February 4, 2021
Moderated by Sec. Harry Roque:
Nagpulong po ang mga gabinete kahapon kasama ang Pangulo para sa kanilang 51st cabinet meeting. May dalawang punto lang po tayo ididiscuss.
Unang-una, usaping baboy. Magkano ba talaga ang kinakailangan para makapagproduce ang mga nag-aalaga ng baboy para maibenta sa atin? Ang national average po ng production ng baboy ay 171 per kilo.
Now, ang problema po. Wala pong supply. Bakit? Kasi po gaya ng sinabi ni Sec. Dominguez kahapon ay ang ASF ay parang COVID ng mga baboy at ang diperensya ay ang ASF ay nakamamatay.
Dahil dito (ASF), naubos ang ating supply sa Luzon o kung hindi naubos, mababa ang supply.
Kung mataas ang demand at walang supply, tataas ang presyo.
Mula P320 hanggang P400 dahil sa kakulangan ng supply kaya napilitan ang pamahalaan na mag-impose ng price ceiling sa P280 hanggang P310 per kilo ang baboy.
Hindi po ito bababa sa 400,000 metric tons ang kakulangan natin. Now, anong solusyon? Ang normal po nating solusyon bagama't archipelago tayo ay mag-aangkat po muna tayo nung baboy na inalagaan at pinalaki sa Visayas at Mindanao and as a last resort, pwede tayo mag-angkat sa ibang bansa.
Nakababa po ng imported presyo ng baboy at sa katunayan, kasama na po ang 40% na taripa... ang frozen pork boneless sirloin na galing Canada ay pumapatak lang ng P114.35.
Ang priority po natin ngayon ay mag-aangkat mula sa Visayas at Mindanao.
So tama lang na may price cap tayo na tinatawag pero ang tanong bakit sa palengke lang ipinapatupad? Bakit walang price cap sa supermarket? Ang tanong po mga kababayan, sino po ba ang nag-aangkat talaga ng baboy? 'Yong mga binibilhan natin sa palengke na tinatawaran pa natin o 'yong mga nasa supermarket.
Hindi ba dapat lamang na magkakaroon ng price cap e parehong ipatupad sa palengke at supermarket?
Kahapon po, nangako si DTI Sec. Mon Lopez na magkakaroon ng label na imported ang baboy na ibinebenta sa supermarket at kapag ito po ay imported, subject na rin po siya sa price cap.
Una ang DA Regional Units ay maglalaan ng resources para bumili ng baboy sa Visayas, Mindanao at sa mga probinsya sa Luzon na ASF free.
Itatransport ang mga ito sa mga pangunahing pampublikong pamilihan sa Metro Manila ngayong weekend sa presyong P270 hanggang P300 bawat kilo.
Ang inaangkat po natin ay grown at fed in the Philippines.
Pangalawa, ang DA ay gagawa ng mga hakbang para buhayin ang swine industry ng bansa. Ito ang repopulation program.
May pauna na pong P1 billion para sa repopulation program kasama na ang kalahating milyong halaga ng zero interest loans para sa backyard at semi-commercial raisers.
Mayroon ding inilaan na P15 billion para sa pagpapautang sa commercial raisers.
Pangatlo, papalakasin ng DA ang bantay ASF sa barangay para makontrol ito.
Mayroon na rin po tayong initial arrangements kasama ang DA para bumili ng bakuna sa ASF na idinevelop ng US Department of Agriculture na sa ngayon ay clinically tested sa Vietnam.
Good news! Inaprubahan kahapon ng gabinete ng Pangulo ang mga sumusunod para matulungan ang mga lifeliners elective consumers.
Kung ikaw ay lifeliner, no disconnection hanggang Pebrero; pag-extend para sa grace period sa pagbabayad ng kuryente ng dalawang buwan at pagbibigay ng option for installment payment.
Ang mga lifeliners ay ang mga mahihirap na mababa lamang ang konsumo. Kadalasan lang po, low-income consumer. Ito po ang poorest of the poor.
Na-discuss din po ang pondo ng PhilHealth at pinahinto ng Pangulo ang mataas na premiums.
Napag-usapan din po na walang choice kundi mag-cut cost sa operasyon ng PhilHealth at kinakailangan mas pagbutihin pa ang collection record ng PhilHealth.
Mayor Lino Cayetano, Taguig City:
What we communicate is the vaccination is the most important program of both the national and local government sa mga susunod na buwan.
Tuloy-tuloy po ang localized lockdown sa Taguig.
Tuloy pa rin ang aming sa drive-thru testing BGC at sa Lakeshore, Lower Bicutan.
Nagtayo po kami ng isang standalone Vaccination Training and Information Center.
Once the vaccine arrives, pwede kaming sumundo sa airport at dalhin ito sa aming cold chain storage facility.
Taguig has 40 vaccination sites as well as 5 mega vaccination centers. We are training our staffs for the vaccination sites.
Pagdating po sa manpower, the city of Taguig has 716 vaccinators, all employees of the local government.
One team for our vaccination team is composed of a vaccinator, screener, counselor, recorder, and supervisor... can vacccinate 75 people in one day.
Dr. Esperanza Cabral, Former DOH Secretary:
On hesitancy of Filipinos to be vaccinated due to Dengvaxia controversy: Ito ang isa sa pinakamalaking dahilan kung bakit dudang duda ang mga tao sa bakuna.
Tayo ay nagbabakuna para hindi tayo magkaroon ng sakit at mamatay, kung magkakaroon man ng sakit ay mild na lang 'to at para hindi na kumalat pa ang sakit.
In the last few years, 'yong kumpiyansa natin sa pagbabakuna ay nagbago. Mula sa report ni Heidi Larson ng Vaccine Confidence Project na kung anong nangyari sa vaccine confidence sa ating bansa noong 2018 kumpara noong 2015.
Tandaan natin na ang nangyari sa pagitan ng 2015 at 2018 ay ang controversy sa bakuna laban sa dengue fever.
Noong 2015, 93% ang nagsasabi na importante ang bakuna para sa ating kalusugan pero noong 2018 ay bumaba ito sa 32%.
Noong 2015, 82% ng mga tao sa Pilipinas ang nagsasabi na ang mga bakuna ay ligtas ngunit bumaba ito sa 21% noong 2018.
Noong 2015, 82% ang nagsabi na epektibo ang mga bakuna ngunit bumaba ito sa 22% noong 2018.
Ito ang mga problema na sinusuong natin. Napakaganda ng vaccine preparation ng Taguig, for example, pero tama na ang unang dapat gawin ay malaking information and trust campaign para ang mga tao ay magkaroon ng kumpiyensa na magpabakuna.
Comments