April 22, 2021
Moderated by Sec. Harry Roque:
Binabati ko po ang lahat ng Happy Earth Day ngayong araw.
Ito ay isang espesyal na araw para ipaalala ang kahalagahan na alagaan at protektahan ang inang kalikasan para sa susunod na henerasyon.
Ang Pilipinas ang isa sa mga most vulnerable na bansa sa epekto ng climate change.
Dahil dito, ang issue ng climate change ay relevant sa Pilipinas.
Sa panahon ng pandemya, makatutulong ang lahat kahit sa munting paraan sa pamamagitan ng pagtatapon ng wasto ng pinaggamitan na face mask at face shields.
Patuloy din nating ipinopromote ang active transport. Kaugnay nito, isang magandang balita no? Inilunsad ang isang matagumpay na public private partnership kahapon. Ito ang DOTr DOTr-SM bike manual para i-promote ang active transportation, road safety, courtesy, and etiquette para sa nagbibisikleta, drivers at pedestrians.
Higit sa 140,000 ang ipinamigay na manula sa buong bansa for download ng social media pages ng DOTr at ng SM.
Ayon sa DOTr, mayroon ng 296 km bike lanes ang natapos ng pamahalaan. Ang target natin ay makapagtapos ng 535 km of bike lanes bago matapos ang taon.
Muling humarap si Pangulong Rodrigo Duterte kagabi para sa kanyang talk to the people address.
Pinatawag niya ang mga health experts para sa opinyon sa kahilingan ni DOLE Sec. Bello na paikliin ang araw ng quarantine ng mga OFW sa mga hotel at isolation facilities.
Matapos marinig ng Pangulo ang mga health experts, sinabi nito na hindi siya handa na payagan ang mas maaga na testing at quarantine protocols para sa mga OFW.
Pero wala pa pong pinal na desisyon dito dahil pag-uusapan pa ito sa pulong ng IATF.
Parating naman po mamayang hapon, 5:55pm sa NAIA ang 500,000 doses ng Sinovac COVID-19 vaccine ng China.
Pang-26 po ang Pilipinas sa buong mundo pagdating sa total cases ng COVID-19.
Nakikiramay po kami sa pamilya sa pagkamatay ni former DILG Usec and Special Envoy to Malaysia Atty. Wencelito Andanar.
Sec. Carlito Galvez - Chief Implementer and Vaccine Czar, NTF Against COVID-19:
Patuloy po ang pagpapaigtin ng pamahalaan sa COVID-19 response and mitigation plans bilang preparasyon ng ating bansa para sa tinatawag na long haul.
Patuloy po ang pag-iikot po namin sa mga NCR mayors.
Kasama rin po dito ang ating building resiliency para sa mga ICU at hospital beds para sa mga moderate and severe (COVID-19 cases)
We are also building up our manpower reserve.
Inuulit po natin ang ating budget ay nasa 82.5 billion.
Ngayon pong hapon, dadating din po 'yong 500,000 doses ng Sinovac.
Sa April 25, Sunday ay matatanggap natin ang pilot na 15,000 doses ng Gamaleya/Sputnik V vaccine. First dose po ito.
Sa April 29, darating naman po 'yong another 500,000 doses ng Sinovac at more or less 480,000 na Gamaleya/Sputnik V.
And hopefully po ay matanggap natin 'yong 195,000 doses ng Pfizer COVID-19 vaccine.
Sa month po ng May, madadagdagan tayo ng 4 million vaccine doses. 2 million sa Sinovac habang 1-2 million sa Gamaleya/Sputnik.
Hopefully, 'yong Moderna ay makapagdeliver na po ng first tranche (ng kanilang bakuna) na 194,000.
Sa status naman po ng ating vaccine rollout, mayroon na po tayong total na 1,612,420 na vaccines administered at saka mayroon na po tayong 1,397,682 na mga Pilipino na nabakunahan na.
Sa ating mga health workers, mayroon na po tayong 1,002,460 for first dose at mayroon na po tayong 214,776 na nakatanggap na rin ng second dose.
No.4 pa rin po tayo sa ASEAN sa mga bilang ng mga nabakunahan habang no. 42 tayo out of 188 countries at no. 15 out of 47 countries in Asia pagdating sa pagbabakuna.
Sec. Vince Dizon - Deputy Chief Implementer and Testing Czar, NTF Against COVID-19:
Mapapansin po natin noong Pebrero bago magkaroon ng surge ay nag-aaverage tayo ng 30,000 test per day pero ngayon po nung nagkaroon ng surge, lagpas 50,000 at nag-peak po tayo ng 66,000 tests noong nakaraang linggo.
As of today, halos 200,000 po na antigen tests ang ating nadeploy sa NCR, Pampanga, Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal at Batangas.
Comments