September 1, 2021
Moderated by Sec. Harry Roque:
Humarap po si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa taumbayan para sa kanyang regular Talk to the People address.
Ipinaliwanag ng Pangulo ang nangyaring procurement noong mga unang buwan ng pandemya.
"When the pandemic started, we had nothing. We had no face mask, personal protective equipment, testing kits, nothing. And the same people criticizing today are the same people telling us last year that we were too slow and we're not prepared."
Sabi pa ni presidente, "In order to quickly address the lack of supplies, the entire government worked together to find a way to procure all these supplies even when all countries in the world were doing the same. The emergency procurement process needed to be resorted to, to get what we needed quickly because people were dying. Ganoon po 'yon. It was for the protection."
Dagdag pa ng Pangulo, "The IATF and the NTF proposed that other agencies assist DOH in the procurement. Iyon nga, OCD and DBM-Procurement Service. Bakit? Hindi nga nila kaya lahat. Hindi nila kaya magbili ng mask pati itong equipment, sila pa ang maghahanap. Wala silang manpower. They would need other departments, other agencies, organs of government to really function. Kung sabihin mo ikaw lang ang departamento, you are not an island by yourself."
Binigyang diin ni presidente (ang) "The process of emergency procurement is consistent with our existing laws such as R.A 9184 and relevant GPPB issuances and other further support of R.A. 11469 or Bayanihan [to Heal as One] Act."
Ano ba ang nakasaad sa R.A 11469 or Bayanihan I? Binigyan ng power ang presidente to undertake procurement of the following as the need arises, in the most expenditious manner, as exemptions from the provisions of Republic Act No. 9184 or the Government Procurement Reform Act and other relevant laws.
Goods which may include personal protective equipment such as gloves, gowns, masks, goggles, face shields; surgical equipment and supplies; laboratory equipment and its reagents; medical equipment and devices...
Ano naman po ang nakasulat sa R.A 9184? Nakasulat po doon na pupwede pong magkaroon ng emergency negotiated procurement.
Pero, bagama't mayroon po niyan, e nag-proceed pa rin po tayo na humingi ng mga quotes para sa mga pinakamurang PPE.
Sa katunayan, pruweba na hindi ito overpriced, magkaano ba ang binili ng Aquino administration?
Dokumento po ito. P1,700 sabi nila overpriced. E ang binili ni Presidente Aquino P3,500. Kailan? September 2015.
Sen. Drilon, please explain — bakit ang mga kakampi mo, doble ang halaga ng binili para sa PPEs sa panahon na wala pang pandemya? Mayroon talagang kumita, hindi sa administrasyong ito.
Punta naman po tayo sa balitang IATF. Inaprubahan ni Presidente ang extension ng travel restriction sa India, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, United Arab Emirates, Oman, Thailand, Malaysia at Indonesia mula ngayong araw, September 1 hanggang September 5.
Sa usaping bakuna naman po. Nasa 33,706,295 na po ang total na vaccines administered.
Nasa 19,747,877 ang mga nakatanggap ng first dose at 14,958,418 ang fully vaccinated.
Inaasahan ang pagdating ng 703,170 doses ng Pfizer.
Dumating naman kagabi ang 15,000 doses ng Sputnik V Component 2 COVID-19 vaccine at 3 million doses ng Sinovac.
Para sa buwan ng Setyembre, ito ang mga inaasahan natin na darating (na mga bakuna) Sinovac, 12 million doses; Pfizer, 5 million doses; Moderna, 2 million doses; AstraZeneca, 1 million doses; Sputnik, 1 million doses; ang donasyon po ay 1 million at galing po sa COVAX facility 3 million doses or 25 million doses (total)
Ayon sa DOH, 80% o 8 sa 10 mga pasyenteng may COVID na nasa ospital sa NCR ay walang bakuna o hindi kumpleto ang bakuna.
Sec. Vince Dizon, Testing Czar:
Balikan po natin ang sitwasyon noong Pebrero at Marso noong 2020. Unang-unang naging hamon sa ating gobyerno ay kung paano i-re-repatriate ang mga Pilipino na manggagaling ng Wuhan, China noong unang sumabog ang COVID-19.
Noong panahon na iyon, maalala po natin na wala tayong isolation facility–wala tayong paglalagyan sa kanila. Wala tayong PPEs at wala po tayong capability of testing.
Para lang mag-test tayo ng COVID-19, pinapadala pa natin ang mga specimen all the way to Australia kasi hindi kakayanin ng RITM ang dami ng mga kailangang i-test.
Ang marching order ng ating Pangulo ay kailangang bilisan ang response. Kailangang bilisan dahil ang mga kababayan natin ay nagkakasakit at namamatay.
Ang marching order ay whole of government approach. Kailangang magtulong-tulong ang lahat ng ahensya ng pamahalaan para bilisan ang... pandemic response.
'Yon ang naging desisyon ng NTF — lahat ng pwedeng makatulong tulad ng OCD, DBM-PS ay kailangan tumulong na at tulungan ang DOH dahil hirap na hirap na po ang DOH no'n.
Sec. Carlito Galvez, Vaccine Czar:
'Yong whole-of-nation approach, sinama namin ang private sector, sinaman po namin ang mga ospital at talagang inevaluate namin lahat.
Nakita namin sa assessment na talagang kailangan tulungan ang DOH.
And then tinignan po namin ang RITM at saka 'yong logistics system na cluster ng DOH at talagang nakita talaga namin na kulang.
Humingi kami ng tulong kay Sec. Lorenzana na kung pwede 'yong warehouse ng DOH mailagay doon sa OCD.
'Yong procurement ng DOH ay limited lang sa mga pangangailangan sa araw-araw.
Humingi rin kami ng tulong sa mga diplomatic corps nung time na yun kung saan tayo pwede makakuha. Talagang makakakuha lang tayo noon sa China, sila ay nagbigay sa atin ng isang airplane ng PPE at nakita namin ang quality.
Usec. Tina Canda, DBM:
Ang PS-DBM ito ang kumabaga expertise kaya noong panahon na 'yon na naghahanap ang DOH kasi andami na nilang inaasikaso during the pandemic, Tinransfer nila 'yong pondo sa PS-DBM, dahil ang PS ang may kakayahan na i-bid out ang mga items na ito.
So ano? DOH lang ba ito? Hindi. Ang rationale kasi ng PS e 'yong mga common use supplies and equipments, diyan talaga binibili ng mga ahensya.
Ang tagabili na in bulk na mga items talagang procurement service ang bumibili para sa buong gobyerno.
Talagang naglilipat ng pondo ang mga ahensya para bumili ng mga items at mayroon ding tindahan ang PS para doon sa mga common use.
Matagal na po 'yang nabubuhay ang PS-DBM. Kung 'di ako nagkakamali, panahon pa ni President Marcos nung na-create ito.
Dr. Edsel Salvana, DOH Technical Advisory Group:
Actually 'yong numbers po na ito ay 'yong expected po natin na tataas talaga ito because we know na 'yong r-naught ng Delta variant is 5 to 8 which it makes 2-3 times more contagious than the original virus.
Kaya tayo nag-lockdown nang maaga nung August is because we expect tatama talaga ang tsunami of cases.
Even if the number of cases is very high, the number of people who will need hospitalization is much lower, 'di mao-overwhelm health system natin.
We just have to stay the course and learn to really live with the virus.
Comments