top of page

MALACAÑAN PUBLIC BRIEFING HIGHLIGHTS

  • Writer: DWWW 774 Admin 05
    DWWW 774 Admin 05
  • Jun 14, 2021
  • 3 min read

June 14, 2021




Moderated by Sec. Harry Roque:

  • Usaping bakuna po muna tayo. Dumating noong Huwebes, June 10 ang 2,279,160 doses ng Pfizer.

  • Sa numerong ito, 210,600 each ang mabibigay sa Metro Cebu at Metro Davao.

  • Noong Biyernes, June 11, 100,000 doses ng Sputnik V vaccine ang dumating. Itong batch ng bakuna ay magsisilbing component one o first dose ng bakuna.

  • Sumatotal, mayroon ng 180,000 na Sputnik V na dumating sa Pilipinas.

  • As of June 13, 2021, nasa mahigit 9 na milyon o 9,329,050 doses ng bakuna na ang dumating sa bansa.

  • Nasa 6,870,054 doses ng COVID-19 vaccines ang na-administer as of June 12, 2021.

  • Kaugnay nito, nagsimula ang phased vaccination ng Armed Forces of the Philippines kaninang umaga sa Camp Aguinaldo.

  • Bukas naman ang bakunahan ng ating kapulisan sa Camp Crame. Inaasahan natin na mismo ang hepe ng pambansang kapulisan na si Gen. Eleazar ang mangunguna sa bakunahan.

  • Inuulit po namin, libre po ang bakuna, first dose at second dose.

  • Samantala, may lumabas na balita sa Sinovac COVID-19 vaccine sa bansang Uruguay kung saan ikinumpara ang 795,684 na indibidwal sa kanilang bansa na nakatanggap ng second dose (laban) sa mga hindi nabakunahan.

  • Lumabas na 95% effective ang Sinovac para maiwasan ang deaths, 92% para maiwasan ang intenstive care admissions at 61% efficacy para mabawasan ang coronavirus infections.

  • Hindi rin nalalayo ang Pfizer sa report sa Uruguay kung saan ito ay 94% effective para maiwsan ang intensive care unit admissions at 78% para mabawasan ang infections.

  • Isa lang ang ipinapakita nito, ang mabisang bakuna ay ang bakunang mayroon na. The best vaccine is the available vaccine.



Sec. Vince Dizon, Testing Czar:

  • Ang unang ipapakita po natin ay 'yong noong nakaraang linggo ay naka-isang milyon na naman tayo na doses administered.

  • 3 linggo na po tayo nakakapagbakuna ng 1 milyon kada linggo.

  • At dahil po diyan, 7 million na ang ating nababakunahan at pabilis nang pabilis ang ating pagbabakuna.

  • At noong nakaraang linggo, tumaas na naman po ang ating pagbabakuna. Noon, nag-aaverage po tayo ng close to 250,000 per day at nakapag-peak tayo ng mahigit 200,000 o 220,000 noong nakaraang linggo.

  • Despite na kakaunti pa lang ang bakuna ang dumating nitong nakaraang 2 weeks, dumadami nang dumadami ang ating pagbabakuna.

  • At kampante po tayo at very positive po na sa mga susunod na linggo dahil nga po sa mga bakuna na inanunsyo kanina ni Sec. Harry ay mas marami pa po tayong mababakunahan sa mga susunod na linggo.

  • Last week, nag-launch na rin po tayo (ng pagbabakuna) sa A4.

  • Kahapon, dumating na ang FIBA Asia Cup qualifiers. Ito ay ang kauna-unahang international sports event sa Pilipinas simula nung ating paglaban sa COVID-19.



Sec. Mon Lopez, DTI:

  • Dito po sa safety seal, ito po ay isang paraan para mabigyan at mabalik ang kumpyansa ng ating mga kababayan at mga customers na 'yong establisyimento na may safety seal ay sumusunod sa minimum public health standards.

  • Ito po ay isang sticker na inilalabas, inilagagay sa labas at ito po ay ibinibigay pagkatapos ng isang inspeksyon ng government agency na naka-assign sa mga establishments.

  • Ang paraan para mag-apply ng Safety Seal ay online. Mayroon silang gagawing self assessment to make sure that they are compliant with the minimum public health protocol. And when they are confident na they are complying, mag-request na sila ng inspection.

  • Meron po tayong ire-request mamaya sa IATF na kung pwede, at dahil marami pong nagre-request na magbukas agad, pwede naman nating i-request na instead of 30% venue capacity, magbukas sila kahit 20%.

  • Para lang makapag-open na sila at hindi na sila maghihintay ng inspection.

  • Ang Safety Seal naman po ay would really allow a 10 percentage increase sa mabibigyan nito even in restaurants, salons...

  • Hopefully this will encourage consumers' confidence and eventually business confidence.

Comments


Join our mailing list

Never miss an update

Thanks for submitting!

© 2023 by Artkom Creatives

Proudly created with Wix.com

bottom of page