April 15, 2021
Moderated by Sec. Harry Roque:
Binuksan kahapon ang isang temporary treatment and monitoring facility sa Zambales.
As of April 11, ayon sa DPWH, mayroon na tayong 6,985 bed capacity. 66.17% sa mga ito ang occupancy rate.
Ayon din sa DPWH, ang target po natin ay nasa 26,259 bed capacity.
Pangatlo ang Pilipinas pagkatapos ng India at China in terms of tests per million population.
Samantala, in terms of total tests conducted, pangalawa tayo pagkatapos ng India among ASEAN countries.
Sa contact tracing, pinalakas pa po natin ito sa paggamit ng automatic contact tracing through the Smart Messaging System at may karagdagan tayo na 27,672 contact tracers sa NCR Plus Bubble.
Sa treatment, ni-set up natin ang One Hospital Command Center para mapagsilbihan ang pasyente na nangangailangan ng ospital.
Madadagdagan din ang dedicated beds for COVID-19 (patients) matapos ipag-utos ni Pangulong Duterte sa PhilHealth na i-settle nito ang kanilang mga obligasyon sa mga ospital.
Nasa 1,255,716 na po ang doses na na-administer ngayong 2021. Sa bilang na ito, 1,093,651 ang nakatanggap ng first dose habang nasa 162,065 ang nabigyan ng second dose.
Binukasan na po ng DOTr at PPA ang bagong passenger terminal building sa Tagbilaran Port.
Usec. Bernardo Florece, DILG
Dito po tayo nakatutok sa NCR dahil ito po ang ating area of interest.
Ang utos po sa atin ng IATF ay paigtingin lalo ang contact tracing. Bagama't mataas ang efficiency ng ating contact tracers e hindi natim alam kung nakakapag contact trace sila within 24 hours. Siguro 'yong iba within 48 hours, 72 hours... pero ang kauutusan ng IATF ay dapat within 24 hours, ma-trace 'yong confirmed case, and then 'yong close contacts.
Ngayon po sa NCR which is our area of interest, mayroon po tayong kasalukuyan na 10,097 na contact tracers.
Ngayon, kung susundin po natin ang ideal ratio na 1:800 ay kailangan po natin ng 17,000 contact traces.
Since kulang po tayo ng 7,000, nagbigay si DOLE sa pamamagitan ni Sec. Bello, ng 4,754. Ito ay madadagdag sa ating 10,000 contact tracers sa Metro Manila.
Paano sila mag-aapply? Mayroon po tayo mga requirements at qualifications. Binabaan na ang qualification from college graduates to high school graduate na, but we prefer those with relevant experience. 'Yong marunong man lang mag-interview.
Ano naman po ang mga requirements? Unang-una, letter of application, barangay certification at medical certificate.
Simula bukas, open na ang ating hiring at ito magtatapos sa April 22.
Dr. Ted Herbosa- Medical Adviser, National Task Force:
Ako po ay inirekomenda lang ng ilang doktor dito sa NTF.
Kusang loob naman po akong nag-volunteer sa pamahalaan kasama ng ilang kasamahan ko po.
Sa lahat po ng krisis, nagkakaroon po talaga ng paunang chaos bago po maayos ang pagpapadaloy na 'to.
Bilang isang disaster manager, nagpaplano po ang tinatawag... contingency planning para po madistribute ang mga resources sa mas nakakarami at mas kaunti ang mamamatay at maisasalba natin ang madami.
Marami ang bumabatikos ngunit kulang ang kaalaman sa tunay na nagaganap at nagagawa ng pamahalaan.
Alam natin... nakikinig din naman kami sa mga solusyon at kung may concern ay maitama
Kailangan din po natin na posible ito at tuluyan ang pagbigay sa mga operations.
Sa testing, nasa 52,000 na at umabot pa tayo sa 63,000 tests sa isang araw.
Alam ko lahat tayo ay may kaba, ngunit kailangan nating maging matatag sa ating kalaban — sa pandemya. Hindi po tayo ang magkakaaway.
Sec. Eric Domingo - Director General, FDA:
Unahin ko na po muna 'yong kontrobersyal na gamot (Ivermectin) Sa ngayon po ongoing pa ang clinical trial sa buong mundo.
Ang DOST sabi nga, 'wag na tayo gumawa ng clinical trial dito dahil 6 na buwan bago magawa 'yon at may mga ongoing na at intayin na lang natin ang resulta.
It's still an investigational drug pero walang matibay na ebidensya na makakatulong ito sa COVID kaya 'di pa po siya kasama sa ating mga treatment guideline.
May nag-apply na po sa atin finally for registration ito pong ivermectin as anti-parasitic at ngayon ay pinoproseso na.
May mga ospital na po tayo na nabigyan na ng compassionate special permit for that.
Bawal pa ring magbenta ng gamot over the internet. Mag-ingat po kayo dahil hindi natin alam kung saan galing ang gamot.
'Yong sa Astrazeneca naman po, dumating na 'yong mga recommendation ng WHO, ng Vaccine Expert Panel at mga experts natin at unanimous naman lahat.
Ang paggamit sa Astrazeneca na bakuna ay talagang the benefit outweighs the known and potential risks.
Dito sa atin wala pang nakita ang ating Adverse Effect Committee natin no na similar cases sa blood clot sa Europa.
Sumulat din po ako kay Sec. Duque at sinabi ko po na we should continue 'yong vaccination program.
コメント