top of page
  • Writer's pictureDWWW 774 Admin 05

MALACAÑAN PUBLIC BRIEFING HIGHLIGHTS

August 10, 2021





Moderated by Sec. Harry Roque:

  • Narito po tayo ngayon sa headquarters ng One Hospital Command Center sa PICC.

  • Ang One Hospital Command Center para sa kaalaman ng lahat ay may mahalagang papel na ginagampanan sa ating COVID-19 response.

  • Minomonitor nila at nagbibigay ng real-time data ng mga available na kama sa mga ospital hindi lang sa Metro Manila kundi sa buong Pilipinas.

  • Usaping sports muna tayo dahil kahapon sinabi ko po na hindi aksidente o co-incidence na ang ating kauna-unahang ginto at best perfomance ever sa Olympics ay dahil din po sa mga resources na ginugol ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

  • Sa taong 2011, 'yong first full year ng previous administration, nasa P168 million lamang po ang budget sa sports eh kung ikukumpara natin ito sa first full year ng Duterte administration. Ang full budget ay P223 million. Halos doble po.

  • Sa last year naman po ng previous administration, ang budget sa sports ay P186 million pero sa last year po ng taong 2021, ang budget po na binigay ng Duterte administration sa sports ay P1.3 billion.

  • Isa pang magandang balita. Ngayong umaga ay nagkaroon ng anunsyo ang ating economic managers tungkol sa pagbangon ng ekonomiya. Ayon sa PSA, lumago ang ating ekonomiya noong second quarter of 2021 to 11.8% from -17% in the same period last year.

  • Ito na ang pinakamataas na GDP growth na nai-record simula fourth quarter of 1988.

  • Patunay ito na sa gitna ng pandemya, pinag-iingatan natin ang buhay para sa hanapbuhay.

  • Humarap naman po kagabi si Pangulong Rodrigo Duterte kasama ang ilang piling opisyal at gabinete sa taumbayan para sa kanyang regular Talk to the People Address.

  • Masayang ibinalita po ni DA Sec. William Dar na 19.4 million metric tons ang naaning palay noong nakaraang taon. Ito ang pinakamataas sa ating kasaysayan na may 90% rice self-sufficiency.

  • Dagdag pa ng kalihim, target natin ang 20.4 m metric tons ng harvested palay sa unang semestre ng 2021 ay mayroon ng 8.8 m metric tons ang naani.

  • Nagpahayag din ang Pangulo kaugnay sa pagbibigay ng tax relief sa manufacturers ng medical oxygen na kanyang sinabi na vital component laban sa COVID-19.

  • Sa usaping bakuna naman po, nagbigay ng posisyon ang DOH na i-retain ang policy na huwag na muna pabakunahan ang mga batang may edad 17 pababa sa ngayon.

  • Ang polisiya natin ngayon ay tanging mga batang may comorbidites lamang ang magkakaroon ng access sa pinapayagang bakuna at maaring makonsidera na maaring mabakunahan sa oras na ma-stabilize ang supply natin ng bakuna.

  • Kung inyong matatandaan, nagbigay ng EUA ang FDA doon sa Pfizer para sa 12 years old and above noong May 28, 2021.

  • Speaking of vaccines, halos 25 million o 24,990,042 na po ang total vaccines administered natin as of August 9, 2021.

  • Samantala, 11,614,590 ang fully vaccinated na.



Usec. Leopoldo Vega, Treatment Czar:

  • Itong Delta variant e talagang naghahagis na naman ng isang pagkalat ng transmission lalo dito sa NCR.

  • Kung titignan n'yo po 'yong data sa buong Pilipinas, ang Region 1, 2, 3 IV-A, NCR, 6, 7, 10 and 11... at mapapansin po natin na itong mga pag-increase na ito ay within from the last 2-3 weeks.

  • Dito naman sa NCR, ang ating 7 day average ay nasa 600+ pero 'yong ngayon ay umaanot na tayo sa 2,000 plus.

  • Itong pagtaas na ito ang dahilan kung bakit tumataas ang ating healthcare utilization at mapansin po natin sa kabuuan ay nasa threshold na ng moderate risk.

  • Pero sa ICU, may mga hospitals na rin na umabot sa high risk ang kanilang category.

  • Kaya ang ating ECQ dito sa Metro Manila at sa ibang mga lugar ay isang preemptive response para mabawasan natin ang transmission at hindi ma-overwhelm ang ating healthcare capacity.

  • Ang number of calls natin 2 weeks ago nasa 98 to 105 calls per day. Pero ngayong last week of July papasok ng August, tumataas na ang calls namin from 300+.



Benhur Abalos - Chairman, MMDA:

  • Nagkaroon po tayo noong bisperas ng ECQ at ito po 'yong sinasabi na fake news na wala raw ayuda kung walang bakuna.

