top of page

MALACAÑAN PUBLIC BRIEFING HIGHLIGHTS

  • Writer: DWWW 774 Admin 05
    DWWW 774 Admin 05
  • Jun 10, 2021
  • 3 min read

June 10, 2021





Moderated by Sec. Harry Roque:

  • Dumating kaninang 7am ang isang milyong doses ng Sinovac at mamaya ay inaasahang darating ang mahigit 2 million o 2,279,160 doses ng Pfizer COVID-19 vaccine.

  • Ito na, ayon sa National Task Force ang pinakamalaking single-day delivery ng bakuna.

  • Kabilang ito sa 11 milyong doses ng bakuna na inaasahan nating darating ngayong buwan ng Hunyo.

  • Tiniyak ng ating vaccine czar Sec. Carlito Galvez na magkakaroon ng steady supply ng bakuna at bibigyang prayoridad sa ating vaccine deployment ang mga lugar na most vulnerable sa COVID-19 surges alisunod sa direktiba ng ating Presidente.

  • Nagsimula na rin po ang bakunahan sa A4 priority group o mga economic frontliners ng mga lokal na pamahalaan.

  • Kahapon, June 9 sa San Juan ay nagsimula na ang pagtuturok sa mga empleyado kabilang ang mga store vendors ng mga business establishments pati ang mga hindi residente ng San Juan ngunit nagtatrabaho rito ay kasama sa listahan ng A4.

  • Inuulit po namin ha? Libre po ang bakuna. First dose at ang second dose.

  • Sa iba pang mga bagay, nakikiramay po kami sa pamilya ni football player Keith Absalon at sa kanyang pinsan na si Nolven sa kanilang pagkamatay sa isang pagsabog na inako ng CPP-NPA.

  • Inuulit po namin, ang ginawa po ng CPP-NPA ay isang international war crime. Pwede pong hulihin, litisin at parusahan ang mga taong gumamit ng pasabog na ito kahit saang parte ng daigdig kasi what they did po is a crime against the international community.

  • Mariin namin itong kinokondena. Narinig po ni Presidente ang hilig at iyak ng pamilya ni Keith ng hustisya lalo na at nagsabi ang mga ito na binaril ang mga biktima.

  • Nangako ang Pangulo na masusi itong iimbestigahan at pagbabayarin ang mga may sala.

  • Samantala, magandang balita naman po tumaas ang ating exports noong buwan ng Abril by 72.1% ayon po sa datos ng Philippine Statistics Authority.

  • Ito ang pinakamataas sa mga ekonomiya sa Asya. Nalampasan natin ang 38% ng Japan at 32.3% ng China.

  • Mula USD3.32 billion noong April 2020 ito ay naging USD5.71 billion ngayong April 2021.

  • Hudyat ito ng pagbagon ng ating ekonomiya.



Hon. Justice Francis H. Jardeleza, Former Supreme Court Associate Justice:

  • Ako po ay sumulat kay Pangulo sapagkat magbibigay po ako ng isang ehemplo kung bakit kailangan natin na (audio inaudible) ...batas.

  • Alam n'yo po, pinapadala natin ngayon bilang mga tawag sa kanila ay mga frontliners natin sa West Philippine Sea ang mga kasamahan natin sa Philippine Coast Guard, mga kawani ng Philippine Navy atsaka mga opisyales ng Philippine Air Force na magpatrolya sa WPS.

  • Ngayon ang nangyayari ay halimbawa ay nakaraang dalawang linggo ay may nag(audio inaudible, Justice Jardeleza lost connection)

  • Ang mahalaga po ay kunyari ay nilagay n'yo ang sarili n'yo sa mga Coast Guard, mahalaga na sila ay... (audio inaudible) ...lugar. Anong ibig sabihin? Kailangan mahalaga na may batas na nakasabi na ano ang sukat ng ating teritoryo?

  • Ngayon, ano ang sukat ng ating mga possession sa WPS? Ang ating Coast Guard ay nagpapatrolya sa isang islet sa kunwari sa Pag-asa... sasabihin ng mga binibini ng Coast Guard sa dayuhan "Huwag kayo dito kasi ito ay sa amin."

  • Ngayon, paano nila malalaman na ito ay sa atin? 'Yong ngayon, diyan papasok ang panukala namin na panahon na sa lahat ng mga possession natin sa WPS ay dapat ang sukat o coordinates ay klaro na mailagay sa batas para wala ng question.

  • Now, kung magkakaso man, then may klaro na tayong paninindigan na ito o tignan n'yo, itong batas namin, ito ang sukat ng sinabi namin.



Prof. Rommel Bagares

  • Ang sabi ng arbitral court sa kanyang arbitral award noon 2016, hindi na natin pwedeng itrato 'yong tinatawag nating dating Kalayaan Island Group bilang isang unit dahil ito ay ipinagbabawal, ito'y hindi alinsunod sa UNCLOS bagkus pinaghiwa-hiwalay na 'yong mga nandoon na tinatawag nating features.

  • Ano ngayon ang kahalagahan ng batas? Dahil 'yong atin po na R.A 9522... bago 'yan 'yong P.D 1596... ayon po talaga 'yong pinakabatas ba atin pong nilakad para patunayan na tayo ang may-ari sa lugar na 'yan.

  • Ang batas nating RA 9522 at PD 1596, pareho itong batas na ginawa ng Kongreso. Alam natin na hindi pwedeng amyendahan ng executive act.

  • Ayon sa international law, kailangan ng sovereign acts. Ang nailatag ng mga nabanggit kong mga kaso ay acts of Congress, dahil ito talaga ang malinaw na pahiwatig ng tinatawag na 'acts of effective occupation by a sovereign' which is also pursuant to Island or Palmas arbitration



Dr. Melisa Loja, Ph.D. in Public International Law and LLM in International Human Rights Law, University of Hong Kong:

  • The proposed bill has 3 things. First, it identifies features by coordinates and name. Second, it identifies or demarcates the baselines. Finally, it reiterates continuing claim to sovereignty of the Philippines.

Comments


Join our mailing list

Never miss an update

Thanks for submitting!

© 2023 by Artkom Creatives

Proudly created with Wix.com

bottom of page