April 13, 2021
Moderated by Sec. Harry Roque:
Kinausap po kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang taumbayan para sa kanyang regular talk to the people address.
Ang paglabas ng Pangulo ay nangangahulugan na nanatiling fit and healthy ang punong ehekutibo at not to mention, bumata sa kanyang edad ito.
Muling nag-paalala si Presidente sa mga opisyal ng pamahalaan na alagaan ang pera ng taumbayan sa pamamagitan ng paglalagay ng safe guards sa pamamahagi ng ayuda.
Kaugnay nito, ni-report ni DSWD Sec. Rolando Bautista na isa't kalahating milyon na o 1,757,281.000 ang nabigyan na ng Social Amelioration Assistance.
Nasa 7.351 na ang nabigyan na tulong sa panahon ng krisis mula March 29 hanggang April 12.
At nasa 26,363 faimily food packs ang naipamahagi rin.
Isa rin sa paalala ng Pangulo sa mga opisyal ng gobyerno na gawin ang trabaho sa panahon ng pandemya. Ayon nga sa Pangulo "Huwag kayong matakot gumastos. Just follow the rules... Nandiyan ako sa likod ninyo. And I will vouch for you if the transaction is legal and right."
Sa madaling salita, act faster and move faster ayan ang direktiba ng Pangulo.
Makikita natin sa naging aksyon ng Pangulo sa PhilHealth, iniulat ni NTF Chief Implementer Sec. Carlito Galvez Jr. ang pagbayad ng halos P10 bilyon ng Philhealth na pagkaka-utang sa mga ospital.
Doon naman sa sinabi ng Presidente na iwe-waive niya ang kaniyang slot sa pagbabakuna, ito ay personal conviction ng Pangulo habang kulang pa ang ating mga bakuna.
Binati po ng ating Pangulo ang mga kapatid nating Muslim para sa pagdiriwang ng Ramadan.
Sec. Carlito Galvez Jr., Vaccine Czar:
Kagabi po tayo ay ang nag-report kaugnay ng ating vaccine rollout.
Sa ngayon po tayo ay pumapangatlo sa ASEAN Region (sa pagbabakuna) mula sa no. 8 nung nag-simula tayo.
Mayroon na po tayong 1.2 million na nabakunahan.
Dadako naman po tayo sa ating mga negosasyon, sa Sinovac po ay tuloy-tuloy naman po ang... 25 million doses po ongoing po...
Sa AstraZeneca, mayroon tayong 17 million doses at ito'y darating this coming June.
Ang Moderna naman po ay may 13 million doses po tayo na na-procure ng government habang 7 million naman po para sa mga private sectors.
Ang Novavax po ay may 30 million doses po tayo habang may 15 million doses po na ni-negotiate for private sector and LGU.
Sa Johnson & Johnson naman po ay mapipirmahan na ngayong linggo ang ating supply agreement sa 6 million doses.
Ang Gamaleya naman po ay malapit na tayo magpirmahan para sa 20 million doses.
Ang magandang balita naman po ay nagkaroon po tayo ng ng renegotiation with Pfizer at tinitingnan natin na baka magkaroon ito ng kaganapan, dahil nagkaroon ng favorable comment ang ating DOJ for the indemnity clause.
Kapag nagkaroon ng magandang result ang bilateral agreement natin, mayroon tayong more or less 2.4 million doses sa COVAX na ibibigay ng Pfizer
Dadating naman po sa April 22 ang another 500,000 from Sinovac. April 29, mayroong another 500,000.
Sa May delivery, may inaasahan po tayo na 4.1 million doses ng bakuna at sa Moderna.
Sa Metro Manila po ay ginagawa na po nayin ang pagbabakuna sa A1, A2 at A3.
This coming May, baka po magkaroon po tayo ng additional vaccine rollout. Idadagdag na natin ang A4 at A5 kung mayroon na tayong mga succeeding na manggagaling sa COVAX.
Then this coming July, kung magkakaroon po tayo ng steady and stable supply (ng bakuna), maaari na po natin simulan ang pagbabakuna sa general public at adult population.
Magkakaroon tayo ng mga mega vaccination sites at middle size vaccination site at mobile site. Kapag na-combine iyon, kayang-kayang magkaroon tayo ng vaccination all throughout the Philippines na 500,000 a day.
Sec. Vince Dizon, Testing Czar:
Kami po kanina ni DICT Sec. Greg Honasan ay nasa San Juan para i-launch ang ating integrated system for vaccination.
Pinakita po kung gano kabilis, ka-integrated ang sistema. Sabi ni San Juan Mayor Zamora, yung dating 20 minutes kada tao para mabakunahan ay nakalahati dahil sa sistema, naging 10 minuto na lang.
Nitong nakaraang April 6 hanggang April 10, nag-average na po tayo ng around 60,000 test per day. Ito ay PCR test lang po.
Tayo po ay mag-deploy ng 500,000 antigen test sa NCR Plus pati sa Batangas at Pampanga.
Kailangan po talaga risk-based at targeted ang testing. Kailangan na ang ating mga tine-test ay yung mga nararapat base sa advise ng eksperto.
Dahil po sa ginawa ng ating Pangulo na pagtulak sa PhilHealth na bayaran ang substantial amount sa mga ospital ay nakapagdagdag ng 171 ICU beds at magdadagdag din po sila ng 1,245 beds para sa mga moderate at severe cases.
Ang ating mga LGUs po ay naglabas ng kanilang commitments. Nanguna po ang QC, Taguig, Caloocan at Malabon.
Sec. Mark Villar, DPWH / Isolation Czar:
Ito po ngayon ang nagawa na natin at by end of April mayroon na po tayong modular hospital na 15 units na may 516 bed capacity.
Magkakaroon din po tayo ng 634 quarantine/isolation facilities nationwide with 23,284 bed capacity.
Mayroon din po tayong 60 offsite dormitories na may 1,456 bed capacity at mayroon din po kaming technical assistance.
Sa NCR, we have 1,543 bed capacity at sa ngayon po ay 61% ang occupancy rate natin.
Mayroon din po tayong mega-quarantine facility sa Region III.
We’ll be delivering within this month additional 104 rooms. By next month, in NCR, we will be delivering additional 210 rooms.
Comments