  • Tignan naman natin ang NCR jabs. Ang katanungan dito ay kaya pa ng 250k? On the average between 2-6 (August) bago mag-ECQ, gumagawa tayo ng 156,000 jabs.

  • Ngunit, kinaya na 'yong 203,000 (jabs) noong August 3 at 204,000 (jabs) noong August 5.

  • 'Yong 250,000 jabs kaya naman basta wala lang technicalities kamukha noong certificate of analysis para dire-diresto po ang supply (ng bakuna) dito.

  • Ang first dose sa NCR ay (umabot na sa) 5,520,353 at ang second dose is about 3,952,912.

  • Sa first dose, 111.29% ang San Juan pero baka magtataka kayo kung bakit sobrang sipag naman kasi kami po sa NCR, ang amin pong polisiya, lahat po ito ng LGU ay hindi lang po namin binabakunahan 'yong residente namin. Lahat ng nagtatrabaho sa lugar namin ay binabakunahan namin.

  • Kagaya sa Mandaluyong, 400,000 lang kami pero ang nagtatrabaho sa amin ay 1.2 million.

  • Sa amin naman sa Mandaluyong, 74.15% na ang nakatanggap ng unang dose habang sa Pateros ay 71.45%.

  • Gusto ko lang din po ipaliwanag itong sa issue sa exercise. Alam n'yo kasi, pinapayagan talaga ang exercise sa labas ng bahay between 6-9 pero nag-usap usap ang mga mayor, ang kaso dati po sa Kalakhang Maynila ay higit kumulang 8,500 at ngayon we are nearing 16,000.

  • Pangalawang rason, napaka-contagious talaga nitong Delta variant. I think we made the right decision, we caught the serpent by its head na (tataas) ngayon (ang kaso)

  • Pangatlo, ang ating mga ospital ay in moderate risk at mayroong iba na critical risk.

  • Itong (mga dahilan) ay na-combine namin ng mga mayors sa aming meeting kahapon...

  • Anyway, 10 araw na lang sa Metro Manila baka pwede tanggalin na rin natin 'yong lalabas ka ng bahay kasi 'di mo rin masabi na mahahawa ka.

  • Inuulit ko po, ito pong sa exercise ay 10 araw lamang (na ipinagbabawal) at sinabi ko po ang mga rason because of the rising cases at of course po sa mga bata.



Francis Zamora - Mayor, San Juan City:

  • Ako po ay natutuwa na ipaalam sa inyo na ang San Juan po ay nakapagbakuna na po ng 147,421 sa kanilang first dose at 98,090 para sa kanilang second dose.

  • Based on the ADB projected population for 2021, nakapag-bakuna na kami ng 106.29% ng aming populasyon. Base sa 2020 PSA census, 111.47% na ang ating nabakunahan ng 2nd dose... nakamit namin yan as of yesterday.

  • Lahat po ng nagtatrabaho sa San Juan ay aming babakunahan basta po kayo ay magparehistro at makipag-ugnayan sa mall management para matulungan kayo mairehistro.

  • Nakumpleto na namin ang aming A3 target. Ang target namin ah 17,834 persons with comorbidities. Ang natapos natin ay 27,221. That means we vaccinated 152.64% of our A3, thus tapos na kami.

  • Umiikot din po ako sa mga barangay para sa pagbabakuna ng mga bedridden na residente.

  • Good news rin po sa San Juan. Handa na po tayo ipamahagi ang ECQ ayuda. Ito po ay P101 million at bukas ng alas-10 ng umaga ay sasamahan po kami ni DILG Usec. Malaya.


Menchie Abalos - Mayor, Mandaluyong City:

  • Sa Mandaluyong po mayroon kaming 27 na barangay at mula po rito ay may 464,467 population po kami.

  • We have deployed a total of 529,687 vaccines as of August 9.

  • Nasa 325,188 out of 464,467 ng populasyon ang nakatanggap na ng kanilang first dose ng COVID-19 vaccine.

  • Pinapayagan din po namin na bakunahan ang mga manggagawa na nagtatrabaho sa lungsod.

  • Mayroon din po tayong call center for mental health needs.



Miguel Ponce - Mayor, Pateros:

  • Kami po ang pinakamaliit sa Metro Manila at nag-iisang municipality.

  • Ang amin po na estimated sa populasyon ay nasa 70,000.

  • Siguro inaasahan ng lahat na kami ang pinakamabilis sa pagbabakuna kaya lang sa amin po sa Pateros ay maliit din po ang resources ng aming nagagamit.

  • Itinaguyod po namin ang bakunahan na ito sa tulong lamang ng 4 na doktor.

  • Sa aming 70,000 na populasyon, ang nababakunahan na po ng first dose ay 51,732.

3 views0 comments
Join our mailing list

Never miss an update

Thanks for submitting!

© 2023 by Artkom Creatives

Proudly created with Wix.com

bottom of page