them whether or not they continue to be in office.
JOSEPH MORONG/GMA 7: So, we can expect some cases if may evidence. Sir, iyon pong kay PRRD na you said that you are talking about the possibility of him facing the media. How is this shaping up? Ano ba ito, sir, Zoom or will you require the MPC to go wherever the President is but practice social distancing? How is this shaping up?
SEC. ROQUE: It’s speculative; let’s see first if the press briefing will take place. But if it does, it will have to be similar to what we’re having right now.
JOSEPH MORONG/GMA 7: Sir, iyon pong sa CQ. So, by Monday, August 31, mag-i-expire na iyong GCQ again after two weeks and you said that the case doubling rate is at 9 point something, nearly 10.
SEC. ROQUE: Nearly ten.
JOSEPH MORONG/GMA 7: But the requirement for MGCQ is 28 days.
SEC. ROQUE: Yes.
JOSEPH MORONG/GMA 7: So, paano, sir—just based on that, mukhang medyo malabo ba tayo, sir, mag-MGCQ and we’re just going to stay GCQ after the 31st?
SEC. ROQUE: All I can confirm is you’re correct ‘no. The case doubling rate has to be twenty plus days before we can hit MGCQ.
JOSEPH MORONG/GMA 7: So, therefore we stay GCQ?
SEC. ROQUE: That will be a decision of the IATF for which I cannot preempt them ‘no. Third question, please.
JOSEPH MORONG/GMA 7: Sir, can I go to Popoy, Chairman Popoy, one lang.
SEC. ROQUE: Yes, please.
JOSEPH MORONG/GMA 7: 12:56 pa lang naman. Chairman … hi, sir! How are we doing? Sir, may proposal po to include iyong … ano ba ito … reproductive health, iyong pagpa-practice ng safe … you know? Gusto ninyo po ba iyon? Are you in favor of it? Iyon pong sa curriculum iyong contraceptives, paggamit ng contraceptives to avoid teen pregnancies. May proposal, sir, to include that in the curriculum. Are you in favor of it?
CHAIRPERSON DE VERA: Well, we will have to look at how the curriculum is currently structured kasi hindi naman humihingi ng bagong subject. Mas mahirap iyan if you have a separate subject because the number of units and the curriculum in general education has already been decided and is already being implemented.
JOSEPH MORONG/GMA 7: Okay.
CHAIRPERSON DE VERA: If the addition is just to integrate it that will be an easier thing to do. The concern of the Commission is the… on how it can be integrated and in what subject it can be integrated. So, that can be studied and that can be implemented if that is approved by Congress. Ganiyan naman ang position ng Commission doon sa mga congressionally mandated new topics. We object only if it requires a new subject but if it is integrated in existing, that is not a very difficult thing to do.
JOSEPH MORONG/GMA 7: All right, sir. Thank you, Chairman. Thank you, Secretary Roque for your time.
SEC. ROQUE: Thank you, Joseph. USec. Rocky, please.
USEC. IGNACIO: Okay. Secretary, tanong mula kay Genalyn Kabiling ng Manila Bulletin: Why has the Palace stopped releasing the President’s daily official schedule? Is the Palace hiding something about the President’s health?
SEC. ROQUE: No. We’ve never released that, that’s always been confidential. In fact, I received a copy of the schedule and there is always a warning there that it’s considered as a secret information.
USEC. IGNACIO: Ang second question niya: When was the last time the President had a medical check-up and will you release the results of such check-up? And should the Vice President be ready to any eventuality?
SEC. ROQUE: Alam ninyo po, uulitin ko po, abogado naman po ang Presidente, kung mayroon siyang seryosong karamdaman, ipagbibigay-alam niya sa publiko.
USEC. IGNACIO: Tanong naman po mula kay Rose Novenario ng Hataw: Sabi ng Pangulo, kapos na ang kaban ng bayan kaya dapat ibukas dahan-dahan ang ekonomiya. Bakit po hindi niya utusan ang mga opisyal ng gobyerno na magsakripisyo hindi lang mga ordinaryong mamamayan sa panahon ng pandemya? Kaya ba ng Pangulo na ipabalik sa kaban ng bayan ang kinombrang perks and allowances at bawasan ang daan-daang libong pisong suweldo kada buwan ng kaniyang mga opisyal sa nakalipas na limang buwan tutal ay nag-work from home ang karamihan sa kanila?
SEC. ROQUE: Alam ninyo po, lahat ng departamento eh ipinabalik po sa National Treasury, kung hindi po ako nagkakamali, up to 30% of all their budgets para nga po pondohan ang COVID. So, when you’re talking of cutting on expenses, wala po tayong choice dahil nga po hindi naman natin inasahan itong COVID na ito, itong pandemyang ito at ginawa na po iyan ng Presidente. Ipinabalik na po niya ang 30% ng budget ng mga ahensya ng gobyerno para magamit po sa COVID.
USEC. IGNACIO: Tanong naman po mula kay Sam Medenilla. Iyong first question niya ay nasagot ninyo na, Secretary. Iyong second question: Ask lang po namin ang reason ng Office of the President for requesting 4.5 billion for its confidential and intelligence funds under sa 2021 NEP. Is the government willing to allocate some portions of this fund for its COVID response instead?
