top of page
Writer's pictureDWWW 774 Admin 05

MALACAÑAN PUBLIC BRIEFING HIGHLIGHTS

April 19, 2021





Moderated by Sec. Harry Roque:

  • Sa wakas po, bumababa na ang mga kaso sa Metro Manila sang-ayon sa mga datos ng mga LGU.

  • Mula sa 4,083 noong April 15 naging 3,957 kahapon sa Manila.

  • Gano'n din sa Muntinlupa na mula sa 1,692 (April 15), bumaba na sa 1,578 kahapon.

  • Sa Pasay naman ay mula sa 480 naging 390. Samantala sa Valenzuela na mula sa 1,218 naging 1,173 na lang ang naitalang kaso noong April 17.

  • Magsasagawa ng inspeksyon bukas sa Luneta para sa nalalapit na pagbubukas ng Manila Mega COVID Field Hospital.

  • Kung inyong matatandaan, nagbukas na tayo ng mga sumusunod na modular hospital: 5 units sa Quezon Institute (110 bed capacity), 1 unit sa Lung Center Hospital (16 bed capacity), 1 unit sa may Jose Rodriguez Hospital (22 bed capacity)

  • Ongoing ngayon ang ginagawang modular hospital sa NKTI na may 60 bed capacity at 2 units sa Batangas City na mayroong 44 bed capacity.

  • As of April 18, 2021, 6pm, mayroon na po tayong 1,477,757 total doses administered na COVID-19 vaccine.

  • Pangatlo ang Pilipinas sa ASEAN sa may pinakamaraming nabakunahan laban sa COVID-19.

  • Sa bilang na 'yan, naa 1,164,494 na ang naiturok na bakuna sa mga A1 Health Frontliners.

  • Pinakamaraming bakuna ang na-rollout sa NCR na may bilang na 573,799.

  • Sa testing naman, pangalawa ang Pilipinas sa ASEAN na may 11,153,268 na test na naisagawa as of April 18.

  • Ito po ang ranking ng Pilipinas sa mundo sang-ayon sa John Hopkins. Pang-29 na po ulit ang Pilipinas sa total cases, no. 18 sa active cases, no 133 sa cases per 1M population at pang-93 sa case fatality rate.

  • Kung ikukumpara natin ang bansa sa ibang bansa, makikita na ang pagtaas ng kaso natin ay mababa pa rin kung kumpara sa mga bansang kagaya ng India, Spain, US, Canada, Italy, Brazil, France, at Turkey.

  • Sa NCR po, 84% ang utilized na ICU beds habang 63% ang utilized na isolation beds; 72% ang utilized ward beds habang sa ventilators ay 63% utilized.

  • Samantala sa buong Pilipinas po, 68% ang utilized ICU beds, 49% ang utilized isolation beds, 56% utilized ward beds at 47% utilized ventilators.

  • Makikita n'yo po 'yong ONE COVID Referral Center ay 1555 o 'di kaya 015-777-7777 o 0919-977-3333 o kaya landline naman na (02)886-505-00.

  • Sa Bagyong Bising, ayon sa DOTr at CAA, walang reported stranded passenger sa mga airport.

  • Balik normal ang operasyon ng mga paliparan sa Region 8 samantala sa Region 5, maliban sa Virac, Legaspi, Masbate at Naga, balik normal ang mga operasyon ng mga paliparan.

  • Sa mga pantala, sinabi ng DOTr at ng PPA na walang untoward incident o damage reported sa mga apektadong port areas maliban sa Catbalogan.

  • Base sa protocol, na-accommodate ang mga stranded na pasahero sa mga PPA ports.

  • Sa iba pang mga bagay, nasa 95% na ang tapos sa rehabilitation ng Port of Maribojoc sa Bohol.



Sec. Leonor Briones, DepEd:

  • Ang original na estimate ay aabot ng 1.2 million na teachers at mga support personnel pero ang mga LGU, kung maaalala n'yo ay nag-umpisa na sa kanilang vaccination activities.

  • 'Yong mga may comorbidities na mga teachers na halimbawa, from 60 to nearing 65, nabakunahan na sila.

  • Mababa ngayon at up to 791,000 ito at dati, B ang classification ngayon kasama na sila sa A4.

  • Napakalaking job ito sa mga teachers.

  • Siguro mga June ito uumpisahan kasi by that time, mag-start na ng enrollment, marami na activities ang mga eskwelahan at kailangang protektado ang mga teachers.

  • Tuwang-tuwa kami sa balitang ito dahil medyo matagal na namin itong kinakampanya para maisama ang mga teachers sa mga mauunahang mabakunahan.

  • Ang mga teachers natin, may mga listahan naman tayo at hindi na nila kailangang mag-register.

  • Isa lang ito sa mga magagandang balita na aming isinusulong para sa ating mga teachers.



Usec. Bernie Florece, DILG:

  • Nabanggit natin last time na ieexplain natin 'yong technical side ng ating StaySafe na application na we will use by the government.

  • Sa ngayon po, gusto ko po muna ma-introduce sa inyo ang StaySafe.

  • Ito po ang napili na contact tracing application ng gobyerno at na-i-turnover na sa pamahalaan at minamanage na ng DILG.

  • Ngayon po ay dahil pinapaigting po natin ang contact tracing, lalo ito magiging efficient sa pamamagitan ng digital contact tracing.

  • Ito 'yong technical solution sa ating contact tracing.

  • 'Yong ating mga contact tracer ay tuloy-tuloy pa rin sa pag-monitor at paghahanap ng mga nagpositibo at maging mga naging kanilang close contacts.

  • So dalawa po 'yan, isa 'yong active at 'yong passive contact tracing.

  • 'Yong passive contact tracing, we rely on some surveys, health declaration forms. Mas mahalaga yung active contact tracing kasi ito ay proactive in data collection, makakatulong ang StaySafe dito.

  • Dagdag ko lang po na itong StaySafe ay may QR code capability. Sa ngayon kasi kanya-kanya tayong QR code, contact tracing app sa LGUs and malls, pero ito lahat ay i-integrate natin sa StaySafe.

  • Ang kagandahan nito, hindi na tayo magsusulat sa health declaration form kada pasok natin sa establishment form, QR code na ang babasahin.



Usec. Manny Caintic, DICT:

  • Kailangan natin mas palawigin ang contract tracing para maagapan ang patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

  • Ang una po na nais nating maintindihan ay ang investigative tracing tulad ng sinasabi ni Usec. Florece na active tracing.

  • Sa kasalukuyan, ang lahat ng datos sa mga laboratoryo ay dinadala sa CDRS.

  • Ang isang pang paraan para mas mapaigting ang contact tracing effort sa bansa ay ang paglalagay ng exposure notification sa ating contact tracing application.

  • Ito ang magsasabi sa atin kung may nagpositibo sa paligid natin.

  • Ito ay isang proyekto ng Google at Apple para mapadali ang contact tracing efforts laban sa COVID-19.

  • At dahil nai-report na ang kondisyon ng isang pasyente sa application at ang lugar kung saan siya pumunta, maibabato na ang datos ng mga ito sa LGU Command Center.

  • Mahalaga rin magkaroon ng information exchange sa mga LGU upang makita ang isang suspected case ay nagkaroo ng exposure sa ibang LGU.

  • Ang isa pang paraan para mapaigting din ang hakbang ay ang paggamit din ng QR code sa mga establishment.

5 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page