top of page
Writer's pictureDWWW 774 Admin 05

MALACAÑAN PUBLIC BRIEFING HIGHLIGHTS

May 25, 2021




Moderated by Sec. Harry Roque:

  • Pinulong kagabi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Regional and Peace Order Council ng Region 7 doon po sa Dumaguete City.

  • Ito ang ilan sa mga mahahalagang sinabi ng ating Presidente bagama't ang ilang pinag-usapan ay confidential.

  • Pero siguro po hindi naman po masama kung sasabihin ko na po unang-una na nagparating po ng mensahe ang ating Presidente that he is "appalled" sa mga patayan na nangyayari sa Negros Occidental.

  • Ang sabi niya is he will be completely neutral pero gagampanan ng estado ang kanyang obligasyon na imbestigahan, litisin at parusahan ang mga tao na pumapatay sa Negros Oriental.

  • Bukod pa po rito, inatasan ng Presidente ang DENR na resolbahin ang mga conflicting claims to untitled land na pinagmumulan ng mga patayan.

  • Inatasan din ng Presidente ang Department of Agrarian Reform na pabilisin ang pagdi-distribute ng lupa sa farmer beneficiaries dahil sabi niya, sa probinsya ng Negros ay talagang ang kawalan ng lupa ang isang dahilan kung bakit nag-aaklas ang mga rebelde.

  • Naglabas po ang SWS ng kanilang latest survey that is conducted last April 28 to May 2 kung saan tinanong ang mga respondents na "Kung makakapili ka sa tatak ng bakuna, na lahat aprubado ng FDA ng Pilipinas, alin sa mga sumusunod ang pipiliin mo?"

  • 39% po ang nagsabi na ang pipiliin nila ay Sinovac Biotech habang 32% ang nagsabi ng Pfizer, 22% sa AstraZeneca at 2% ang nagsabi ng Gamaleya.

  • Kaugnay po nito, may lumabas na isang artikulo ang isang pahayagan sa Estados Unidos na "The Unseen COVID-19 risk for unvaccinated people" kung saan pinapakita na.. bagama't ang COVID-19 cases, deaths at hospitalization ay bumababa na sa Amerika, iba ang nangyayari sa mga hindi pa nababakunahan.

  • "Washington stae has been publicizing the extreme threat of hospitalization for unvaccinated people. It said unvaccinated seniors are 11 times as likely to get hospitalized than seniors who got the shot. For unvaccinated people age 45 to 64, the chance of COVID-19 hospitalization is 18 times higher."

  • As of May 24, 2021, 6am, may dumating na po na 8,279,050 doses ng mga bakuna sa bansa ayon sa National COVID-19 Vaccination Operations Center.

  • Samantalang nasa 4,169,905 ang mga na-administer na bakuna.


Sec. Vince Dizon, Testing Czar:

  • Umabot na po ng 4.3 mahigit ang pagbabakuna sa buong bansa.

  • Out of the said number, 3.3 milyon na po ang nabigyan natin ng first dose at halos isang milyon nang mga Pilipino ang bakunadong buo ng dalawang doses.

  • Talagang napakalaki na po ng pag-arangkada ng ating pagbabakuna.

  • Ngayong Week 12 na natin (sa pagbabakuna), umabot na ang average natin sa isang linggo ng 166,000 vaccinations in one day.

  • Ang pinakamataas nating naabot na pagbabakuna ay...236,244.

  • Tumaas po ang ating ranking sa Southeast Asia. Tayo po ay pumapangalawa sa Indonesia at 4.3 million.

  • Mas mataas po tayo sa Singapore, Cambodia, Myanmar, Thailand, Malaysia at Vietnam.

  • Kung titignan po natin kada araw, ang Indonesia po ay may 272,022 lang ang nababakunahan habang tayo po ay may 170,069 as of May 25 ang nababakunahan (kada araw)

3 views0 comments

Recent Posts

See All

Yorumlar


bottom of page