May 17, 2021
Moderated by Sec. Harry Roque:
Usaping bakuna po muna tayo. Halos 3 milyon na po 2,959,829 doses ang na-administer na as of May 15, 2021, 6pm.
Nangunguna pa rin po ang mga A1 Frontliners and Health Workers (sa bilang ng mga nabakunahan)
Makikita n'yo rin po na sa A1, sa first dose ay may 1,215,974 na ang nakatanggap habang sa mga seniors ay may 589,943. Para naman sa mga may comorbidities, mayroon nang nakatanggap na 430,525. Ang mga frontline personnel po o A4 ay mayroon 8,955.
Sa mga nakakumpleto na ng dosage, mayroon ng 414,467 sa A1; 82,999 sa A2; 216,774 sa A3 at 192 sa A4.
Ang Priority Group A4 ay binubuo ng economic frontliners – commuter transportation, public and private wet and dry market vendors, workers in manufacturing for food, beverage, medical, and manufacturing products, etc.
Napagkasunduan ng IATF na ang mga gobernador at mga mayor ay mapapabilang na rin sa Priority A1.5. Ito ang nilalaman ng IATF Resolution No. 115-B. Sa mayors at governors, magpabakuna na rin po tayo.
Nasa anong estado na po tayo sa pagbabakuna? Talagang inuna po natin ang mga kasama A1, A2 at A3 at plano po natin na hanggang katapusan ng Mayo ay patuloy na mabakunan ang kasama sa grupong ito.
Pero, pagdating po ng 3rd quarter o beginning June or possibly a bit earlier po, hanggang A4 at A5 ang mababakunahan natin. Sabay-sabay na po 'yan kaya hinahanda na po natin ang mga mega at minsan pa ay giga vaccination centers.
Pagdating naman po ng Agosto ay sisimulan na po natin pati ang mga B, ang buong samabayanang Pilipino hanggang sa ma-achieve natin ang herd immunity.
Ngayon, ano po 'yong istratehiya natin? Well syempre po sa kahit anong pandemya ay bibigyan natin ng priority ang mga lugar kung saan mataas ang COVID-19 (cases)
Ito po ang dahilan kaya po tayo magsisimula sa NCR +6 provinces na Bulacan, Cavite, Pampanga, Laguna, Batangas at Rizal kasama po ang Metro Cebu at Metro Davao.
Pero po hindi po natin kakalimutan ang buong daigdig. Sa isang model po na pinag-usapan kamakailan, sa kasagsagan po na nariyan na ang mga bakuna, ang mga 42% ang inirereserve po natin sa NCR at sa +6 provinces kabilang ang Metro Cebu at Metro Davao.
Pero 'yong ating expansion areas po (sa pagbabakuna) ay uunahin natin ang Region 3, Region 4, Cagayan de Oro, Baguio City and Zamboanga City.
Tapos 'yong Bacolod, Iloilo, GenSan, Iligan, Region 7 and Region 11.
Sunod po dito ang Region 10, Region 6, Region 8, Region 9, Region 2 and CAR.
Tapos 'yong Region 5, Region 1, Region 12 at Region 13 (CARAGA)
Ang sumatotal po ay ang mababakunahan po natin ang 83,829,719 at ang 70% po niyan ay 58,680,803.
Samantala, nagsimula noong Sabado ang GCQ with heightened restrictions sa NCR Plus na tatagal hanggang sa katapusan ng ng buwan.
Ulitin po natin kung ano ang ibig sabihin ng GCQ with heightened restrictions.Mayroon po tayong bahagayang pagbubukas ng eknomiya bagama't ito ay hindi katumbas nung mga binuksan na nating ekonomiya sa ilalim ng ordinaryong GCQ. So ibig sabihin, may kaunting binuksan pero mas kakaunti ang binuksan kumpara sa regular na GCQ.
For instance, 'yong outdoor tourist attractions po tulad ng Fort Santiago. Binuksan po natin pero hanggang 30% capacity lamang iyan.