SEC. ROQUE: Well, alam ninyo po iyan tawag lang po diyan ‘confidential’ pero ito ho ay pondo na pupuwedeng gastusin ng Pangulo kapag mayroon pong pangangailangan at marami na po siyang nagastos sa kaniyang confidential fund para sa COVID, para sa mga namatay na sundalo, para sa mga namatay dahil sa COVID. At ang kagandahan po ng confidential fund kasi whether or not it’s included in the line item, pupuwedeng gastusin po iyan ng Presidente but it is still subject to audit.
Okay. Mayroon pa? May tanong pa, USec.? USec.?
USEC. IGNACIO: Okay. Mayroon naman po tayong apat na tanong. Mayroon po bang update ang Malacañang regarding po sa action ng LGU sa—Secretary? Opo…
Ang third question niya—
SEC. ROQUE: Go ahead.
USEC. IGNACIO: Opo. Ang third question niya: Kung mayroon na kayang update po ang Malacañang regarding sa action ng LGUs sa pending permits for the construction of telecommunication towers?
SEC. ROQUE: Sang-ayon po sa DILG at tsinek po natin ito, sang-ayon doon sa pangako natin, parehong numero pa rin po ang mga nakabinbin at binabantayan pa rin po ng DILG.
USEC. IGNACIO: Mayroon na lamang pong apat na tanong, Secretary. Ang susunod na tanong mula po kay Tina Panganiban-Perez ng GMA News para daw po kay CHED Chair De Vera: Ano po ang posisyon ng CHED sa Senate Bill No. 1334 which seeks to include birth control use in school curriculum?
SEC. ROQUE: Already answered.
USEC. IGNACIO: I think nasagot na po ni CHED Chair?
SEC. ROQUE: Oo. Next question.
USEC. IGNACIO: Ang susunod pong tanong—yes, Secretary?
SEC. ROQUE: Opo, next question po.
USEC. IGNACIO: Ang susunod na tanong mula kay Jaehwa Bernardo of ABS-CBN News Online para po kay CHED Chair De Vera: How has the use of SUCs as quarantine facilities affected the operations of the school? Are school personnel still allowed to go inside?
CHAIRPERSON DE VERA: Doon ho sa—unang-una, doon sa pagpili kung anong facility ng eskwelahan ang gagamitin, iyan ho ay desisyon na kasama iyong public health experts group na ginawa ng CHED. Ito iyong grupo na pinamumunuan ni Dean Jun Belizario ng UP College of Public Health ng Manila, iyong SUC at saka iyong LGU. So, sila ho ang namimili kung ano iyong pinaka-appropriate na lugar doon sa university na puwedeng gamiting quarantine facility. So, iyan ho ay mayroong proseso sa pagpili niyan.
Ikalawa, iyong quarantine facility hindi ho ito gagamitin parang ospital. Ito ay pang-quarantine ng mga LSI, iyong mga nagta-travel, etc. So, ito ay hindi kasing delikado ng gagamiting facility for patients ‘no.
At ikatlo, wala naman po kasing face-to-face classes ngayon, so, bakante iyong facilities noong pamantasan at tuloy-tuloy iyong pag-monitor. Iyong mga ibang quarantine facility dahil kaunti lang iyong pasyente, wala na, isinara na ng local government, iyong mga iba naman ay tuloy-tuloy pa.
So, ligtas iyong mga pumapasok na skeletal force ng pamantasan dahil sinigurado doon sa pagpili ng facility na ito iyong pinakaligtas na bahagi noong pamantasan. Kasama ho ang Department of Health sa region diyan at saka iyong health personnel ng local government sa pagpili noong quarantine site. So, ang isang major consideration ay iyong kaligtasan ng mga papasok na empleyado at mga guro.
USEC. IGNACIO: Okay. Salamat po, Chair De Vera. For Secretary Roque, ito po may dalawang tanong po si Vanz Fernandez ng Police Files: Ngayon na nagbitiw si PhilHealth President Morales, may plano po bang reorganize o i-revamp ng Pangulo ang kabuuan ng PhilHealth para daw po maiwasan muli ang kurapsyon?
SEC. ROQUE: Iyan po ay isang possibility bagamat ang PhilHealth po ay binuo po iyan ng isang batas. So, the reorganization cannot also violate the law, so it has to comply with it.
USEC. IGNACIO: Ang last question po ni Vanz Fernandez: May napupusuan na po ba ang Pangulo na bagong PNP Chief?
SEC. ROQUE: Wala pa po. Naririnig lang natin ang mga contenders pero ako mismo po hindi ko kilala lahat ng mga contenders pero in due time po, kinakailangan mag-anunsyo na po ang Presidente dahil alam ko po magbi-birthday na si Chief Gamboa. At maraming salamat nga pala, Chief Gamboa, doon sa ipinarating ninyo dito sa Malacañang ngayong araw.
Okay. So, kung wala na pong questions… Maraming salamat po sa lahat ng kasama namin sa Malacañang Press Corps. Maraming salamat, USec. Rocky. Maraming salamat, Chairman De Vera and Chairman Nick Lizaso. Sana po maimbitahan namin kayong muli. At siyempre po, maraming salamat sa inyong lahat sa inyong pagtutok dito sa ating press briefing.
Sa ngalan po ng ating Presidente Rodrigo Roa Duterte, ito po ang inyong Spox Harry Roque nagsasabing keep safe Philippines at magandang hapon sa inyong lahat.
##
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)
Comments