top of page
Writer's pictureDWWW 774 Admin 05

MALACAÑAN PUBLIC BRIEFING HIGHLIGHTS

May 11, 2021





Moderated by Sec. Harry Roque:

  • Mamaya ay tutulak papuntang Cotabato ang Presidente, kasama ang ilang miyembro ng Gabinete para pulungin ang mga opisyales ng BARMM, kapulisan, at kasundaluhan sa probinsya ng Maguindanao.

  • Ang objective niya ay iparating ang mensahe na hindi niya pwedeng pabayaan ang kanyang katungkulan na ipatupad ang batas.

  • Ang kanyang (Pangulong Duterte) mensahe, ipatutupad niya ang batas at hindi niya kukonsintihin ang paggamit ng dahas diyan sa Maguindanao.

  • Nagkaroon ng regular Talk to the People Address ang ating Pangulo mula dito sa Davao.

  • Naipaliwanag ang insidente sa Scarborough Shoal noong Aquino Administration kung saan umalis ang Philippine Navy habang nanatili ang mga barko ng Tsina.

  • Ano ho ba ang kahalagahan nitong Scarborough Shoal? Well alam n'yo po kasi, tahimik ang usaping West Philippine Sea unless hanggang noong mga panahon na 'yon unless may nakita na mga mangingisdang Tsino doon sa Scarborough Shoal.

  • Kapag ikaw po ay nagpadala ng Navy boat, ng gray ship, that is an act of war.

  • Kaya po pumutok ang kontrobersya sa West Philippine Sea.

  • Totoo po na hindi pa po nareresolba ang issue na 'yan pero until 'yong Scarborough Shoal incident e tahimik naman po 'yong mga claimant countries.

  • Naging mainit lang po 'yan dahil nagpadala ng Navy boat.

  • Pero 'wag po kayo mag-alala dahil din po sa desisyon ng Tribunal ay nakakapangisda naman po ang ating mga kababayan.

  • Pero paulit-ulit na po nating naririnig po itong Scarborough Shoal. Ano nga ba ito?

  • Sa ngayon po kasi, halos lahat po na nangingisda sa Zambales... sa Scarborough Shoal, ay galing po sa Zambales bagama't may ilan ay galing sa Pangasinan at mayroong iba na galing sa Bataan kung hindi po ako nagkakamali pero ang karamihan po ay galing sa Masinloc.

  • Tignan po natin ang itsura ng Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal. Makikita natin sa mapa ang agwat ng Tsina, Taiwan at Vietnam dito.

  • 427.7 nautical miles galing po sa Taiwan, 446nm galing po sa coastline ng China at 476.5nm galing ng Vietnman pero ito po ay 120nm galing sa Pilipinas.

  • Ibig sabihin, kabahagi po ito (Scarborough Shoal) ng ating exclusive economic zone.

  • Nagsalita na naman po si dating Associate Justice Carpio: wala raw ginawa si Presidente nang kinuha ang Sandy Cay sa Pilipinas. Isa na naman po itong malaking kasinungalingan.

  • Sa katunayan, bagama't (audio inaudible/medyo garalgal po audio ni Sec. Roque) ...Sandy Cay, sa annex 95 ng Memorial o pleading ng Pilipinas sa Hague, nakasulat po doon na ang Sandy Cay ay okupado po ng Vietnam pero kung ang tinutukoy po ni Justice Carpio ay 'yong Sandy Cay na malapit sa Pag-asa at sinasabing may mga larawan daw ng mga tropang Tsina dito e ito po ang pinakabagong larawan na ibinigay sa akin ng National Security Adviser Sec. Esperon.

  • Ito pong mga Sandy Cay na ito ay 4 na kilometro o 4 na milya/nautical miles from Pag-asa kung saan may mga naka-station ng mga sundalo.

  • Ang katunayan kung hindi dahil dito sa bagong pagkakaibigan (ng Pilipinas at Tsina), baka napataboy ng tayo ng Tsina sa lahat ng islang ating hinahawakan.

  • At sa Lunes po, ipapakita ko isa-isa kung nasaan 'yong mga islang hinahawakan natin at ano 'yong ating presensya sa mga iyon.

  • Pumunta naman po tayo sa usaping bakuna. Aarangkada na po ang mas maraming mga bakuna sa pagdating nga po ng mga karagdagang deliveries.

  • Dumating nga po kamakailan ang 1.5 million na Sinovac, dumating ang 2 million doses ng Astrazeneca at 'yong 193,000 na Pfizer.

  • Mahigit kumulang 7,571,000 COVID-19 vaccines na ang dumating sa bansa.

  • Kagabi dumating ang 193,050 doses ng Pfizer.

  • Ang first batch ng Pfizer vaccine ay ipapamahagi sa Metro Manila, Cebu City at Davao City.

  • Ngayong Mayo, inaasahan natin na aabot sa 11,364,000 doses. Inaasahan natin (ang pagdating ng) 1,100,000 ng Pfizer vaccines, 500,000 doses ng Sinovac at 2,000,000 ng Sputnik V vaccines.

  • Patuloy naman po ang ating improvements sa Average Daily Attack Rate. Mula 30.98% sa NCR noong April 11-24 ito po ay naging 19.02% noong April 25 hanggang May 8.

  • Gano'n din po ang 2-week Growth Rate. Mula sa -15% sa NCR noong April 11-24, ito po ay naging -39% noong April 25 hanggang May 8.

  • Sa iba pang mga bagay, ang Pilipinas ay nasa ilalim ng State of Calamity dahil sa South African Fever outbreak.

  • Nilagdaan kahapon ang Proclamation No. 1143 na nagdedeklara ng nasabing State of Calamity sa loob ng isang taon sa buong bansa unless earlier lifted or extended as circumstances may warrant.

  • Nakasaad sa Section 2 ang nasabing proklamasyon. "All government agencies and LGUs are enjoined to render full assitance to and cooperation with each other, and mobilize the necessary resources to undertake critical, urgent and appopriate measutes in a timely manner to curtail the further spread of ASF, address the supply depicit in pork products, reduce retail prices, and jumpstart the rehabilitation of the local hog industry."

  • Usaping baboy pa rin po, tinaasan ang minimum access volume o MAV ng karne ng baboy. Nilagdaan ni Presidente ang Executive Order No. 133 kahapon kung saan ang MAV ng karne ng baboy sa taong 2021 ay tinasaan sa 54,210 metric tons sa 254,210 MT.

  • Inilagay po sa MECQ kahapon ng IATF ang mga probinsya ng Cagayan, Apayao at Benguet.

0 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page