'Yong mga beauty salons, barber shops, beauty partlos, medical aesthetic clinics, cosmetic or derma clinics, nail spas, reflexology, aesthetics, wellness and holistic centers and other similar establishments, acupuncture and electrocautery establishments, binuksan po natin 'yan ng hanggang 30%.
'Yong limited social events at accredited establishment of the DOT ay 10% (capacity) po.
'Yong outdoor dine-in services (al fresco) ay 50% habang ang indoor dine-in services ay 20%.
Ano po mga 'di pa allowed? 'Yong mga indoor non-contact sports courts or venue, fitness studios , gym, spas or other indoor leisure centers or facilities, and swimming pools. Indoor visitor or tourist attractions, libraries, archives, museums, gallerties and culutral shows and exhibits. 'Yong venues for meetings, incentives, conferences and exhibitions. Entertainment venues (bars, concert halls, theaters). Recreational venues (internet cafés, billiards, halls, arcades, amusement parks, fairs, playgrounds, kiddie rides, inddor sports, courts and venues and indoor tourist attractions.)
Ang ating stratehiya po ay unti-unting pagbubukas kasi ang hinaharap po natin ay mga new variants na mas mabilis kumalat, mas nakakahawa, at meron pa pong banta na double mutants na galing po sa India.
Sa GCQ areas with heightened restrictions, allowed naman po 'yong non-contact sports na outdoors. Kasama po 'yong mga games at scrimmages basta outdoors.
Sa mga religous gatherings naman po pinapayagan po hanggang 10% capacity.
Sa populasyon naman po, tanging mga 18 hanggang 65 years old muna ang papayagang makalabas ng mga tahanan.
Ang transport naman po ay lahat po ay operational.
Sa iba pang mga bagay, magiging panauhin po mamayang gabi si dating Senate President Juan Ponce Enrile sa Talk to the People.
Sabi nga po ng Pangulo, Former SP Enrile was right there at the beginning.
Kailangan po natin pakinggan ang sasabihin ni dating Senador dahil magandang malaman ang papel ni dating Senador Trillanes at dating DFA Sec. Del Rosario sa usapin ng pagkawala ng Scarborough Shoal sa Pilipinas.
Ang pagkawala ng Scarborough Shoal ay naging hudyat ng kaguluhan sa West Philippine Sea na dati po ay tahimik.
Bago nagkaroon ng komprontasyon noong 2012, tahimik ang usapin sa West Philippine Sea.
Pero matapos ang kontrobersiya sa nakalipas na administrasyon, nawala sa atin ang Scarborough Shoal at ipinagbawal ang mga mangingingisda na makapag-hanap buhay sa Borough, na ginagawa na nila noong panahon pa ng kanilang mga ninuno.
Bilang ganti ng Tsina sa ating arbitration, ang Scarborough Shoal incident din ang naging dahilan kung bakit nagkaroon ng base-militar ang Tsina sa artificial islands na karamihan ay kabahagi ng ating exclusive economic zone.
Dr. Gap Legaspi - Director, PGH:
Ang paglalahad ng mga pangyayari points to a possible faulty electrical wiring or circuit breaker. Wala pa pong final pero ito ang initial findings ng ating mga imbestigador.
Ito ay support area para sa 32 operating rooms sa 3rd floor na 'yon kung saan lahat pinoproseso ang mga instrumento para pang-opera. Very vital siya to conducting operations on a daily basis.
Dito rin po naka-store ang aming mga gamit for surgery like lines, drapes.
Malaking bagay din na kumokonti na ang pasyente. I think there were around 30-34 patients in that area na kailangan ilikas, nalipat naman sila sa ibang COVID areas ng ospital pati bagong bukas na ER na cinonvert namin temporarily to a COVID area.
So, may mga konti pong temporarily na nahalo sa mga open area pero 'di po lumapit at 'di po dumikit sa mga non-COVID area.
But for now, bumalik na po sila sa kani-kanilang mga wards.
Ang naging regular monthly support, umabot ng P25 million po subject to liquidation and renewal of contract. Sa ngayon, hinihintay namin marenew ang contract for the coming months.
For now, I think may questions sa structural integrity (ng PGH) kaya importante po talaga na makita ito ng DPWH specialists.
Comments